Nagdaan na ang isang linggo at unti-unti ko nang nakakabisado ang pangalan at apelyido ng mga kaklase namin. Kahit isang linggo pa lang ung lumilipas, may mga kaklase na agad akong hindi ko gusto at feel ko na hindi rin nila ako gusto. So, last subject na namin 'to kase dalawang subject lang ang meron kami ngayong araw at ang last subject namin ay Political Government.
"So… sa Executive Department Article VII Section 5, before entering the execution of their office, the President, Vice-President or the Acting President shall take the oath or panunumpa."
Pagdidiscuss ng adviser namin habang si Chavez naman ay nag-iikot sa classroom namin habang may hawak na papel at ballpen. Para san kaya ung iniikot ni Chavez na papel?
"Chavez~! Para san yan?"
Tanong ko kay Chavez habang nakatayo na siya sa tapat ni Arvin. Yes. Kaklase po ulit namin ang pasaway na si Arvin. At katabi ko pa po. Well, wala namang masyadong issue sakin na katabi ko siya. Basta hindi lang siya magulo. Tinignan na ako ni Chavez at saka lumapit na sakin.
"Ipapa-double check satin ung info ng school na meron sila about satin."
Sagot sakin ni Chavez habang nakatingin pa rin siya sakin at nakatingin din ako sakaniya. Tumango na lang ako bilang sagot.
"Oi, Chavez. Ano nang gagawin ko pag natapos na ako?"
Tanong ni Arvin kay Chavez sabay tingin na nito sakaniya habang nakangisi at abot na ng papel. Sabay kaming napatingin ni Chavez kay Arvin at saka kinuha na niya ung papel kay Arvin.
"Aba malay ko sayo kung anong gagawin mo."
Sagot ni Chavez sa tanong sakaniya ni Arvin sabay bigay na sakin ng papel na kinuha niya galing sakaniya. Tahimik ko na lang na kinuha ung papel kay Chavez, hinanap na ang pangalan ko at saka dinouble check ko na. If nacucurious kayo kung pano seat plan namin… well, ganito po un; sa buong classroom namin ay dalawa lang ang pagkakahati ng mga upuan. Limang column sa kaliwa at limang column rin sa kanan. Limang row naman sa kaliwa at apat na row naman sa kanan. Nakaupo ako sa first row sa kaliwang column at ang nakakausap ko lang sa puwesto ko ay sina Chin, Micah at Paul. Ganito kasi ung puwesto namin:
Pal | Madera | Ako | Arvin | Jasben
Paul | Micah | Antipuesto | Chin | Abeleda
"Chavez, oh."
Sabi ko kay Chavez nang matapos ko nang icheck ang info ko dun sa papel. Tinignan niya na ulit ako, nginitian at saka kinuha na ung papel na inaabot ko sakaniya. Nginitian ko na lang siya pabalik habang tinitignan ko siya.
"Salamat, Tagum~"
Sabi sakin ni Chavez sabay tayo naman niya sa harap ni Madera. Tinuloy ko na ung pagkopya ng lecture ng adviser namin sa whiteboard habang sila Chavez, Madera at Pal naman ay nagkekwentuhan na. Bakit ba andun sa kanan ung whiteboard tas andito naman sa kaliwa ung blackboard? Hindi ko tuloy makita. Ilang saglit pa ay tumayo na si Arvin sa kinauupuan niya at naglakad na papunta sa likod na kung saan ay nakaupo sila Kraven at Dexter na tropa niya. Ang three kings ng section namin nung grade 11. Inikot ko na ang paningin ko sa kung sino ang pwede kong tanungin kung ano ung sumunod dun sa sinulat ng adviser namin na hindi ko makita. Tinignan ko si Jasben na busy rin kumopya… Mukha siyang mataray pero mukha rin naman siyang mabait. Tanungin ko kaya siya? Kaso masyado akong mahiyain, eh. Tinignan ko naman si Chin na kumokopya rin… Siya na lang tanungin ko.
"Chin~ Ano ung word na sumunod dun sa sinulat ni Ma'am?"
Tanong ko kay Chin habang tinitignan na siya. Tinignan na rin ako ni Chin at saka tinignan na ung whiteboard.
"Saang part ka na ba?"
Tanong ni Chin sabay tingin na ulit sakin. Tinignan ko ung notes ko at saka ibinalik na ulit ung tingin ko sakaniya.
"Section 8."
Sagot ko sa tanong ni Chin habang tinitignan ko pa rin siya. Hinawakan niya na ung notebook niya at saka inabot na sakin. Wag mong sabihing tapos na siya?
"Sakin ka na lang kumopya, tapos na rin naman ako, eh."
Sabi sakin ni Chin habang tinitignan na niya ako. Yep, tapos na nga siya. Nginitian ko na lang siya at saka kinuha na ung notebook niya.
"Thank you~!"
Pasasalamat ko kay Chin habang nakangiti pa rin ako sakaniya at saka inilapag ko na ung notebook niya sa armchair ko. Nakikita ko si Antipuesto na busy rin magsulat sa peripheral view ko. Bakit hindi ko siya matignan? Kinokopya ko na ung notes ni Chin at si Chavez naman ay nakatayo na sa tapat ni Micah. Nag-kukulitan silang dalawa habang chine-check na ni Micah ung info niya dun sa papel at napapangiti na lang ako pag nakakarinig ako ng tawa ng iba. Parang masayang maging kaibigan 'tong si Chavez. Mabola nga 'to paminsan-minsan ahahaha~
"Oh, Jervien! Buti naman at pumasok ka na!"
Sabi ni Chavez kay Jervien nang matapos nang i-double check ni Micah ung info niya sa papel. Natawa na lang si Jervien? Siya ba ung Antipuesto? Gusto kong tignan mukha niya kaso bakit hindi ko siya matignan? Anong problema sayo Yvonne, ha? Hindi ka naman ganito dati, ah.
"Ba't pumasok ka ngayon, ha?"
Tanong ni Chavez kay Jervien. Natawa na lang ulit si Jervien kay Chavez. Nakaramdam na ba kayo ng feeling na kahit ilang beses mo pa lang naririnig ung tawa ng isang specific na tao ay parang gusto mo nang marinig un palagi? Like araw-araw? Or ako pa lang? Okay. Anong nangyayari sakin?
"Hala!"
Sabi ni Jervien sabay tawa ulit. OMG! Ang cute! Wait, what!? Yvonne. Diba sabi mo sa sarili mo nung bakasyon wala munang crush this school year? Baka nakakalimutan mo. Pinapaalala ko na sayo.
"Ano ba naman yan Jervien! Ayusin mo yan!"
Natatawang sabi ni Chavez kay Jervien na tawa pa rin ng tawa. Ba't ba tawa 'to ng tawa? Ba't nakangiti ako ngayon? Kelan ako napangiti? At ba't parang nag-iinit ung pisngi ko? Ano ba 'to?!
"Tagum, paheramin mo nga ng correction tape 'tong si Jervien."
Natatawang sabi sakin ni Chavez sabay tingin na niya sakin. Hinawakan ko na ung correction tape ko at saka iniabot na kay Jervien. Mabilis niyang kinuha ung correction tape ko sa kamay ako at saka ginamit na un habang tawa pa rin siya ng tawa. Oh may ghad. Oh. May. Fgnriegng. Ghad. Nag-skip ba talaga ng isang tibok ung puso ko nung nahawakan ni Jervien 'tong kamay ko? Posible ba un? Nangyayari ba un sa totoong buhay? Seryoso bang nag-skip ng isang tibok ung puso ko? Baka guni-guni ko lang un. Pero ba't bumibilis naman ngayon ung tibok ng puso ko? Okay… anong nangyayari sakin?
"Tagum, oh."
Sabi sakin ni Jervien sabay abot na ng correction tape ko. Agad ko siyang nilingon at tinignan saka kinuha ko na ung correction tape ko sa kamay niya. Sinabi niya apelyido ko. Sinabi niya apelyido ko! Takteng yan Yvonne! Ano ngayon Yvonne kung sinabi niya apelyido mo?! Eh, pare-pareho naman kayo ng apelyido ng pamilya mo tsaka mga kamag-anak mo, ah! Nababaliw na ata ako. Hindi na mapakali 'tong puso ko. Mabilis pa rin ang tibok. Ano na bang nangyayari sakin?! Hindi naman ako nagka ganto dati, ah!
"Yvonne, tapos ka na?"
Tanong bigla sakin ni Chin, dahilan para mapatingin agad ako sakaniya at nakitang nakatingin siya sakin.
"M-malapit na."
Sagot ko sa tanong ni Chin sabay ngiti na sakaniya at saka itinuloy ko na ang pagkopya ko ng notes niya. Yvonne, anong nangyayari sayo, ha? Isang linggo pa lang nang naging grade 12 student ka tapos nagkaka ganito ka na kaagad? Umayos ka. Wala pang isang buwan. Umayos ka kung ayaw mo nang maulit ulit ung nangyari sayo last school year. Natapos ko na ring kopyahin ung notes ni Chin kaya sinarado ko na ung notebook niya at saka tinignan na siya.
"Chin, oh."
Tawag ko kay Chin habang inaabot ko na sakaniya ung notebook niya. Medyo nagulat ako nung nakatayo na si Chavez sa harapan ni Abeleda kasi ang bilis! Or wala sigurong mali sa info ni Chin? Tinignan na ako ni Chin saka kinuha na ung notebook niya sakin, binuklat na un at saka nagsulat na ulit. Huh? Ba't siya nagsulat ulit? Tinignan ko na ung whiteboard at nakitang nagsusulat na ulit ung adviser namin ng panibagong lecture. Ahh, kaya pala.
"Tagum! Peram nga ako ng correction mo!"
Sabi sakin ni Micah. Agad akong napalingon sakaniya at nahagip ng mata ko si Jervien na tahimik nang kumokopya ng lecture. My hearteu! Argh! Bumibilis nanaman! Kumalma na kanina, eh! Kinuha ko na ung correction tape ko sa arm chair tsaka inabot na un kay Micah. Pagka abot ko sakaniya ng correction tape… parang namamagnet na ung mata ko kay Jervien at hindi ko na makontrol ang sarili ko na hindi tumitig sakaniya. What have you done to me?
"Tagum, oh. Salamat~!"
Pasasalamat ni Micah sabay abot na sakin pabalik ng correction tape ko. Mabilis ko ulit na nilingon si Micah at saka kinuha na ung correction tape ko sakaniya. Hulaan niyo kung anong sumunod na nangyari. Napatitig ulit ako sakaniya. Yes. Napatitig po ulit ako. Why!? Why self, why?! Ang kailangan mong gawin ngayon ay mag-aral! Hindi maghanap ng panibagong lalaki na sisira ulit ng puso mo! Umiling na ako at saka kinopya na ung lecture na sinusulat ng adviser namin ngayon.
Please lang Yvonne! Nakaka ilang heartbreak ka na simula nung naging high school student ka?! 'Di ka pa ba nadadadala?! Ung iba iniyakan mo kasi may girlfriend na! Ung iba friend zoned ka! Ung iba iniwasan ka na! Tapos ung iba naman pinaglaruan ka! Please lang, tama na sa pag-iyak sa maling lalaki, ha. Tama na. Marami ka nang nasayang na luha sa maling lalaki.
Napabuntong hininga na lang ako habang nagsusulat pa rin ako ng lecture. Pero… feeling ko iba 'to. Siya pa lang ung nakakapagparamdam sakin ng ganito. Siguro siya na? Nah, ayokong umasa. Masakit umasa. Masasayang nanaman luha ko neto pag nagkataon.
~Love… what is love to you?~
Hello po~!! Please vote and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ito, may iba pa po akong works: "Love Yourself: Wonder", BTS Fan-Fic po siya; at "Runaway With Me", Fantasy naman po siya. Sana po magustuhan niyo!! Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!
THIS IS BASED ON A TRUE STORY.