下載應用程式
61.29% When You Love Too Much / Chapter 19: Chapter 18

章節 19: Chapter 18

Carlhei Andrew POV

"Sama ka na, please? Sabado naman ngayon eh." Pag aaya ko sa kapatid ko

Nasa labas lang ako ng kwarto niya dahil hindi ito nag papapasok ng kahit sino. Paano ay magulo ang kwarto nito.

"Ayaw ko nga! May tutor ako mamaya. Edi mag aantay lang siya sa wala 'di ba!" Sigaw ni Neomi

Tinapik tapik ko ang pinto nito ng paulit ulit. Ito pa naman ang pinakaayaw niya, ang kinukulit siya ng kinukulit habang may ginagawa.

At hindi nga ako nabigo, binuksan niya ang pinto ng nakasimangot ang mukha.

"Sige na please? Date na tayo. Hindi na tayo nakakapag date simula noong nag aral ka ng Nursing." Naka ngusong sabi ko

Awtomatikong umikot ang mata nito at humalukipkip pa.

"Ah talaga? Ako ba 'yung nawalan ng oras? Duh! Simula noong nag hiwalay kayo ng Missai na iyon pati nung Ellaine ay hindi mo na ako nilalabas, Kuya! Tuluyan ko nang tinanggal sa kalendaryo ko ang Saturday date kasama ka." Galit na sabi nito

Napakamot ako ng batok dahil sa hiya. Totoo ngang nawalan ako ng oras sa kapatid ko. Ini-spoil ko pa naman ito dati ng tuwing sabado ay lumalabas kami.

"Sige na, please? Babawi na ang kuya." Pag mamakaawa ko dito

Napabuntong hininga ito at isinara ang pinto niya. Makalipas ang limang minuto ay lumabas ito. Nag palit ng damit dahil nakapang bahay lang ito.

"Ngayong araw lang dahil pupunta ang tutor ko. Sasabihan ko nalang siya na malalate tayong umuwi." Napipilitang sabi nito

Nauna na itong bumaba kaya naman sumunod nalang ako. Nag kusa na rin itong buksan ang passenger seat kaya naman sumakay nalang ako sa drivers seat. Buong byahe ay nakatutok lang ito sa cellphone niya. Marahil kausap niya iyong tutor niya.

Ako naman ay nag iisip na ng pwedeng gawin. Kakatapos lang ng tanghalian kaya naman malamang ay busong pa ito. Mabuti nalang talaga at gumana ang isip ko dahil naalala kong may palabas itong ibinibida kay Papa at Mama pero hindi siya masamahan nito.

Nang makarating sa mall ay sabay na kaming bumaba ng kotse. Nang makapasok sa mall ay halata paring hindi ito natutuwa.

"Nood tayo nung gusto mong movie. H'wag ka na magalit sa'kin." Nakanguso kong sabi

Nakangiwi ako nitong tinignan at umiling iling pa.

"Pwede ba kuya? Tigilan mo 'yang kakanguso mo. Ang pangit mo. 'Wag mong ipakita sa girlfriend mo baka ibreak ka noon." Asar na sabi nito

Natawa tuloy ako dahil doon. Iyon na siguro ang pinakamababaw na dahilan para i-break ako. Pero hindi naman mangyayari iyon dahil si Karen na mismo ang nag sabi na mag tatry siya.

Nakangiti akong nag tungo sa sinehan at bumili ng dalawang ticket ng gusto ni Neomi na palabas. Kahit ayaw ko ng genre noon ay sinamahan ko ito. Rom-com kasi iyon.

Nag titili lang sa kilig ang kapatid ko sa umpisa. Kalagitnaan ay panay na ang kuha nito ng tissue sa bag niya para ipahid sa luha niya pati na rin sa sipon niya. Sa huli ay hindi rin nag katuluyan ang bida dahil sa conflict nila.

Ang istorya kasi ay mag on ang dalawa since high school. But then noong nag college sila ay mag kahiwalay sila ng school. Nabawasan ang time nila sa isa't isa. Umiikli ang message ng lalaki sa babae dahil humahaba na pala sa iba. Kaysa masaktan sila ng todo ay pinili nilang mag hiwalay nalang.

Nakakainis lang dahil cheater ang lalaki sa palabas. Ginawan niya lang yung babae ng rason para mag karoon ng trust issues. Sa tingin ko ginawa iyong movie na ito para ipakita na kahit mag kakilala kayo simula pa ng ipinanganak kayo, kapag gustong mag cheat, at may nakapukaw ng atensyon na iba, mag hihiwalay rin kayo.

Tulalang lumabas sa sinehan ang kapatid ko. Kitang kita ang pag pugto ng mata nito kaya bahagya akong natawa. Inabutan ko ito ng juice at naiiyak niya iyong ininom.

"Ang sakit kuya." Naiiyak paring sabi nito

Hinagod ko ang likod nito, pinipilit ko talagang 'wag matawa dahil baka lalo itong magalit sakin.

"Bakit naman kasi iyon ang pinili mong movie? May action naman. May horror at mystery/thriller rin." Saad ko

Suminghot pa ito bago sumagot. Nag punas rin ito ng luha at tumingin sa akin.

"Sabi kasi ng tutor ko maganda daw 'yan! Hindi niya sinabing nakakaiyak!" Naiiyak paring sabi nito

Napapailing nalang ako at napangiti, "Halika na. Kumain tayo para mawala ang lungkot mo. Eh ano kung hindi sila nag katuluyan? Mas maigi iyon. May lesson naman. Kahit kilala mo ang tao ng matagal na, may features parin sila na hindi mo alam. I wish humans had trailers, para kahit papaano may clue na tayo sa pakay nila sa buhay natin." Saad ko

Napalingon sa akin ang kapatid ko habang nag lalakad, "But even if they do have trailers, they can still surprise us with their twisted lies." Sagot niya

Pumasok ito sa isang fast food chain kaya naman sumunod nalang ako.

Kumain kami doon ng burger at sangkaterbang fries. Mga paborito niya iyon. Nang mag hapon naman na ay nag laro kami sa arcade. Sa kalagitaan ng pag lalaro ng catcher ay napatingin sa cellphone niya si Neomi. Nag mamadali akong kinaladkad nito papalabas ng mall.

"May dadaanan ka pa ba kuya?" Tanong ni Neomi

Tumango tango ako bilang tugon.

"Aish. Sige na nga. Mag bubus or taxi nalang ako. Mauuna na ako kasi nandoon na 'yung tutor ko." Paalam ni Neomi

Nag mamadali pa itong umalis kaya wala na rin akong nagawa. Sumakay ako sa kotse ko at tinanaw ang kapatid ko. Mabuti at hindi pa ganoon kadilim. Nag bus nalang ito pauwi.

Ako naman ay dumaan muna sa flowershop. Bumili ako ng isang bonquet para kay Mama at tatlong red roses naman para kay Karen. Nakangiti pa akong nag mamaneho dahil una ay nakabawi ako sa kapatid ko. Pangalawa naman ay makikita ko ang girlfriend ko.

Bababa na sana akong muli sa kotse ko ng matanaw ko na naman si Karen sa labas ng company. May hawak itong kape at may kausap na lalaki. Tumatawa rin ito bagay na minsan ko lang makita.

Napailing ako agad ng bumuo ng masamang konklusyon ang utak ko. Hindi naman ako ganoon kabilis mag selos. Nakakahiya naman kung mang aaway ako ng tao ng hindi inaalam kung sinl ba ito.

Bumaba nalang ako dala ang tatlong red roses at nilapitan si Karen. Nang makita ako nito ay excited ako nitong nilapitan. Napakacute ng reaksyon nito, parang bata na excited.

"Ito 'yung ibinibida ko sa'yo. Boyfriend ko, si Carlhei." Saad ni Karen at tinuro ako doon sa lalaking kausap niya, "Carlhei ito naman si Lyke. Katrabaho ko na bago rin."

Kinamayan ako ni Lyke kaya naman tinanggap ko iyon. Gusto kong batukan ang sarili ko dahil nag iisip na naman ako ng mali samantalang ipinagmamayabang pala ako ng girlfriend ko sa iba.

"Mauuna na ako ah? May ipiprint pa akong document." Paalam sa amin ni Lyke

Tumango tango si Karen at kinawayan ito. Muli naman akong hinarap ni Karen ng nakangiti parin.

"Bakit naman ngiting ngiti ang girlfriend ko?" Tanong ko

Inaya ako nito sa isang bench sa garden ng company at doon kami namahinga.

"Kasi dumating ka habang naiistress ako sa trabaho ko." Saad niya at ngumiti parin

Inilabas mo naman ang tatlong piraso ng red rose at iniabot iyon sa kaniya. Mas lumawak ang ngiti nito kaya naman mas lalong natuwa ang puso ko.

"Ngayon lang ako nakatanggap ng ganito sa buong buhay ko. Ang ganda!" Masayang sabi nito

Inamoy niya iyong rose at pagkatapos noon ay inakap niya ako ng mahigpit.

"Napakaswerte ko sa'yo. Hindi dahil binigyan mo ako ng mga rosas na ito kung hindi dahil tanggap na tanggap mo ang nakaraan ko. Hindi ako nag kamali ng payagan kitang maging boyfriend ko. Gusto ko tuloy ipagmayabang na sakin ka." Bahagya itong natawa matapos sabihin iyon

Nakakatawang isipin dahil kinikilig ako sa sinabi nito. Para na naman akong nakalutang sa ere.

"Mas swerte parin ako dahil napatino kita. 'Di ba iyon ang gusto mo noon pa? Ang mag bago ng buhay?" Saad ko

Kumalas ito ng pagkakayakap sa akin at tumango tango. Hindi parin nabubura ang ngiti sa labi nito.

"Oo kaya nga nag papasalamat ako. Pero 'wag mo sanang isiping perpekto na ako. Natatakot ako na baka isipin mong perpekto ako at hindi na kita masasaktan." Saad ni Karen

Tumango ako dito at bahagyang ngumiti.

"Naiintindihan ko. Parte rin naman ng pag mamahal ang sakit. Salamat dahil iniingatan mong 'wag kong maramdaman iyon. Susubukan ko rin iyon na hindi gawin sayo." Nakangiti kong sabi

Muli nitong inamoy ang mga rosas na ibinigay ko habang nakatanaw sa mga dumadaang mga tao. Sa isip ko ay pinapagalitan ko ang sarili ko dahil sa mga naisip ko kanina. Hindi porket nakita ko sa palabas ay mangyayari na rin sa akin. Buo ang tiwala ko sa kaniya at alam kong hindi niya iyon gagawin sa akin.


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C19
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄