Carlhei Andrew POV
"Pero, Mama?! Siya nga kasi ang dahilan ng bali sa kamay ko! Bakit hindi niyo nalang siya tanggalin at palitan ng bago?!" Inis kong angal
Agang aga ay tumawag si Mama para kamustahin ang lagay ko. Kaagad kong kinuwento dito ang lahat ng nangyari.
"Lower down your voice, young man. I am your mother. Since when did you learn to yell at me?" Saad ni Mama
Kaagad na gumapang ang kaba sa dibdib ko dahil takot talaga akong magalit sa akin si Mama. Hindi ko lang talaga napigilan ang galit ko sa Geru na iyon.
"I'm sorry, Mama. I did not mean to yell at you. I'm just pissed off." Saad ko
"The reason why I want her to be your guardian while we're gone is because I see how she take care of Neomi. In fact, she used to live in an orphanage, Carlhei. Nag sarado na ang ampunan kaya naman Neomi asked if pwede siyang tulungan. I take the opportunity to help her in a way na mag kakasahod rin siya habang nag aantay rin siya ng result sa board exam niya. May pinagdadaanan 'yung tao, 'Nak. 'Wag naman ganoon." Saad ni Mama
Hindi ako nakapagsalita dahil hindi ko rin alam ang sasabihin ko. Binabagabag ako ng konsensya ko pero hindi ko magawang mag sorry. Hindi, ayaw kong mag sorry.
"No one's leaving the house without my permission, Carlhei. Hindi siya aalis sa bahay and that's final. She can help you because she finished studying BS Nursing. Alam niya ang dapat at hindi dapat gawin sa wrist fracture mo." Saad ni Mama
"Let's go, Hon." Rinig kong sabi ni Papa kay Mama
"I'll hang up, Carlhei. 'Wag pasaway kay Geru. You're twenty four for pete's sake. Behave." Saad ni Mama at ibinaba na ang tawag
Wala na akong gawa dahil nag sabi na si Mama na walang aalis ng bahay. Still, hindi parin humuhupa ang inis ko sa kaniya.
Bumaba ako para mag almusal at naabutan kong nag uumagahan na iyong dalawa. Natigil tuloy sila ng pag kwekwentuhan dahil dumating ako. Ikinataas ko ng kilay iyon.
"What? Am I that handsome?" Tanong ko
Umirap agad itong kapatid ko at inis na kinuha ang bag niya. Papasok na siya.
"Ate Geru ikaw na bahala sa kaniya ha? Kapag ayaw sumunod, hulog mo nalang sa hagdan. Lumpuhin mo na total mahilig naman 'yan mag habol sa mga babaeng hindi worth it habulin." Saad ni Neomi
Kaagad na nangunot ang noo ko dahil sa sinabi nito.
"You're being rude as the times goes by, Neomi! I am your older brother!" Pananaway ko dito
Dumila lang ito sa akin, "Luh. Ikaw nga d'yan nanunungit eh. Bye na! Aalis na ako." Saad niya at kumaway kaway pa
Tinanaw ko lang ito hanggang sa makalabas ng main door. Nang makalabas siya ay tumingin ako sa harap ng hapagkainan. Naalala kong itong kanan ang pang kain ko kaya hindi ko alam kung paano ba ako kakain.
Sinubukan kong gumamit ng kutsara sa kaliwa pero nangalay lang ako.
"Kailangan mo ng tulong?" Tanong nung Geru
Hindi ko ito pinansin bagkus ay sinikap kong kumain kahit kaliwang kamay ang gamit ko. Dahil hindi talaga sanay ay napakaraming butil ng kanin ang naitapon ko sa gilid ng pinggan.
"Yes po?" Saad nung Geru
Hindi naiwasang mapatingin dahil bigla itong nag salita. Akala ko ako iyong kausap pero may kausap pala sa telepono.
"Tyaka nalang po siguro. Mayroon na po akong trabaho. Pakisabi po sa kaniya na bibisitahin ko siya sa oras na nakasahod na ako. Bibilhan ko rin siya ng maraming laruan. Sige po. Bye po." Saad nung Geru at ibinaba ang tawag
Naabutan ako nitong nakatingin sa kaniya kaya naman nag iwas ako ng tingin.
May anak ba siya? Ang aga naman niya nag anak. Pero nas pinili niya itong trabaho kaysa 'yung bata? Walang kwentang nanay.
Napapitlag ako dahil lumapit ito. Nakalahad pa ang isa niyang kamay kaya ikinataas ng kilay ko iyon.
"What?" Tanong ko dito
"Iyong kutsara po. Kasi naman nahihirapan na kayong kumain, ayaw niyo pang ibigay sa akin." Saad niya
Imbis na ibigay iyon sa kaniya ay tumayo na ako sa upuan ko at nag umpisang mag lakad papaalis.
"Saan ka pupunta?" Tanong niya
Nang makarating sa hagdan ay doon palang ako nag salita.
"Maliligo ako. Stop asking questions dahil hindi naman ito Q and A." Inis kong saad
Nang makaakyat sa taas ay kaagad akong dumiretso sa kwarto ko. Dumiretso ako agad sa closet upang mag hanap ng gamit. Papasok na sana ako sa banyo ko nang may marinig akong katok mula sa pinto. Hindi na sana ako mag aabalang lingunin iyon pero bumukas agad iyon.
"Bawal mabasa ang cast mo!" Saad ni Geru na para pang natataranta
Kunot noo ko itong natignan, "How dare you come to my room? You're not allowed here." Saad ko
Umiling iling ito sa akin at lumapit pa. Hindi ko maiwasang mapaatras dahil naalala ko na naman ang nangyari kagabi. Nakakatakot iyong mahaba niyang buhok at matalim niyang mata na nakatingin sa akin ngayon.
"Kailangan kitang tulungan maligo, Andrew. 'Wag ka ngang matigas ang ulo." Saway niya sa akin
Mas lalong nag kunot ang noo ko dahil doon.
"Are you insane? Like seriously? You and me? In the bathroom? No way. Get out." Saad ko
Pumasok ako kaagad sa banyo at sinara ang pinto. Ayaw ko ng tulong galing sa kaniya dahil kaya ko ang sarili ko.
Uupo na sana ako sa bathtub ngunit hindi ako nakakapit sa bakal kaya naman dumulas ako sa bathtub. Lumagpak iyong likod ko at nahulog pa sa akin ang mga shampoo na nakalagay sa taas ko. Hindi ko alam kung ano ba ang masakit. Iyong likod ko ba o pwetan.
"Andrew!" Sigaw ni Geru mula sa labas ng pinto ng CR
Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko bang hindi ko inilock iyong pinto ng CR, dahil doon kasi ay mabilis lang na nakapasok si Geru sa CR. Nanlaki ang mata nito dahil sa kalagayan ko. Mabilis itong nag tungo sa akin at inalalayan akong makaupo sa bathtub. Agad na lumipat iyong tingin niya sa cast ko at huminga ito ng maluwag nang makita na ayos lang ito.
Hindi ito nag salita at nilagyan nalang ng plastic wrap ang cast ko. Dala niya pala iyon. Matapos lagyan ng plastic ay sinigurado niyang naisara iyon gamit ang medical tape.
"Huhubarin ko na ang tshirt mo. Iyong taas ang akin at ikaw na ang bahala sa iba." Saad niya
Hindi ako umimik. Nakisama nalang ako para hindi siya mahirapan sa pag aalis ng tshirt ko.
"Para akong nag papaligo ng bata katulad sa ampunan." Bulong niya
Akala niya siguro ay hindi ko iyon narinig.
"I'm not a kid." Tugon ko
"Parang bata lang, gano'n." Pag bibiro niya at tumawa pa
Imbis na tumugon ay sumimangot ako. Mabuti at agad niya iyong tinapos kaya umalis na rin siya ng banyo. Ako na nga ang nag patuloy noon at ako na rin ang nag bihis. Tinanggal ko iyong plastic na binalot niya sa cast ko at ngumiwi.
Mag t-thank you ba ako? 'Wag na kaya? Trabaho niya naman 'yon.
Iiling iling akong lumabas ng kwarto. Kaagad na kumunot ang noo ko dahil may narinig akong ingay sa sala. Mga pawang nag tatawanan.
Nang makilala ang mga nag tatawanan ay kaagad akong bumaba. Hindi ako nag kamali ng hinala. Iyong tatlo kong kaibigan.
"Boy pilay." Tawag sa akin ni Karl
Sumama agad ang timpla mukha ko dahil sa tinawag niya sa akin. Samantalang si Reinest naman ay tumawa kasama ni Karl. Lumapit naman sa akin si Steven at itinaas ang dala niyang mga prutas.
"Ako lang dapat ang pupunta kaso sumama sila, bro. Pasensya na." Saad ni Steven
Tumango ako dito, "Ayos lang. Sana sa susunod 'wag mo na ipaalam sa dalawang 'yan." Pikon kong sabi
Imbis na ma-offend sa sinabi ko ay nag tawanan lang silang dalawa. Naki-upo nalang ako sa sofa at nanood rin ng pinapanood nilang action movie.
"Bro, nagulat naman ako sa nanny niyo. Napaka grabeng coinsidence noon." Namamanghang sabi ni Karl
Did he just mentioned, 'nanny'?
"Oo nga. Ano naging reaksyon mo?" Saad ni Reinest
Napangiwi ako dahil hanggang ngayon naman ay hindi ko parin tanggap ang presensya niya. Ayaw ko talaga sa kaniya.
Sakto ay dumating ito na may dalang juice at snack. Tumingin ako dito ng walang emosyon.
"Sino bang matutuwa kung makakasama mo sa bahay ang may dahilan ng pilay mo? Syempre walang gano'n. But Mama called me and told me na kailangan namin siyang tanggapin. Wala daw aalis ng bahay na ito." Bakas ang pait sa sinabi ko
Kita ko kung paanong napatigil ito sa pag lalapag ng baso sa mesa ngunit nag patuloy rin naman. Matapos niyang gawin iyon ay kaagad itong umalis sa harapan namin.
"You're mean, bro. Hindi niya nga sinasadya 'yun. Madaming dahilan kung bakit natutulala ang tao. Marahil may problema siya. Always choose to understand." Saad ni Steven
Ngumiwi ako dahil doon, "Nag sasawa na ako kakaintindi ng tao. Bahala na sila. Parepareho lang naman silang lahat. They will surely give me another disappointment." Sagot ko
Iling iling nalang ang naisagot nilang tatlo sa akin.
It was about lunch time when I left them. Napagdesisyunan kong mag tungo sa kusina para sana mag utos ng iluluto pero iba ang naabutan ko.
Nakita kong umiiyak si Geru na nakaupo sa sahig hawak hawak ang bibig at dibdib niya. Na para bang ayaw niyang iparinig ang hikbi niya. Na para bang sasabog na ang dibdib niya sa sakit.
Sunod na lumipat ang tingin ko sa cellphone na nasa sahig rin. Nakita ko pinakahuling message na nakalagay doon.
Zwei:
Pagod na pagod na rin ako. Itigil na natin 'to, Ru. Ayaw ko na. Nag sasawa na ako sa'yo.
I look at her again and then I relapsed. I can see myself on her. The pain. The tears. The sadness.
It makes me think... how can we survive this pain? Why do we need to suffer in this kind of emotional pain? Magiging masaya pa ba kami o patuloy nalang mamumuhay na nag papanggap na buhay kahit iyong loob mo ay unti unti nang pinapatay?