下載應用程式
34% He's My Dream Boy (Completed) / Chapter 34: Chapter 34: Inggit

章節 34: Chapter 34: Inggit

Dumating sina Ate, gabi na. Halos sabay pa sila kaya nagulat sila ng makita ang mga bisita. Di ko man lang alam na nag out of town pala ang dalawa kaya di ko sila makontak. Duon ko nasagot ang tanong ko kaninang umaga kung bakit ako pa ang inutusan mamili. Ayun pala. Gumalang, di na naman nagpaalam. Gigil ang ngipin ni Mama sa kanila. Nakita ko pa kung paano lihim na kurutin sa singit ni Mama si Ate Kio. Mga lakwatsera! Di man lang nagyayaya.

"Talaga po Tito?. Anak nyo po yang gwapong nilalang na yan?." walang bakas pa ng hiya si Ate Ken na nagtanong kay Tito. Kailan pa sya makipag-usap ng ganyan sa mga bisita?. May di ba ako alam?. Jusko!. Sa iisang mundo lang naman kami nakatira pero bakit pakiramdam ko, tumira ako sa kabilang mundo at ngayon lang nakabalik sa piling ng mg tao?. Hay...

"Hmmm.. hindi ko ba kamukha?. hahaha.." biro din nito kay ate dahilan para humagalpak ito.

"Kaya pala nung nakita ko syang kasama ng kapatid ko, naitanong ko sarili ko. Nagkita na ba kami?. Iyon pala, anak mo po. hahaha.."

Close kayo te?. Kwento naman dyan oh.

"Hindi ka na kilala ng batang to?." turo nito sa anak. Mabilis umiling si Ate.

"Di na po. Gusto ko nga po sanang magtampo kaso baka may magtampo e. Hahaha.. kaya tinignan ko nalang po sya. Pinapanood bawat galaw nya. Hahaha.."

"Ikaw talaga. Hanggang ngayon, bibo pa rin." puri naman nito. Aba. Gustong gusto yan ng Ate. Kaya pala close sila. "Gusto ko yang pagiging madaldal mo Kendra.." dagdag pa nya.

"Naku po Tito. Di lang po ako ang madaldal dito. Isa yan po." turo nya kay Ate Kio. "Mas lalo naman po yan." huling tukoy nya sakin. "Mahiyain lang po yan sa umpisa pero ang totoo, mas maingay po yan kaysa sakin, saka lang magsasalita pag alam nyang di ka manloloko. Hahaha.."

"Ate naman?." nguso ko sa kanya. Tinarayan lang din ako.

"Interesting.." tatango tangong nginitian nya ako kasama pa ng maliit na pagngiti ng manipis nitong labi.

Ilang sandali. Nagpaalam ako sa kanila para maligo at magpalit. Nilalagkit na ako.

"Ganda naman ng view dito.." pagkalabas ko ay dinig kong may nagsalita sa may likod ko. Takot ang nanguna sa akin. Muntik na akong tumakbo pababa kung di ko lang sya nabosesan.

"Wala bang ganyan sa inyo?." nilingon nya ako ng tanungin ko to. Nilapitan ko sya kahit di naman sana. "Mas malaki at magarbo ang bahay nyo kaya mas maganda ang view doon.." puri ko pa. Iyon naman ang totoo. Imposibleng walang maganda sa bahay nila.

"Akala mo lang yun." may lungkot akong naramdaman ng sabihin nya to.

Bakit ang lungkot nya?. Di ba dapat masaya sya dahil halos mansyon na ang bahay na tinitirhan nya?. May mga guards pa?. Buhay Prinsipe sya doon. Anong kulang?.

"Bakit, wala ba?." pangungulit ko. Tinignan nya ako. Matagal. Kaya bigla akong nailang. Di pa naman ako nagsuklay. Jusko!.

"Parang ganun na rin." natanaw ko ang lungkot sa pagkislap ng kanyang mata.

Nginitian ko sya. Di ko alam bakit. "Alam mo. Appreciate what you have. Kung may kulang man. Wag mo ng hanapin. Piliin mong punan ito gamit ng mga bagay na meron ka, na wala sa iba."

"Katulad mo ba?." agad tumirik ang mata ko sa kanya.

"Hindi. Katulad ng Daddy mo." nag-iwas agad sya ng tingin at sa malayo na naman tumingin.

"Si Daddy?. Wala syang katulad. Lahat ginagawa nya samin ni Mommy. Pero si Mommy?. Hindi ko maintindihan kung ano pang kulang sa kanya."

Bakit?. I want to ask pero masyado na yatang pribado iyon.

"Malay mo naman, nag-eenjoy lang?." biro ko lang sana pero sineryoso nya ito.

"Nag-eenjoy nga sya. Halos di na nga umuwi sa bahay tapos gagawa pa ng kung anu-ano.. Tsk.."

"Hay naku Master.. E di kung ganun. Hayaan mo lang sya sa ginagawa nya. Basta alam mo sa sarili mo kung ano ang tama at mali. Sa dapat at hinde. Malaki ka na at may isip na. Wag mong hayaan na malunod ka nalang basta, kakaisip sa bagay na wala pa." sinilip ko sya dahil parang paiyak na to. Hinila ko pa nga ng bahagya ang kanyang pisngi para ngumiti. Nagtagumpay naman ako. Hinawakan nya pa nga kamay ko.

"Sa bahay ka nalang kaya tumira?. Para may magandang view naman akong makita.."

"Heh!. Asa ka.. paano naman dito?. Ayoko nga!. Ma-stress pa ako sa'yo eh."

"Hahaha..ang bilis naman tumanggi. Di man lang sinakyan.."

"Paano ko naman sasakyan e, ayoko nga. Tapos.."

"Hahahahaha.." tawa nya. Hanggang sa pagbaba ng hagdan ay natatawa pa rin ito.

"Good evening po Tito.." nakangiti itong bumati kay Papa.

"Kamusta na hijo?." si Papa. Nakapalit na ito ng pambahay. Kanina pa sya nakauwi?. Talaga?.

"Ayos naman po Tito. Di ko po alam na magkaibigan po pala kayo ni Daddy. Hehehe.."

"Hmmm... di ko nasabi sa'yo noon dahil kulang oras ko hijo. Pasensya na." hinging paumanhin pa ni Papa.

"As he is.." ani Tito. Ang sabi nya. Lagi daw walang oras si Papa na mag-enjoy. Puro trabaho daw inaatupag nito. "Magleave ka nga minsan sa trabaho mo Jack. Out of town tayo kasama ng mga bata.." suhestyon ni Tito. Mabilis sumang-ayon sina Ate. Ganun din si Mama. "What do you think son?." tanong pa nito sa anak.

"Good idea Dad. I want that too."

"Jack?."

"I can't talk right now pero hahanap ako ng araw para magleave. I'll update you soon if approved." si Papa. Nagkamayan ang dalawa. Pagkatapos ay dinner na. Nagkwentuhan ang lahat. Kung saan saan na napupunta ang usapan hanggang sa nagyayaan sila na mag-inuman. Pasado alas dyes na ng gabi sila nagpaalam.

"See you tomorrow." paalam ni Kian. May amats ng kaunti.

"Tomorrow?. Linggo bukas Master.."

"I know. I just want to drive you. Nainggit ako kay Bryan eh."

"Pero?.."

"Naipaalam na kita kay Tito. He said yes. Basta uwi raw tayo ng maaga.."

Seryoso ba sya?.

"He said yes?." hindi makapaniwalang tanong ko. Binasa nito ang labi bago tumango.

"Hmm.."

"Son. Let's go.." kung di pa sya tinawag ng Daddy nya, baka di pa iyon nakaalis.

Ano raw?. Nainggit kay Bry?. Wala namang dapat kainggitan eh. Hay Kian, my Master.


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C34
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄