下載應用程式
95.56% M2M SERIES / Chapter 365: Ang Bastos Sa Kanto II (Part 18)

章節 365: Ang Bastos Sa Kanto II (Part 18)

Sumakit ang ulo ko,nagpabalik balik sa utak ko ang sinabi ng tropa kahit nandito na ako sa bahay.

Ganon pala yon pag sobrang dami mong nalalaman,nakaka sakit sa ulo,naghalo halo ang iniisip ko.

Drugs na nakakapag pa wild at hahanap hanapin mo ang naka sex mo? Nakakatakot ang drugs na yon. San nakuha ni Lux ang drugs na iyon? At anong panananakot ang ginawa ni Lux kay Chance? Kung sa business nila iyon bakit damay ang pamilya ko? Shet naman!

Oras na siguro para harapin ko si Lux,hindi dahil gusto kong maayos kami ni Chance,kami na ni Chance ang bahala dun,ang gusto ko na lang ay tigilan niya ang pananakot sa tao.

Ang sabi pa ni Ritz,nakarma daw agad si Lux dahil nahuli ito ni Chance na may nilalagay sa inumin ni Chance kaya nag away sila at nireport ni Chance sa president kaya pala galing sa President's office si Lux ay dahil pinapatawag ang mga magulang niya,pero mukhang imposible dahil nasa ibang bansa ang mga magulang niya.

Pag natapos ko ang lahat ng ito,saka ko haharapin si Chance kung makakapag hintay pa siya,at si Arloo dahil ayoko ng ituloy pa niya ang ginagawa niya,masasaktan siya,hindi ako para sa kanya.

Agh! Ang sakit na talaga ng ulo ko! Bukas ko na lang gagawin ang mga naiisip ko. Kung juntis lang ako nakunan na siguro ako,hayup na yan,bakit ba humantong sa ganito ang lahat?

Imbis na makatulog ay napuyat ako. Bumangon na ako at lumabas ng kwarto. Naisipan kong sumilip sa labas,hindi nga ako nagkamali ng iniisip. Nasa labas si Chance,nakaupo at matyagang naghihintay.

Suminghap ako at napakagat labi. Kung ipagpapatuloy niya iyan ay magkakasakit siya. Ano pa ba ang ginagawa niya diyan? Hindi pa ako handang kausapin siya,tatapusin ko muna ang sa amin ni Lux.

Huminga ako ng malalim at tumalikod na,titiisin ko muna siya.

Tumalikod na ako at naglakad pabalik sa aking kwarto. Itutulog ko na muna ito,mamayang pag gising ay magsisimula na akong ayusin ang lahat,I need to do this bago pa lumala ang lahat,bago pa mas gumulo ang lahat.

Kinabukasan ay determinado na ako,kakausapin ko si Lux.

Nag abang ako sa labas ng PLP,hanggang sa makita ko siya,huminga ako ng malalim at hinintay siyang makalapit.

"Lux,mag usap tayo." sabi ko,tinaasan niya ako ng kilay at tiningnan mula paa hanggang ulo,napangiwi ako sa ginawa niya.

"At bakit ako makikipag usap sayo?" mataray niyang sabi.

"Pag usapan natin ang atin,ang kay Chance,pamilya niya at pamilya ko." diretso kong sabi. "Alam ko na ang lahat,pag hindi ka nakipag usap mapipilitan akong isumbong ka."

Biglang nag iba ang timpla ng mukha ni Lux,halatang nagalit siya pero hinanda ko na ang sarili ko at hindi ako magpapatalo.

"Wala kang maisusumbong,tanggapin mo na kasi ang katotohanan."

"Are you really sure? How about the drugs? Ay oo nga pala,sinumbong ka na ni Chance,pero mas matinding kasalanan ang pakikipag sex sa Cr ng school diba? Ano mangyayari pag sinumbong kita?" taas kilay ko ding sabi. Hindi lang siya ang marunong manakot.

"How dare you?! Hindi sila maniniwala sayo! Bitter ka! Bakla ka kasi!"

"Yun lang ang kaya mong sabihin? My God,Lux! Hindi ka nag iisip?" pang iinis ko pa.

"Ang kapal ng mukha mo?!" sasampalin sana ako ni Lux pero nasalo ko ang kamay niya.

"Subukan mo?! Hindi ako mangingiming isubsob ang mukha mo sa pader!"

Sunod sunod na ang paghinga ni Lux dahil sa galit,ako naman ay ang lakas ng kabog ng dibdib sa halo halong emosyon.

"Wala ka ng magagawa! Kahit hindi kami magkatuluyan ni Chance,hindi ka na niya babalikan! Ako ang hinahanap hanap ng katawan niya at ng isip niya!"

Nagtagis ang mga bagang ko dahil sa sinabi ni Lux,matigas talaga siya at kailangan ko tanggalin ang pagka matigas niya.

Marahas kong binitawan ang kamay niya kaya halos matumba siya. Nagngingitngit na siya sa galit.

"Nakaka awa ka Lux. Alam mo bang pwede ka ng makulong dahil sa pangdodroga mo kay Chance? San mo yon nakukuha? At mas nakaka awa ka kasi hanggang katawan mo lang ang habol ni Chance,hindi mo mapapasok ang puso niya. Wala kang pinagkaiba sa mga prostitute!" mahaba kong sabi na ikinalaki ng mga mata niya.

Ganyan nga,masindak ka. Hindi na ako mananahimik Lux,hindi na ako iiyak at iiyak lang.

"Bakit mo ito ginagawa?!" ani Lux,napangisi ako. "Kakasuhan kita!"

"Try it,maghihintay ako na makasuhan mo. Diba dapat ako ang nagtatanong nyan? May paraan naman para hindi kita isumbong at hindi kita ipakulong." napatingin ako sa paligid,ang bawat tao na dumadaan ay napapatingin sa amin.

"Hindi mo ako masisindak bakla! Hindi pa ipinapanganak ang taong makakasindak sa akin!" matapang pa ding sabi ni Lux,napapalatak ako at napailing.

"Tigilan mo ang pagdamay sa mga magulang ni Chance,its your parents and his parents business,huwag mong gamitin sa pang sarili mong interes. At pang huli huwag mong idadamay ang pamilya ko,hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin,Lux. Your choice,titigil ka para matahimik na tayong lahat? O itutuloy mo pa din ang sinimulan mong gyera."

Tinitigan niya ako ng masama,ganon din ang ginawa ko.

"Kiji?! Hindi ka ba papasok? Male-late na tayo!" boses ni Arloo pero hindi ko siya nilingon.

"Gagawin ko ang gusto mong mangyari kung aalis ka sa school na ito. Titigil ako kung mawawala ka,now its your choice." taas noong sabi ni Lux at nilampasan ako.

Huminga ako ng malalim. Ngayon lang ako biglang nanlambot. Kakaiba pala talaga si Lux,binigyan ko siya ng choice,pero binigyan niya ako ng choice na naka depende ang lahat lahat sa magiging desisyon ko.

"Tara na Kiji. Hindi magandang nakikipag usap ka pa kay Lux." hinila na ako ni Arloo at nagpati-anod na lamang ako.

I have no choice,kailangan kong gawin ang dapat,even if it means breaking again my heart.

Siyempre,lutang na naman ako buong araw,this problem is not healthy for me,apektado na pati pag aaral ko.

Wala namang magawa ang tropa,sinabihan ko sila na huwag ng idamay ang mga sarili nila,tutal ay natulungan na nila si Chance at nasabi na nila sa akin ang lahat lahat. Alam kong na-a-awa sila sa akin,pero hindi dapat,kasi kung kaka awa-an ako,lalo akong magiging emosyonal and that's not good.

"You okay?" ani Arloo ng ihatid ako sa may kanto. Tumango ako at tinitigan siya,tatapusin ko na.

"Pwedeng humingi ng pabor,Arloo?" lakas loob kong tanong.

"And what is it?"

"Tigilan mo na ito." ani ko at tinitigan siya,nagsalubong ang mga kilay niya na para bang hindi niya nakuha ang gusto kong iparating.

"Tigilan ang alin? Kakaiba naman ata ang favor mo."

"Tigilan mo na ito,you can still be nice to me,pero itigil mo na ang pagpaparamdam. Kahit hindi na kami magkabalikan ni Chance ay siya pa din ang mahal ko,ayaw kong masaktan ka pa." nag iwas ako ng tingin,dahil mas tumiim ang pagtitig niya sa akin.

"Yon ba? Wow! Just wow Kiji! Kaka amin ko pa lang ng nararamdaman ko,magsisimula pa lang ako pero ito agad? Do you even have a heart?" sarcastic na sabi ni Arloo,umiling pa siya na parang hindi makapaniwala.

"Im sorry,makakalimutan niyo din lahat ng mga ginawa ko. At sana balang araw mapatawad niyo ako." agad akong tumalikod at nanakbo,dun ako sa may daanan papunta sa Sagad pumasok.

Buo na ang desisyon ko. Even if I dont like it,I still have to do it,its for the better. Lilipas din naman ang panahon at makakalimutan naming lahat ang mga masasamang pangyayaring ito.

Pagkarating sa Sagad High school ay pumara na ako ng trycicle,lutang na lutang ako. Kaya ng makababa ako sa tapat ng Batis compound ay natigilan ako sa aking nakita,parang biglang piniga ang puso ko at parang nahirapan akong huminga.

Si Chance, nakayuko habang nakaluhod sa harapan nina Mama at Papa,nasa harapan sila ng bahay,yumuyugyog ang mga balikat ni Chance,he's crying,and it really breaks my heart,lalo pa at yakap yakap niya si Chaji.

Hindi ko na namalayang tumulo na din ang mga luha ko.


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C365
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄