Inakala ni Manang Rosa na hinihintay ko ang pagdating ni Joshede kaya hindi pa ako kumakain ng hapunan. Ang totoo ay masamang-masama ang loob ko. Parang gusto ko na ngang umalis ng walang paalam kay Joshede. Ano ba ang silbi ko rito? Ang magkaroon siya ng libreng tagapakain na pinapalitan ko naman ng serbisyong sexual? Imagine, asawa nga akong naturingan pero mas inaalala ang dating girlfriend?
Pero gusto ko pa rin bigyan ng katwiran si Joshede. Ilang araw pa lang kaming nagkakakilala kumpara sa tagal ng pagkakakilala niya kay Rissa. Syempre, may pinagsamahan ang dalawang 'yon.
Tinignan ko muli ang picture nilang dalawa. Halata sa mga mukha nila na sobrang inlove nila sa isa't-isa sa picture na ito. Nakaakbay si Joshede kay Rissa habang nakayapos naman ito sa baywang niya. Masakit ang dibdib kong ibinalik ang picture frame sa pinanggalingan nito nang may napansin ako.
Sa tingin ko ay selpon ang nasa likod ng picture frame. Naka-off ito. Kagaya 'yon ng selpon ng amo naming si Aly at nakita ko minsan kung paano niya ini-off at ini-on ang selpon niya. Ginaya ko ang nakita ko. ini-on ko ang selpon at maya-maya ay sunod-sunod na text messages ang pumasok. Nag-appear sa screen ang no space for new messages.
Natukso akong buksan ang menu. ingat na ingat ako na magkamali ng pindot at napapunta sa inbox. Pagbukas ko ng inbox, puro pangalan ni Rissa ang lumabas. May sampung text messages ata siya ang hindi nagawang basahin. Pero ang ang alam ko ay may dalang selpon si Joshede nung umalis. Nakatawag pa nga sita sa landline dito sa Condo at kinausap si Manang Rosa.
Naguguluhan kong ini-off ang selpon at ibinalik ko ito sa dating pwesto. Posible kayang hindi natanggap ni Joshede ang mga text ni Rissa kung kaya hindi pa siya nakapagsumbong?
Siguro nga. Dahil kung nakapagsumbong kaagad 'yung Rissa na 'yon sa aking ginawa baka hindi na naging maganda ang pagdating niya rito. Nagalit lang siguro si Joshede nang malaman niya sa akin na nasampal ko si Rissa.
Lalo lamang nasaktan ang kalooban ko sa aking natuklasan. Nahiga ako sa kama at itinulog ang sakit ng kaloobang nararamdaman.
~*~
Mga halik ni Joshede sa pisngi ang gumising sa akin. "Bakit hindi ka pa kumakain? Bakit hinintay mo pa ako?" bulong niya sa tenga ko.
Wala na ang galit ito sa kanyang mukha. Sa halip ay nakangiti na ito sa akin. Gabi na naman kasi. Siguro kailangan na naman ito ng babae. Parang gustong sumabog ng dibdib ko sa sama ng loob. Hindi ako nagpahalata ng sama ng loob pero marahan kong iniiwas ang mukha nang tangkain niya akong halikan.
"May dinaramdam ka ba?"
"Masakit lang ang ulo ko," pagkukunwari ko. How I wish na iwanan ko si Joshede. Baka kasi bumigay na ako at bigla na lang akong mapaiyak sa harapan niya.
"Halika na. Kumain na tayo," malambing na sabi niya.
"Ayoko. Gusto ko nang magpahinga," matabang kong sagot. Ewan ko lang kong nahalata niya na masama ang loob ko. Asa pa ko. Sino ba ako para pagtuonan niya ng importansya na kagaya ng ibinibigay niya kay Rissa. Chura! Imagine, nalaman lang na nasaktan ko si Rissa ay nataranta na ito. Sakit na sakit talaga ang loob ko.
"Rise up, Arci. Hindi pwedeng hindi ka kakain. Ayokong manghina ka."
Bakit? Natatakot siyang mawalan ako ng lakas at hindi nito magawa ang gusto niya? Pero wala akong nagawa nang siya na mismo ang magtayo sa akin. Napilitan na tuloy akong bumangon.
Nakaakbay ito sa akin nang lumabas. Na dapat sana ay ikatuwa ko. Kaya lang, hindi ko talaga magawang matuwa. Sobrang inis ang nararamdaman ko kanina pa. Nakatunganga tuloy ako sa pagkain. Ni hindi ko nagawang galawin ang mga pagkaing nakahain sa harapan ko.
Nagtatakang dinama ni Joshede ang aking noo. "Hindi ka naman mainit. May masakit ba sa 'yo?"
"Sinabi ko naman sayo na masakit ang ulo ko."
"I'm sorry. Kung talagang hindi mokaya, magbalik ka sa higaan." Inihatid niya ako pabalik sa kwarto bago iniwanan akong muli.
Pagtalikod ni Joshede, naiyak na lang ako. Pinalaya ko ang sama ng loob na kanina pang nagpapahirap sa akin. Keri ko pa ba ito? Baka hindi na. Gusto ko na yatang magbalik sa amin. Natigil ang aking pag-iyak nang naramdaman ako ang mga yabag ni Joshede.
Naramdaman ko ang pag-upo niya sa kama at niyapos ang aking baywang. "I'm sorry. Natagalan ako. Bumili pa kasi ako ng gamot. Naghanap pa ako ng Convenient Drugs Store na pwede kong bilhan ng gamot sa sakit ng ulo," sabi niya. "Inumin mo na 'to, oh." Sabay abot niya ng isang tableta at isang tubig.
Sa totoo lang, natuluyan ang pagsakit ng ulo kaya nagawa kong inumin ang gamot na ibinigay ni Joshede. Tinulungan niya akong makahiga muli nang makainum ng gamot.
"I'm sorry, huh? Marami akong nagagawang mali nitong mga nakaraang araw. Pasensya ka na. Nag-aadjust pa kasi ako sa estado ko." Hindi ako sumagot. Pilit akong pumikit para hindi masentro ang isip ko ang mga sinasabi ni Joshede.
Kung pwede nga lang takpan ang aking tenga ay ginawa ko na para lang hindi ko na rin marinig pa ang mga sinasabi niya. Naramdaman ko ang paghiga ni Joshede sa tabi ko. Hinalikan pa niya ako sa pisngi.
"I understand na hindi ka pwede ngayon. Magpahinga ka na." Lalo akong 'di mapakali sa sinabi ni Joshede. Bigla akong naiyak sanhi ng hindi ko makayanang sama ng loob.
"Bakit? Arci, may nasabi ba akong masama? Gusto ko sanang sabihing oo. Pero paano ko naman gagawin 'yon? Same question ang pumasok sa isip ko: Anong karapatan ko para magselos at sumama ang loob.
"Arci..." kulit ni Joshede.
Siguro ay hindi sita titigil sa pangungulit kapag hindi ako sasagot kung bakit ako umiyak. "N-naaalala ko lang ang mga magulang at mga kapatid ko," pagsisinungaling ko.
Narinig ko siyang bumuntong-hininga. "Actually, pumasok na sa isipan ko ang pagpunta sa inyo. Syempre, para naman makilala ko ang mga byenan ko at para mapanatag naman ang kalooban nila just in case na nag-aalala na sila sa 'yo."
"Talagang mag-aalala sila sa akin dahil naglayas lang naman ako," wala sa loob na pagtatapat ko.
"Huh? Naglayas ka lang? kaya ba virgin ka pa dahil hindi ka naman talaga masamang babae?"
"Oo, mahirap na tao ako pero hindi masamang babae."
"I'm sorry, Arci. Wala akong ibig na sabihin. Nabigla lang ako. I just can't believe na naglayas ka lang pala sa inyo."
***Don't forget to VOTE, COMMENT and SHARE to your friends.***
Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!
I tagged this book, come and support me with a thumbs up!
Like it ? Add to library!
Have some idea about my story? Comment it and let me know.