下載應用程式
95.45% Semira Boys Series: Uno Emir (Completed, Book 2) / Chapter 21: Kapitulo 20: Katapusan

章節 21: Kapitulo 20: Katapusan

"Maaari ko bang makausap si Alfa muna?" mapagkumbabang pakiusap ni Sean.

Sa kadahilanang hindi naging maganda ang pakikitungo nito sa kanya, nag-alinlangan si Uno at humarang pa sa harapan ng nobya.

"Sean." pagtawag na ni Alfa sa kababata. Bago siya lumapit dito ay mariin niyang hinawakan ang kamay ng nobyo upang ipaalam na magiging maayos din ang lahat.

Naglakad sila patungo sa ilalim ng isang puno.

"Ako na mismo ang humihingi ng paumanhin sa nangyaring pag-ambush sa inyo. Hindi ko kailanman magagawa sa inyo ang ganoon." pagpapaliwanag ni Sean.

"Alam ko..." tugon ni Alfa. "Likas na mabuti kang tao at ikaw rin ay biktima ng mga pangyayari."

Bahagyang humangin at nakaramdam ng ginaw ang dalaga. Hinubad ng kababata ang suot na jacket at pinatong sa kanyang mga balikat.

Bumalik sa alaala niya ang mga panahong maganda at masaya pa ang samahan nila ng lalaking kaharap ngayon.

Una silang nagkita noong nasa Grade 3. Malakas ang ulan noon at hindi siya naipasundo kaagad ng ama kaya naglakas-loob siyang umuwi mag-isa. Sa lakas ng hangin ay nasira ang kanyang payong kaya nabasa siya ng ulan.

Naramdaman na lang niya na may nagpatong ng kapote sa kanyang balikat at pinayungan pa. Wala siyang kaalam-alam na prinsipe pala ang nagbigay ng atensyon sa kanya.

Sa isang mabuting gawi ay naging matalik silang magkaibigan.

Sa paglipas ng mga taon ay nagparamdam ng pagkakagusto sa kanya ang binata ngunit kahit anong pagpilit niya sa sarili ay hanggang kaibigan lamang ang tingin niya rito.

Hanggang sa isang araw ay napagkasundo ng kanilang mga magulang na ipakasal sila sa edad na beinte-singko.

Pinilit naman niyang magustuhan si Sean. Nakitira pa siya sa palasyo nito ng tatlong buwan upang maranasan kung paano mamuhay roon.

Sa maikling panahon ay ramdam niya ang pagiging demanding ng mga magulang at panganay na kapatid ni Sean. Palagi na lamang napupuna kahit pa ang pinakamaliit na pagkakamali niya. Pinagtatanggol naman siya ng fiance sa abot ng kanyang makakaya ngunit siya na mismo ang sumuko.

Nagdahilan siya na magbabakasyon muna sa tahanan ng mga magulang. Plano na niyang maglayas at magtungo sa Earth noong mga panahong iyon.

"Mahal kita, Alfa." paggambala ni Sean sa malalim na pag-iisip nito. Niyakap niya ang pinakamamahal at hinaplos ang buhok nito gaya ng dati sa tuwing ito ay sinusumpong ng "Drama Queen Moments". "Ngunit tanggap ko na iba na ang nilalaman ng iyong puso at hindi para sa iyo ang nakakasakal na buhay sa palasyo. Pinapangako ko sa iyo na mula ngayon, wala ng gagambala pa sa inyo ni Uno."

Hindi na napigilan ni Alfa na mapahagulgol ng iyak dahil sa mga pahayag nito na puno pa rin ng pag-ibig para sa kanya. Yumakap siya rito at paulit-ulit na nag-sorry.

"Sean, I'm so sorry..."

"Wala ka dapat ipag-sorry. Ako ang dapat mag-sorry. Pasensya na sa lahat ng hindi kaaya-ayang mga nagawa ko sa inyo."

"Kalimutan na natin ang mga iyon. Maaari pa rin ba tayong maging magkaibigan?"

"Oo naman." paniniguro niya. "Kapag niloko ka ni Uno, bugbog ang aabutin niya sa akin."

"Sean naman e..." pagmamaktol niya. "Napakasalbahe mo!"

"Biro lang. Sa tipo ng lalaking 'yun, hindi ka niya lolokohin. Baka nga "under the saya" pa 'yan! Ikaw ang commander-in-chief niya!"

Inakbayan na siya ng kababata at nagtungo sa kinaroroonan ni Uno. Bakas sa mukha ng binata ang pag-aalalang baka magbago pa ang isip ni Alfa at nakumbinsing magbalik kay Sean.

Nilahad ng inaakalang katunggali ang kamay upang makipagkasundo. "Usapang lalaki sa lalaki. Mahalin at alagaan mo si Alfa. Gaya ng sinabi ko dati, kapag nalaman ko na sinasaktan mo siya, ako ang makakalaban mo."

Ngumisi si Uno sa mapaghamong pahayag ni Sean. Buo sa loob niyang tinanggap ang kasunduan. Nakipag-handshake siya rito at nangako.

"Oo. Mamahalin at aalagan ko siya. Matinong usapan ito."

"Mabuti naman."

Inakay niya si Alfa upang mas mapalapit kay Uno. Tuluyan na niyang pinapaubaya ang ex-fiancee sa lalaking kaharap.

"Maiwan ko na kayo," pamamaalam na niya.

Bahagyang nakunsensya si Uno sa pagpaparaya ni Sean. Batid niya ang pakiramdam ng mabigo sa pag-ibig kaya kahit papaano ay nakaka-relate siya. Napansin ni Alfa ang paglamlam ng mga mata ng kasintahan.

"Uno..." pagkuha niya sa atensyon nito.

"Nalulungkot ako para kay Sean," pag-amin na niya. "Pero ganito siguro ang tadhana niya. Hinihiling ko na mahanap din niya ang babaeng para sa kanya."

"Ako rin ay nalungkot, pero hindi ba, nasabi mo dati, mas makakasama kung ipagpipilitan ang ayaw? Kung magkatuluyan man kami, baka hindi rin maging masaya ang relasyon namin. Tayong dalawa talaga ang para sa isa't isa."

Tumango na siya at pinilit na ngumiti nang ipaalala ng nobya ang naging usapan noon.

"Kaya nga na-in love ako sa yo, e!" panunuyo na ni Alfa. "Good boy ka talaga! Considerate ka kahit sa mga naging katunggali mo pa, hindi lang sa karera, maging sa pag-ibig! Don't worry, matatag si Sean. Sa pogi at bait niyang 'yun, makakahanap din siya ng girlfriend!"

"Sinong mas pogi sa amin ni Sean?" mapaghamong tanong ni Uno. Nagpantig ang tainga niya nang marinig na napopogian pa pala ang nobya sa ex niya.

"Ay! Ewan?" kaagad na tugon naman ng kausap. Umikot pa ang mga mata nito na tila ba nag-iisip nang malalim. "'Di ko knows..."

"Ewan? Pangit ba ako? May hindi pa ba sapat sa katawan ko? Saan ako nagkulang?" pagpapanic na ng ating bida.

"Hmmm...hindi naman! A, alam ko na! Mas gwapo nga siya ng isang suklay."

Mas kinainis ni boylet ang pahayag ni Miss Alien. Aminado naman siya na madating din si Sean kaya hindi niya maiwasang ma-insecure rito.

"Hindi ko matatanggap na mas pogi siya sa paningin m-"

Yumakap na si Alfa at siniil na ng halik si Uno sa mga labi bago pa man matapos ang pahayag.

Napakaharot talaga ng tambalang Uno at Alfa.

Hindi mapigilang mag-PDA!

(Public Display of Affection)

"Naka-chancing ka na naman!" panunukso niya sa dalaga. Nakalimutan na niya ang kani-kanina lamang na pagtatampo. "Pero, I like!"

"O sige, nose to nose na lang tayo."

"Mamaya na, may audience." suhestiyon ng nobyo habang nakayapos sa minamahal.

Tuluyan ng napahahikgik si Alfa dahil tuwang-tuwa siya na makapiling ang love of her life at wala ng balakid pa.

"Basta palagi mong tatandaan, ikaw pa rin ang pinakagwapong lalaki sa universe!" proud na proud niya pang dineklara.

Kinilig to the bones sina Wiz, Mike, Francis at Luis dahil gusto rin nilang magka-love life na sa lalong madaling panahon.

Humiling sila na sana ay mahanap na rin nila ang kanya-kanya nilang "true love".

"Aalis na kami. May pasyente pa akong naghihintay," pamamaalam na ni Luis. Binalikan niya si Sean na tahimik na nakaupo sa passenger's seat. Tulala ito at tila ba kaunti na lamang ay maiiyak na siya.

"P're."

"Doc..." tugon na niya nang mahimasmasan. "Salamat sa ride pala. Mabuti na lang at nakita mo ako sa daan at tinulungan pa akong magpunta muna sa talyer para ipa-repair ang kotse ko."

"Walang anuman," maligayang tugon ni Luis sa kausap. "Iba kasi ang climate sa 'Pinas kaya siguro nag-overheat na ang sasakyan mo. Magaling naman ang mekaniko ko, maaayos niya ang auto mo!"

"Nakakatawa dahil ang pupuntahan mo pala ay pupuntahan ko rin. Hinahanap ko talaga si Alfa dahil nabalitaan ko mula sa aking mga tauhan na umalis na siya sa puder ni Uno." paglalahad na ni Sean.

"Nais ko sana siyang kausapin upang siguruhin na hindi ko na sila guguluhin pa dahil batid ko na natatakot lamang siya para sa kaligtasan ng nobyo kaya naglayas at nagtatago siya. Nang ma-trace ko siya ay nagmamadali pa akong magmaneho patungo sa bar pero nasiraan naman ako. Akala ko ay hindi ko na siya maaabutan. Swerte ko rin na pareho tayo ng daan na tinahak kaya nakarating ako sa kinaroroonan niya."

"Marahil ay ang tadhana na ang gumawa ng paraan upang magkaroon kayo ng closure ni Alfa," ani ni Luis na matiyagang nakikinig sa mga hinanakit at pagkukuwento ni Sean. Palakaibigan naman pala ang prinsipe at hindi brat kaya maluwag din sa kalooban niya na tulungan ito.

"Pasensya na at sa iyo pa ako nagkukuwento."

"Ayos lang, P're. Ilabas mo lang 'yan nararamdaman mo at tignan natin kung papaano ka mas makaka-get-over nang mabilis.

"Salamat."

"Idadaan na muna kita sa bahay mo para makapagpahinga. In behalf of all earthlings in the world, welcome to our neighborhood! O di ba, magkapitbahay pa tayo! Tadhana na maging magkakabarkada pa tayo! Nakainom ka na ba ng San Mig? Inuman tayo minsan ng mga pinsan ko!

"Natikman ko na, pero nalasing ako kaagad."

"Hahaha! Ang hina mo!" pang-aasar pa ng malokong doktor.

Umandar na ang sasakyan palayo ngunit nanatiling tahimik pa rin ang prinsipe. Ramdam pa rin niya ang sakit ng heartbreak. Gayunpaman ay pinanindigan niya ang desisyong pagpaparaya kay Alfa.

"Huwag ka nang ma-sad." pagpapalubag-loob ni Luis sa kanya. "Malay mo, nasa Earth din ang destiny mo."

"Sana nga..." umaasang sinambit nito. "Sana makilala ko na ang nakatadhana para sa akin."

Malayo na ang sasakyan nang may biglang naalala sina Uno, Wiz, Francis at Mike!

"Mga kuya!" napabulalas si Mike. "Anong sasakyan natin pauwi?"

Na-realize nila na dinala pala sila ni Sean sa parke kung saan ilang metro lang ang layo sa isang Police Station.

Nagkagulo na naman ang apat na boylets dahil kapag may nakakita sa kanila ay siguradong maaaresto sila sa kasong indecent exposure at display of exotic animals.

"Anong gagawin natin?" pagpa-panic ni Francis. "Nananadya 'yan si Sean e!"

"Hindi ko rin alam! Mga naka-bold pa naman tayo!" natatarantang sinagot ni Wiz. "Mga "Burlesk Kings sa Esterong Makipot at Mainit" na tayo!"

"Napanood mo rin 'yun?" may pagkabiglang naitanong nila dahil special edition ang pelikula at sampung kopya worldwide lang ang nilabas na betamax ng kumpanyang nag-produce noon. Pina-bidding pa iyon dahil sa limitadong mga kopya. Tanyag din iyon dahil sa sobrang mapangahas na mga eksena at nanalo pa ito ng "Best Picture" sa Academy Awards noong 1977*.

(Fiction lang po. Gawa-gawa ni Miss Author.)

"Oo." pag-amin niya. "Ang dami-dami kong nakitang pink!"

"Sana, walang CCTV o mag-video sa atin." lumingon-lingon pa si Francis. "Dyahe me..."

"Aba! Be proud!" paghanga ni Alfa sa mga lalaking kasama kahit nawi-weirduhan talaga siya sa mga personality na malayo sa itsura nila na pang-leading man. Gayunpaman ay naaaliw siya sa pagiging kwela at masayahin nila. "Ipagmalaki ang mga katawang 'yan!"

"Talaga? Haha! May showboy career na kami!" maligayang pagsang-ayon ni Wiz.

"Ang galing niyo ngang sumayaw!" pagpuri niya. "Ikayayaman niyo 'yan for sure. Pero si Uno, pagbabawalan ko na dahil "taken" na siya!"

"Ayaw mo na ba akong gumiling?" panunudyo ni Fafa Uno lalo sabay kindat. "Sayang ang kita!"

"Kahit na kanin at asin na lang ang kakainin natin, hindi na kita ishe-share sa ibang mga babae, ano!"

Kinuha niya mula sa garter ng panloob ang mga nakaipit na tig-iisang libong piso. Gumaya sina Wiz at Francis. Binilang pa nila iyon at umabot iyon ng isang daang libong piso.

"Mas malaki pa pala ang kikitain rito kaysa sa karera ko sa pagmamaneho. Sa isang gabi, wala man sampung minuto, kinita ko na ang bubuhay sa atin ng isang buwan." panunukso nito kay Alfa. "Baka makahanap pa ako ng sponsor na Barbie o kaya Sugar Mommy!"

"Che! No way!" pagkontra niya.

"Pumayag ka na..." pangungumbinsi nito lalo sa kanya. "Sa kanila ang katawan ko pero ang pag-ibig ko ay sa iyo!"

"Sige, giling pa more! Kung saan ka masaya!" sarkastikong pagpayag niya na may bahid ng pagseselos. Umupo siya sa ilalim ng puno at nagmukmok.

Napansin kasi niya na noong sumayaw ang labs niya ay mabenta nga ito sa mga parokyano. Hindi niya maiwasang makaramdam ng inis dahil marami ang nagpiyesta sa maalindog na katawan ng nobyo.

"Akala ko, for my eyes only ang gorgeous body mo." may panggigil na binulong niya sa sarili.

Nag-worry din siya na siguradong kahit na maitali na sa kanya ang boyfriend, maraming babae pa rin ang magtatangkang habulin ito.

"Malaking problema ito." naisip niya. "Dapat doble ang pagbabantay ko sa lalaking ito!"

Possessive mode si Alfa.

No sharing allowed daw sa Darling Uno niya!

"Nagseselos ka ba?" pagtatanong ng nobyo. Tumabi ito sa kanya sa ilalim ng puno at pinagmasdan siya.

"Hindi." pagde-deny niya kahit halatang-halata ang pagsimangot nito.

Nang nanatiling tahimik ang nobya ay niyapos na niya nito at nilambing.

"Joke lang 'yun mga sinabi ko. Alam mo naman na nagawa ko lang 'yun pagsayaw ng nakaganito kasi kailangan namin makapasok sa Gay Bar. Sinisiguro ko sa iyo, I'm all yours."

"Talaga? Hindi mo ba ako ipagpapalit sa Sugar Mommy?"

"Tinotoo mo naman ang biro ko. Hindi kita ipagpapalit kahit kanino pa man."

"Pangako?" Nilahad niya ang pinky finger upang makipag-deal. "Walang iwanan? This time, totoong-totoo na ang kasunduan natin."

"Pangako." Pinalupot niya ang hinliliit sa daliri ni Alfa. "Together forever!"

Maluha-luha niyang tinitigan ang mapupungay na mga mata ng binata na puno ng pagsuyo sa kanya. Tila ba daig pa ng marriage contract ang kasunduan nila ngayon. Umapaw ang kaligayahan sa kanyang puso dahil batid niya na tunay siyang mahal ng sinisinta.

Sino nga ba ang makakaiisip na sa tagal niyang lumilibot sa Galaxy 100, 000, 007, sa Earth lang pala niya matatagpuan ang soul mate?

"Sandali, may pera pa pala tayo..." naalala bigla ni Uno. "Muntik ko ng makalimutan."

Tumalikod ito at may dinukot sa ilalim ng tuka ng ibon. Pagharap niya ay pinunas pa niya iyon sa kanyang dibdib dahil basang-basa ito ng pawis sa kakasayaw niya.

"May five thousand pa rito." Akmang iaabot na sana niya ang pera kay Alfa ngunit napaurong na ito. Bumalik muli ang luha sa tear ducts niya dahil sa nakaka-turn-off na akto mula sa boyfriend. Biglang naglaho ang kani-kanina lamang na romantic at dramatic moment niya kay Uno.

"Eeew! Kadiri! Basang-basa! Fresh from the nest?" nahintakutan na pagtili niya.

"Dali na! Kunin mo na! Panggatas ni Fifi!"

"Jusme! Lulunurin mo ba si Fifi? Pero dahil pinaghirapan mo, tatanggapin ko na nga!"

Labag man sa kalooban ay inabot na niya ang mamasa-masang pera at ibinulsa iyon. Pinigil ni Uno na matawa dahil sa naging reaksyon niya na diring-diri pa rin.

Sinubukan niya lang kasi si Alfa kung paano na ang relasyon nilang dalawa kung mag-asawa na.

Hindi naman kasi palaging sweet at romantic ang samahan ng magkabiyak.

May mga unglamorous moments din iyon, katulad nito na tumatagaktak na ang pawis mula ulo hanggang talampakan niya. Para sa kanya naman din ay tanggap niya ang nobya ng buong-buo. Yayakapin at hahalikan pa rin niya iyon kahit hindi pa naliligo o nagtu-toothbrush.

Maya't-maya ay kinuha ni Alfa ang panyo mula sa bag niya. Sinimulan niyang punasan ang pawis sa kanyang mukha. Nagulat ang binata dahil sa sobrang pag-aaruga na binibigay sa kanya, higit pa sa inaasahan niya.

Pinangako niya sa sarili na aalagaan din si Alfa hanggang sa kahuli-huliaan niyang hininga. Pakikiusapan pa niya ang Maykapal na pahintulutan siya na hanggang sa kabilang-buhay ay susuyuin pa rin niya ang iniibig.

Hinagkan niya sa noo ang pinakamamahal at niyakap muli.

"Mahal kita..." taos-pusong sinambit niya. "Mahal na mahal."

"Alam ko." tugon ni Alfa sa binata. "Mahal din kita. Kahit ilang millions of light years away pa man ang maglayo sa atin, sa susunod na mga buhay pa natin, hahanapin kita."

"No, you won't." pagtanggi ng binata sa pinahayag ng kayakap.

"H-ha? Ayaw mo bang magkasama tayo ulit?" malungkot na pagtataka niya.

Umiling si Uno at masuyong hinaplos ang pisngi ng tinuturing na soulmate.

"By that time, ako na ang maghahanap sa iyo..."


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C21
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄