PAGGISING ni Jin kinabukasan ay medyo masakit ang ulo niya. Muling pumasok sa kanyang isipan ang nangyari kina Din. Napayakap siya sa sarili. Sobrang bigat ng kanyang kalooban pero gaya ng kanyang plano, magpapaubaya na siya sa kambal.
Nauntag siya nang nag-ring ang cellphone. Dinampot niya iyon sa tabi ng unan. Si Marian ang tumatawag.
"Good morning, yap," bati nito.
Pilit niyang pinasigla ang sarili. "Good morning din sa 'yo, yap," tugon niya.
"Nagising ba kita?"
"Hindi naman. Sa katunayan ay kakagising ko lang at binuo mo agad ang araw ko," sabi niya. Muli siyang humiga.
"Ayeehhh... Buti naman. Akala ko nadisturbo kita, e. So ano ang plano mo ngayong araw? Sa sunod na linggo pista na."
"Hindi ko alam, yap. Bahala na sila nanay at tatay kung ano ang gagawin sa pista."
"Ang lungkot ng pista natin, yap. Wala na palang bakla rito sa lugar natin. Marami ang namatay at karamihan ay umalis na. Sila pa naman ang nagpapasaya sa tuwing may pista," malungkot na sabi ni Marian.
"Huh? Bakit ano ang nagyari?" Kunwari ay nagulat siya sa sinabi nito.
"Hay naku, yap. May serial killer daw ng mga bakla rito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli ang salarin. Hindi pa ba nasabi sa 'yo ng pamilya mo?"
"Hindi pa kami nagkakausap masyado, e. Grabe naman, yap. So nasundan pala talaga ang pagkamatay noon ni mama Jammy?"
"Sinabi mo pa. Pati nga ang dalawang kaibigan kong sina Kenth at Jaycee ay nabiktima rin pala. Wala man lang nagbalita sa akin do'n sa Manila."
"Nakakagulat naman ang nangyayari, yap. Sana mahuli na kung sino man ang gagong 'yon."
"Sana nga, yap. Anyways, h'wag na nga nating pag-usapan ang tungkol diyan. Magplano na lang tayo kung paano tayo makakapasyal dito. Sulitin natin itong bakasyon natin kasi minsan lang. Remember, two weeks lang tayo rito. Kailangan nating bumalik agad."
"Ang hirap naman kasi ng sitwasyon natin, yap. Harapin ko na lang kaya ang pamilya mo para maging malaya na tayo."
"Yap, hindi pa nga ngayon ang tamang panahon. H'wag tayong umasa na matatanggap ka ng pamilya ko. Mas masahol pa sa demonyo ang mga 'yon."
Napabuntong-hininga si Jin. Mas lalo lang bumigat ang kanyang kalooban no'n.
"Okay, yap. Basta walang bibitiw, ha," madamdaming sabi ni Jin.
"Oo naman. Laban lang, yap. Mahal na mahal kita, e. Ikaw ang buhay ko at ikaw lang hanggang sa huling hininga ko."
Natawa si Jin sa sinabi nito.
"Oh, ano'ng nakakatawa sa sinabi ko?"
"Wala... cute mo lang kasi, e," sabi niya. Sabay silang nagtawanan.
"Sige, yap. Tatawag na lang ako ulit mamaya. Papunta na rito si mommy."
"Okay, yap. Babangon na rin ako kasi kumakalam na sikmura ko, e."
Matapos ibaba ni Jin ang cellphone ay bumangon na siya. Kumuha siya ng boxer sa bag at isinuot. Lumabas na siya ng kwarto.
"Nak, gising ka na pala. Kanina ka pa namin gustong gisingin, e, para mag-agahan sana. Pero hinayaan ka na lang namin para hindi madisturbo ang pagtulog mo," salubong na wika ni Adela na kasalukuyang nagwawalis sa sala.
Lumapit si Jin sa ina at nagmano. "Nagugutom na nga ako, nay," malambing niyang sabi.
"Halika, kain ka muna." Hinawakan ni Adela ang kanyang kamay at iginiya siya papasok sa kusina. Kaagad din siyang umupo. Ipinaghanda naman siya nito ng makakain.
"Si tatay at Din, nay?" tanong niya.
Napangiti sa kanya ang ina. Napansin niyang sobrang aliwalas ng mukha nito. Masayang-masaya ang kanyang ina nang mga sandaling iyon.
"Hayun, nasa bakuran natin ang dalawa. Naglilinis para sa darating na pista. Nakakatuwa nga, 'nak, e. Muling nanumbalik ang sigla ng kambal mo. Kay tagal din niyang nagkulong lang sa kwarto at hindi man lang kami masyadong kinakausap ng tatay mo. Namiss ka lang pala niya, 'nak," masayang sabi ni Adela.
Napangiti siya. Kahit papaano ay nagbigay ng kaligayahan sa puso niya ang sinabi ng ina. Nanalangin siyang sana ay tuloy-tuloy na ang pagbabago ni Din. Pero bigla ring sumagi sa kanyang isipan ang katotohanang ipinagpapaubaya na niya ang katawan sa kambal para lamang magbago ito. Naisip niya ring hindi naman siya magtatagal sa probinsiya dahil kailangan na niyang umpisahan ang pag-aaral sa Manila. Nalungkot siyang muli sa isiping pansamantala lamang ang lahat ng iyon. Babalik si Din sa abnormal nitong pamumuhay kapag wala na siya.
"Bakit, 'nak?"
Maang siyang napatingin sa ina. Ngumiti siya. "Wa-wala, nay. Naisip ko lang kasi na hindi naman ako magtatagal dito. Mamimiss ko na naman kayong lahat, nay," wika niya.
Inilapag ni Adela ang hinandang pagkain sa kanyang harapan kapagkuwa'y hinaplos ang mukha niya. "Nak, okay lang 'yon. Ganito talaga ang buhay. Gaya nang nasabi ko na sa 'yo, hindi tayo puwedeng magsama-sama habang buhay," sabi nito.
Napabuntong-hininga siya at ngumiti sa ina.
Matapos kumain ay lumabas siya ng bahay. Ganoon pa rin ang kanyang suot. Naka-boxer lang siya. Nakita niyang pawisan na ang kanyang ama at kambal habang inaayos ang munti nilang kubo sa likod ng bahay. Naalala niyang doon kinitil ni Din ang buhay ng matalik niyang kaibigan na si Kurt. Pati pa si Angelie ay nadamay. Dumako ang mga mata niya kung saan niya inilibing ang mga ito. Malaki na ang mga puno ng saging doon. Nalibing ang dalawa nang wala man lang nakakaalam sa pamilya ng mga ito.
"Jin, gising ka na pala. Tulungan mo nga kami rito," nakangiting tawag sa kanya ni Ryan.
Napalingon naman si Din sa kanya. Naging masaya na nga ulit ang hitsura nito. Bumalik na ang hitsura nito noong mga panahong hindi pa ito naalipin ng kamunduhan.
"Jin, ikaw naman dito. Pagod na ako, e," sabi ni Din. Matamis pa rin ang mga ngiti nito sa labi.
Sana ganyan ka na lang palagi, Din, sa isipan niya.
"Naku! Ang batugan mo talagang bata ka!" natatawang sabi ni Ryan.
Tumawa lamang si Din. Hindi napigilan ni Jin ang pagtulo ng butil ng luha mula sa mga mata. Kaagad niyang pinahid ng kamay ang mga iyon. Labis siyang nangulila sa tawang iyon ni Din.
"Okay lang, tay. Alam naman nating hindi sanay si Din sa gawain rito sa bahay, e," sabi niyang lumapit na sa kinaroroonan ng mga ito.
Pero hindi naman talaga umalis si Din. Tumulong pa rin ito sa kanila. Napuno ng mga tawanan nila ang lugar na iyon. Pero sa likod ng kasiyahang iyon ay ang nagdurugong puso ni Jin. Dasal siya nang dasal na sana ay ganoon na lamang sila kasaya palagi.
Maraming beses niyang nahuhuli si Din na napapatingin sa pawisan na niyang katawan pero ipinagsawalang-kibo na lamang niya iyon. Ang importante ay masaya ito. Kapag nadidikit si Din sa kanya ay inaamoy siya nito lalo na sa kilikili.
"Mag-snak muna kayo," sabi ni Adela na dala ang isang tray na may lamang pitsil nang malamig na buko juice at niluto nitong donut.
Nag-agawan pa sina Jin, Ryan at Din sa hinandang snak ni Adela. Larawan talaga sila ng isang masayang pamilya nang mga sandaling iyon.
"Siyanga pala, maiiwan muna namin kayo ng nanay ninyo sandali, ha. Kukunin namin sa mansiyon ang sahod ko para may handa tayo kahit papaano sa darating na pista," mayamaya ay sabi ni Ryan.
"Oo nga. Kailangan nating may maihanda kasi inimbitahan namin ang kamag-anak ninyo sa Villaba," sabi ni Adela.
Pangiti-ngiti lamang si Jin. Gusto sana niyang sumama noon dahil nagbabakasali siyang makita si Marian sa mansiyon ng mga ito pero hindi na lamang siya nagsalita.
Matapos nga nilang mag-snak ay nagbihis na sina Adela at Ryan.
"Magpahinga na lang kayo, ha. Uuwi rin naman kami kaagad," sabi ni Adela.
Inihatid pa nilang dalawa ni Din ang mga magulang sa gate.
"Sige po, nay," sabi ni Jin.
"Mag-ingat kayo, nay, tay," nakangiting sabi ni Din.
"Ang bait talaga ng mga binata ko," natutuwang sabi ni Ryan.
Lumabas na nga sina Adela at Ryan. Pagsara ni Jin ng gate ay nagulat siya nang biglang hinawakan ni Din ang kanyang mga braso at isinandal siya nito sa gate.