Nakakapag-duda talaga. Hindi nga kaya may masamang binabalak ang kapatid ng emperor? Pero hindi, hindi ko agad pwedeng ibintang yun sa kanya. Baka isipin lang nila na nagsinungaling ako at naninira. Hindi ko na rin muna 'to sasabihin kay Seo Na, sa mga prinsepe o kahit kay Lady Han. Kailangan ko munang mapatunayan kung tama ang hinala ko.
"Maraming salamat at pinagbigyan mo akong makausap ka," Sabi ko kay Ms. Choi na kaharap ko ngayon.
"Maraming salamat rin po, ginoo. Sana ay mabigyan na rin po ng lunas ang sakit ko, para hindi na rin po ako makahawa pa ng iba." Halos naiiyak na sabi niya. Grabe, nakakaawa siya.
"Makakaasa ka." Sagot ko sa kanya at umalis na.
Kailangan kong bumalik ngayon sa palasyo. Maghahanap ako ng iba pang ebidensya para malaman ko kung ang iniisip ko ba ay tamang hinala o maling akala.
Pero ang tanong..
Saan ako magsisimula? Paano ako maghahanap?
Ah alam ko na! Kailangan kong pumunta sa kusina ng palasyo.
Pagkarating ko sa palasyo, nagmadali naman ako para makapunta sa kusina.
Pagpasok ko, halos wala akong makita, punong puno ng usok ang paligid. Hays, mukhang marami silang niluluto. At ang sarap ng amoy, mmm~
Hays. Tumigil ka nga, Gemson! May kailangan kang gawin at hindi ka pa kakain!
Dumaan ako sa mga nagluluto kahit na mag-amoy ginisa pa ako. Tsk, bakit ba kasi kailangan pang dumaan dito para makarating sa bar--este sa pagawaan ng mga inumin.
At ayun, nakarating na rin ako sa dapat kong puntahan.
Mukhang busy silang gumawa ng mga tsaa kaya sinubukan kong kunin ang mga atensyon nila.
"Ehem!" Umubo na lang ako.
Gulat naman silang napaharap sa akin at yumuko. Nginitian ko naman sila.
Hay na 'ko, kahit sinabi ni lola na sanayin na namin ang pamumuhay rito hindi ko pa rin maiwasang ma-weirduhan sa pag-bow nila sa'kin.
"Ah, pasensya na sa istorbo pero.." Napatigil ako. Medyo nakakakaba rin kasi 'tong ginagawa ko. "Pwede ko bang makausap ang mga nagsisilbi sa kwarto ni Princess Hae Ra?" Tanong ko at may dalawang babae namang lumapit sa'kin.
"I-excus--uhm ilabas ko lang kayo sandali." Sabi ko sa kanila at sumunod naman sila sa'kin.
Pagkalabas namin..
"May itatanong lang ako sa inyo." Sambit ko at tumango naman sila "Alam niyo ba kung ano yung mga sangkap na ginamit sa hinandog ni Prinsepe Woo Chan kay Princess Hae Ra nung nakaraan?"
Nagtinginan sila.
"Patawad po, Master," Sabi nung isa. "Hindi po sinabi sa'min ng mahal na prinsepe kung paano niya po iyon nagawa." Paliwanag pa niya.
Ano? Siya ang gumawa nun? Ibig sabihin, siya lang ang nakaaalam ng mga sangkap na nagamit dun.
"Sinabi pa po niyang espesyal ang handog niyang iyon dahil siya mismo ang may gawa," Paliwanag naman nung isa pa niyang kasama.
Mukhang wala nga talaga silang alam pero tingin ko pwede kong magamit ang mga sinabi nila bilang ebidensya na may kaduda-dudang ikinikilos yung prinsepe na yun.
"Sige, salamat sa inyo. Maaari na kayong bumalik sa mga trabaho niyo." Sabi ko naman sa kanila. Nag-bow sila at umalis na.
Hay, paano na 'to ngayon? Hindi ko na tuloy alam kung saan ako maghahanap ng pruweba.
Ay, wait! Tama! Sa kwarto ni Hae Ra.
Dali-dali naman akong tumakbo papunta sa kwarto ng prinsesa. Kung di niya sana naubos yung tsaa pwede ko pang kunin. Kaya nga lang, ito namang si Ryeong, binasag pa at tinapon yung laman. Sayang, baka naman pwede pang i-examine yun.
Pagpasok ko..
Ay perfect timing! Wala siya dito. Tama lang pala na ipinakulong siya ng emperor.
At ngayon naman, kailangan kong humanap ng bubog nung mga nabasag na tasa. Magbabaka-sakali lang tayo na may mahahanap tayong ebidensya.
Naghanap ako sa ibabaw ng cabinet, sa ilalim ng kama, pati sa basurahan pero wala pa rin talaga. Ano ba yan!
Aalis na sana akong nang..
"Anong ginagawa mo dito? Sino-- Master Seo Jeong?" Humarap ako at nakita ko..si Hae Ra. At parang bagong ligo pa.
Huh? Paano siya napunta dito?
"N-Nandito ka?" Gulat na tanong ko. "Di'ba naroon ka sa kwarto malapit sa kwarto ni lol--ng nanay ko?"
"Pinayagan muna ako ng mahal na Emperor na bumalik sandali upang maglinis ng katawan," Sagot niya sa'kin. "Pero ikaw, sagutin mo rin ang tanong ko. Anong sadya mo rito sa aking silid?"
Sasagot na sana ako nang..
Madulas ako sa mahabang sapin ng kama niya. Napahawak siya sa'kin at biglang..
*Tsup*
Nakalapat ang labi niya sa labi ko.
Nakahiga ako sa kama at nakapatong naman siya sa'kin.
WAAAHH! ANO BANG NANGYARI?
Bigla-bigla naman siyang tumayo sa sobrang gulat at..
*PAKKK!*
"BA'T MO 'KO SINAMPAL?" Aray naman! Ang sakit naman nun!
"Marahil kaya ka narito sa aking silid ay may binabalak kang pagsamantalahan ako--
"Teka nga! Ano bang pinagsasasabi mo? Hindi yun ang dahilan kung bakit nandito ako!" Explanation ko.
"Buo ang tiwala ko sa'yo! Iyon ay dahil kaibigan ko kayo ng kapatid mo! Pero paano mo nagawa sa'kin ito?" Ano bang trip niya? OA lang?
Sinubukan ko siyang hawakan pero tinabig niya agad ang kamay ko. Psh, arte! "Wala akong binabalak na masama sa'yo. Hindi ako ganung klaseng tao, 'no!" Napabuntong-hininga naman ako. Ang sama pa rin ng tingin niya, hays. "Kaya ako nandito kasi nga may hinahanap ako."
"Hinahanap? Ano naman iyon?" Takang tanong niya.
Napakamot tuloy ako ng ulo. Hay, iisip na naman ng panibagong alibi. "Ahh ano kasi.. baka may naiwan ak--si Seo Na na gamit dito, kasi may nawawala raw sa kanya."
Hindi naman siya nagsalita at naka-kunot pa rin ang noo niya.
"Sige, mukhang wala naman rito yung hinahanap ko. Aalis na 'ko. Pasensya na sa abala, kamahalan." Sabi ko at nag-bow rin sa kanya.
Hays, bakit ba kasi nangyari yun? At bakit parang ang big deal sa'kin?
Tapos parang may nararamdaman pa akong something sa tyan ko. Wait nga, ito na ba yung sinasabi nilang butterflies in the stomach?
Ay hindi hindi! Nababaliw na 'ko! Hindi totoo yun. Hay na 'ko, nahahawa na tuloy ako sa mga fantaserye na pinanood ni Zeline. Wala 'to, gutom lang 'to. Oo, gutom lang ako.
-- ZELINE HAN/ HAN SEO NA --
Naglalakad ako ngayon kasama ni Tal Ro. Siya pala ang in-appoint ng Empress na maging guard ko. Pero sa totoo lang, hindi ko naman kailangan ng guard. Nandyan naman si Jang Yeon na nagsisilbi sa pamilya namin. Bakit kailangan pang i-assign sa'kin ang isang magaling na palace guard na kagaya niya?
"Pagod ka na ba, binibini?" Tanong niya at akmang aalalayan ako. Naks ang gentleman talaga! "Siguro ay hindi pa po kayo tuluyang gumagal--
Hindi ko na siya pinatapos pa. "Hindi naman, ayos lang ako. Mas maganda na rin 'to kasi nakakalabas ako at naaarawan." Sabi ko at nangiti naman siya
Maya-maya pa, nakita ko naman si Ryeong. Wow! Buti naman at naisipan niya ring lumabas ngayon. Akala ko tatambay lang siya maghapon sa kwarto niya.
Tatawagin ko na sana siya at kakawayan kaya lang..
Bigla naman siyang bumalik sa pinanggalingan niya. Anyare dun?
Pero ang nakakatawa pagbalik niya ay bumalik rin yung mga taong nasa likod niya na sumusunod sa kanya. Hahahaha!
Pupuntahan ko sana siya kaya lang..natisod ako.
"Binibini! Ayos lang po ba kayo?" Tanong naman sa'kin ni Tal Ro at tinulungan akong tumayo.
"Ah, oo. Sige salamat." Sabi ko sa kanya at pinagpagan yung damit ko.
Maya-maya naman..
"Bawal ka ngang magkalat dito! Hindi mo ba susundin ang utos ng isang prinsesa?" Narinig kong sigaw ng parang isang batang babae.
"Hindi naman po ganoon ang ginagawa ko, kamahalan." Sagot naman ng isang batang babae.
Nagulat naman ako nang biglang nagmamadali si Tal Ro. Sinundan ko siya at naabutan namin ang isang batang babae na maganda yung damit (parang prinsesa) at isang batang lalaki na normal lang yung suot.
At mukhang nag-aaway sila..
"Puro ka pa palusot. Tigilan mo nga ako! Hindi mo ba ako kilala?" Galit na sigaw nung batang babae.
"Ano po ban--
"Nan Ye-na gongjoo ya!"
*Translation: I am Princess Ye-na!*
Ah so, Princess Yena pala ang pangalan niya? Bigla namang pumagitna sa kanila si Tal Ro. Hindi ko alam na sa sobrang gulo ng mga nangyayari sa panahong 'to, may away-bata pa pala.
"Mahal na prinsesa, ano pong nangyayari dito?" Lumapit naman si Tal Ro dun sa mga bata. Nakakunot pa ang noo ni Princess Yena at naiiyak naman yung batang lalaki.
"Pagsabihan niyo 'yang si Ji Ro! Nagkakalat pa siya dito!" Sabi ng prinsesa. At napayakap naman lalo yung batang si Ji Ro kay Tal Ro.
"Kuya.." Iyak ni Ji Ro. Kuya? So magkapatid sila?
"Pasensya na po kayo sa nagawa ng aking kapatid. Hayaan niyo po't pagsasabihan ko siya." Sabi naman ni Tal Ro. Aalis na sana si Princess Yena kaya lang..
"Pwedeng magtanong, mahal na prinsesa? Ano ba talagang nangyari at sinisigawan mo siya?" Tanong ko naman at tumingin sa'kin yung prinsesa na parang naiiyak. Luh? Anong nangyari?
Kaya nga lang, bigla siyang umalis. Masama ba yung tanong ko?
"Ji Ro, ayos ka lang ba? Ano ba kasing nangyari?" Tanong ni Tal Ro sa umiiyak na si Ji Ro.
"Hyung, *sniff* nakipaglaro lang naman po ako kay Sa Hwa." Paliwanag naman ni Ji Ro. At sino si Sa Hwa?
"Sa Hwa? Sino iyon?" Ay, hindi rin pala kilala ni Tal Ro yung sinasabi ng kapatid niya.
"Isa pong batang babae na nakilala ko sa palengke. Inaya ko lang naman po siya dito." Paliwanag ulit ng bata.
"Isang tagalabas?" Tanong naman ulit ni Tal Ro. So ano naman kung tagalabas?
"Opo, hyung. Patawarin niyo po ako," Yumuko naman si Ji Ro bilang sign na nanghihingi siya ng tawad. Lumapit naman siya sa'kin.. "Patawad po, Lady Seo Na."
Nagulat ako sa ginawa niya. "Ah, ayos lang yun, Ji Ro. Naging masaya ka naman di'ba? Naiintindihan ko naman na bata ka pa kaya talagang gusto mong maglaro at makipagkaibigan sa iba."
Napangiti naman sa'kin si Tal Ro at ganun din si Ji Ro.
"Lady Seo Na?" Tawag sa'kin ni Tal Ro.
"Ano yun?" Sagot ko naman sa kanya.
"Pwede ko po bang ihatid lang sandali si Ji Ro sa aming tahanan?" Paalam niya.
"Ah, oo naman." Sabi ko pa at umalis na sila.
Nagulat naman ako dahil may nanghila sa damit ko.
"Mianhe, unni.." Umiiyak na sabi ni.. Princess Ye-na.
*Translation: Sorry, Seo Na/ Patawad po, Ate*
Nataranta naman ako. Dahil ba 'to sa tanong ko kanina? Hays. Umupo naman ako para makapag-usap kami ng maayos. "Kamahalan, huwag ka na pong umiyak. Hindi naman ako galit sa'yo. Nagtataka lang ako kung ano ang nangyari sa inyo ni Ji Ro."
Napangiti naman siya sa sinabi ko. "Talaga po?" Tumango ako at tumayo na rin. "Ito po pala ang regalo ko sa inyo, ate." Sabi niya at may nilabas na bulaklak. Wow! Ang ganda at ang bango naman nitong fresh lavenders. "Sige po, iuutos ko na lang sa mga tagapagsilbi na ilagay ito sa kwarto niyo."
Napangiti naman ako sa kanya at hinaplos ang buhok niya. Hindi ako gaanong mahilig sa bata lalo na kung makulit pero ang cute niya, pareho sila ni Ji Ro.
"Ano nga bang nangyari kanina, gongjoo?" Tanong ko ulit kay Princess Yena.
*Translation: What did really happen earlier, princess?*
Napasimangot naman siya ulit "Nakakainis kasi 'yong si Ji Ro!" Natawa naman ako ng bahagya dahil gusto ko nang kurutin ang cheeks niya.
"Bakit? Ano bang ginawa niya sa'yo?" Tanong ko naman.
"Nakikipaglaro kasi siya sa tagalabas! Ngayon niya lamang iyon ginawa simula nang tigilan niya na ang pakikipaglaro sa'kin! Tapos nagkalat pa sila ng mga halaman! Hindi ba't pagiging suwail ang ginawa niyang iyon?" Sabi niya at lalong namumula ang mga pisngi niya. Gigil na gigil siya kay Ji Ro.
"Sandali. Tinigilan niya ang pakikipaglaro sa'yo?" Tanong ko.
"Hindi mo pa ba alam ang tungkol dun, ate? Dati kaming magkaibigan at magkalaro dito sa palasyo pero bigla na lamang siyang lumayo at itinuring na lang ako bilang prinsesa!" Inis pa ulit na sabi niya. Aww, ang sad pala ng kwento nila ni Ji Ro. Bata pa lang pero ganyan na ang nangyari. "Kaya nga nagtataka rin ako sa'yo, unni. Bakit ba kanina mo pa ako tinatawag na prinsesa? Hindi ka naman dating ganyan ah."
Nanlaki naman ang mata ko.
"Ha? Anong ibig mong sabihin?"
"Hindi ba't itinuturing mo akong iyong nakababatang kapatid? Kaya hindi mo na ako kailangang igalang bilang prinsesa. Hindi naman masama kung Yena lang itatawag mo sa akin, ate po kita." Sabi niya at niyakap ako. Oo nga, parang ang sarap niyang maging kapatid.
"Pasensya na, Yena." Sabi ko habang hinahaplos ang ulo niya.
Kumalas naman kaming dalawa sa yakap nang may dumating na tagapagsilbi. Ngayon ko lang siya nakita, malamang ang pinagsisilbihan niya ay si Yena.
"Gongjoo mama, gaja."
*Translation: Princess, let's go.*
"Sige po, Seo Na unni. Babalik na po ako sa kwarto ko. May bibisitahin pa po kasi ako mamaya." Sabi ng bata at umalis na kasama nung servant niya.
Nang ma-bored ako sa kalalakad, napagdesisyunan ko na pumunta sa kwarto ni Lady Han. May kailangan akong itanong sa kanya.
Pagpasok ko..
Nagulat ako dahil..
Naka-bathrobe si Eomma habang may pipino sa mata at punong-puno pa ng white cream yung mukha niya.
Anong ginagawa niya? May pa-skin care?
Eh kaya naman pala baby face pa ang lola niyo!
Halata namang sarap na sarap siya kaya hindi niya napansin ang presensiya ko.
Napansin niya lang ako nang mag-bow sa'kin yung dalawang tagapagsilbi na naglalagay ng cream sa braso niya.
"Oh, Seo Na? Nandito ka pala?" Sabi niya at agad na tumayo. Kinalat niya rin yung mga cream na kalalagay pa lang.
"Sige na po, tapusin niyo muna 'yang skin care routine niyo." Sabi ko at mukhang nagtaka naman yung dalawang tagapagsilbi sa sinabi ko. "Ah ibig kong sabihin, yung pagpapaganda niyo."
"Sige na, magtanong ka na kung may itatanong ka." Luh? Paano niya nalaman na may itatanong ako?
"Ah ganto po kasi y--
"Eomma mama~"
*Translation: Mother~*
Laking gulat ko naman nang may pumasok.
Si Princess Yena pala..
"Yena!" Sabi ni Eomma at niyakap si Yena. "Buti naman at binisita mo ako."
"Oo nga po, Eomma mama. Ilang araw din po kasi akong hindi pinalabas. Gustong-gusto ko po kayong makita pero hindi ko po magawang lumabas." Sabi niya pa at kinurot naman ni Eomma ang pisngi niya. Ang cute at sweet nila.
"Tama lang na hindi ka lumabas. Masyadong mapanganib para sa iyo." Sabi naman ni Eomma.
"Seo Na, unni. Narito pa po pala kayo." Sabi niya at kumaway sa'kin. "Nandito po pala ako para ipakita sa inyo ito."
Nilabas naman yung gawa niya. Isang maliit ng painting. Alam niyo kahit sobrang bata pa niya, ang galing niya nang mag-drawing. Nung ako ang nasa edad niya, stickman pa lang ang kaya kong i-drawing.
"Aba, ang ganda naman nito! Napakagaling naman talaga ng prinsesa ko." Puri sa kanya ni Eomma at hinalik-halikan ang bata.
"Sige po, babalik na ako sa kwarto. Gagawa pa po ako ng mas marami para mas matuwa pa po kayo," Nakangiting sabi ni batang prinsesa. "Paalam po, Eomma mama, Seo Na unni."
Kinawayan namin siya at umalis na siya.
"Tungkol ba kay Yena ang itatanong mo?" Tanong ni Eomma. Luh? Paano rin niya nalaman yun? "Si Kang Ye-na ay anak ng namayapang prinsesa."
"Namayapang prinsesa?" Gulat na tanong ko.
"Oo, ang panganay na anak ng emperor at empress na si Crown Princess Lee Ri Hwan. Nagkaroon siya ng kasintahan na ang pangalan ay Kang Si Kyung at sila ang mga magulang ni Yena," Explanation ni Eomma. "Kaya ayun, hindi naging maganda ang trato sa kanya ng Imperial Family at itinuring siyang anak sa kasalanan. Kaya ako, ang tumayo ng nanay niya."
Aww, kawawa naman pala si Yena. Magsasalita pa sana ako nang biglang..
"Lady Han, Lady Seo Na, ipinapatawag po kayo sa pagpupulong na pamumunuan ng Emperor." Tinawag kami nung isang tagapagsilbi.
Nagmamamadali naman si Eomma dahil hindi maayos ang itsura niya.
Nang matapos siya, lumabas na kami..
At hindi namin inaasahan, na makikita namin ang Empress..
Kaya yumuko kami.
"Mukhang natagalan ka sa pag-aayos. Ano naman kaya ang dahilan kaya patuloy na gumaganda ang iyong mukha?" Halatang-hatalang sarcastic na sabi ng Empress.
"Salamat sa iyong papuri, kamahalan. Maging ikaw ay may magandang mukha at damit" Sabi ni Eomma dahil mukhang masyado ring nag-ayos ang Empress, medyo makapal din kasi ang makeup niya. Aalis na rin sana kami kaya lang--
"Sandali lamang, Na Ra," Nagulat naman ako nang tawagin niya sa pangalan si Lady Han. "Hindi mo pa sinasagot ang una kong tanong."
"Hindi naman masama ang pag-aalaga sa sarili. Wala na rin lang akong ginagawa, eh di iyon na lang pagkakaabalahan ko," Sabi ni Eomma nang nakangiti. "Sa palagay ko kasi kung hindi ko aalagaan ang sarili ko, hindi tatalab sa akin ang kahit anong ganda ng damit at kahit anong kapal ng kolorete sa mukha."
Halatang nagulat ang Empress sa sinabi ni Eomma. At ito ako, nagpipigil ng tawa. Grabe, ang galing ni Eomma!
Nakarating naman kami sa hall kung saan isasagawa ang meeting. Malapit na pa lang magsimula at mukhang male-late na rin kami. Kinawayan kami ng Kuya Seo Jeong kasi nauna na pala siya dito.
At yun nga, umupo na kami sa tabi niya at sinimulan na ng Emperor ang pagsasalita.
"Ipinatawag ko kayong lahat upang pag-usapan ang mga unang plano ng palasyo ukol sa kumakalat na epidemya na nalalapit nang makapasok sa ating kaharian." Malungkot na sambit ng emperor.
Hays, nakakalungkot nga talaga ang sinasabi niya. Lalo tuloy akong natakot.
"Dahil napagdesisyunan ng konseho ng ating kaharian na isara na ang buong lugar. Kaya paalala, hindi kayo maaaring lumabas, pumunta ng palengke at iba pang mga pamilihan." Pagkasabi nun ng Emperor ay nag-react naman ang karamihan sa mga tao.
Hays, gantong-ganto rin mag-react ang mga korean citizens sa present time noong ipinasailalim kami sa lockdown.
"Pero huwag kayong mag-alala," Pagpapatuloy ng Emperor. Pero syempre, wa epek yun sa mga tao. Daldal dito, daldal doon pa rin. "Dahil bibigyan kayo ng tulong. At ang mamumuno sa pamimigay ng mga pagkai't inumin ay ang aking butihing kapatid..si Crown Prince Woo Chan."
Pagkasabi nun ng Emperor, tumayo si Prince Woo Chan at kumaway-kaway pa. Psh, ewan ko pero ba't parang nakakainis?
"Ano?" Bulong ni Kuya Seo Jeong na parang hindi makapaniwala.
"Huy kuya, ok ka lang?" Tanong ko naman sa kanya.
"Ha? Ah oo." Sagot niya, pero alam kong hindi.
Hindi ko alam pero feeling ko mas malala pa ang mga susunod na mangyari.
Feeling ko mas marami pang masamang mangyayari at mas marami pang tao na madadamay.
We need to find the cure immediately. We shouldn't wait for even more damages.