CHAPTER THIRTEEN
Change of plans?
Huminto si Raiko sa paglalakad, dahilan ng paghinto rin ni Xiyue. Nakatingin lamang si Xiyue kay Raiko na nakatalikod kay Xiyue, hindi ito humaharap. Napanguso na lamang si Xiyue nang magsimula na ulit maglakad si Raiko ng hindi man lang binibigyan ng kahit isang sulyap si Xiyue.
Ramdam naman ni Raiko na tila may nakasunod sa kanya, at alam nito kung sino iyon. Lihim na napangiti si Raiko, at palihim rin syang lumingon kay Xiyue na nakasunod lamang sa kanyang likod.
Bumuntong hininga naman si Xiyue at sumunod na lamang kay Raiko.
Natatawa man si Xiyue dahil sa inaasta nya ngayon, para syang stalker ni Raiko. Nakasunod lamang kasi si Xiyue kay Raiko, pero alam ni Xiyue na may alam ang lalaking sinundan nya na nasa likod sya nito at nakasunod.
Gusto sanag yayain ni Xiyue kanina mag-dinnersi Raiko, pero naunahan sya nito at agad na tumayo para umalis. Kaya hindi na nagawa pang maimbitahan ni Xiyue si Raiko na mag-dinner. Kaya ngayon, sa kagustuhan nitong makasama si Raiko kumain ay hinahabol-habol nya ito ngayon.
Sa hindi kasi malaman na dahilan ni Xiyue ay nakakaramdam ito ng tila may kulang sa kanyang pagkatao, at kapag kasama nito si Raiko o kahit nasa paligid lamang nya si Raiko ay tila napupunan iyon. Ngunit tila lalo lamang bumibigat ang kanyang pakiramdam. Nagsisimula na tuloy magtaka si Xiyue kung parte ba si Raiko ng nakaraan nito at kung bakit hindi nito maalala.
"Why are you following me?" Napakurap kurap ang mga mata ni Xiyue nang sandaling huminto si Raiko at nagtanong.
Napalunok si Xiyue at nagsimulang kabahan ito. Naghaharumintado ang kanyang puso na tila gusto na nitong lumabas sa kanyang dibdib. Samantalang, si Raiko naman ay kalmado lamang at pinakikiramdaman si Xiyue. Kusang tumaas ang gilid ng labi ni Raiko.
Ano ba, Xiyue? Kumalma ka nga!
Pagpapakalma ni Xiyue sa kanyang sarili bago tumikhim upang lunukin ang tila nakabara sa kanyang lalamunan bago sumagot.
"Hindi kita sinusundan." Pagsisinungaling nito. Napanguso si Xiyue dahil hindi man lang humaharap si Raiko sa kanyang direksyon. Nakatalikod parin ito at nakikiramdam kay Xiyue.
Sabi ko na nga ba, alam nyang naka-sunod ako sa kanya kanina pa.
Napansin ni Xiyue ang bahagyang pag-angat ng magkabilang balikat ni Raiko na tila humugot ito ng malalim na paghinga upag pigilan ang kung anong maari nyang gawin. Lalo lamang napanguso si Xiyue dahil sa nakita nito.
"Really,huh?" Rumehistro sa isipan ni Xiyue ang mukha ni Raiko naka-ngisi sa kanya nang sandaling sabihin nito ang katagang iyon.
Napayuko si Xiyue.
Bakit ko nga ba kasi sinusundan ang lalaking to? Tanong ni Xiyue sa kanyang sarili habang nakatingin sa kanyang mga paa.
Gusto ko lang naman syang yayaing kumain ng dinner, pero bakit ganito sya? Parang sobrang iwas sya sa akin. Bakit?
"You're avoiding me." Hindi alam ni Xiyue kung saan nito nakuha ang mga katagang iyon. Bigla na lamang lumabas ang katagang iyon na tila may sariling isip ang kanyang bibig.
Buong akala ni Xiyue ay itatanggi at magdadahilan si Raiko sa kanya sa paratang na iyon ni Xiyue sa kanya, ngunit napaangat na lamang ang mga mata ni Xiyue nang makita nito mula sa peripheral vision nito ang pagharap ni Raiko sa kanya.
Ganon parin ang mga mata ni Raiko sa sandaling mapadako ang mga mata ni Xiyue dito, wala paring makitang kahit na anong emosyon.
"Oh, yes. I'm avoiding you, so do me a favor, stay away from me and don't make it hard for me." Diretsong saad ni Raiko kay Xiyue na tila walang pakealam sa nararamdaman ng babaeng kausap nya.
Pinigilan ni Raiko ang kagustuhang bawiin ang mga salitang binitawan nya kay Xiyue noong makita nito ang naging reaksyon ni Xiyue.
Hindi naman agad nakabawi si Xiyue dahil sa sinabing iyon ni Raiko sa kanya. Nakatulala lamang ito sa walang kaemo-emosyong mga mata ni Raiko. Nakagat na lamang ni Xiyue ang kanyang ibabang labi.
Bakit ba parang ang laki ng kasalanang ginawa ko sa kanya? At ganito sya makitungo sa akin?
"Stay away from me."
Tila sirang plaka ang boses ni Raiko na paulit-ulit sa utak ni Xiyue. Ilang beses na ba syang sinabihan ni Raiko na lumayo sa dito?
Noong hindi na nakapagpigil si Raiko ay agad tumalikod na it
to at nagsimulang maglakad papalayo kay Xiyue. Nakatingin lamang si Xiyue sa kanya habang unti-unti na nawawala sa kanyang paningin ang bulto ni Raiko.
Nakaramdam si Xiyue ng kakaibang sakit sa kanyang dibdib nang sandaling mawala ito sa kanyang paningin. Sakit na hindi alam ni Xiyue ang dahilan at kung bakit.
Why, Raiko? Bakit kung ituring mo ako at palayuin ako sayo, para akong may nakakahawang sakit?
-
"I THINK I CAN'T DO THIS ANYMORE, Aron." Matabang na saad ni Raiko at sumimsim sa baso na naglalaman ng isang mamahaling brand ng wine.
Nasasaktan ko na ang babaeng mahal ko dahil sa pagiging selfish ko. Dugtong pa nito sa kanyang isipan at hindi nakuntento sa pakonti-konting pagsimsim sa wine. Ininom nya iyon ng isang lagukan lamang.
Bumuntong hininga naman si Aron at dinaluhan si Raiko sa mahabang sofa, pabagsak na na-upo ito sa tabi ni Raiko at tinaas ang magkabilang paa sa lamesa. May hawak rin itong baso ng wine katulad ni Raiko, at sumimsim doon pakonti konti.
"So, change of plans?" Tanong ni Aron kay Raiko na natigilan. Nagsalin ito ng panibagong wine at uminom doon ng konti bago paglaruan ang kakaonting natira sa kanyang baso.
Do i have to change my plans now? That fast? Pagtatanong ni Raiko sa kanyang sarili dahil hindi ito makapag-isip ng maayos ngayon.
Okupado ng kung ano anong bagay ang kanyang isipan, dagdag pa ang pagkabagabag sa kanya ng reaksyon ni Xiyue kanina sa mga binitawa nyang kataga rito.
"No." Maikling sagot ni Raiko bago ibinaba ang baso at sumandal sa sofa.
"No? What do you mean?"
"Just do what i said to you. Plantyado na ang plano natin, so why do we have to change our plans?" Sagot ni Raiko kaya naman tumango si Aron. Uminom it ng wine bago umupo ng maayos at ibinaba ang hawak nitong baso.
"Sabagay, konti nalang. Iniisip ko lang kasi na baka nahihirapan ka ng tabuyin ng paulit-ulit si Xiyue. I'll tell this to you, Raiko. The brain may forget everything, but the heart won't." Natigilan si Raiko ng panandalian dahil sa sinabi na iyon ni Aron sa kanya.
Bumuntong hininga si Aron at tumayo, tinapik-tapik nito ang kanyang balikat bago naglakad papalabas ng kwartong iyon ni Raiko. Nakatingin lamang ito kay Aron na papalabas na at hindi na nakapagsalita pa dahil alam naman nito na may katotohanan ang bawat binitawang salita ni Aron sa kanya.
Umiling si Raiko at pabagsak na inihiga ang sariling katawan sa mahabang sofa.
I know. At kahit maalala mo ulit lahat, hindi ako magdadalawang isip na burahin ulit ang alaala mo.
-
LUMIPAS ang ilang araw, hindi na nakita pa ni Xiyue si Raiko. Hindi na naman kasi nagparamdam si Raiko sa kanya, nawala tuloy ang plano ni Xiyue na makipag-dinner man lang kay Raiko. Pero kahit na hindi nagpaparamdam si Raiko kay Xiyue ay hindi parin nawawala ang kagustuhan nitong makilala binata.
Sinabihan at binalaan na sya ni Raiko na lumayo sa kanya, pero dahil si Xiyue ay si Xiyue Sy, hindi nito susundin ang kahit na anong ipag-utos sa kanya. Napag-desisyunan ni Xiyue na hindi sya lalayo kay Raiko hanggat wala itong nahahanap na kahit na ano kung sino ba talaga si Raiko sa buhay nya.
"Xiyue, pinapatawag ka ni Maestra." Napatingin si Xiyue kay Cuin nang kalabitin sya nito. May lollipop si Cuin sa kanyang bibig na ninunutnot nito.
"Bakit daw?" Tanong ni Xiyue nang magsimula na silang maglakad patungo sa opisina ni Maestra.
"Kakamustahin ka 'ata." Hindi siguradong sagot ni Cuin kay Xiyue at nag-shrug. Napa-isip naman si Xiyue.
Ano naman kayang kailangan sa akin ni Maestra? Parang nang isang araw lang nang huli kaming nagkita, pinapatawag nanaman nya ako.
"Sige na, Xiyue. Pumasok ka na sa loob." Tinanguan na lamang nya si Cuin dahil abala si Xiyue sa pag-iisip sa maaaring kailangan sa kanya ni Maestra.
Iniisip isip nito kung may kasalanan ba itong nagawa? May nalabag ba syang batas ng C.A?
Huminga ng malalim si Xiyue bago nito binuksan ang malaking pintuan na pagitan nilang dalawa ni Maestra. Nang sandaling mabuksan na iyon ay nakita agad ni Xiyue si Maestra na naka-upo sa swivel chair. Nakatalikod ito sa kanya, kaya hindi nito makita ang mukha ni Maestra.
Sinarado na ni Xiyue ang pintuan at tumingin sa nagsisilbing hagdan upang makaakyat sa mataas na parte ng lagayan ng libro. Baka kasi may hologram nanaman, at atakihin na si Xiyue sa puso ng wala oras.
"Xiyue, ijah. Nandito ka na pala." Ngumiti si Xiyue kay Maestra ng pilit bago naglakad patungo sa harapan nitong upuan nang walang nakitang hologram si Xiyue.
Ngumiti naman si Maestra at saka pinagsalikop ang magkabilang palad sa harapan nito. Tumingin si Xiyue sa kanya, dahil seryoso ito.
"Pinatawag kita dahil may gusto akong hingiing pabor sa iyo." Napakurap kurap ng ilang beses si Xiyue dahil sa narnig.
Tama ba ang narinig ko? Pabor daw? Tanong ni Xiyue sa kanyang isipan dahil baka mamaya ay namali lamang ito ng dinig.
"Do me a favor, stay away from me and don't make it hard for me."
Napasimangot si Xiyue nang marinig nito ang boses ni Raiko sa usipan nya na tila pinapaalala na huwag na huwag na syang lalapit dito.
Huwag mong sabihing hihingin din ni Maestra na iwasan ko si Raiko? Ano ba silang dalawa, magkasabwat para layuan ko si Raiko? Aba!
"A-ano pong klaseng pabor?" Mahinang tanong ni Xiyue. Kailangan muna nitong kumpirmahin kung iyon ba ang pabor na hinihingi ni Maestra sa kanya bago sya mag-isip ng kung ano ano.
At kung sakaling iyon nga... Hindi nito susundin. Hindi gagawin ni Xiyue. Kailangan nitong mapalapit kay Raiko para malaman nito kung ano ba talaga si Raiko sa buhay nito. Nakakaramdam rin si Xiyue na tila konektado ang panaginip nya kay Raiko, ngunit hindi pa nito sigurado.
"Nalalapit na ang botohan at pagpili ng mga estudyante para sa susunod na Presidente ng buong City. At ang tanging natitirang Level 5 na pwedeng lumaban at maprotektahan ang buong City ay walang iba kundi si Raiko Mihada." Nangunot ang noo ni Xiyue.
Bakit hindi naman nasagot ang tanong ko? At anong gagawin ko kay Raiko? Iiwasan?
"I want Raiko Mihada..." Napaawang ang labi ni Xiyue sa sinabi ni Maestra. Napalunok ito.
Ano daw? Gusto nya si Raiko? Aba'y child abuse si Maestra!
"T-teka po, bata pa--" magsasalita pa sana si Xiyue upang sitahin si Maestra noong putulin ni Maestra ang kanyang pagsasalita upang madagdagan ang sinabi nito kanina.
"I want Raiko Mihada to be the next President of City Academy. At mangyayari lang yon kung tutulungan mo akong kumbinsihin sya." Natikom agad ni Xiyue ang kayang bibig nang marinig ang dinugtong ni Maestra sa kanyang huling sinabi.
Ay. Ibang gusto naman pala ang tinutukoy nya. Ano ba naman kasing pumasok sa kukote ko at naisip ko na may gusto si Maestra sa isang masungit at snob na lalaking yon? Sermon ni Xiyue sa kanyang sarili dahil kung ano ano ng naiisip nya ngayon.
Pero teka, ano daw? Tutulungan ko syang kumbinsihin si Raiko na maging next President ng City Academy? Hindi ko sya lalayuan? Napangiti si Xiyue.
Mas magiging malapit ito Raiko sa pabor na hinihingi ni Maestra.
Naisip ni Xiyue na kung tatanggapin nya ang pabor na iyon ay Chance na nya iyon na mapalapit kay Raiko, sasayangin pa ba nya ito?
-
"XIYUE! Shocks, buti nalang napatawag ka. Marami akong gustong itanong sayo, at kailangan mong sagutin lahat ng 'yon." Napabuga ng hangin si Xiyue noong marinig ang boses ng kanyang nag-iisang kaibigan sa mundo ng mga mortal na tao.
Tumawag sya dito dahil alam nitong nag-aalala na ito sa kanya dahil sa biglaan nitong pag-alis at paglipat ng eskuwelahan na papasukan nito. At bukod pa doon, may gusto syang itanong kay Cali tungkol sa pagkatao nya.
"Farrah, sorry kung bigla akong nawala dyan. Biglaan lang din naman kasi 'to, hindi na ako nakapagpaalam dahil may sumundo na sa akin. Sorry talaga," paumanhin ni Xiyue sa kanyang kaibigan na kausap nya sa kabilang linya.
Maririnig naman ang pagbuntong hininga ng kanyang kaibigan mula sa kabilang linya.
"Ayos lang 'yon, napaliwanag na sa akin ni Cali ang lahat. Sinabi nya sa akin na malaking opportunity na raw ang nag-iintay sayo dyan sa eskuwelahan na 'yan, kilala kita kaya alam kong hindi mo sasayangin yan kaya napatawad na kita." Sagot ni Farrah mula sa kabilang linya.
Medyo nakahinga naman ng maluwag si Xiyue dahil sa sinabi na iyon ng kaibigan nya sa kanya. Nahiga ito sa kama nito at saka nakipagtitigan sa kisame ng kanyang kwarto.
"Salamat sa pag-intindi sa akin, Farrah. Sya nga pala, nandyan ba si Cali? Pwedeng paka-usap? May itatanong lang kasi ako tungkol sa akin." Katahimikan ang naging sagot ng kausap ni Xiyue sa kabilang linya.
Pero maririnig mula dito ay ang pagtatawag ng kanyang kaibigan sa pangalang Cali. Nag-intay si Xiyue dahil mahalaga ang mga tanong na kailangang mabigyan ng sagot ngayon ang nasa kanyang isipan.
At alam ni Xiyue na hindi sya papatulugin ng mga katanungan na iyon hanggat wala syang sagot na nakukuha.
"Xiyue? Gusto mo raw akong maka-usap?" Isang malamig na boses babae ang narinig ni Xiyue mula sa kabilang linya.
Kusa namang napangiti si Xiyue noong marinig ang boses ng tinuturing nyang kapatid.
"Cali, gusto ko lang sanang magtanong." Pag-uumpisa ni Xiyue at walang sumagot sa kabilang linya.
Huminga ito ng malalim bago sunod sunod na binato ang mga katanungan sa kanyang isipan.
"Saan ba ako nanggaling noong makita mo ako? May alam ka kahit konti tungkol sa pagkatao ko? May lalaki ba akong kasama noon?" Sunod sunod na tanong nito. Isang buntong hininga ang naging sagot sa kanya ni Cali sa kabilang linya.
"Bakit wala akong maalala?"
•