下載應用程式
50% His Slave for 100 Days / Chapter 7: Chapter 6

章節 7: Chapter 6

Habang nagtuturo ang teacher namin, hindi ako makapag focus dahil hindi na mawala sa isip ko ang Bianca na sinasabi ni Jake, sino kaya yun? Baka ex niya na hindi pa rin niya makalimutan.

"Miss Barboza"

Maganda kaya yun? Siguro mahal na mahal yun si master, kasi kahit sa pagtulog siya ang nasa isip nito.

"MISS BARBOZA!" Nagulantang na lang ako sa biglaang pagsigaw ng teacher namin at napapahiyang tumingin dito.

"Yes miss?" Sagot ko at nagtawanan naman ang mga ka-klase ko. Bakit kasi sobrang lutang ko! Si Jake may kasalanan nito eh!

"Kanina pa kita tinatawag! You are spacing out!" Napapahiya nalang akong nagbaba nang tingin.

"I'm sorry miss. It won't happen again" paninigurado ko at masungit na umirap lang ito. Palihim na tumatawa pa rin ang mga kaklase ko dahil sa nangyari.

"QUIET!" Singhal ni miss at natahimik agad sila. Ngayon nagfocus na ako sa tinuturo niya. Ayaw ko nang mapahiya ulit.

---

Lunch break na, papunta ako ngayon sa garden dahil hindi naman nagtext si Jake na papuntahin ako sa tambayan nila.

Pagdating ko sa garden, nabigla ako nang makita si JC na nakaupo kung saan ako kumakain lagi.

"Uy JC" tawag ko dito at nakangiti naman itong lumingon. Bat ba ang gwapo nang nilalang na ito.

"Hey Angela, buti at nandito ka na. I thought na dito nalang maghintay sayo kasi dito ka naman lagi pumupunta eh." Nakangiti nitong sabi habang kinukuha ang packed lunch niya.

Tumango nalang ako at pumunta sa tabi niya, medyo malayo din dahil ayoko naman ma issue kami. Habang nilalabas ang packed lunch ko hindi ko pa rin makuha bakit hinintay niya ako. Kasi oo nagkikita naman kami paminsan-minsan pero hindi yung tipong magkasabay kami kakain.

"Gela?"

Ano kayang pakay neto. Hindi naman siya ganito noon ah.

"Uy" nabalik ako sa katinuan nang may sumundot sa balikat ko. Hindi ko alam na nag space out na naman ako. Pangalawang beses na ito ngayong araw.

"Ah, ano yun? Sorry may iniisip lang." Sabi ko at binuksan na ang lunch ko. Halata sa mukha nito ang pagtataka pero hindi ko nalang iyon pinansin. Mukhang nakuha naman niya ang gusto kong iparating kaya nagsimula nalang din siyang kumain.

"Kamusta pala si Anthony? Miss ko na makipaglaro sa kaniya ah." Tanong nito, nilunok ko muna ang kinakain ko saka ito sinagot.

"Okay naman. Bisita ka kasi sa bahay minsan. Hindi naman kasi yun lumalabas nang bahay kapag wala ka" sabi ko at natawa lang ito. Close din kasi sila ni Anthony, naglalaro sila lagi nang basketball doon sa may park malapit sa bahay namin.

"Sige bibisita a--"

"Nandito ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap Ms. Barboza. Hindi mo ba nakita ang text ko?" Sulpot ni Jake sa likuran ko at halata ang inis sa mukha nito. Hindi tuloy natapos JC sasabihin niya dahil sa epal na ito.

"Sorry, kumakain kasi ako kaya hindi ko napansin na may nag text. Tsaka may kausap rin ako." Tugon ko na hindi man lang lumilingon sa kaniya. Alam ko sa ngayon galit na yan.

"Tunayo ka diyan, samahan mo ako" utos nito na nagpa kunot ng noo ko.

"Bro, kitang kumakain yung tao tapos bigla mo lang papatayuin at dadalhin kung saan?" Sagot dito ni JC, halata sa mukha nito na naiinis ito kay Jake.

Si Jake naman hindi ito pinakinggan at hinawakan ang braso ko para makatayo ako. "Teka nga Jake, kaya ko naman tumayo mag-isa. Tsaka pwede bang mamaya nalang? Kasama ko pa si JC oh" maktol ko at kumunot lang ang noo nito.

"Now" cold na sabi niya at wala na akong magagawa, sinunod ko nalang ang sabi niya at tumayo na. Niligpit ko na ang lunch ko at tumingin kay JC.

"Sorry JC, next time nalang ulit. Babawi ako sayo" sabi ko dahil halata sa mukha nito ang pagkadismaya.

"Sige Angela, see you. Ingat ka ha" sabi nito na bahagya pang tiningnan si Jake pagkasabi nung huli.

---

Ngayon ay kasalukuyan akong hinahatak ni Jake sa kung saan man. Kung hindi ka naman minamalas eh puro bulungan nang fangirls ni Jake ang naririnig ko.

"Gosh bat sila magkasama ni Jake!"

"Tsaka ang kapal ng face niyang hawakan ang kamay ni Jake"

"Oo nga, hindi naman maganda. Mas maganda pa tayo diyan"

Napabuntong hininga ako at hindi nalang pinansin ang mga sinasabi nila. Humigpit ang hawak ni Jake sa kamay ko. Hindi ko alam ano ang nararamdaman ko ngayon. Pinigilan kong ngumiti dahil takot akong makita niya at baka pagtawanan lang ako.

"San ba kasi tayo pupunta Jake?" Angal ko dahil sumasakit na rin ang kamay ko sa higpit nang hawak nito. "Ang sakit ng kamay ko, wag mo higpitan masyado" reklamo ko ulit at buti ay niluwagan nito ang pagkakahawak, pero hindi man lang inalis.

Papunta kami ngayon sa parking lot at doon natanaw ko ang sasakyan niya. Edi siya na mayaman.

Pinagbuksan niya ako nang pinto at pinapasok doon. Hindi na ako umangal dahil wala rin namang magagawa ang pag angal ko. Mas maiirita lang siya at baka hindi na ako pauwiin.

"Samahan mo ako, wag ka muna mag tanong saan. Ako na bahala sa next period class mo" sabi nito at pinaandar na ang sasakya tapos umalis na kami sa Campus.

Nasa byahe na kami. Sobrang nakakabingig katahimikan ang bumalot samin. Gusto ko magsalita pero takot ako. Kaya hinayaan ko nalang siyang magmaneho kung saan man ito papunta.

Ilang minuto lang naramdaman kong huminto na ang sasakyan at laking gulat ko nang tingnan ko ang labas ng bintana, nasa sementeryo kami. Hindi ko alam ang gagawin namin dito pero nauna nang lumabas si Jake at pinagbuksan ako ng pinto.

Lumabas na din ako at hinayaan siyang maunang maglakad. Sumunod lang ako sa kaniya.

Nang bigla itong huminto, lumapit ako dito at binasa ang pangalan sa puntod.

Anastasia Fuentes.

____________

To be continued..... ❤


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C7
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄