下載應用程式
96.75% There is US not You and I / Chapter 149: Mamya Tayo Magtutuos!

章節 149: Mamya Tayo Magtutuos!

"Eman, ano ang dapat nating gawin?"

Nagalalang tanong ng lahat ng naroon.

Kita ang nagsisimulang panic sa mga mukha ng lahat.

Lihim naman na nagiti si Eman pero hindi nya ipinahalata.

Lihim syang nagagalak at batid nyang nakuha na nya ang gusto nyang makuha sa mga staff na kausap nya... ang atensyon.

Dahil sa pagaalalang namumuo, lahat tuloy ay nakatingin sa kanya at naghihintay sa sasabihin nya.

"Sa tingin ko, dapat ng ialis si Don Miguel at Doña Isabel dito sa isla para hindi tayo mahawa sa ano man ang sakit na dala nila!"

"Ano? Gusto mong ialis dito sila Don Miguel at Doña Isabel?"

Naguguluhang tanong ng lahat.

Kilala nilang lahat na mataas at maimpluwensyang tao ang dalawa at gasino ba naman sila.

Napakunot ang noo ni Eman.

'Lintek na mga ito akala ko nakumbinsi ko na, pero mga takot pa rin pala!'

'Haaaay ke du-duwag!'

'E, ano kung si Don Miguel at Doña Isabel ang nasa taas! Diba nila naiisip ang panganib na dala ng mga iyon? Haaay! Mga hunghang ba ang mga ito?'

Pero hindi ito maisatinig ni Eman kaya huminahon sya para makumbinsi ang mga kausap nya.

"Oo tama kayo, malalakas na tao sila pero nakasalalay na dito ang kalusugan natin, ang buhay natin! Kaya kailangan may gawin tayo para hindi mahawa sa kanila!"

Huminto sa pagsasalita si Eman upang tingnan ang reaksyon ng bawat isa pero kita pa rin sa kanila na tila wala pa ring planong sumang ayon sa suggestion nya.

"Kahapon naikwento sa aking ng kapatid ko na ang isa sa tauhan ni Don Miguel ay namatay sa di maintindihang dahilan. Hindi masyadong napansin ang balitang iyon dito sa atin dahil nangyari iyon sa ibang bansa kung saan naroon ang kapatid ko.

Pero ang isang bagay na nakatawag ng pansin ko ay ng isend sa akin ang picture nung namatay na tauhan ni Don Miguel at eto yun!"

Ipinakita nya mula sa cellphone ang picture ng isang lalaki na buhat buhat si Doña Isabel mula sa isang sunog.

Hindi pa nakuntento si Eman shinare na nya ang pic sa kanila.

"OMG! Kelan lang na pic ito!"

"Oo kelan lang yan, wala pang isang buwan!"

"Tama kayo at ang lalaking yan ang tinutukoy ng kapatid ko na namatay! Nagtatrabaho sya sa ospital kung saan ito namatay, kaya nagulat ako ng ipakita nya ang picture na yan.

Agad ko syang tinanong sa sintomas ng sakit ng lalaking yan at pareho sa sintomas ni Don Miguel!"

"Anong ibig mong sabihin? Magulo eh!"

"Hindi nyo pa rin ba nakuha? Niligtas ng taong yan si Doña Isabel, nagkaron sila ng contact!

Nagkasakit ang taong yang at kinalaunan ay namatay! Pero bago ito namatay diba nagkasakit din si Don Miguel? At yang dalawang yan ang naka close contact ni Doña Isabel!"

"Ang ibig mo bang si Doña Isabel ang carrier ng sakit?"

Hindi sumagot si Eman at hinayaan nya ang mga ito sa tanong na iyon.

Tiningnan nya ang bawat isa at kita nya ang panic sa mga mata ng mga ito.

Lihim na naman itong nangiti.

"Ngayon, tanong ko sa inyo, hihintayin pa ba natin na may mamatay na isa sa atin bago tayo kumilos?"

Panggagatong ni Eman.

Napuno ng matinding bulong bulungan ang paligid.

"May katwiran si Eman!"

"Oo tama sya!"

"Pero si Don Miguel yun at si Doña isabel, sila ang may ari ng isla diba paano natin sila mapapa alis dito?"

"Okey ka lang? Dika ba updated? Hindi na sila ang may ari ng isla!"

"Talaga? Sino?"

"Oo, balita ko nabili na ito nila BigBoss at Chief Mel!"

"Tama kayo dyan! Sila BigBoss na nga at Chief Mel ang may ari ng isla kaya hindi na natin kailangan magaalala!"

"Kung ganun, Eman dapat siguro sabihin mo kay BigBoss ang suggestion mo!"

Napatanga si Eman.

'Ano ba naman itong mga taong ito! Hindi pa rin ba nila naintindihan ang gusto kong mangyari?'

'Haiiissst! Mga saksakan ng duwag!'

Muling hinarap ni Eman ang mga tao.

"Yan nga talaga ang plano ko, pero magisa lang ako! Kaya ko kayo kinausap upang marami tayo na kumimbinsi kay BigBoss na paalisin sila Don Miguel at Doña Isabel dito sa isla! Dahil kung ako lang tyak na hindi makikinig yun! Pero kung marami tayo tyak na mapapaisip yun at makumbinsi natin sya!"

Lingid sa kaalaman ng lahat, kanina pa sila pinanonod ni Kate at Mel.

"Ano HubbyLabs, manonood na lang ba tayo?"

"Teka lang WifeyLabs anong plano mo lusubin sila?"

"Why not! Bored ako, need ko ng mapaglilibangan!"

'Jusmiyo talaga itong WifeyLabs ko!'

*****

"Ehem!"

Gulat na napatingin ang lahat sa kadarating lang na sila Kate at Mel.

Biglang tumahimik ang kaninang puno ng ingay na paligid dahil sa nagaalab nilang damdamin.

"Anong meron?"

Simpleng tanong ni Kate na sobrang laki ng tyan na akala mo'y kabuwanan na, pero magpipitong buwan pa lang ito.

'Grabe ang WifeyLabs ko ang fierce! Nakakainlab!'

Walang sumagot.

Bagkus, lahat ay napatingin kay Eman.

'Naku naman itong mga lintek na ito!'

'Kanina ke tatapang dumating lang ang BigBoss nabahag na ang mga buntot!'

Dire diretso sila Mel at Kate sa gitna kung saan naroon si Eman.

Nakapamewang at nakataas ang isang kilay na tiningnan ni Kate si Eman paghinto nito sa tapat nya. Naghihintay ng sagot.

'Aayieeeee! Si WifeyLabs talaga! Nagpapansin! Oo na I love you na KateMyLabs!'

'Humanda ka sa kin mamya!'

Kahit na seryoso at matapang ang makikitang reaction sa mukha ni Kate, sa gilid ng mata nito ay napapansin nya ang nakakainlab na reaction ni Mel .... at deep inside, kinikilig naman sya.

'Haaay HubbyLabs, wag mo kong tingnan ng ganyan at kinikilig ako!'

'Tapusin muna natin ito, mamaya tayo magtutuos!'


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C149
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄