"Hindi ganyan ang tamang pagbati sa future fiance,Chance. Nandito si Vane because she's pregnant and youre the father!" singhal ng Tito ni Chance.
Nanginig ang tuhod ko at parang bigla akong nahilo.
Buntis siya?
Hindi ko alam kung ilang beses ako napalunok. Tiningnan ako ni Chance,parang gusto ko umiyak. May kung anong bumara sa lalamunan ko at ang mga luha ko ay pinipigilan ko ng pumatak.
"Ano bang sinasabi niyo?" galit na baling ni Chance sa nga ito. Parang pinipiga ang puso ko sa sitwasyong ito. Pakiramdam ko ay nasosoffucate ako at kailangan ko ng hangin. Pinuno ko ng hangin ang baga ko para hindi ako mapahikbi. "Vane! Ano.na naman ito?"
"Im sorry Chance. Pero totoo. Remember yung huling may nangyari sa atin? Bago tayo mahuli ni--" lumingon sa akin si Vane. Parang nahihiya siyang ituloy. Tanda ko pa ang araw.na iyon,so ibig sabihin may nangyari na ulit sa kanila bago ko pa sila mahuli. "That was two months ago. Nawala tayo sa sarili that time,Chance. Im two months pregnant at pasalamat ba lang na hindi pa sya masyadong malaki. Makaka graduate pa ako."
Muli akong nilingon ni Chance na parang nanghihingi ng pang unawa. Pero parang bigla akong namanhid na hindi ko maipaliwanag.
"Hindi pwedeng akin yan Vane." ang parang kawawabg sabi ni Chance.
"No Chance! Sa iyo ito. Sayo lang ako ganon at wala na akong ibang naging boyfriend maliban sa iyo. Please dont be like that." ang naiiyak ng sabi ni Vane. Nakaramdam ako ng matinding awa pero mas nangingibabaw ang pagka bigla at sakit.
"Kaya Chance. Do what you must. Naitawag na namin ito sa parents mo at sobrang saya nila. Uuwi sila before the graduation." ang pagsabat ng tita ni Chance.
"Ano? Bakit? Teka lang! May boyfriend ako--"
"Its okay Chance. Hindi ko naman maaatim na mawalan ng ama ang bata." pagputol ko sa sasabihin niya. Ganon kabilis akong nakapag desisyon. Sino bang gago ang may gustong sumira ng kinabukasan ng batang hindi pa naipapanganak. Saka naalala ko si Mama at ang kapatid kong nasa sinapupunan pa niya. Kung sa kapatid ko iyon mangyayari ay hindi ko kakayanin.
"Kiji?!!" galit na sabi ni Chance. Ngumiti ako at umiling.
Hindi na ako kailangan dito,nakaka sakal ang hangin. Kung hindi pa ako aalis ay paniguradong nagbe-breakdown ako.
Kaya ang ginawa ko ay agad akong tumalikod at nanakbo. Kahit mabigat ang bag at ang mga bitbit ko ay hindi ko ininda. Gusto ko na lang umalis sa lugar na ito.
"Kiji! Teka!!" sigaw ni Chance.
"Chance! That is too much! Bigyan mo ng kahihiyan ang mga magulang mo at ang pamilyang ito!" dinig ko namang sigaw.ng tito niya.
Hindi ko alam kung paano ako nakalayo dun. Hilam na mga mata ko sa luha,ni hindi ko alam kung saan ako papunta.
Mula sa Mcdo ay patawid na sana ako sa may 7/11 ng hindi ko mapansin na nag green na ang traffic light.
Ang huli ko na lang na natatandaan ay ang malakas na busina nung taxi at kasunod.nun nagdilim na ang paligid ko.
Nang magising ako ay sobrang sakit ng katawan at ng ulo ko.
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Paniguradong nasa ospital ako dahil na din sa ingay. Mukhang nasa emergency room ako.
"Anak? Kamusta na? Anong nangyari?" ani Papa na may dalang pagkain.
"Pa? Nasan si Mama?" ang nag aalala kong tanong.
"Nasa labas. Sinabi ko na hindi.ka niya pwedeng makita. Baka makasama sa kanya at kay baby. Anong nangyari? Bakit ka nadisgrasya? Pinabayaan ka ba.ni Chance? Mabuti na lamang at galos lang at bali sa kaliwang braso natamo mo."
Sa narinig ay hindi ko maiwasang mangilid ang luha. Wala na,tapos na kami ni Chance.
"Hindi po niya alam at huwag na huwag niyong sasabihin sa kanya. Please Pa huwag niyo na din syang kontakin." pigil hikbi kong sabi.
"Mabuti na lang talaga at nakalagay sa ID mo contact number namin. Nag alala kami ng Mama mo. At sige,kung ano man ang dahilan mo at ayaw mong malaman ni Chance ay e-rerespeto ko,Kiji."
"Maraming salamat po Pa." wala na tumulo na ang luha ko. Ganito pala ang pakiramdam ng nasasaktan sa pag ibig. Sobrang sakit na hindi mo na mapangalanan.
"Anak!" niyakap ako ni Papa. " Nag away ba kayo?"
"H-Hindi p-po. W-wala n-na ka-kami." ang humihikbi kong sagot. Natahimik si Papa at sumubsob ako sa dibdib niya.
"Magpahinga ka na. Mamaya pwede na tayong umuwi." ani Papa ng matahimik na ako.
Parang gusto ko pa umiyak pero nahihiya ako kay Papa. Kaya pumikit na lamang ako at inalala yung mga magaganda naming alaala ni Chance.
Hindi ko akalain na mabilis matatapos ang kwento namin. Hindi ako galit sa kanya o kay Vane. Bakit ako magagalit? Nabuo ang bata nung hindi pa kami ni Chance. Ang sobrang masakit lang talaga ay ipinamukha na hindi talaga kami pwede,na sa isang iglap pwedeng maglaho yung kung anong meron kami. Lalo na at magiging fiance na nya si Vane,magiging pamilya sila. At iyon ang hindi ko maibibigay kay Chance.
Ilang araw akong absent,naka excuse ako at okay lang naman kasi practice na lang din naman ng graduation. Ang daming text at missed call ng tropa lalo na ni Chance pero ni isa ay wala akong sinagot. Pakiramdam ko wala na ako lagi sa mood.
Pag pumupunta si Chance nagtatago ako,hindi din niya maka usap sina Mama at Papa kasi nga gabi na umuuwi. Pati ang tropa pumupunta din pero wala akong hinaharap ni isa,nilalock ko ang pinto at nagkukulong ako sa kwarto.
Bago matapos ang linggo ay nagpalit ako ng sim,nakaka panibago pero dapat akong masanay.
Sa totoo lang hindi ko padin alam ang gagawin,at hindi ko alam kung paano haharapin si Chance pag nagkita na kami sa school.
Pagdating ng lunes ay pumasok na ako. Parang normal lang,parang hindi ako nabundol at nabroken hearted. Kung tatanungin ako kung alin ang mas masakit at mas ininda ko? Siyempre yung pangalawa,ang ma broken hearted.
Nakita ko na ang haba ng pila ng mga estudyante,abot sa IR building,practice ng graduation at hindi ko alam kung nasaan ang section ko. Kaya ang ginawa ko na lang ay nagpunta na lang sa Main building at umakyat sa room.namin. Hihintayin ko na lang na makabalik ang mga kaklase ko.
After siguro ng isang oras ay nagdatingan na sila. Natahimik ang lahat ng makita ako,yung tipong parang nakatingin sila sa estranghero kaya medyo nailang ako.
"Kiji! Anong nangyari?" sabi ni Karissa na kakapasok lang.
"Oo nga,may problema ba?" dagdag ni Teban. Nakahinga ako ng maluwag kasi wala si Chance.
"Na overdose ka ata sa kilig nung retreat eh." ang biro naman ni Aiko.
"Kiji,may problema ba?" ani Khaim na salubong ang mga kilay. Bakit ang bilis niyang makahalata?
"Huh? Wala,okay lang ako. Medyo masama padin pakiramdam ko. Nabundol kasi ako ng taxi nung pag uwi natin galing retreat kaya absent ako at hindi ko kayo hinaharap pag pumupunta kayo sa bahay. Ayaw kong makita niyo ako na puro galos at may benda."ang mahaba kong sagot at ngumiti ng pilit.
Biglang pumasok si Chance na salubong ang mga kilay kaya nag hurementado na naman ang puso ko.
"Nabundol ka? Bakit hindi sinasabi ni Chance?!" ang agad nilang reak kaya napatingin si Chance sa amin.
"Kiji!" ani Chance. Napasinghap ako,pakiramdam ko parang may nabasag na kung ano o yung puso ko ang nabasag.
Agad siyang lumapit at hinampas agad siya ni Karissa.
"Tarantado ka! Bakit hindi mo sinabing nadisgrasya si Kiji nung pag uwi niyo?" ani Karissa. Nagtaka si Chance at napailing ako.
"Nadisgrasya ka?" lumapit si Chance at hinawakan ang kamay ko. "Mag usap tayo Jiko. Gusto kong ayusin natin ito."
Tinanggal ko ang pagkakahawak ni Chance sa kamay ko. Nagulat ang tropa,natahimik at nagkatinginan.
"Please Chance. Huwag na natin gawing kumplekado ang lahat. Maawa ka kay Vane at sa baby. Sila na lang ang intindihin mo. Huwag na ako,kaya ko sarili ko." at tumulo na naman ang mg luha ko,bakit ba hindi ko mapigilan ang pag iyak?
"Tang ina! Bakit ka ba ganyan? Pag paliwanagin mo naman ako!" sigaw ni Chance at napatingin sa amin ang lahat. "Huwag ka namang ganyan. Ganon na lang ba yon?!!"
"Chance,kalma." ang pag awat ni Teban. Napahagulhol ako kaya agad akong niyakap nina Karissa at Aiko.
"Huwag dito. Mag usap kayo sa maayos na lugar." ani Khaim.
"Hindi eh! Hindi man lang niya ako pinagpapaliwanag. Tang ina Kiji,pwede naman pag usapan diba? Ang sakit ng ginagawa mo eh!" namumula na ang mga mata ni Chance at dun ako lalong naiyak,parang hinihiwa ang puso ko.
Nasasaktan ko na siya at nasasaktan na din niya ako.
"Yun na nga eh. Nagkakasakitan na tayong dalawa ng ganun ganon na lang. At makaka sakit pa tayo ng iba pag pinag patuloy pa natin to Chance." ang mahina kong sabi,sapat lang para marinig niya at ng tropa.
"Sa isang iglap nagkaganito tayo Kiji? Nagdesisyon ka kaagad?" tagis bagang ng sabi ni Chance at hindi ko na alam kung paano pa siya mapapakalma nina Teban at Khaim.
"Oo. Kasi hindi naman ito para sa akin. Nasasaktan din ako Chance,sobra sobra,balewala yung sakit ng pagkaka bundol sa akin sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Ayaw kong maging maka sarili. At kahit gaano kasakit,kailangan kong magparaya Chance,para kay Vane at para sa baby. Kaya please,tumigil na tayo. Hindi tayo ang para sa isa't isa." Matapos kong sabihin iyon ay hindi ko na mapigilan ang mapahagulhol ng malakas.
Napaka unbearable ng sakit,ganito din siguro ang naramdaman ni Ohm nung pinalaya niya ako. Hindi maganda sa pakiramdam.
"Ganon ba? Ito ba ang gusto mo? Sige,dahil masyado kang mabait at iniisip mo pa ang iba kesa sa nararamdaman ko. Ibibigay ko ang gusto mo. Mula ngayon ay tapos na tayo,ituturing na din kitang hindi kilala. Sana,hindi na lang kita minahal. Sobrang sakit Kiji."
Tumalikod na siya at lumabas ng room. Pagkalabas pa lang ni Chance ay humagulhol na naman ako.
Im sorry Chance. But its the best way. Letting go is really exedingly hurtful. But I must endure the pain.
Mula ngayon,sasanayin ko na ang sarili ko na wala ka Chance kahit sobrang sakit.