Hinatid nya nga ako hanggang bahay. He wanted to utter some words pero mabilis akong lumabas ng kanyang sasakyan at nagpaalam. Hindi ko na sya inalok pa na pumasok sa loob dahil kapag ginawa ko iyon, baka matuluyan na ako't himatayin sa harapan nila.
"Nasa mesa yung meryenda Kaka?." ani Ate Kendra sakin. Kaka ang palayaw ko na binigay. Masyado daw kasing pormal pag yung buong pangalan ko lagi ang itinatawag nya sakin.
"Salamat Ate Ken. Magpapalit lang ako." paalam ko. Paakyat na sana ng hagdanan ng tawagin nya ulit ako. Tinatanong kung sino daw naghatid sakin sa bahay. Imbes, iyon ang bagay na iniiwasan ko ngayong topic ay, pilit nito akong hinahabol.
"Si Kian po." tamad at halos hindi marinig ang boses ko ng sinabi ko ito.
"Sino nga ulit?." she asked again. Lending her ears at me. Nasa sala kasi ito at prenteng nakahilata sa mahabang sofa.
"Si Kian po." inilakas ko na. Baka ipaulit pa eh. Nakupo!
"E bakit parang halos hindi mo mabigkas pangalan nya?. May hindi na ba ako alam ha?.." pang-iintriga nya bigla. Naupo sya't ikinumpay ang kanang kamay para bumaba ako't tumabi sa kanyang pinapagpag na space sa tabi nya. Inilingan ko iyon. Sinabi ko, mamaya nalang kapag nakapagpalit at nakapagshower na ako. Pero hindi noon nakatakas ang hinihintay nya sagot ko.
"Wala Ate. Sadyang, hindi mo lang dinig dahil medyo malakas yang radyo mo."
🎶Kasalanan ko ba kung iniibig kita
'Di ko naman sinasadya
Ang mahalin kita (ang mahalin kita)
Kasalanan ko ba kung ang nadarama ay pag-ibig na tapat
Mapipigil ko ba kung mahal kitang talaga🎶
Parang natunaw ang puso ko sa narinig na lyrics ng kanta.
Teka. Bakit nga ba ako apektado?. E kanta lang naman yan.
"Wala nga ba?. Sus. Ikaw. Pag narinig kong di pag-aaral inaatupag mo. Hihilain ko yang buhok mo. Wag kang gumaya sa Ate ha." isang ngiti at tango nalang ang naisagot ko. Ano nga bang dapat isagot sa sinabi nya?. Opo ate. Wala naman talaga. Bat naman ako aasa sa lalaking may itinakda na para sa kanya?. Magmumukha lang akong tanga kapag hinayaan kong mahulog pa ako diba?.
Pero ang isang tanong Karen. Mapipigil mo ba, kung mahal mo syang talaga?.
Sus nako!. Hay... Ewan. Basta. Tama si Ate Ken. Hindi ko sya dapat gayahin. Sawi iyon lagi sa pag-ibig kaya eksperto na ito pagdating sa mga ganitong bagay. Alam kong may malasakit pa rin naman sya sakin kahit lagi nya akong inaaway. Mas magkadikit pa rin talaga ang magkadugo kaysa sa parang tubig lang.
Pumanhik ako sa itaas at nagpahinga ng kaunti bago nagpasyang naligo. Bumaba rin ako pagkatapos. At sa kusina. Nadatnan ko naman doon si Ate Kiona. "Mabuti nalang bumaba ka bes. Pakilaba din mamaya yung damit ko na isa. Kailangan ko kasi ngayon.." nguso nya sakin. Di pa man ako nakakaupo ay humirit na naman ng request to.
"Kiona!. Wag puro utos bes. Galaw galaw din minsan ha!.." si Ate Ken to. Mukhang alam na nito kung anong plano ng isa kaya napasigaw.
"Ate, isa lang naman yun.." giit pa ni Ate Kio. Tumayo pa sya sa kinauupuan para lang silipin si Ate. Ako naman ay nag-umpisa ng lumamon ng mamon. LoL.
"Oh kaya nga. Isa lang pala eh. Di mo ba kayang gawin ang isa lang?." tunog sarkastiko ang himig ni Ate Kendra. Mukhang wala ito sa tamang hulog ngayon. May bisita yata.
"Ate naman. May report akong gagawin mamaya.." halos magdabog na itong si Ate Kio sa harapan ni Ate pero sorry nalang. Hindi sya pinayagan. Wala syang nagawa kundi gawin ang iuutos nito sana.
"Alam mo. Kailangan mo rin minsang maging amazona para katakutan ka. Gaya nalang nyan." itinuro ang kapatid naming nakasimangot na naglalaba ng nag-iisa nyang damit sa may banyo. "Puro nalang sya utos. Paano sya matututo sa buhay kapag ganyang lagi nalang umaasa sa iba?."
Kaya nga po. Gusto ko sana itong bigkasin subalit nauna ang takot sa akin. Baka mamaya, pag-alis ni Ate Ken. Pagtripan ako ng amazona kong kapatid. Kayay mas mabuti nang tikom ang labi kapag sya ang topic.
"Kailangan nyang mamulat sa katotohanan na hindi lang puro sarap ang totoong mundo. May pait din ito. Kaya habang maaga palang. Matikman mo na ito para alam mo na ang gagawin kapag natikman mo ulit ito ng di inaasahan. Ang mga ganung bagay ay biglaan. Walang pormula para malaman mo kung kailan ang dating nya."
Ano kayang nakain nito at puro pangangaral ang lumalabas sa labi nya ngayon?. Napagalitan na naman yata.
"Kaya ikaw?." bigla ay siniko nya ako. Napapiksi ako dahil andun ang kiliti ko.
"Oh, bat ako?." tanong ko.
"Malamang, hindi lang para sa Ate mo ang sinabi ko. Para rin sa'yo yun."
"Wala naman akong ginagawa.." panggigiit ko pa. Tinuktukan ba naman ako. Kaasar!.
"WALA PA SA NGAYON." pagdidiin nya sa mga salitang iyon. "Sa ngayon iyon hija. Wala pa talaga. Di mo alam. Baka bukas o sa makalawa. Makatikim ka na ng pait. Ramdam kong paparating na eh."
"Ate naman. Bat ka ganyan?." bahagya kong itinulak ang kamay nyang nasa noo ko. Ayoko nung biro nya. Atsaka, di magandang biro iyon.
Nakangisi nya akong itinuro. "Bat ka nakanguso ha?. May hindi ako alam noh?. Sabihin na kasi.." tanong nito sabay tawa.
Now I know. Kaya pala humuhugot. May gustong malaman tungkol sakin. Ehe. Di mo ko mahuhuli Ate. Gamay ko ang bawat salita mo. Heck..
"Wala nga. Ang kulit.." iniwas ko ang mukha ko sa kanya dahil hinuhuli nya ang mata ko. Ang hindi ko inasahan. Hinawakan nya ang baba ko saka iniangat para pagpantayin ang aming paningin.
"Wala sabi ng labi mo pero alam mo bang hindi nagsisinungaling ang mata mo?." nagkamot ako ng ulo. Hindi pa rin makatingin sa kanya. "Sige nga. Sabihin mo sa akin na wala, mata sa mata.." hamon pa nya. Nakagat ko ang ibabang labi sa kaba. "Isa, Kaka.." nag-umpisa na syang magbilang. Sign na malapit nang maubos ang kabaitan nya.
"Wala nga po." stick to one ako. Ganyan ako kapag may paninidigan sa sarili. Kahit alam kong mali ang magsinungaling basta ba alam ko sa sarili kong tama pa rin ito sakin, ay ang wag na munang sabihin sa iba ang nangyayari. Hindi naman masamang magsinungaling hanggat tagos sa puso't isip mong tama ang pagtatakip mo, ayos lang yan. Panindigan mo.
Mabuti na lamang at tumunog ang cellphone nya't natuon na duon ang atensyon nya. Ang akala kong natapos na, ay hindi pa pala dahil itinuro nito ako gamit ang hintuturo nya't hinlalato. Una nyang tinuro ang dalawa nyang mata bago ang akin.
Ang ibig sabihin lang nun. She is watching from now on.
Naku naman po...