Riri
Isang buwan na ang nakakaraan maraming nagbago saamin naging busy ang lahat wala ng gaanong quality time saaming magkakaibigan
Ito pa mas nagiging malapit na saakin si Vaigan.Nitong makalipas ng linggo sobrang sweet niya saakin.Di ako maka-angal kasi nahuhulog na rin ako
"Oyy sister okay ka lang?"tanong saakin ng kaklase ko sa English tumango na lang ako sa tanong niya at napa pout na lamang ito saakin
"Nga pala bago ko makalimutan may notes ka ba sa Mayh class?"tanong ko tumango naman ito at kinuha ang notebook nito sa kanyang bag at inabot saakin
"Mauna na ako Kyryll ah!Tom ulit."tumango ako at nagpaalam na sa kanya magkaiba kasi kami ng way papunta siya ng lab ako naman duon sa cafeteria
Habang naglalakad ako damang-dama ko ang malamig na simoy ng hangin umulan kasi kani-kanina lang pero ambon lang naman iyon
Nang makarating ako sa Cafeteria ay naabutan ko ang madaming estyudanteng tumatambay crowded na masyado itong cafeteria ah?
Agad akong pumunta sa may pagkain section hahaha!Food is life po kasi!Pumila ako bale pang-sampu ako sa mga nakapila at meron pang sumunod saakin sa likod
"Paunahin niyo siya."agad akong tumingin sa likod ko at nakita ko si Vaigan na nakapamulsa at maangas ang dating mabilis na kumabog ang dibdib ko sa di malamang dahilan
'Bakit ang gwapo niya?'
"O-okay lang Vaigan di naman kailangan kaya ko namang maghintay eh."ani ko at yumuko sa kanya di ko alam kung anong tamang ireact sa ginagawa niya pero namumula leche!
Tumingin ako sa harap at nakita kong nakagilid yung mga pumila kanina ayshhh ayoko talaga ng ganitong set-up eh
"Bilisan mo na baka mahuli ka sa sunod na class mo!One more thing wag mahihiyang tanggapin ang alok."ani nito at kinindatan ako rinig ko ang tili sa likod ko at habang ako naman ay ito kinikilig at namumula ayshh
'Ang galing niyang magpakilig shit!'
Agad akong bumili ng cheese cake at isang coke nang mabigay na yun saakin ay agad akong umupo duon sa may dulong table baka kasi mamaya duon na naman umupo si Vaigan nandun kasi siya sa may gitna
Habang kinakain ko yung cake ko ay naramdaman kong may umumpo sa harap ko
"Hi!"ani nito at tiningnan ko naman siya napakurap na lamang ako dahil siya yun tandang tanda ko yung itsura niya
"Diba ikaw yung naghihiram ng libro ko noon sa may library?Tama ba?"tanong ko at tumango naman ito at di na ako umimik baka kasi pag nagtanong ako masabihan ba ako investigator eh
"Ako pala si Bluce,Bluce Young."ani nito at inilagay ang kamay niya sa aking harap at nakipagkamayan naman din ako sa kanya
"Kyryll,Kyryll Barcelona."ani ko at ngumite siya saakin ganun din naman ako at marami kaming napagkwentuhan dalawa masarap nga siyang kasama eh
Alam mo yung feel na may boy bestfriend ka ganun hahaha!Funny din kasi siya yun yung isang katangian na nakita ko sa kanya
"Paano ba yan dito na lang ha!Salamat nga pala Pareng B!"ngumite na lamang ito at tumalikod na ako natatawa ako sa kanya lalo na yung mukha niya kapag tinatawag ko siyang Pareng B mukha kasing Neneng B hahaha
Natapos na yung klase ko at hinihintay ko si Kuya lucs habang hinihintay ko siya may isang coke sa harap ko kaya naman napatingin ako kung sino ang naglagay nun
"Vaigan."yun na lamang ang nasabi ko at napatitig sa kanya
"Kunin mo na!Para refreshing."ngumite ito ng matamis saakin shit na lang ang gwapo niya tumabi ito saakin
"Okay ka lang ba?Namumula ka eh."hinawakan nito ang aking noo at ako naman itong nanlalaki ang mata at parang estatwa sa inuupuan Agad kong tinampal ang kanyang kamay at tumingin sa ibang direksyon
'Nakakahiya ka girl!'
"O-okay lang hahaha!"tawa ko ng peke nakakahiya talaga to dahil pumiyok pa ako nung tumawa ako shet na malupet!
"Hahaha tingin ko nga."tawa nito in sexier way jusqqq sana lamunin na ho ako ng lupa para matapos na ho itong pangyayareng ito
"Si kuya yung hinihintay ko kaya ako nandito."ako na unang nag first move hehehe awkward eh! ^_^
"Ahh,I see."
'Nakita niya?'
"Paanong i see?Nakita mo si Kuya?"tanong ko na siya namang kinagulat nito habang ako napalunok na lamang ngumite na lamang ito saakin at ginulo ang buhok ko habang sumisipsip ng coke
"Scholar ka nga talaga."ani nito at tumawa na lamang habang ako naguguluhan pa rin hanggang sa narinig ko ang mga yabag ng isang lalake mukhang si kuya na ito ah?
"Hi Mareng Kyryll!"tumingin ako at nakita ko si Pareng B na nakangite saakin tiningnan ko naman si Vaigan na magkasalubong ang kilay
Nangangamoy gyera po dito ah?Tumayo ako at humarap kay Vaigan
"Ahm Vaigan si Bluce nga pala Kaibigan kong lalake at Bluce si Vaigan kaibigan ko."pagpapakilala ko sa kanilang dalawa habang matalim pa rin ang tinginan ng dalawa
"Hehehe!Bakit nga pala Pareng B?"tanong ko at nabaling naman saakin ang tingin ni Pareng B ngumite ito saakin
"Ah hihiram sana akong ng Biology Book eh."ani nito at napatango na lamang ako at kinuha sa bag ko ang Biology book ko at binigay sa kanya
"Salamat Mareng K!"ani nito at ngumite saakin at tumingin na lamang kay Vaigan at umalis na rin ito
"Magkaibigan pala kayo?"tanong saakin ni Vaigan at tumango na lamang ako sa kanya kita ko sa mga mata nito at inis
"Bakit?May problema?"tanong ko at umiling na lamang ito at nagpaalam na saakin basta-basta hay nako ang hirap talagang intindihan ng mga lalake eh noh?
Feel me?
Maya maya lang ay dunating na rin si Kuya lucs na hinihingal sabi nito tumakbo daw siya baka kasi naghihintay ako ng matagal dito eh hays sweet naman talaga
Habang naglalakad kami ay andaming niyang kuwento lalo na't duon sa mga nangyayare sa klase niya
"Nga pala nagkita kami ni Elaine nung nakaraang linggo di ko na nasabi sa iyo."ani nito at napatingin ako sa kanya hanggang nagyon di pa rin kasi di ko pa anasani sa kanila nagkita na pala sila ni Elaine eh si Ivy kaya?
"Eh si Ivy nagkita na kayo?"tanong ko at umiling na lamang ito at tumingin na lamang sa dinadaanan namin
Magandang balita nakapasok si Kuya sa part time ko nangailangan din naman ng crew si Sir Lary eh 3 lang kasi kami at babae pa lahat mabiti naman daw na may lalake saamin para in case of emergency diba?
Nang makarating kami sa Coffee shop ay may tumawag saakin na unknown number.Nung una nagdadalawang isip talaga ako pero sige baka mga kaklase ko ito
"Hello?"ilang hello ako pero walang sumagot pero ilang minuto lang ay may sumagot na rin sa tawag ko
"Stay away frim him."isang magandang tinig ang narinig ko pero agad din nitong pinutol ang tawag nito
Napakurap kurap na lamang ako di ko alam kung anong kaba at takot ang nararamdaman ko sa mga oras na ito pero yung pakiramdam na parang papatayin ka ganun
"Okay ka lang ba riri?"tanong ni kuya lucs pero di ako sumagot hanggang sa pumasok kami sa coffee shop tulala ako binigyan naman ako ng tubig ni ate shay habang si kuya naman nanduon sa may locker room
"Ayos ka na ba Riri?"tanong nito at tumango na lamang randam ko yung panginginig ko bumuntong hininga na lamang ako at tumayo
"Ayos lang ako ate hsay wag mo po akong intindihin hehehe."pumunta na ako s locker room at kinuha ang uniform ko nung sinarado ko na ang locker room ko di ko pa rin matanggal sa isip ko kung sino yung misteryosong babae na yun
Bakit iba yung feel nung sinabi niya saakin na parang may kinuha ako sa kanya.Yung kinukurot ang puso ko nung sinasabi niya yun
"Sino kaya siya?"