下載應用程式
53.65% City Academy #1: Raiko Mihada (COMPLETED) / Chapter 22: Chapter 21

章節 22: Chapter 21

CHAPTER TWENTY ONE

Lost City of J'zaire

Naibaba ni Raiko ang kanyang hawak na libro noong marinig ang sinabi ng kanyang matalik na kaibigan. Agad na nangunot ang noo ni Raiko noong tignan nya si Westley na naka-upo sa lamesa nya.

Nasa lugar silang dalawa na pag-aari ni Raiko, sa labas iyon ny City Academy. Sa lugar na iyon lagi syang tambay. Sa pamamagitan din ni Westley ay nalalaman parin ni Raiko kung anong nangyayari sa loob ng City Academy.

Si Westley kasi ang nagsisilbing mga mata nya noong hindi pa sya pumapasok sa City Academy upang kahit paaano ay malaman nito ang mga nagiging galaw ng mga nasa loob.

"What?" Kunot noong tanong ni Raiko. Nakita rin ni Westley kung paano magtiim ang bagang ni Raiko dahil sa kanyang sinabi.

Itinaas ni Westley ang kanyang paa sa lamesa at itinagilid ang ulo upang mas makita pa ng maayos ang reaksyon ni Raiko. Ngumiti ito bago inulit ang sinabi kanina.

"Kasama si Xiyue na pumunta sa Lost City of J'zaire. Hindi ba, delikado doon?" Lalo lamang naasar si Raiko dahil sa ginawang pag-uulit ni Westley sa kanyang sinabi.

Pumikit muna ito upang makapag-isip ng maayos bago mag-desisyon. Sa mga oras na iyon ay alam ni Raiko na nasa loob na si Xiyue, at hindi nila mahahanap ang Lost City hangga't wala silang kasamang ordinaryong tao.

Kailangang makapag-isip agad si Raiko ng paraan, dahil habang tumatagal na nasa loob si Xiyue ay lalong nagiging delikado para sa mga ordinaryong tao na katulad nya.

"I heard there's an Ajin there?" Hindi sumagot si Raiko sa sinabi ni Westley.

Delikado sa Lost City, lalo pa't nagkaka-gulo doon dahil sa mga rebeldeng tao na hindi namamatay na kung tawagin ay Ajin. Ang puntirya ng mga Ajin ay ang mga walang kapangyarihan, dahil alam nila na mapapadali lamang ang pag-transform ng mga ito sa pagiging Ajin dahil walang kapangyarihang pipigil dito.

"That Old Mila is really getting into my nerves. She's really doing everything para mapahamak si Xiyue,"

"Dahil alam nya na gagawa ka ng paraan para iligtas si Xiyue. Dude, gumagawa sya ng paraan para magkalapit ulit kayo ni Xiyue." Napatigil si Raiko. Alam nya iyon, alam nyang gumagawa na ng mga hakbang ang Maestra upang magkalapit si Xiyue at si Raiko.

Mautak si Maestra. Oras oras siguro ay nagbabago ang mga plano nito kaya kahit na si Raiko na kayang basahin ang mga iniisip ng tao ay walang ideya kung anong susunod na plano ni Maestra.

Tumayo si Raiko at tumingin muna sa kanyang orasan bago muling balingan si Westley na ngayon ay nakatayo na sa kanyang likod.

"What are you planning to do?"

"Kakausapin ko si Aron at susunod kaming dalawa don." Sagot ni Raiko na talaga namang nagpangiti kay Westley ng abot tainga.

Tinuro turo nito ang kanyang sarili bago kumikislap ang mga matang nakatingin kay Raiko. Dahil sa inaasta ni Westley ay hindi maiwasang hindi mapangisi ni Raiko.

"Stay here, West. Train them at kapag hindi sila pumayag, sue them." Pagtukoy ni Raiko sa mga Level 2 pababa. Bumagsak ang dalawang balikat ni Westley sa sinabi na iyon ni Raiko.

Pero wala syang magagawa dahil nakagawa na ng desisyon si Raiko. At alam nya na kapag si Raiko na ang nagdesisyon, wala ng bawian iyon. Gagawin nya kung anong sinasabi nya.

Muling tumingin si Raiko sa kanyang relos bago tinanggal iyon, tinanggal rin nya ang iba pang mga gamit na maaaring makapag-pigil sa pagpapalabas nya ng kanyang kapangyarihan.

"I'll be back. Be ready 'cause i know, Xieke is planning something already." Tamad na tango lamang ng isinagot ni Westley bago tuluyang tumalon si Raiko sa Veranda.

Pabagsak na lamang na umupo sa sofa si Westley at tinignan ang buong paligid bago ipinikit ang mga mata. Mamaya na lamang ito magt-training dahil buong araw na ito nag-train keyla Pei.

Madali na lamang kay Westley ang mag-training at kontrolin ang mga sakop ng kapangyarihan nya, dahil kapag may bakanteng oras si Raiko ay siya ang nagt-training kay Westley.

-

"Aron, humanda ka at susunod tayo sa Lost City." Bungad ni Raiko kay Aron na napa-balikwas mula sa kanyang pagkakahiga.

"Lost City? Ano namang gagawin natin dyan?" Tanong ni Aron habang kumukuha ng damit na kanyang susuotin.

Level 5 parin si Aron. Habang si Raiko---ay isang Level 5 at tinuturing na isang top ranked villain kung sa buong City Academy, maski sa labas at sa ibang lugar ay sya ang nangunguna.

Hindi sumagot si Raiko, hindi na rin naman nagtanong o nangulit si Aron dahil 'tila may itim na aura ang bumabalot ngayon kay Raiko. Kung titignan ay parang handa ng pumatay ng tao si Raiko.

"Chill, Rai. Mamaya mo na ibuhos 'yung galit mo." Natatawang saad ni Aron habang naglalakad na sila patungong Veranda ng kuwarto nya.

"Paano nga pala natin mahahanap yung Lost City?" Napatigil si Raiko at tinignan lamang si Aron na tumalon na mula sa Veranda.

Lumutang na ito kaya naman napangiti ng mala-demonyo si Raiko bago tumalon. Naririnig nya ang pagtawag ni Aron sa kanya mula sa itaas, dahil hindi parin sya lumulutang sa ere. Pinapabayaan nya lamang ang katawan nyang mahulog at sa sandaling ilang espasyo na lamang ang pagitan ng katawan nya sa lupa ay doon na lumutang ang katawan nya.

"Damn, Rai!" Inis na sabi ni Aron habang hinahabol sa himpapawid si Raiko na nauuna na ngayon.

Buong akala ni Aron ay hindi na lulutang o magagawa ni Raiko na kontrolin ang kapangyarihan nya.

"'Yung tanong mo kanina, Aron. You really don't know what's the use of my ability." Nakangising saad ni Raiko at tumingin sa kalangitan na ngayon ay dumidilim na.

Samantalang, habang hinahanap nila Raiko at Aron ang Lost City, lalo lamang naging Delikado para kay Xiyue kung tatagal pa sya doon. Nagsimula na kasing maglabasan ang mga kalaban nila, at hindi alam ni Xiyue kung anong gagawin nya.

"Stay in the back, kaya na namin 'to." Agad na sumunod si Xiyue at hinila si Nia patungo sa likod nila Evan.

"Fvck this shits, ang dudugyot!" Nagpa-ulan ng mga bato si Azura ngunit parang wala lamang iyon sa mga Ajin na nasa kanilang harapan.

Nag-cast naman ng isang makapangyarihang spell si Senoir. Isang spell na kayang gawing bato ang kahit na sino. Itinapat nya sa mga Ajin ang kanyang palad bago banggitin ni Senoir ang mga spell na pinagsama-sama nya.

"Senoir, you are such a hero." Malakas na pagpuri ni Azura kay Senoir. Hindi sumagot si Senoir at nag-focus na lamang sa mga Ajin na paparating.

Masyadong naka-focus sina Evan sa mga kalaban at halos makalimutan na nila na may dalawa silang kasama na walang kapangyarihan na kailangan nilang protektahan.

Naramdaman ni Xiyue ang panginginig ng kamay ni Nia na hawak nya. Hinigpitan ni Xiyue ang pagkakahawak nito sa kamay ni Nia.

"Xiyue, they want us." Nanginginig na saad ni Nia na nagpakunot ng noo ni Xiyue.

"What?"

"They want us! Papatayin nila tayo, gagawin nila tayong katulad nila!" Napaawang ang labi ni Xiyue sa sinabi ni Nia.

Binitawan ni Nia ang kamay ni Xiyue at agad na nagtatakbo papalayo sa kanila. Noong marealize ni Xiyue ang ginawa ni Nia, agad nya itong sinundan.

Panay ang tawag ni Xiyue sa pangalan ni Nia dahil nawala na ito agad sa kanyang paningin, nilibot nya ang kanyang mga mata at nakita sa kanyang kaliwa ang isang Ajin na papalapit sa kanya. Napalunok si Xiyue at agad na kumalabog ang dibdib sa sobrang kaba't takot na nararamdaman.

Tumingin sa likod si Xiyue at nakita na hindi pa sya masyadong nakakalayo keyla Evan. Kung sisigaw sya ay sigurado ni Xiyue na maririnig sya ng mga ito, pero ang hindi sigurado ni Xiyue ay kung tutulungan sya ng mga ito dahil sobrang daming Ajin ang nandoon.

Tahimik na lamang na nagdasal si Xiyue na sana ay may makakita sa kanya at tulungan sya. Pilit nyang inaalala ang mga kinabisa nyang mga spell pero pinangunguhana ito ng takot. Wala ng pumapasok sa isipan ni Xiyue.

"Mortal ka, sumama ka sa amin at hindi ka mamamatay." Naramdaman ni Xiyue ang panlalamig nya kasabay ng pag-init ng magkabila nyang mga mata.

Tumulo ang luha ni Xiyue noong makita na naglabas ng baril ang Ajin at nakangisi ng mala-demonyo sa kanya. Nag-uunahan ang mga luha ni Xiyue noong itinutok ng Ajin ang nguso ng baril sa kanya.

Umiling iling si Xiyue na 'tila nagmamakaawa na huwag ipuputok ang baril sa kanya.

"N-No, no, please.." naging itim ang mga mata ng Ajin at ikinasa ang baril.

Parang nagkaroon ng sariling isip ang katawan ni Xiyue at bigla na lamang nyang sinugod ang Ajin. Pinilit nitong agawin ang baril na hawak ng Ajin, pero dahil mas malakas ang Ajin kaysa kay Xiyue ay hindi magawa ni Xiyue na agawin ang baril.

Napatingin sila Evan sa kinaroroonan ni Xiyue noong makarinig sila ng isang malakas ng putok ng baril.

"Shit." Pagmumura ni Evan noong hinanap ng mga mata nya si Xiyue at si Nia pero hindi nya makita ang mga ito sa likod nya.

Tumingin si Evan sa harapan nya at nakitang parami ng parami ang mga Ajin na sumusugod sa kanila. Hindi nya magagawang iligtas si Xiyue sa mga oras na iyon dahil sa sobrang daming Ajin.

"Xiyue!" Umiiyak na sigaw ni Nia. Nasa likod na ni Evan si Nia at nakatingin sa direksyon ni Xiyue.

Napa-upo si Xiyue nang bigla na lamang may humampas sa kanyang likod. Noong makita kung sino ay agad na nanlaki ang mga mata ni Xiyue.

Buong buo ang Ajin na nabaril nya kanina. Walang sugat o galos mula sa pagkakatama ng baril sa kanyang ulo. Napapa-atras na lamang si Xiyue pero agad na hinila ng Ajin ang paa nito para hindi na makalayo pa.

Napapasigaw si Xiyue noong daganan ng Ajin ang mga paa nya at dahan dahang hinugot ang baril sa tagiliran nya.

Napapa-iyak na lamang si Xiyue. Pilit syang kumakawala pero masyadong malakas ang Ajin na naka-dagan sa kanya.

Sa pag-iyak ni Xiyue at paglakbay ng kamay nito upang maghanap ng bagay na pwedeng gawing armas ay sa wakas, may nahawakan syang Bato. Agad na dinampot ni Xiyue ang bato at walang ano ano'y pinalo nya ng malakas ang ulo ng Ajin dahilan ng pagbitaw nito sa baril.

Kinuha ni Xiyue ang tyansang iyon at agad nyang tinulak ang Ajin papalayo sa kanya. Noong makawala si Xiyue ay hindi tinigilan ni Xiyue ang pagpalo sa ulo ng Ajin. 'Tila galit na galit si Xiyue sa sobrang lakas ng mga binibigay nyang pagpalo.

Noong maubusan ng lakas ay gumapang si Xiyue upang makuha ang baril na nabitawan ng Ajin kanina. Mabilis ang paghinga ni Xiyue bago nya tinutok ang nguso ng baril sa Ajin. Ipinikit nya ang mata nya bago iputok ang baril.

Hindi na nya alam kung anong parte ng katawan ng Ajin ang natatamaan nya, basta na lamang nyang ipinuputok ang baril habang panay pagtulo ang luha nya.

"Xiyue! Shit." Nabitawan nya ang baril at napatingin sa mga kasamahan nyang agad na dumalo sa kanya.

Nanlalabo ang paningin ni Xiyue na tumayo, pero agad din namang natumba at nawalan ng malay. Buti na lamang ay nasalo sya ni Evan na agad syang binuhat.

"Sa tingin ko, kailangan nating umatras. We can't risk her life. Siguradong papatayin ako ni Raiko nito." Saad ni Evan at tinignan ang walang malay na si Xiyue sa mga bisig nya.

"Meron pala tayong espesyal na mga bisita. At talagang kasama nyo pa ang Top Ranked Villain." Napatingin ng sabay sabay ang lahat sa kakarating lamang na matanda.

Napaatras ang lahat noong lumapit pa lalo ang matanda. Hahawakan na sana nito ang walang malay na si Xiyue noong mapahinto ang mga kamay nito sa ere noong magsalita ang hindi nila inaasahang makikita nila sa loob ng Lost City.

"Don't touch her you fvcking old man, or else I'll kill you using my own hands without hesitations." Malamig ang boses ni Raiko noong bitawan nya ang mga salita na iyon.

Noong tumingin si Evan kay Raiko ay nanuyo ang lalamunan nito sa sobrang itim ng aurang binibigay ng isang Raiko Mihada.

Kukunin na sana ni Aron si Xiyue sa mga kamay ni Evan noong mapahinto si Aron noong marinig ang mumunting bulong ni Xiyue. Tumingin si Aron kay Raiko na agad nyang sinenyasan na si Raiko na ang bumuhat kay Xiyue.

Galit man si Raiko ay agad nawala ang mga iyon noong sandaling binuhat nya na si Xiyue. Nanlambot ang mga mata ni Raiko noong marinig ang mga mahihinang bulong ni Xiyue.

"Raiko, please help me." Nakita ni Raiko ang pagtulo ng luha ni Xiyue.

Bumuntong hininga si Raiko bago pumikit. Nagagalit sya. Hindi sa mga kasama ni Xiyue kundi sa sarili nya. At alam nyang masama iyon, dapat ay hindi nya maramdaman ang emosyon na iyon. Lalo pa't kasama nya si Xiyue.

Kailangan nyang kontrolin ang emosyon nya, kailangan nyang kontrolin iyon kung hindi, sigurado syang mapapahamak ang lahat ng nandoon. Ayaw na nyang maulit ang nangyari noon, hindi na nya kakayanin pa ang bigat kung mauulit muli ang aksidente noon.


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C22
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄