Labis ang pag iyak ni Vi sa laman kay Shawn kaya naman inilapat na lang niya ang kanyang ulo sa manibela ng sasakyan at saka nagpatuloy pa din sa pag-iyak."Bakit ba kasi umasa ka na agad eh ilang araw mo pa lang siyang nakikilala, loka loka ka talaga Vi" sabi niya sa isip habang nagpapatuloy pa din sa pag iyak.
Habang nagpatuloy siya sa pagiyak ay bumukas ang passenger seat ng kotse pero hindi niya tinitignan kung sino iyon at nagpatuloy lang sa pag iyak hanggang sa haplusin ng katabi ang likod niya na para bang pinapakalma ito.
"Sinabihan na kita pare parehas lang silang magkakaibigan pero hindi ka naniwala, ayan tuloy iniiyakan mo na" ika ni Sky na nagpatuloy lang sa paghaplos ng likod niya.
"Ang sakit Sky,ang sakit sakit. Akala ko kasi gusto din niya ako kasi ang bait niya at at nagpapakita ng motibo, pero ngayon nalaman ko na hindi pa pala siya maka move-on sa ex niya at kaya lang pala siya naging mabait lang sa akin dahil,d-dahil magkahawig at magka-ugali kami ni Raine. Ang sakit-ang sakit sakit malaman na kaya lang niya ako binibigyan ng atensyon ay dahil naalala niya sa akin si Raine" sabi nito habang umiiyak pa din at hinahayaan lang si Sky na haplusin ang likod niya.
"Kumalma ka muna Vi, alam kong kaya mo yan. May tiwala ako sa'yo" ika ng kaibigan sakanya na umiiyak pa din. Pero napahinto lang sa pagiyak si Vi ng kumatok ang kapatid niya sa drivers side window at binuksan ang pintuan saka siya yinakap ng mahigpit.
"Shhh..Husshh… Kaya mo yan little sis, ano ba ang nagyrari sa'yo" ika ng kapatid nito habang umiiyak na si Vi sa balikat niya.
"Mauna na ako sa inyo,ikaw na ang bahala kay Vi Kuya Titus" sabi ni Sky saka umalis para bigyan ng privacy ang magkapatid.
*** ***
"Bro bakit parang ang tagal mo namang bumili ng kwek-kwek" ika ni Lance ng pumasok si Shawn ngunit hindi ito tinugon ng kaibigan bagkus nagkibit balikat lamang.
"Hi!" maikling bati naman sakanya ni Kian na ngayon ay umiinom na ng juice ngunit tinanguan lang ito ni Shawn saka umupo sa tabi ni Theo.
"What happened?" tanong ni Theo ng mapansing bothered si Shawn.
"Nothing, I'm just worried" maikling sagot nito saka isinandal ang ulo sa kinauupuan.
"Oh, asaan na si Vi,Titus at Sky bakit wala pa din sila." tanong ni Khiel saka tinignan si Shawn "Asaan na sila Shawn magkakasama lang kayo kanina ah" ika muli nito saka muling tumingign sa paligid upang hanapin ang tatlong kaibigan.
"Chill, Kuya Khiel masyado mo naman akong na-miss" ika ni Vi na pumasok sa apartment nito na namumula ang mga mata at halatang umiyak.
"Anyare? Kainan na ba?" pabiro namang tanong ni Titus upang kahit papaano ay mapagtakpan ang kapatid.
"Jusko naman Kuya Khiel masyado mo kaming ginugutom" sabi ni Sky na may hawak hawak na gulaman.
"Saan mo naman nakuha 'yang gulaman?" tanong ni Maky saka ito kinuha upang inuman.
"Malamang sa nagtitnda" pilosopong sagot ng kaibigan saka napalingon ng may babaeng tumawag sa pangalan ni Khiel.
"KHIEEEELLL!!!" ika ng babae na ikinagulat nilang lahat. At mas lalo silang nagulat ng makilala kung sino iyon.
"Alanah? Anong ginagawa mo dito?Pano-Pano mo nalaman yung address ko? Sino sinong nagsabi sa'yo?" pautal utal na tanong ni Khiel sa bagong dating na babae pero mas nagulat ang lahat ng bigla nalang lumabas si Hail at padabog na sinara ang pintuan, ngunit hinabol siya ni Khiel saka sila nilingon ang mga kaibigan at sinabing "Kumain na kayo!"
"What happened?" maarteng tanong ni Alanah sa kanilang lahat. Ngunit si Kian na mismo ang sumagot "Really?Hindi mo alam kung anong nangyayari. Don't bullshit me Alanah!" iritadong sabi nito saka hinatak palabas ang babae na hindi man lang pormal na nagpapakilala sa ibang bisita.
"Kain na daw, bakit hindi kayo gumagalaw" ika ni Shawn saka nauna nang kumuha ng pagkain na sinundan din naman nila pagkatapos.
Makalipas ang ilang minuto bumalik na din si Khiel ngunit hindi nito kasama si Hail kaya naman naisipan nalang nilang aliwin ito sa pagtatanong ng kung ano ano at naglaro din sila ng uno,snake and ladders at chess. Hanggang sa nagdilim na sa labas at kanya kanya ng nagpaalam ang mga magkakaibigan.
Unang umalis si Shawn at saka si Maky. Saka naman sumunod na umalis sina Theo at Lance at ang naiwan na lang ay sina Sam,Sky, Titus, Vi at Khiel na naisipang uminom ng beer.
"Hindi kompleto ang birthday party kung walang inuman, ika ni Titus saka nagpaalam na bibili daw ng alak sa tindahan.
"Are you guys ok?" seryoso at nagaalalang tanong ni Sam sakanila pero imbes na sumagot ang mga ito ay mas tumahimk pa. Si Vi ay nagsimula nanamang umiyak at si Khiel naman ay mas tumahimik lang at nagiisip kung ano ang pwedeng sabihin sa kaibigan.
"Sorry, sorry guys pero ang sakit kasi talaga eh. Umaasa na ako eh pero mukhang hindi din naman pala ako mapapansin ng taong gusto ko." ika ni VI na patuloy lang sa pagiiyak.
"Huwag kang mag-alala Vi, kahit anong mangyari andito lang kami para sa'yo, marami pa namang ibang tao diyan eh" mahinahong sabi ni Sky saka binigyan ng tissue ang kaibigan.
"Masakit sa ngayon pero kung talagang mahal mo siya bakit hindi mo subukang mas iparamdam sa kanya na mahal mo siya" sabi naman ni Sam na ikinagulat nito.
"Paano,paano ko ipaparamdam, na kung ang dahilan lang kung bakit niya ako nilalapitan ay dahil naalala niya ang ex niya sa akin. Paano Sam paano"
"Shhh, tahan na Vi" ika naman muli ni Sky upang pakalmahin ang kaibigan. At saka basta bastang pumasok si Titus at may hawak ng 2 plastic na puno ng beer.
At ng mailapg niya ang mga ito sa centertable walang pagaalinlangang kinuha ni Vi ang isang can saka ininom ng direderetso na sinundan din naman ni Khiel.
"Hinay hinay lang, hindi pa bayad 'yan" ika ni Titus saka tinignan ng dalawa saka muli sinabing "O-okay na pala bayad na 'yan. Sabihin niyo lang kung kulang pa" ika nito saka kumuha ng plato sa kusina ni Khiel at sinalinan ng Shanghai at sisig na natira sa handaan kanina.
Nagpatuloy lang ang lahat sa kakainom na para bang walang bukas, kaya naman sa sobrang kalasingan ay hindi na kayang magdrive pa nina Titus at Sky.
"Isa lang ang kwarto dito kaya magsi uwian na kayo" sabi ni Khiel saka pilit na ipinapaupo ang mga kaibigan sa sofa na lasing na lasing.
"Nasusuka ako Kuya Khiel" ika ni Vi saka nagmadaling tumakbo sa CR gayundin ang sinabi ni Sam na tumakbo papuntang lababo at si Sky naman ngayon ay nakatayo na sa center table at sumisigaw ng kung ano-ano. Habang si Titus naman ay nakaupo sa sahig pero ng tapikin niya ang balikat nito ay bigla na lang itong napahiga at humilk.
"Jusko po birthday ko na nga may aalagaan pa ako" ika ni Khiel na sobrang problemado at hindi alam kung sino ang uunahin sa mga kaibigan hanggang sa nakarinig siya ng may nabasag na kung ano. Kaya naman agad niyang tinakbo ang kusina at nakitang dumudugo ang kamay ni Vi na pilit pinupulot ang mga nabasag na piraso ng baso.
"Anong nangyari? Bitawan mo yan Vi." ika nito sa kausap ngunit sinabihan lang nito na "Nauuhaw ako kuya Khiel at nahihilo" ngunit bago pa matapos ni Vi ang sasabihin nakita niyang nakahiga naman na sa sahig si Sam na mahimbing na natutulog gaya ni Titus sa sala.
"Woooh!! Party!Party! More More!" napatingin siya ng marinig ang boses ni Sky na lasing na lasing at sumisigaw ng kung ano-ano. Kaya napagdesisyunan niyang tawagan muli ang mga kaibigan ngunit wala ni isa sa mga ito ang sumasagot.
Kaya naman tinawagan na lamang niya si Kian na agad din namang sumagot.
["Yow! What happened?"] tanong ng lalaki sa kabilang linya
"Pwede mo ba akong tulungan, lasing na lasing na kasi sina Sam,Vi, Sky at si Titus naman nakatulog na. Masyadong ng maraming nangyayari sa apartment ko. Hindi ko na sila ma-control" ika ni Khiel habang inaalalayan pababa si Sky
["Sure, papunta na ako"] sabi ng kausap saka pinatay ang tawag.
Habang naghihintay kinuha muna ni Khiel ang first aid kit saka ginamot ang sugat ni Vi, nilinis din niya ang mga kalat sa sala at saka binuhat si Sam upang makahiga sa sofa. Kaya naman ng may kumatok sa pintuan ay agad niya itong binuksan. Ngunit hindi lang si Kian ang nakita niya. Kasama din nito si Rylen at isa pang lalaking hindi niya kilala. Ngunit napansin ata ng lalaki na tinitignan niya ito kaya pormal itong nagpakilala.
"Seth Gaelle Veneracion. Sky's Friend I guess" ika ng lalaki na labis nitong ikinagulat pero hinayaan din ang 3 lalaki na makapasok sa apartment niya.
Si Kian ay binuhat si Vi papuntang sasakyan nito at sinabing siya na ang maghahatid. Si Sky naman ay binuhat papalis ng kaibigan at isinakay sa dalang kotse ni Sky samantalang si Sam naman ay binuhat ni Khiel habang inaalalayan naman ni Rylen si Titus papunta sa kotse nito. Nagprisintang imaneho ni Rylen ang kotse ni Titus na kung saan nandoon si Sam at Titus, si Kian naman ay nagconvoy sa kanila gamit ang sarili nitong sasakyan at si Sky naman ay inihatid na ng kanyang kaibigan kunno.
Una nilang naihatid si Sam sa bahay nito saka naman nila, ihinatid sila Vi at Titus sa bahay nila. Buti na lang at wala ang mga magulang nito dahil kung hindi ay tiyak na mapapagalitan sila.
Iniwan na ni Rylen ang kotse ni Titus sa garahe at sumakay sa kotse ni Kian saka umalis.
***
Nang sumapit ang kinaumagahan, hindi nagawang pumasok ni Vi, Sam,Sky at Titus kaya naman labis na nagalala ang mga kaibigan nila.Maging si Titus ay nag-alala kaya tinawagan nito si Vi, ngunit laking gulat na lamang niya na iba ang sumagot ng cellphone nito.
"Titus Perez speaking, sino 'to?" sabi ng nasa kabilang linya.
["Bakit ikaw ang sumagot? Asaan si Vi?"] iritadong tanong niya sa kaibigan na parang kagigising lamang.
"Ano naman pake mo, ang aga aga huwag mo akong inisin sino ka ba?" pasinghal naman na sagot ni Titus na naalimpungatan sa ginawang pagtawag ni Theo.
["Ako 'to Titus si Theo"] pagpapakilala naman niya na iritang irita pa din.
"Oh, Theo ikaw pala, sandali lang at ibibgay ko kay Vi yung phone niya, kaso tulog pa ata siya. Sandali lang ahh huwag mong ibaba" ika ni Titus saka naman naglakad palabas ng kwarto upang makapunta sa kwarto ni Vi.
Narinig nito ang yabag ng paa sa kabilang linya kaya naman ay hindi niya mapigilang mas mainis pa sa isiping magkasama na naman sina Vi at Tius, at hinbdi langh iton nasa isang lugar lang dalawa.
Narinig niya mula sa telepona ng pagkatokat pagkabukas ng pintuan kaya naman umaasa siyang makakausap na si Vi ngunit si Titus ulit ang sumagot sa kanya "TUlog pa ang kaptid ko, tumawag ka na lang siguro mamaya" ika ng kausap.
["Kapatid?, may kapatid ka?"] gulat na tanong ni Theo sa kaibigan
"Oo, kapatid ko si Vi. Bakit hindi mo ba alam?"
["Hindi, hindi ko alam at wala ni isa sa mga kaibigan natin ang may alam na magkapatid kayo""] iritadong sagot niya muli sa kausap.
"Anong wala? Eh alam ni Khiel na magkapatid kami ni Vi."
["Ahh ganun ba, pwes kung ganon pakisabi na lang kay Vi na tumawag ako"] ika niya saka ibaba sana ang tawag ngunit may sinabi pa muli ang kaibigan.
"Kung hindi ka pa naka move-on kay Raine, huwag mong pakitaan ng motibo ang kapatid ko, dahil kapag sinaktan mo si Vi patawarin ako ng Diyos pero kahit na magkaibigan tayo hindi kita sasantuhin." ika nito sak tuluyang pinatay ang tawag.
Napabuntong hininga na lang si Theo pagkatapos ng kanilang pag uusap saka naman nag focus na lang sa kanyang klase ngunit hindi ito makapagfocus dahil iniisip niya ang sinabi ni TItus.
"Ang lalim ata nang iniisip mo Theo, share mo naman kung ano yan" ika ni Lance na nilalaro ang hawak na ballpen
"Absent na nga si Titus at Khiel tas ikaw naman absent minded" sabi ni Shawn upang mas aasar ang kaibigan.
"Iniisip ko lang yung sinabi kanina ni Titus" maikling sagot nito ngunit mas ginisa siya ng mga kaibigan kaya naman, ikinuwento na lang niya ang kanilang pag uusap kanina.
"What the hell?!?!! Magkapatid si Ms. Coffee at Titus, totoo ba 'yang sinabi mo?" gulat at pasigaw na tanong ni Lance. "Well kung ganon, nagseselos ka sa kapatid ni Ms. Coffee." ika muli nito saka tumawa.
"Tumahimik ka nga, hindi ko naman alam na may kapatid pala si Titus eh, at saka alam pala ni Khiel na magkapatid sila." sagot nito kay Lance na tumatawa pa din.
"Kaya pala ok lang sa kanya na sa kotse kami ni Titus mag-usp kasi magkaptid naman pala sila." ika ni Shawn na nakakuha ng atensyon niya.
"Huh? Nag-usap? Sinong kinausap mo sa kotse ni Titus?" tanong ni Theo na ikinagulat nito.
Bumuntong hininga muna si Shawn bago sinabing " Noong birthday ni Khiel kinausap ako ni Vi, tinanong niya kung sino ba si Rylen Santilian at bakit ka galit sa kanya. Pero hindi ko kaya magsinungaling kay Ms. Coffee, kaya naman sinabi ko ang lahat sa kaniya. Kwinento ko na din ang tungkol kay Raine." ika ng kaibigan saka siya tinignan
Nagaapoy sa galit si Theo ng marinig ang ginawa ni SHawn kaya naman hindi niya napigilang kwelyuhan ang kaibigan "Bakit mo ginawa 'yon? Alam mo ba kung anong mararamdaman ni Vi sa ginawa mo! Alam mo ba ha! Sagutin mo ako DE LUNA!" ika nito ngunit binaklas lang ni Shawn ang mga kamay niya saka sinabing.
"Kung hindi ka pa naka move on kay Raine, huwag mong gaguhin si Vi kasi mas pinapasakit mo lang ang loob niya. Hindi mo ba alam kung paano siya umiyak noong nalaman niya lahat ng 'yon. Alam mo ba na kahit sa maikling panahon pa lang ay nahuhulog na siya sa'yo, alam mo ba iyon Theo?" ika ng kaibigan saka sila iniwan ni Lance.
Napabuntong hininga si Lance saka sinabing "Tama naman si Shawn kung hindi ka pa naka move on mas mabuting layuan mo muna siya kasi baka mas masaktan mo lang ang taong lubos na umaasang mapansin mo " ika nito saka siya iniwan upang sundan si Shawn.
A/N: Thenkyuu for reading please continue supporting the next chapters :)) stay safe and healthy!!!
Please support my twit acc 🥺👉👈 :
✨@citrinelily17✨
Disclaimer:
This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.