CHAPTER THIRTY
What's in her nape?
"MAGPAHINGA ka muna, Raiko. Kahit mga ilang araw lang para bumalik agad ang lakas mo." Saad ni Hera habang inaayos ang isang box kung saan nakalagay ang mga gamot na kanyang ipinainom kay Raiko upang mas mapabilis ang pag-recover nito.
"Do i really need to rest? Ayos na ako." Agad naman na nakatanggap ng isang matalim ng tingin si Raiko mula kay Xiyue kaya agad itong nag-iwas ng tingin at binalingan na lamang si Ten na naka-upo sa gilid ng kama at pinagmamasdan ang ginagawa ni Hera.
"Makinig ka na nga lang, Raiko." Sabat ni Xiyue habang masama parin ang mga binibigay nyang tingin kay Raiko na wala ng nagawa pa kundi ang mapabuntong hininga na lamang at sumunod sa sinasabi ni Hera.
"Look at you, Raiko. Si Xiyue lang pala ang makakapagpasunod sa'yo." Naiiling na sabat naman ni Ten bago tumayo sa kanyang pagkaka-upo bago binalingan si Raiko na nakatingin lamang sa kanya gamit ang mga blangkong mga mata.
Alam ni Raiko na nagpapanggap lamang si Ten bilang Renz dahil sa oras na malaman ng lahat lalo na si Mali na nakasunod kay Raiko ang isang sugo ng Diyos ay tiyak na malalaman rin nila ang totoo na mawawala na ang kapangyarihan ni Raiko. At 'yon ang ayaw mangyari ni Raiko lalo pa't alam ng binata kung gaano kahalaga para kay Xiyue ang kanyang kapangyarihan.
"Shut up, Renz." Mahina ngunit may diin bilang banta ang bawat salitang binitawan ni Raiko kay Ten na ikinailing lamang ni Ten bago binalingan si Hera at si Xiyue na nag-uusap.
Lumapit sya sa kinarooonan ng dalawa bago nagsalita.
"Lumabas na muna kayong dalawa, Xiyue. May sasabihin lamang ako kay Raiko." Saad ni Ten kaya naman nagkatinginan si Xiyue at si Hera at kalauna'y sumunod na din sa sinabi ni Ten at lumabas silang dalawa ng kwarto.
Sinigurado ni Ten na nakaalis na si Xiyue at si Hera sa kwarto bago nya nilagyan ng isang Soundproof Spell ang buong kwarto upang makasigurado sya na walang makakarinig sa kanilang pag-uusap ni Raiko.
"There's something bad happening outside the City. Maraming namatay at marami pa ang mamamatay kapag hindi napigilan ang masamang binabalak ni Vier." Pagsisimula ni Ten at naghila ng isang upuan upang doon sya maupo.
Tinitigan ni Ten ang mukha ni Raiko upang makita kung anong reaksyon nito sa mga sinasabi nya, lalo pa't kilala ni Ten si Raiko bilang isang tao na tutulong kahit delikado. Ngunit sa nakikita nya ngayon sa mga mata ni Raiko na tila wala syang pakealam sa mga sinabi ni Ten ay nakaramdam ng kakaunting disappoinment si Ten kay Raiko.
"Why are you telling me this?" Tanong ni Raiko at binalingan si Ten na nakatingin parin sa kanya hanggang ngayon.
"Nang-aasar ka ba, Ten? Alam mong wala na akong kapangyarihan, so why the hell are you telling me this?" Ramdam ni Ten ang inis at galit sa boses ni Raiko kaya naman napabuntong hininga ito at yumuko.
"Hindi ako nang-aasar, Raiko. Sinasabi ko lamang 'to sayo para malaman ko kung anong magiging reaksyon mo, kung gaya ka parin ba nang dati, o nagbago na ang pananaw mo dahil lang mawawala na ang kapangyarihan mo." Nakayukong sagot ni Ten na ikinatigil bahagya ni Raiko.
Tumiim ang bagang ng binata at nag-iwas ng tingin kay Ten noong nag-angat na ito ng mga mata. Hindi tuloy maiwasan ni Raiko na tanungin ang sarili nya kung nagbago ba talaga sya tulad ng sinasabi ng mga kaibigan nya, o hindi dahil wala rin naman syang magagawa kahit gustuhin nya pang tulungan ang mga tao.
"Kahit gustuhin kong tumulong, anong silbi ko kung wala rin naman akong kapangyarihan? Magiging pabigat lamang ako sa mga susugpo ng problemang 'yan sa labas." Malamig na saad ni Raiko na talaga namang ikinailing ni Ten at tumayo.
Ngumiti ng bahagya si Ten at bumuntong hininga, binalingan nya si Raiko na ngayon ay malamig ang mga matang nakatuon sa kanya.
"Maraming paraan, Raiko. Pero kung yun talaga ang gusto mo, ang umupo at manood na lamang sa mga susunod na mangyayari, wala akong magagawa." Pumitik si Ten gamit ang kanyang mga daliri hudyat na tinanggal na nya ang spell sa buong kwarto bago naglakad palabas ng kwarto.
Nakatingin lamang si Raiko kay Ten na naglalakad papalayo sa kanya, hindi na sya nagsalita pa dahil totoo naman ang mga sinabi ni Ten sa kanya. Na mas gugustuhin pa nyang umupo at manood na lamang sa mga susunod na mangyayari kaysa madamay pa sya sa kaguluhang nangyayari sa labas ng City Academy.
Napabuntong hininga si Raiko bago humiga ulit sa kama at nakipagtitigan sa kisame. Ilang minuto rin si Raiko sa ganoong posisyon bago sya bumangon at umupo dahil bumukas ang pintuan at iniluwa noon ang si Xiyue na nakatali na buhok, napangiti agad si Raiko noong sandaling makita nya ang dalaga.
"Kamusta na ang pakiramdam mo, Raiko?" Tanong ni Xiyue na-upo sa tabi ni Raiko, ngumiti naman ang binata bago sumagot sa dalaga.
"Maayos na ang pakiramdam ko," Sagot ni Raiko at isinabit sa tainga ni Xiyue ang mga buhok na hindi nasama sa pagkakatali ng buhok ni Xiyue.
"Do you see Raixon? I have to ask him about what's happening outside the City." Pag-iiba ng topic ni Raiko at hinanap ang kanyang kambal dahil ang kapatid na lamang nya at ang mga kaibigan nya ang pwede nyang sabihan tungkol sa nangyayaring kaguluhan sa labas ng City.
"Si Raixon? Nakita ko syang umalis kanina, kasama nya si Maestra, Westley at si Aron. Nagmamadali pa nga sila eh." Sagot ni Xiyue na ikinakunot naman ng noo ni Raiko, pero kalauna'y pumasok na sa kanyang isipan ang dahilan.
Marahil nakarating na rin kayla Aron ang nangyayaring kaguluhan sa labas ng City, kaya naman dali dali silang nagtungo sa labas upang malaman kung ano ba talaga ang nangyayari. Kaya na nila Raixon 'yan, sa isip isip ni Raiko dahil malaki ang tiwala nya sa kanyang kambal na masusulusyunan agad ito ng mga kaibigan nya.
"Magpahinga ka na, Raiko. Kailangan mong mabawi ang lakas mo para makalabas ka na dito." Ngumiti si Raiko at saka tumango, sinenyasan nya si Xiyue na yumakap sa kanya na agad din naman ginawa ng dalaga.
"Kaya na kaya nila Raixon at Aron 'yon?" Tanong ni Raiko kay Xiyue habang nakayakap parin sya sa dalaga, bahagya namang tumawa si Xiyue at dahan dahang tumango.
"Oo naman. Scalar si Raixon, hindi ba? Katulad ng kapangyarihan mo ay kaya rin nyang kontrolin ang kahit na anong kapangyarihan. Kaya na nila 'yon." Sagot ni Xiyue na ikinabuntong hininga ng binata.
Hindi na nagsalita pa si Raiko at nanatili ang dalawa sa ganoong posisyon ng halos ilang minuto rin bago kumalas ng yakap bigla si Raiko sa dalaga dahil sa nakapa at nakita nya sa batok ng dalaga.
Noong tignan ni Xiyue ang mukha ni Raiko ay nakakunot noo na ito habang nakatingin sa kanya, nawala nanaman ang emosyon sa kanyang mukha kaya naman napasimangot bigla si Raiko.
Did I saw it right? In her nape... If I'm not mistaken, it's... Nag-iwas agad ng tingin si Raiko kay Xiyue at noong akmang hahawakan ng dalaga ang kamay ng binata ay mabilis na iniwas iyon ni Raiko na talaga namang ikinataka ng dalaga.
"What's wrong?" Tanong ni Xiyue na hindi naman sinagot ng binata.
"Leave. Masama ang pakiramdam ko." Malamig na sagot ni Raiko bago tuluyang humiga muli sa kama at nagpikit ng mga mata, nagtataka man ay tumayo parin si Xiyue upang lumabas na sa kwarto.
Nang marinig ni Raiko ang pagsara ng pinto ay kumuyom agad ang kanyang kamao sa ilalim ng kumot at tiim bagang muli na nagpikit ng kanyang mga mata upang pakalmahin ang kanyang sarili.
No. It can't be.
•
Ten or fifteen chapters to go...