下載應用程式
31.57% Reaching My Dream / Chapter 6: Chapter 5

章節 6: Chapter 5

I had to change my plans, hindi na kami sa labas kumain dahil nagluto si Justin for dinner. Sayang naman 'yun kung hindi namin makakain ngayon. Inaya ko na lang siya sa men's building dining para doon kumain. Ayaw niya pa 'nung una but I blackmailed her about her requirement. Dahil medyo marami ang niluto ni Justin kasabay din naming kumain ang iba pa naming roommates. Six lahat kami sa room plus si Ailyn. Ayaw siyang payagan ng guard na kumain kasama kami kaya I had to talk to the dorm manager. Dahil puro kami boys at baka mailang siya, I put our foods on a separate table.

"Ailyn, kumain ka ha. Walang gayuma 'yan, hindi ka mamamatay. Baka ako pa mapatay ng di oras e." Napansin din siguro ni Justin na hesitant siya kainiin ang mga pagkain sa mesa. Justin cooked adobong manok and corned beef with egg.

"Ay wala man lang response, may pinag-iipunan siguro talaga siya Nigel." Si Justin na hindi pa rin napapagod kakasalita, "I am hurt ha, wala man lang pa-thank you kasi ako ang nagluto for your dinner date."

"Thank you." she said smiling to Justin.

"Wait! Kinikilig ako nampucha! Hindi mo dineny ang dinner date. My ship is sailing." Wala pa ring katapusang comment ne'to.

"Ulol! Kumain ka na nga."

Ako na ang umawat sa kadaldalan niya baka may masabi pa siyang hindi maganda na ikabagsak ng dignidad at reputasyon ko sa harap ng crush ko. Dahil si Justin ang nagluto, kailangan kong tumulong sa paghuhugas ng pinagkainan namin. Ailyn offered help but I gracefully declined it. Iniwan ko sila sa lobby ni Justin, kung ibenta man ako ni Justin, pabor naman sa akin 'yun kaya ayos lang. Tapos na kaming magligpit ng pinagkainan namin, kinuha ko sa room ang mga gagamitin ko sa requirement ni Ailyn. Iniwan na siya ni Justin sa lobby. Busy na siyang magbasa sa kanyang modules at nagsasagot na rin.

"Ano yan?"

"Math 12."

"Can you wait for me?"

"Okay."

"Hindi mo ba tatanungin kung saan ako pupunta?"

"Is it necessary?"

Nakaka-hurt na talaga siya, kung hindi ko lang siya crush.

"Hindi naman. Maghahalf bath lang ako para fresh at mabango naman ang study buddy mo. Hindi pwedeng ikaw lang ang fresh at mabango sa pamilyang 'to."

"Mabango ba ako?" ngayon na sa akin na ang buong attention niya.

Gusto lang siyang pikunin kaya sinabi kong, "Aba malay ko. Bat kita aamuyin? Nanghula lang ako."

"Okay."

Ang hirap niya talagang paamuin, para akong nakikipag-usap sa robot. Lord, ano bang gagawin ko para makuha ko ang loob ng babaeng nasa harapan ko. Send help po. Nagpaalam na ako sa kanya, tumango lang siya at pinagpatuloy pa rin ang gagawin niya. Pabalik na ako ng lobby nang makitang may kausap na siyang dorm resident din. Si Harvey, taga-college din nila. Batchmate namin and BS Economics ang course niya.

"Hindi ko po sure e, laging nasa CL ang classes ko kaya siguro hindi kita nakikita. Umaga ng TTH lang kami nasa CBEA new building tsaka CB205." Sagot niya sa tanong ni Harvey.

"Hey study buddy, did I make you wait?" I interrupted their conversation.

"Oy Laxamana, ikaw pala. Study buddy? Paano COE at CBEA? Ang layo."

"BDO kami pre, we find ways to study together. Pwede niya akong turuan ng accounting pwede ko din siyang turuan ng drawing. Basic."

"Okay, see you around Ailyn. Meryenda tayo minsan sa cafeteria ng siomai malapit lang department namin doon. Lagi lang akong tambay sa Terminal 1." Kwento pa ne'to sa kanya.

I blocked her vision. Tumawa naman si Harvey dahil sa ginawa ko.

"Nawala lang ako saglit, naghanap ka na ng iba."

She just shaked her head, "I won't replace you…" after ten seconds she continue saying, "…coz you can help me pass my requirement."

Yung bilis ng tibok ng puso ko ay parang kapag nagsa-shuffle lang yung professor ng index card for recitation. Kinikilig na ako e pero biglang bawi naman siya.

"Mahal mo ako dahil kailangan mo ako or kailangan mo lang talaga ako?"

"Your spouting nonsense. Aral na tayo."

"Aguy! May tayo na pala. Yikes."

Inirapan niya ako pero hindi na lang nagsalita. Pinagpatuloy na niya ang ginagawa niyang assignment. She asked me to draw a resort near a mountainous part with a Falls near it. That is her dream business. SInimulan ko nang i-drawing ang sinabi niya. Pinakita niya sa google maps ang location ng falls para daw ma-imagine ko kung saan magandang i-pwesto ang resort na gagawin ko.

"Kapag ba ginawa mo na'tong resort na 'to, kukunin mo akong Engineer?"

"Oo naman."

"Yes naman, kasama ako sa future plans ng crush ko."

"Sana all." Si Justin na nilalapag sa mesa ang mga gagamitin niya sa gagawin niyang plates

"Epal." Basag sa kanya ni Ailyn

Tumawa lang si Justin, "Sa inyo ba 'tong lobby ha?"

"Pinagsasabi mo?"

"Sana all may study buddy, ako kasi fuck buddy lang ang meron." Tarantadong lumabas sa bibig ni Justin.

"Tanga ka! Lumipat ka na nga sa ibang table. Kung ano-anong lumalabas sayo madumi mong bunganga."

"Oo na boss, ayaw mo lang may istorbo e."

Nakita kong nakatingin pa rin kay Justin na gulat siguro sa mga pinagsasabi ne'to. Napakamot na lang ako sa ulo.

"Pasensiya kana, pasmado talaga bibig ng lalaking 'yan. Palibhasa kasi laging brokenhearted."

"Naririnig mo ang paninira mo sa image ko, Laxamana. Palibhasa kasi ikaw laging nananakit e. Bebe girl, huwag mong i-crush back si Laxamana."

Tumawa naman si Ailyn ngayon, "Okay, noted. Thank you for the heads-up kuya Justin."

"Hoy! Hindi totoo 'yang pinagsasabi ni Justin. Mukha ba akong heartbreaker? Luh, scam amputa."

Tumawa na naman si Justin, "Ailyn, meryenda tayo minsan tapos kwento ko sayo lahat ng pinaiyak ni Laxamana."

Binato ko siya ng eraser dahil talagang hindi pa siya tumitigil, "Bobo. Bumalik ka na nga sa room. Tanga ne'to."

"Binili mo ba 'tong lobby ha? Sayo?" binato niya sa akin pabalik 'yung eraser.

"Hindi pero kaya kong bumili ng masking tape para sa bibig mo."

Tumatawa na si Ailyn ngayon dahil sa mga pinagsasabi ni Justin, "Kuya Justin, nanggigigil ako sayo. Pakurot nga sa pisngi."

Mas lalo akong naasar dahil sa sinabi niya, binitawan ko na 'yung ginagawa ko tsaka umalis na doon. Bahala silang dalawa, magsama sila. Kung si Justin pala ang gusto niya edi sana sa kanya na siya nagpatulong. Pakurot nga sa pisngi! Ano si Justin bata? Bwisit. Humiga na ako sa bed ko, walang paki kung hindi pa tapos 'yung pinapa-drawing niya.

"Laxamana para kang tanga, iniwan mo 'yung babae doon oh. Bahala ka kung kausapin na naman ni Harvey 'yun."

Si Justin na binato pa ako ng unan. Nasa room na rin siya dala ang mga gamit niyang nilabas niya kanina.

"Edi kausapin niya. Magsama sila."

"Wala na Nigel Paul, malala kana."

Ayan na naman siya sa mga may deep meaning na pinagsasabi niya. Dahil ayokong pagsabihan niya na naman ako ng kung ano-ano lumabas na ulit ako ng room at bumalik na sa lobby. Nandoon pa rin si AIlyn pero nagliligpit na siya ng mga gamit niya.

"Oh, saan ka pupunta?"

"Sorry. Ang insentitive ko."

I feel guilty, akala niya siguro galit ako. Hinawakan ko ang baba niya para iangat ang tingin niya.

"Apology accepted. Di naman kita matitiis e, crush."


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C6
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄