At times the silence becomes the most heard.
Dalawang linggo na ang dumaan. Ewan ko ba kung bakit nag-iba ang ihip ng hangin. Sa amin o sa akin.
Sa dalawang linggong lumipas. Naging malamig ang tungo sakin ni Lance. Ewan. Wala syang sinabing dahilan. Wala rin akong ibang maisip na dahilan upang maging ganun bigla ang trato nya sakin. Actually. Ako nga sana dapat ang maging malamig ang trato sa kanya eh. Subalit pinangunahan nya ako. Inunahan nya ang galit at tampo ko.
Sa dumaan rin na mga araw. Lagi ko pa ring nakikita yung Mitch na yun sa may parking lot. Minsan nga. Para hindi ako magalit sa aking sarili. Tumatalikod nalang ako't naglalakad palayo. I know my worth. Kung di nya iyon makita at mapahalagahan, pwes hindi nya deserve ang isang tulad ko. Wala naman akong maipagmamalaki. Simple lang ako at walang kayang maipagmayabang. Di tulad nya at ng babae nya, na maganda at lahat na yata na sa kanila ay gustong makuha ng iba. Mga materyal na bagay na kung tutuusin ay wala naman talagang kwenta kung susumain. Kaya kahit mahirap, ngayon ko na sasabihin na nababagay sila.
"Saan mo gusto kumain Bamblebie?.." tanong nya sa kapatid na abala sa kanyang buhok. Nagsusuklay pa ito. Pauwi na kami. Ayoko sanang sumabay sa kanila subalit wala akong choice. Pinili kong duon muna tunira pansamantala at kailangan ko talagang indahin itong mabigat na damdamin.
Hindi ako nagsalita dahil di naman ako kausap nya.
"Si Joyce nalang tanungin mo.. wala ako sa mood.." Kung kaninang kalmado lang ako sa likuran nila. Ngayon, susmi!! Tumigil ng ilang segundo ang paghinga ko sa bahagyang pagsulyap nya sakin.
At iyon... sinulyapan nya lang ako!! Hindi sinunod ang suhestyon ng kanyang kapatid na tanungin ako. Naghintay ako! Naghintay akong baka sakali maging pormal sya sakin kapag nasa paligid si Bamby pero hindi!. Umaasa lang ako sa wala.
"Why not ask Joyce kuya?.. di yan nagrecess kanina.. pinipilit namin pero busog raw.. paano kaya sya nabusog nang walang kinakain?.." wala sa sariling sabe nitong si Bamby. Abala pa rin ito sa buhok nyang di ko maintindihan ang gusto nyang gawin doon.
Nagbaba ako ng tingin. Saka tumitig sa mga daliring naglalaro sa isa't isa.
"Why?.." si Lance.
"What why?.." balik tanong ni Bamby. "Kung tinatanong mo kung bakit di sya kumain?. I don't even know bruh.. why not ask her.." dagdag nito. Ang daldal talaga!!
Nasulyapan ko ang pasiring na tingin nya sakin mula sa salamin na nasa harapan.
Di na naman sya nagtanong. Duon na nakahalata ang isa. "Wait?. why are you so quiet?.. may problema ba?.." gumilid si Bamby sa upuan nyang palipat lipat ang mata nya saming dalawa ng kuya nya. "Kanina ko pa sinasabing ask her, bakit di mo ginagawa?.." takang tapik nya sa braso ni Lance. Umiling lamang naman ito.
Matagal nya itong tinitigan. "Stop staring.." sita nya pa sa titig ng kapatid.
"Ay, nagsasalita ka pala?.. akala ko bigla kang napipi eh.. why now huh?.." sarkastiko nyang sabat sa kapatid. Kinagat ko ang labi sa hiya.
"Tsk.. Ewan ko sa'yo.. ang pabebe mo.. ako na nga lang magtatanong.." inirapan nya ito tapos bumaling sakin ng buo Nangalumbaba pa. "Bes, saan mo gustong kumain?.. my crazy ass bruh will treat us.."
"Bamblebie!.." tumaas ang timbre ng kanyang boses. Naiinis at naiilang.
"What?.. gusto mo, ikaw na magtanong.." hamon nito sa masungit na kuya. Di sya nagsalita.
Sinungitan nya ito at pinaikutan pa ng mata. "Yes bes?. what?.." pati sakin na sungitan na nya. Susmi!! Tapusin ko lang tong dalawang linggo. Uuwi na ako. Pati ako naiipit sa bangayan ng dalawang to. "Just say it. May manlilibre naman.. hehehe.."
"Ikaw na bahala.." kasing lamig ng yelo ang lumabas na boses sa akin. Hindi dapat ganito eh. Di dapat sya nadadamay sa aming dalawa. Wala syang alam sa amin. Inosente sya dito!
"Oh!. okay!.. cookies and cream. Tig isang galon.." pinal nyang sambit. Nagtaka ako subalit di na pinahalata pa sa kanya. Nanonood kasi sya.
"We'll dine in o take out?.." tanong nya sa kapatid na nakanguso na sa itaas ng mall na aming pinasukan.
"Go, talk to your lovely car.." sungit nito sa isa. Susmi!! Lumalapad yata yelo sa pagitan namin!
Naunang naglakad si Bamby samin. Nilingon nya ako kalaunan at sumabay ako sa kanya. "Nakakainis sya. Daig nya pa babae magpalit ng mood.." reklamo nya sa ugali ng isa. 'Sinabi mo pa.' Sagot ko subalit tinago ko na lamang iyon saking isip.
Umorder agad si Bamby ng dalawang galon ng sinasabi nyang ice cream saka iniabot sakin ang isa. "Let's enjoy this treat.." ngiti nya sakin.
"Di ko to mauubos.."
"Kung di mo maubos.. ipakain natin sa kanya.. nang madagdagan pagiging wirdo nya.." halakhak nya. Ngumiti lang ako ng sakto. Hindi plastik. Hindi biro. Sakto lang. Buti alam nya rin takbo ng utak ng kapatid nya. E yung sa kanila nung Mitch kaya, alam nya rin kaya?. Baka hinde rin, tulad na lang sa amin.
Nasa linya pa si Lance. Kumukuha pa raw ng kanya. "Kuya, faster!.." kaway nito dito. Masungit syang sinulyapan nito tapos bumaling na sa nagtitinda.
Maya maya. Dumating na sya. "Thank God.. ang tagal mo.."
"Ang bagal nung nagtitinda eh.."
"Psh.. by the way.. dito ka na muna.. cr lang ako saglit.."
"Go.." nagpaalam din sakin si Bamby. Sasama din sana ako nang kontrahin nya. Mamaya nalang daw pagkatapos ni Bamby. Grr!!
Isang napakalamig na katahimikan ang bumalot samin ng nakaalis na si Bamby. Sya lang kasi nag-iingay sa amin. Kami?. Hmm.. wag nalang. Ayokong magsalita. Baka may masabi akong masama na di ko na mababawi pa. Sya?. Ewan rin!. Kung anuman ang tumatakbo sa isipan nya ngayon. Wala na ako dun.
Nakabalik na't lahat si Bamby ay wala pa ring nangahas na bumasag ng nagyelong pagitan namin. Di ko alam anong nangyari. Mas lalo tuloy akong nalilito sa kinikilos nya.
Sa pagiging tahimik nya. Lalo ko lamang napapatunayan na totoo nga na sila ni Mitch. Na ginagamit nya lang ako para pagtakpan ang tunay na sila.
Ang tanong?.
Para saan?. Para kanino?. Bakit ako?..