Rose.
I'm home at my condo unit. Mas maaga kaysa sa plano kong one week vacay sa cruise.
Bigla kasing sumama ang pakiramdam ko at parang lalagnatin ako.
I texted Yaya Shirley na one week akong mawawala nung nasa barko pa ako kaya I won't expect na pupunta siya rito ngayong week. Pinauwi ko din siya sa probinsiya nila sa Batangas dahil ilang buwan na rin siyang hindi nakaka-uwi sa pamilya niya at mga anak niya.
Besides, she has done so much for me. Kahit nung nasa Australia pa kami. Literally, ibinigay niya yung buong buhay niya sa pag-aalaga sa'kin. Kapalit 'non ay hindi niya naalagaan ang sarili niyang mga anak.
Pero nakakatuwa din, close ako sa mga anak niya na si Joshua at Jamie dahil minsan ay napunta sila dito sa condo.
Nakakabilib dahil masisipag silang dalawa. Nagawa ni Yayang mapagtapos ng kolehiyo ang dalawa.
Si Joshua, dahil sa bakla ito ay nakatapos ito ng kursong interior design, habang si Jamie naman ay Architecture.
Hindi ko na muna gagambalain pa si Yaya, I can handle myself pa naman.
Nakahiga lang ako sa kama, medyo masakit ang ulo ko.
At pagod na pagod ako. Ni check ko ang heartbeat ko at ayaw parin tumigil sa pagpa palpitate.
I have a severe Arrythmia.
A heart disease that refers to having an irregular heartbeat. Minsan mabilis, minsan naman mahina. Bawal akong ma flatter, o malungkot at bawal naman maging masaya din.
Literally, kailangan kong mabuhay kagaya ng isang manhid. Hindi ko alam kung bakit ba ako nagkaroon ng ganitong sakit. It was 2 years ago nang madiskubre namin 'to.
The doctor said, na aacquire lang daw talaga iyon sa hindi malamang dahilan.
Para akong isang time bomb na anytime daw ay pwedeng sumabog. Kaya ganun nalang kung mag-alala si Yaya Shirley sa tuwing umaalis ako mag-isa.
I tried to open up with Dad, but he don't have time to even talk to me over a cup of coffee or even on the phone manlang.
We've tried to consider having a heart transplant, pero sa sobrang dami ng may sakit sa puso, pang one hundred million pa ako sa pila, at hindi ganoon kadali makahanap ng match.
Ayoko namang kumapit sa black market para lang madugtungan yung buhay ko.
Una nagtatanong pa ako kung bakit ako? I badly want to live, may pangarap ako sa buhay. Ganon.
But eventually, I've learned to just accept it and live my life to the fullest without having regrets.
Kung hanggang saan lang, eh di dun lang.
Nahihirapan na akong himinga. Na trigger siguro 'to dahil sa insidenteng nangyari sa cruise ship. Yung lalaking muntik na magpakamatay.
He is denying it pero kita ko naman sa mga mata niya na sobrang lungkot niya at ayaw na niyang mabuhay.
Tsss. Sana pala sinabi kong baka owede ibigay na lang niya yung puso niya sa'kin 'di ba?
Dahil hirap na akong huminga ay tumayo ako para kunin ang maintenance kong gamot at inumin 'yon.
Nang makainom na ako ng gamit ay tumigil na rin ako sa pagpapalpitate at medyo nakakahinga na ako. Pero nanghihina parin ako. At may lagnat din ako.
I was about to go back to my bed when I heard somebody rang the doorbell.
Sino kaya iyon?
Sure ako na hindi si Yaya iyon. Wala naman akong ine expect na bisita dahil hindi naman ako friendly na tao.
Nanghihina man ay tinungo ko ang pinto at binuksan iyon.
Di ko na naisipang silipin muna sa hole, basta ko nalang itong binuksan.
Nagulat ako sa nakita ko.
Yung lalaki sa cruise ship. "Hi," bati niya.
How did he knew my address?
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko na nakakunot ang noo. Medyo nahihilo na ako at di ko na narinig pa an sagot niya.
My sight turned dark at 'di ko na alam ang kasunod na nangyari.
I just woke up and found myself lying in my bed already.
Just as my eyes are being sensitive with the light and still a bit blurry. Unti-unti kong naaninag ang isang mukha.
Si guy in the cruise ship.
"Thank God you're awake now," Anito na parang nabunutan ng tinik.
Ang huling naaalala ko ay pinagbuksan ko siya ng pinto tapos di ko na alam kasunod nangyari.
OMG. Did I faint? And did he carry me towards my bed?
"May sakit ka tapos mag-isa ka lang dito?" Aniya habang nagsasalin ng tubig mula sa pitsel sa isang baso tapos ibinigay iyon sa'kin.
Tinanggap ko iyon at ininom. "May yaya ako, pero umuwi ng probinsiya. Hindi pa niya alam na naka-uwi na ako," paliwanag ko. Pagkatapos ay tinanong ko naman siya, "Anong ginagawa mo rito? Pano mo nalaman ang bahay ko?"
Na-upo siya sa couch at nagkibit-balikat na naka poker face.
"I just came here, to say sorry for the way I acted towards you nung nasa cruise ship tayo." He paused, and I did not interrupt him.
"Way back then, I didn't know that you are sick. I'm sorry, I just felt that my privacy was invaded by you kaya ako nagsungit. Pasensiya ka na." Napayuko pa siya. Para siyang batang may kasalanan sa mommy niya.
Napangisi ako.
Is he for real?
"Yun lang pinunta mo rito? Just to apologize?" Tumango siya.
And I smiled at him.
"Apology accepted," Sabi ko.
"Wala din naman 'yon sa'kin. Nasa point na ako ng buhay ko na ayoko nang magtanim ng galit. Pero thank you kasi nag effort kang pumunta rito para lang sabihin sa'kin na sorry." I laughed. "Honestly, I never expected na mag-aabala ka pang hanapin ako."
"I just felt guilty for what I did." He answered. "And thank you for accepting my apology."