下載應用程式
11.68% There is US not You and I / Chapter 18: May Gustong Umagaw

章節 18: May Gustong Umagaw

Ang IDS Special Care Hospital ay binuo ni Don Miguel para sa asawa nyang si Issay.

Special Hospital na nag ke care sa mga patient na may kakaibang karamdaman. Yung mga hindi maipaliwanag ng duktor.

Hindi ito katulad ng alam natin mga hospital na sobrang busy at maramaing tao.

Ang mga pasyente dito ay puros mga menor de edad na nagmula sa mahihirap sa lipunan ngunit may kakaibang karamdaman at walang perang panggamot.

Si Doña Isabel ang namimili ng mga dinadala dito at karamihan sa kanila ay nagmula sa ampunan.

Kaya hindi pwede rito ang dalaw at bantay.

Hindi naman malulungkot ang pasyente dahil sa ganda ng lugar, para silang nasa bakasyon.

Stay in ang mga health worker na narito pati duktor at wala ditong emergency dahil nga sa pili ang mga pasyente.

Kaya nagtataka ang lahat ng naroon bakit biglang nagkaron sila ng emergency patient.

Napataas ang kilay ng mga duktor. Lahat kasi ng dinadalang pasyente rito, nirereview muna ng mga duktor, ngayon lang may nangyari na dinala dito ang isang matanda na walang nakakaalam ni isa sa kanila kung bakit.

Pero isang duktor ang sumalubong sa pasyenteng dumating.

Si Dr. James Santiago, isang surgeon, ang Kuya ni Kate at ang pasyenteng dumating ay si Gene.

Walang imik na dinala nila si Gene sa operating room para matingnan ang kalagayan ng lolo nyang si Gene. Nagkaka cardiac arrest kasi ito.

Kaya ng dumating sila Kate at Mel, nasa loob pa rin ng operating room ito.

Apat na oras na ang nakakaraan.

Nakarating na si Kate sa Sinag Island nuon pero ito ang unang beses na nakatungtong sya ng IDS Hospital. May bahay kasi si Don Miguel dito at hanggang duon lang ang nararating nya.

Pero kabisado ni Kate ang ospital dahil sya at si Eunice ang gumawa ng internal security nito.

"Sino yang mga yan?"

"Bakit walang nagsabi sa atin na may pasyente pa lang parating?"

"Hindi man lang tayo na inform na may padating palang pasyente!"

Walang nakakakilala sa kanya dito at wala din alam ang mga naroon tungkol sa kanya maliban sa head ng IDS Hospital na si Dr. Lamberto Gonzales.

Hindi ito makapaniwala ng makatanggap ng tawag kay Don Miguel.

Natataranta pa itong sumagot.

"Oh, huwag kang mataranta dyan, ako lang 'to. Parating dyan si Kate at ang asawa nyang si Mel. Estimahin mong mabuti, yan ang susunod na boss mo!"

Sabi ni Don Miguel sa kanya.

Hindi nito matanggap ang sinabi ni Don Miguel.

'Ano bang nagawa ng Kate na yan at ibibigay ni Don Miguel sa kanya ang ospital?'

'Bakit hindi sa akin? Andito naman ako, matagal ng nagsisilbi sa kanya sa ospital na 'to?'

Na curious tuloy sya kay Kate kaya pinagmamasdan nya ang bawat kilos nito simula ng dumating sa ospital.

Hindi ako makakapayag na sa'yo mapupunta ang pamamahala ng ospital. na 'to.'

'Ako lang ang karapat dapat mamuno dito!'

Hindi pa nagpapakilala si Kate, mukhang may gusto ng umagaw ng posisyon nya.

*****

Kanina pa sila nag oopera pero hindi makikita ang pagod kay James.

Determinado itong gamutin ang lolo nya.

Pakiramdam nya, ito na ata ang pinakamahirap na operasyon na ginawa nya. Ang pinagtataka nga lang nya sy bakit wala pa ang duktor sa puso na pinatawag nya.

Isa syang brain surgeon at ang kailangan din ni Gene ngayon ay duktor na specialista sa puso.

Dalawa ang heart doctor dito pero maglilimang oras na ang nakaraan wala pa rin ni isa sa kanila ang dumating.

"Nurse Chen paki follow up mo nga si Dr. Santy, kailangan na sya dito. Kung wala sya paki follow up na rin si Dr. Alonso."

Pang apat na follow up na ang ginawa ni Nurse Chen kaya maging sya ay nagtataka na rin.

Lumabas na ito ng operating room at sya na mismo ang personal na nagpunta sa office ni Dr. Santy.

"Nurse Chen, wala sya dito kasama ni Director Head."

"Pero kanina pa kami humingi ng request for assistant!"

Inis na sabi ni Nurse Chen sa assistant ni Dr. Santy.

"Sinabi ko naman pero pinatawag sya ni Director Head kaya nagtungo muna sya dun, hindi pa sya bumabalik."

"Bakit hindi mo sinabi agad?"

"Wala naman kasing sinabi si Dr. Santy."

Walang nagawa si Nurse Chen kundi ang magtungo sa isa pang heart doctor pero .... gaya ng una, wala din dun, pinatawag din ng Head ng ospital na si Dr. Gonzales.

Nanggigigil tuloy sa inis na bumalik ito sa operating room para sabihin kay James ang dahilan kung bakit.

Napansin ito ni Kate.

"Melabs ko, dito ka muna, aalamin ko lang kung anong nangyayari."

"Ha? Ayaw! Sasama ko!"

Sinundan nila si Nurse Chen papasok ng operating room pero hindi sila pumasok, binuksan lang nya ng bahagya ang pinto para mapakinggan nila ang nangyayari sa loob.

"Dr. James, wala po ang mga heart doctor, nagpunta daw po kay Head Director. Pinatawag daw po at hanggang ngayon hindi pa rin bumabalik."

Sabi ni Nurse Chen na kita ang pagka inis.

"Ano? Hindi ba nila alam na may emergency dito?"

Inis na sabi ni James.

Naiinis na sya sa attitude ng mga kasama nyang duktor na sobra na kung umasta dito sa ospital, akala mo mga kung sino.

Hindi na nakapagpigil si Kate, pumasok ito ng operating room.

"Kuya anong nangyayari?"

"Kate, anong ginagawa mo dito? Lumabas ka at maghintay dun!"

"Hindi! Gusto kong malaman kung nasaan ang Head ng ospital na ito at bakit hinahayaan nyang mangyari ito?"

Bumaling sya kay Nurse Chen.

"Nurse, nakita kita kanina, sabihin mo sa akin kung nasaan ang office ni Dr. Gonzales at gusto ko syang makausap. Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo sinasabi sa akin!"

Galit na tiningnan sya ni James at gusto na syang kaladkarin palabas pero nagsalita si Nurse Chen.

"Sa 5th floor po sa bandang kanan, makikita nyo agad."

Agad na lumabas si Kate.

Tiningnan ng matalim ni James si Nurse Chen.

"Sorry Doc, naiinis na po kasi ako dahil sa kawalang pakialam nila Drector Head."

Paliwanag nito.

Paglabas ng operating room nagulat sya kay Mel, sapo sapo ang ulong may bukol dahil sa sakit.

"Oh, Melabs ko, saan mo nakuha yan?"

Naalala ni Kate ang bigla nyang pagpasok sa operating room. Napalakas ang hampas nya ng pinto kaya malamang nasapol nya si Mel.

"Naku, Hubby ko, sorry, sorry!"

Hinipan ni Kate ang bukol nito saka hinalikan.

"Okey na ko My Wifey Kate. Hehe!"

"Tara, samahan mo ako!"

"Saan?"

"Sa taas, lulusubin ko yung mga bwisit na duktor na yun!"


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C18
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄