CHAPTER 3
COUNT TO TEN
TERESA'S POINT OF VIEW
Tanging liwanag lang mula sa buwan ang nagsisilbing ilaw namin. Luma na kasi ang mga street lights sa daan patungong bahay. Kung saan-saan naman kasi ginagastos ng gobyerno ang pondo na para sana sa mga proyektong kailangan ng mga nasasakupan nila.
"Dapat 'yong mga lasing na tukmol ang hinahatid mo ngayon. Kaya ko naman sarili ko." Hawak ang straps ng aking backpack, sabi ko habang naglalakad. Sinisipa-sipa ko rin ang mga maliliit na batong nadadaanan.
"Kaya na ni Angelo 'yon." Natatawa namang sabat ni Nico.
"Buti pala hindi siya uminom ngayon. Ngayon pa lang ini-imagine ko na kung paano niya isa-isang hinahatid 'yong mga tukmol sa mga bahay nila. Kung wala lang siyang kotse, nako maaawa talaga ako." Natawa ako sa ideyang naisip.
"Kung malayo lang bahay niyo, ihahatid din naman kita gamit kotse ko, e." Sabi naman ni Nico kaya napalingon ako sa kanya.
Kapal! Student driver's license lang meron siya, pero kotse wala pa. Sa tatay niya kaya 'yon. Sarap niyang ihulog sa kanal, e.
"Correction! Kotse ng papa mo. Tsaka kahit malayo bahay namin, hindi kita hahayaang mag-drive. Lasing ka kaya ngayon." Napangiwi ako sa kanya. Nagpatuloy ako sa paglalakad nang mapansing hindi siya nakaimik sa sinabi ko.
Mukha pa naman siyang matino tingnan pero dahil katabi ko siyang naglalakad, amoy na amoy ko ang alak na tinungga nila kanina. As a friend, sobrang naa-appreciate ko naman na kahit lasing siya, gusto pa rin niya akong ihatid. Sana lang mag-ingat siya pag-uwi niya at hindi siya makatulog sa kalsada mamaya.
Hindi na siya nagsalita hanggang sa makarating kami ng bahay. Alas-onse na ng gabi nang mapatingin ako sa phone ko. Kinapa ko ang hawakan ng gate at laking tuwa ko nang hindi pa nila-lock ni mama. Binuksan ko na ang gate at bago pa man ako pumasok ay nilingon ko muna si Nico.
Bigla akong natawa. "Sabog na sabog ka, boy." Sabi ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin.
Ngunit laking gulat ko nang bigla siyang naglakad patungo sa akin at hinalikan ako sa labi. Dalawang segundo. Naestatwa ako sa ginawa niya. Pinili kong hindi mag-ingay kasi gabi na at baka kung anong isipin ng mga kapitbahay kapag sumigaw pa ako.
"Bye, Tesa. Uwi na 'ko." Parang walang nangyari. Iyon lang ang sinabi niya bago tahimik na umalis.
Nang hindi ko na mahagilap ang presensya niya at nakasiguradong nakalayo na siya, mabilis akong pumasok at isinara ang gate. Nagtatakbo ako sa front door namin at sumandal doon.
"Punyeta," pagmumura ko pa sabay napahawak sa labi kong hinalikan ng tukmol na Nico na 'yon.
"Loyal ako sayo, Jungkook. Hindi 'to pwede." Mahinang sabi ko pa bago pinunasan ang labi ko gamit ang likod ng palad ko na para bang binubura ang nangyari kanina.
Ngunit kahit na mabura pa ang labi ko ng tuluyan sa kakapunas ay nakasisiguro akong hindi mabubura sa memorya ko ang nangyari kanina.
Lintek na Nicolai Quijano na 'yon! Sa tukmol talaga na 'yon napunta ang first kiss ko!? Pwede namang kay Sir Roque ah! 21 years old pa lang naman si sir. Grr!
"Pasalamat ka lasing ka. Punyeta, baka hindi na niya maalala ginawa niya kinabukasan. Gagong 'yon! Ang dami na ngang problema sa mundo, dadagdag pa siya!" Mahina man ang pagkakasabi ko ay alam kong sasabog na ako sa inis.
"Ay putangina!" Nagulat naman ako nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang nakapamewang na si mama.
"Mas malutong pa sa chicharon ah?" Aniya.
"Hi, ma!" Nahihiyang bati ko naman.
"Alas-onse ka na naman umuwi. Doon ka na kaya tumira sa mga Quijano?" Inirapan pa ako ni mama.
"Goodnight, ma. Hehe, tulog na po tayo." Ngumiti ako sa kanya bago ako pumasok at mabilis na tumakbo patungong kwarto namin ng kambal.
●●●
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
November, 2010
Kalulubog lamang ng araw, magdidilim na kaya't nagtagpo-tagpo na naman ang mga bata sa bakuran nila Teresa. Nagkumpol-kumpulan ang mga bubwit at pinagpatong-patong ang kanilang mga palad.
"Maiba... taya!"
Ang palaging malas sa laro na si Teresa na naman ang naiiba kaya't siya na naman ang naging taya. Tinatawanan siya ngayon ng batang si Nicolai, Ysabel, at ng iba pa nilang mga kalaro.
Napangiwi siya at inisip na baka pinagkasunduan na naman ng mga kalaro niya na gatas(palad na parang nanghihingi o puti) ang gagamitin nila. Kahapon kasi noong gatas ang ginamit niya ay kape(kabaliktaran ng puti, kamay na nakadapa) naman ang ginamit ng mga ito. Pakiramdam niya tuloy ay palagi siyang dinadaya ng mga kalaro.
Wala nang nagawa si Teresa kundi ang pumunta sa may pader para tumalikod at simulan na ang laro. Hindi na baleng palagi siyang taya dahil magaling naman siyang maghanap.
"Tagu-taguan maliwanag ang buwan. Wala sa likod, wala sa harap. Pagbilang kong sampu nakatago na kayo. Isa... dalawa... tatlo..."
Nakapikit, nagpatuloy sa pagbibilang ang nakaharap sa pader na si Teresa. Ang mga kalaro naman niya ay kumaripas na ng takbo para maghanap ng matataguan nila.
"Apat... lima... anim..."
Mabilis na hinawakan ni Nicolai ang kamay ni Ysabel at hinila niya ito. Sabay silang tumakbo at nagtago sa likod ng malaking puno. Umupo sila at tahimik na nagmasid sa paligid.
Hindi naman mapakali si Nicolai na lingon pa rin nang lingon kay Teresa na patuloy pa rin sa pagbibilang, iniisip niyang baka sobrang dali ng pwestong pinili niyang pagtaguan.
"Nico, kamay ko." Bulong ni Ysabel.
Namula ang magkabilang pisngi ng batang si Nicolai kaya't mabilis niyang binitawan ang kamay ni Ysabel. Nakahawak pa rin pala siya rito. "S-sorry," nahihiyang sabi pa niya bago yumuko.
"Okay lang, nu ka ba." Mahina namang napabungisngis ang batang babae.
"Shhh! Tapos na siya magbilang. Quiet na tayo, Ysa." Ani Nicolai, daliri sa labi. Tumango naman si Ysabel sa kanya.
"Sa'n na kaya mga 'yon?" Sabi naman ni Teresa na sinimulan na ang paghahanap.
Pinanood nila Nicolai at Ysabel kung paano isa-isang nahanap ni Teresa ang iba pa nilang mga kalaro. Sobrang dali at lapit naman kasi ng pinagtaguan ng mga ito. Mabuti na lamang ay medyo may kalayuan ang napiling pagtaguan ni Nico ngayon.
"Nico, naiihi ako." Nahihiyang sabi ni Ysabel.
"Dyan ka na lang sa tabi mag-wiwi. Hindi naman kita sisilipan, pramis." Nakataas ang kamay na sabi pa ni Nicolai.
"Eh! Ayoko nga. Sabi ni Tesa nakita mo na flower niya tapos tinawanan mo siya." Pabulong na sabat naman ni Ysabel.
"Nakita ko na din naman sayo, e. Sabay-sabay tayo naligo sa bahay namin nung isang araw." Natatawang sabi pa ni Nicolai kaya inirapan siya ni Ysabel.
"Che! Wiwi muna ako tapos lilipat ako ng taguan. Kainis ka talaga, Nico." Tumayo na si Ysabel at tahimik na lumayo sa kaibigan.
Binagtas niya ang madilim na parte ng bakuran. Nagtungo siya sa pinakagilid, salamat sa buwan at nakita niya ang madamong lupa na madalas pagpastulan ng kambing nila Teresa. Umupo siya roon at agad na ibinaba ang maikli niyang shorts at panty. Tahimik siyang umihi, may pa-hum-hum pa, ngunit natigilan siya nang may marinig na ingay. Yapak ng paa sa mga tuyong dahon.
"Psst!"
"Sino 'yan?" Kinakabahang tanong ng batang babae bago niya mabilis na itinaas ang panty at shorts niya. Naisip niyang baka may biglang sumulpot na multo.
"Ysa,"
Nakahinga naman siya nang maluwag nang mahimigang tao ito at kilala siya nito.
Huminto ang bagong dating sa tapat niya. Malaki ang pangangatawan, hanggang tiyan lang siya dahil matangkad ito. Hindi niya makita ang mukha nito dahil binalot na ng dilim ang paligid. Okay lang, kilala naman niya ang boses nito.
"Bakit po?" Tanong ng batang babae, nakangiti. Iniisip na baka bigyan ulit siya ng pagkain kagaya na lamang kahapon.
"May chocolate at candy ako. Marami sa bulsa ko. Gusto mo?" Nakakaengganyo ang tinig nito, gaya na lamang kahapon at noong mga nagdaang araw.
"Bakit po ang bait mo saken? Bakit kay Tesa at sa ibang bata po hinde?"
Natawa ang matanda sa tinuran ng paslit. "Mabait ka kasi, Ysa. Pasaway sila, e."
Napangiti siya dahil ang lalaking ito lamang ang nagsasabing napakabait niyang bata. Ang totoo niyan ay palagi siyang sinasabihan ng maldita at madamot ng mga kalaro niya.
"Ano? Sama ka ulit sa 'kin? Pasyal ulit tayo ngayon?" dagdag pa ng matanda.
"Pero gabi na po."
"Gabi na pero naglalaro pa rin kayo ng tagu-taguan? Haha, pumayag ka naman kahapon ah? Sige na, Ysa." Pamimilit pa ng matanda habang hinahaplos ang magkabilang braso ng bata.
"Sige na nga po. Sasabihin ko na lang kay yaya na late ako nauwi kase naglaro kame." Nakangiting sabi ni Ysabel bago hinawakan ang nakalahad na kamay ng lalaki.
"Good girl."
"Akin na po chocolates at candies ko." Nananabik pa niyang saad.
"No problem. Bibigyan pa kita ng marami basta susunod ka sa sasabihin ko." Nakangiting sabat naman ng lalaki.
"Sige po, Tito Daddy!"