下載應用程式
77.41% When You Love Too Much / Chapter 24: Chapter 23

章節 24: Chapter 23

Carlhei Andrew POV

Sabado ng hapon ay napagdesisyunan kong bumaba sa sala. Naabutan kong bukas ang tv pero nakaharap lang si Mama sa laptop. Kunot noo ko tuloy iyon natignan. Lumapit ako kay Mama at humalik sa pisngi nito.

"You're busy these past few days, Mama. Makakatulong ba ako d'yan?" Saad ko

Ngumiti si Mama at hinubad ang salamin niya. Isinantabi niya iyong laptop at tumingin muli sa akin.

"Actually, I need to tell something. Intayin lang natin na bumaba ang kapatid mo." Saad ni Mama

Seryoso siya ng sabihin iyon. Hindi pa naman ugali ni Mama ang mag seryoso. Palagi lang pabiro ang lahat sinasabi niya sa amin.

Nang makababa si Neomi ay nag tungo ito sa sala. Umupo ito sa tabi ko at tumingin rin kay Mama.

Wala talaga akong clue sa sasabihin ni Mama. Medyo kinakabahan rin ako dahil ngayong araw lang kami pinatawag ng ganito.

"Anong mayroon Ma?" Tanong ni Neomi

Kinuha niya ang bag niya at may inilabas na sobre doon. Nang ilabas ni Mama ang laman noon ay tumambad sa amin ang dalawang plane ticket.

"Mag babakasyon tayo, Mama?! Pero may pasok pa ako. Si Kuya lang makakasama." Saad ni Neomi

Pero sa tingin ko ay hindi para sa amin ang plane ticket na iyon.

"No, Neomi. Aalis kami ng Papa niyo. Nabanggit ko na dati na mag kakaroon na ng pangalawang company sa ibang bansa. Napili namin ng Papa niyo sa England. Pinapunta ko kayong dalawa dito para mag paalam, nawawala kami ng isang taon o higit pa." Anunsyo ni Mama

Hindi ako makapaniwala doon. Isang araw palang na wala si Mama ay para na kaming mababaliw ng kapatid ko. Parang madodoble ang sakit na nararamdaman ko dahil mawawala si Papa at Mama.

"Ma, bakit biglaan? Hindi kami sanay ng wala ka." Saad ko

"Oo nga, Mama. Okay, I get it na kailangan niyo talagang umalis one day para asikasuhin iyon. Pero masyadong nakakabigla ito." Saad ni Neomi

Napabuntong hininga si Mama bago mag salita, "Sorry for the short notice. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa inyo ng hindi stable ang emotion niyo. Lalo ka na Carlhei. Kailangan ko ng cooperation niyo. After naman naming maasikaso iyon ay uuwi rin kami dahil ang mga Uncle at Auntie niyo ang mag mamanage noon. Pero kailangan parin naman namin mag tagal doon para mapag aralan ang common pitfalls ng negosyo doon." Paliwanag ni Mama

Hindi ako makapagsalita dahil nagulat talaga ako.

"Paano kami, Mama? Sino nang mag aalaga sa amin? Kailan kayo aalis?" Sunod sunod na tanong ni Neomi

"We're leaving in two days. Don't worry, I ask someone to watch over you all." Saad ni Mama at tumingin sa akin, "I need your cooperation, Carlhei. Pwede ba?" Pakiusap ni Mama.

Tumango tango ako. Wala rin naman akong magagawa kung hindi ang pumayag. Panganay ako at lalaki pa. I need to be incharge.

"Yes, Ma. I'll cooperate." Pag payag ko

Dalawang araw nga ang lumipas at sa loob ng dalawang araw na iyon ay ginawa nila Mama at Papa ang gusto nilang gawin kasama kami. May parte pa rin sa akin na nais mag protesta pero iniisip ko nalang na para ito sa future namin ng kapatid ko at para rin sa future ng company.

"See you next year, then." Saad ko

Hinalikan ako ni Mama sa noo at pinisil ang kamay ko. Nakikita ko sa mata nito na ayaw rin niya kaming iwan kaso kailangan.

"I love you, Son. Take care of your sister. Take care of yourself too. Love yourself and know your worth, please. Ako ang magiging  pinakamasayang tao kapag dumating ang oras na bumalik ka na sa dati." Saad ni Mama

Malabo na yata iyan, Mama.

Ngiti nalang ang naitugon ko kay Mama. Tumingin rin ito kay Neomi at pinunasan pa ang luha nito.

"Lagi kang susunod sa Kuya mo. 'Wag niyong pasakitin ang ulo ng mag aalaga sa inyong dalawa. We'll meet again next year. Study hard." Saad ni Mama

Umakap pa ito kay Mama. Lumapit naman sa akin si Papa at tinapik ang balikat ko.

"Ingat kayo, Papa. Sana maging successful ang company sa England." Saad ko

Tumango tango si Papa bilang tugon, "I'm looking forward to your Engineering Firm. Sana next year nag fufunction na." Saad ni Papa

Ngumiti ako dito ng bahagya tyaka tumango tango.

Nang tinawag na ang mga pasahero para umalis ay inakap na kami ni Mama at Papa ng mahigpit. Matapos noon ay pumasok na sila. Tinanaw nalang namin sila hanggang sa mawala na sila sa paningin namin.

"Kuya, daan tayo sa ice cream shop. Nalulungkot ako." Saad ni Neomi

Tumango tango ako bilang tugon. Sumakay kami sa kotse at nag maneho naman ako papunta sa sinasabi niyang ice cream shop. As usuall, mangiyak ngiyak ito habang kumakain ng ice cream.

"Itigil mo nga 'yan. Nag mumukha ka nang baliw." Pag saway ko dito

Paano ay pinagtitinginan na siya ng mga dumadaan. Halos mamugto na rin ang mata niya.

"Wala na akong kausap sa bahay. Hindi mo na naman kasi ako kakausapin kasi masungit ka na. Si Mama at Papa nalang kumakausap sa'kin." Nag mamaktol na sabi nito

Napangiwi ako dahil doon. Tumaas rin ang kilay ko dahil sa sinabi nitong masungit ako.

"Sana mabait 'yung nanny natin. Siya nalang palagi ang kakausapin ko. Ayaw kitang kausap kasi lagi mo akong inaaway." Parang bata na sabi nito

Hindi makapaniwala ko itong tinignan dahil sa sinabi niya, "Edi ikaw mag bayad dito ngayon." Tugon ko

Sumama ang mukha nito at sinamaan rin ako ng tingin, "Tignan mo! Wala pang isang oras na wala si Mama at Papa ay inaaway mo na ako. Isusumbong kita!" Saad nito

Iiling iling ko nalang itong tinignan. Hindi ako sanay mag alaga ng kapatid. Mas sanay parin ako na nandyan si Mama na nag tuturo kung paano ko papatinuin ang kapatid ko. Mukhang kailangan ko na talagang mag mature sa ganitong genre.

Martes ng umaga ay maaga akong nagising. Ayaw ko pa talagang bumangon pero kailangan ko. Kailangan kong mag book ng taxi para sa kapatid kong maagang pumapasok sa school. Ayaw niya kasing ihatid ko siya kaya mag tataxi nalang daw siya.

Bumaba ako sa sala at nakita ang mga sobre. Ang ilan ay electric bill, water bill, at sulat para sa akin. Kunot noo kong kinuha iyong sulat para sa akin. Mas pang nadagdagan ang pag kunot ng noo ko nang makita na galing kay Karen iyon.

Ano na naman ang gusto niya? Nakakainis na.

Inis kong binuksan iyong sulat at nag basa.

Carlhei

Pasensya na kung dito nalang kita masasabihan. Alam kong ayaw mo nang makita ang mukha ko. Humihingi talaga ako ng tawad sa lahat ng ginawa ko. Ako ang may kasalanan ng lahat. Nabalitaan kong ipinakulong ng pamilya mo si Jourland. Maraming salamat para doon. Pero sana mag ingat ka palagi. Ginagawa lang na bahay bakasyunan ni Jourland ang kulungan. Marami siyang tauhan na pwedeng mag pyansa para sa kaniya. Kahit ito nalang ang paniwalaan mo sa lahat ng sinabi ko. Hindi ko hahangarin na mapatawad mo ako, hangad ko ang kaligtasan mo. Salamat at binago mo ako.

Karen

Naisara ko iyong sulat at inilagay sa paper shredder. Nawalan na ako ng gana dahil sa kaniya. Pakiramdam ko ay lahat ng enerhiya na naipon ko sa pag tulog ay nawala lang.

Ito pala ang nagagawa ng taong namanhid na sa sakit. Tumitigas ang puso at nag sasawalang bahala nalang. Naawa na ako sa lahat ng nasa paligid ko. Hindi nila deserve na masungitan ko pero hindi ko makontrol ang emosyon ko. Sobrang bilis ko nang magalit. Ibig sabihin lang noon ay ako na ngayon ang maaring makasakit.

"Ohayo!" Sigaw ng kapatid ko

(Trans: Good morning!)

Natauhan ako dahil doon. Sinamaan ko ito ng tingin dahil nagulat ako doon.

"Itikom mo nga 'yang bibig mo. Kita mong maaga pa eh." Inis na sabi ko

Sa loob loob ko ay naiinis rin ako sa sarili ko. Simpleng bagay ay nagagalit ako. Hindi ako ganito dati. Nakakainis kapag iniisip kong nag bago ako sa maling paraan.

"Buti nga may bumabati pa sa'yo. From sad boy to suplado. Ang bilis 'no? Mag girlfriend ka ulit." Pang aasar nito

Kinuha ko iyong isang unan at binato sa kaniya. Maswerte ito dahil nasambot niya pa.

"Dapat sa'yo gumagala eh. Tamang tama oh. Mag ride kayo nila Steven, Karl at Reinest. Singhot ka ng maraming hangin ha? Palamig ka muna. Palagi kang hot eh daig mo pa ang summer." Saad nito

Babatuhin ko sana ito ulit ng unan pero nakaalis na ito patungo sa main door. Tinanaw ko nalang ito na lumabas ng gate at sumakay sa taxi.

Dahil wala rin naman akong gagawin ay nag aya nga ako ng ride. Pumayag rin naman ang mga ito dahil kapwa ko wala ring ginagawa. Nag kita kami sa isang park at doon napag pasyahang mag paikot ikot.

Ang buhay ay para rin palang pag bibisikleta. Mayroong samut-saring pag subok lalo na kapag aarukin ang tuktok. Mahirap pumadyak sa ahon kaya minsan bubuhatin nalang ang bike para makarating sa taas. Pero kapag natuto ka na at nasanay ka na, kapag dumating ka ulit sa ganoong pag subok ay kaya mo na. Mas matibay na ang tuhod mo para pumadyak papunta sa taas.

Nasa punto ako na nahihirapan akong bumawi ulit sa buhay ko. Parang lahat ay naging zero. Pero narealize ko na hindi lang ako dapat hanggang dito. Kailangan ko na rin maging mas matibay. This time, para na sa sarili ko na at hindi para sa kung sino lang.

Sa kalagitnaan ng pag bibike ay nagulat ako ng may sumulpot na babae. Tulala itong nag lalakad at hindi nakikita na papadating ako. Dahil sa pag iwas sa kaniya ay naging resulta iyon ng pag sampa ng bike ko sa bangketa. Diretso ako sa lupa pati na rin ang bike ko. Kamalasmalasan pang naitukod ko ang kanang kamay ko at pakiramdan ko ay nabali iyon.

"Bro!" Sigaw ni Karl

Mabilis na bumaba sa mga bisikleta nila iyong mga kaibigan ko. Iniinda ko parin ang sakit ng kamay ko pero nilingon ko iyong babae at sinamaan ng tingin. Napalapit ito ng de oras at nakisipat rin sa kalagayan ko.

"Pasensya na po. Hindi ko po kayo nakita." Buong pag sisisi na sabi nito

Mas sumama ang tingin ko dito dahil palala ng palala ang sakit ng kamay ko.

"You're stupid!" Galit na saad ko

"T-teka, Sir. 'Wag naman po kayong magalit at mang insulto. Nag sorry na naman po ako eh." Saad niyang muli

"Mas tanggap ko pa kung dahil sa bato ako sumemplang. Eh kung tulalang tao lang sa kalsada habang tumatawid, sinong hindi magagalit doon?! My bike cost a half of million, for your information." Galit na sabi ko

Nanlaki iyong mata ng babae marahil dahil sa presyo ng bike ko. Itinayo ako ni Reinest at Karl. Si Steven naman ay tinatapik ang likod ko.

"Bro, babae 'yan. Hindi naman niya yata sinasadya. Tyaka baka mamaya may iniisip siya." Saad ni Steven

Napatawa ako ng bahagya dahil doon.

"I don't care kung babae siya. Ang punto ko dito, may gasgas na 'yung bike ko. Paano na 'yan? Sorry nalang?" Inis na sabi ko

Napabuntong hininga si Steven dahil sa kawalan ng pag asa sa akin. Inis ko namang tinignan iyong babae.

"Fine. Mukha namang wala ka rin namang ipangpapagawa sa bike ko. Sa susunod na tutulala ka, doon ka sa bahay niyo at 'wag dito sa kalsada. Nakakapurwisyo ka ng tao." Inis na sabi ko

Gamit ang kaliwang kamay ay binuhat ko iyong bike ko. Sa sobrang inis ko ay iniwan ko silang lahat doon. Paano ay inaalo pa nila iyong babae. Siya naman ang may kasalanan.

My life sucks. Full of bad lucks!


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C24
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄