下載應用程式
50.66% Boy in Denim Jacket / Chapter 75: Another Group of Friends Among the Class

章節 75: Another Group of Friends Among the Class

"Ibon, sama ka samin sa canteen?"

Tanong ni Christina sakin habang nakatayo na silang dalawa ni Juliana at si Violado naman ay nakatingin na sakin.

"Saang canteen kayo pupunta?"

Tanong ko pabalik kay Christina habang tinitignan ko na siya.

"Dyan lang sa baba. Dami kasing tao dun sa canteen sa kabilang building, eh. Baka malate tao mamaya."

Sagot ni Violado sa tanong ko kay Christina sabay tayo na niya sa pagkakaupo niya sa tabi ko.

"Gusto ko kasi bumili ng fish cake ngayon, eh. Di na lang muna ako sasama sainyo."

Sabi ko kila Violado at Christina habang nginingitian ko na sila.

"Sige."

Yan na lang sabi ni Violado at naglakad na silang tatlo nila Christina at Juliana papalabas ng classroom namin, dahilan para agad na maglaho ung ngiti sa mga labi ko ng bigla akong hinarap nila Micah, Chin at Lara habang nakatayo sa harapan nilang dalawa sila Jasben, Ceejay at Angela.

"Sama ka samin Yvon?"

Tanong na sakin ni Chin habang nakatingin pa rin siya sakin.

"Saan?"

Tanong ko pabalik kay Chin habang tinitignan ko na rin siya.

"Sa canteen dun sa kabilang building."

Sagot ni Micah sa tanong ko kay Chin, dahilan para mapatingin na rin ako sakaniya. Agad na bumalik ung ngiti ko kanina at mas malaki pa ito kesa sa binigay kong ngiti kila Violado kanina.

"Sige~!"

Masayang sagot ko sa tanong sakin ni Micah kanina at agad ko na kinuha ung wallet at phone ko sa loob ng bag ko.

"Bakit ayaw nila Violado pumunta dun sa canteen sa kabilang building?"

Tanong ni Jasben sakin habang naglalakad na silang lima nila Ceejay, Angela, Lara, Micah at Chin papalapit sakin.

"Baka raw kasi malate mamaya sa susunod na subject."

Sagot ko sa tanong sakin ni Jasben at saka tumayo na at naglakad na kaming pito papalabas ng classroom.

"Ikaw? Okay lang sayo malate sa susunod na subject?"

Tanong naman sakin ni Angela habang nakapila na kaming pito sa elevator.

"Wala naman un sakin kung malate ako, eh. Basta makain ko ung cravings ko ngayon~"

Sagot ko sa tanong sakin ni Angela habang tinitignan ko na siya at nakangiti pa rin.

"Iba rin pala 'to si Tagum!"

Sabi ni Ceejay, dahilan para mapatingin ako sakaniya at matawa.

"Nakapag cutting ka na ba dati, Tagum?"

Tanong ni Lara sakin at sakto namang bumukas na ung elevator.

"Isang beses lang, nung grade 10 pero hindi ako lumabas ng campus."

Sagot ko sa tanong sakin ni Lara habang pumapasok na kaming pito sa elevator pati na rin ung iba pang mga estudyante na nakapila.

"Tagum, ha! Ganyan ka pala dati, ha~!"

Pangangasar sakin ni Micah habang pababa na ung elevator. Natawa na lang ako sakaniya.

"Isang beses lang naman un, eh~"

Sabi ko naman kay Micah habang nakangiti pa rin.

"Sama ka samin paminsan-minsan Tagum."

Pag-aaya sakin ni Ceejay habang naglalakad na kami papalabas ng elevator. Of course, gorgeous! I would love to!

"Sige~!"

Nakangiting sagot ko kay Ceejay habang naglalakad na kami papunta sa kabilang building.

"May pagka pasaway ka ba Tagum?"

Tanong sakin ni Angela habang tinitignan na niya ako.

"Meron kaso hindi ata halata."

Agad na sagot ko sa tanong sakin ni Angela sabay hawak ko na sa braso ni Chin. Habits.

"Talaga!?"

Gulat na tanong sakin ni Lara habang tinitignan na rin niya ako. Tumawa na lang ako sakanila at nung medyo malapit na kami dun sa canteen na pupuntahan namin ng Pasimple ko na nilapitan si Jasben.

"Jasben."

"Ano un, Tagum?"

"Ano… uhm… pumunta ba si Jervien sa christmas party niyo last year?"

"Hindi ko sigurado… Jay, pumunta ba si Jervien sa christmas party natin last year?"

"Ewan ko lang, di ko na matandaan, eh."

"Ikaw Gela? Naaalala mo pa?"

"Diba ikaw ung nagregalo dun nung exchange gift?"

"Ay, oo! Naaalala ko na! Oo, pumunta si Jervien sa christmas party namin last year."

"Ikaw Tagum, ha~"

Sabi ni Ceejay sakin habang nakangisi na siya sakin. Teka ba't parang kinikilig ako?!

"Poporma ka ba sa christmas party?"

Tanong naman sakin ni Angela habang tinitignan niya na rin ako.

"Shempre naman, noh~!"

Sagot ko sa tanong sakin ni Angela habang nakangiti na ako sakaniya.

"Dress to impress!"

"Sa susunod na araw sama ka samin nila Masi, Tagum~! Titingin kami sa ukay-ukay ng mga pwede naming suotin para sa christmas party~"

"Sige~ Gusto ko rin tumingin sa ukay-ukay, eh~"

Sabi ko kay Ceejay habang nakangiti na ako sakaniya at pumasok na kaming pito sa loob ng canteen. Kung sakaling payagan ako ni mama, un pa lang ung magiging first time na maka ikot ako sa ukay-ukay kasama mga kaibigan ko~

Wala sa bucket list ko na magpuntang ukay-ukay kasama mga kaibigan ko pero ngayon ilalagay ko na at baka soon ma-cross out ko kaagad~! Hehehe~

Time na rin siguro para hayaan ko ung sarili ko na maexperience ung ibang mga bagay-bagay na hindi ko naeexperience sa tuwing sila Violado ung kasama ko. Tsaka feeling ko may tiwala na si mama kay Lara kaya baka may chance na payagan niya ako pag kasama siya. Hehehe~

"Nag bell na ba?"

"Kanina pa."

"Nakakainis naman kasi, eh! May sumingit sakin sa pila!"

"Pero nakabili ka naman na, eh."

"Kumain ka na lang dun sa classroom ng patago."

"Nakakain ka na ba, Tagum?"

"Oo, kaso gutom pa ako, eh."

"Kumain ka na lang din ng patago sa classroom mamaya."

"Sa tingin mo ba makakakain ng patago si Tagum?"

"Baket?"

"Nakaupo ako sa harapan at malapit pa mismo kay sir."

"Bakit kasi dun ka umupo!?"

"Nung magpapalit kase ng seat plan sa subject na un, inaya ako nila Violado tsaka Christina na maupo raw ng mas malapit sa harapan kaso traydor ung dalawa, iniwan akong nakatayo mag-isa."

Sagot ko habang nakanguso ako, dahilan para matawa sila Ceejay, Jasben, Micah, Angela at Lara sakin habang tahimik lang si Chin sa tabi ko habang naglalakad na kami papasok sa building kung san andun ung classroom namin.

"Kawawa ka naman!"

"Oo nga, eh! Pero hindi naman masakit maiwan! Oo! Hindi naman talaga nakaka sakit un! Okay lang naman!"

Reklamo ko pa sakanila habang palakas na ng palakas ung boses ko at si kuya guard na nagbabantay dito sa building ay nagaway na kaya agad akong nagtago kay Lara dahil malaki naman siya. Nagsitawanan ulit silang lima habang si Chin naman ay inaasar na ako kasi sinaway ako ni kuya guard.

Kinagabihan, malapit na kami matulog na pamilya ng makita ko si Jervien na online at naisipan ko na ichat siya.

~DEC 10 AT 10:17 PM~

: Jervien

Jervien: Ano tun?

: Pupunta ka sa christmas party??


創作者的想法
iboni007 iboni007

~New experiences and a different circle of friends are refreshing yet kind of scary.~

Hello po~!! Please vote and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ito, may iba pa po akong works: "Love Yourself: Wonder", BTS Fan-Fic po siya; at "Runaway With Me", Fantasy naman po siya. Sana po magustuhan niyo!! Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

THIS IS BASED ON A TRUE STORY.

Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C75
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄