下載應用程式
50% Semira Boys Series: Uno Emir (Completed, Book 2) / Chapter 11: Kapitulo 10: Alfa at Zeta

章節 11: Kapitulo 10: Alfa at Zeta

Maaga pa ay may narinig na si Alfa na nagdo-doorbell. Pagsilip niya mula sa sala ay may nakita siyang isang magandang babae na mala-modelo ang itsura. Mestisahin ito at mala-hourglass ang hubog ng katawan. Mas nahalata ang ganda ng pangangatawan nito dahil sa suot na pulang tube top at black skinny pants.

"Good morning, Ma'am!" pagbati niya habang papalapit sa may tapat ng gate kung nasaan ang bisita. "Anong kailangan nila?"

Tumaas ang kilay ng babae at umismid nang makita siya. Imbis na sumagot ng maayos ay nagawa pa nitong magsuplada.

"Sino ka?" mataray na pagtatanong niya na ikinagulat ni Alfa. "Inuwi ka lang ba ni Uno kagabi? Is this a one-night stand?"

"H-Ha?" pagtataka niya na may halong pangingilabot habang patuloy sa pagbibintang ang estranghera.

Kahit naman na todo ang panliligaw niya sa honeybunch niya ay hindi naman siya "liberated". Seryosong relasyon kasi ang hanap niya at hindi mga pang-good time lamang. Para sa kanya, si Uno ay nararapat na pinapakasalan muna sa Simbahan at pinapakilala sa madlang pipol bilang asawa niya bago pa man may mangyari sa kanila. Kahit na tuksong-tukso na siyang gapangin ito sa gabi ay di naman niya gagawin.

Hindi daw niya kailanman sasamantalahin ang pagkalalaki nito!

Gayunpaman ay bahagya pa rin siyang namula nang ma-imagine ang future honeymoon nila.

"Ano kaya ang itsura ni labs ko kapag nakahubo't hubad sa dilim?" natatawa pa niyang na-imagine. "Siyempre, wala akong makikita kasi madilim. Haha! Adik ka, girl!"

"Hindi ka makapagsalita kasi totoo, hindi ba?" nagulat pa si Alfa dahil sa paggising nito mula pagde-daydream.

"E, Miss. Mali ka ng inaakala. Kasam-"

"Anong kailangan mo?" pagputol na ni Uno bago pa man niya nasabi na kasambahay siya.

"Uno! Honey!" kaagad na naging malambing ang kanina lamang ay mapaghamon na pamamaraan ng pananalita nito. "Na-miss kita..."

"Sino itong bruha na ito?" naitanong sa sarili ni Alfa. "Girlfriend ba niya? Naku, my loves! Malaking pagkakamali kung papatulan mo 'yan! Sa akin ka na lang, darling ko, hindi ka magsisisi..."

"You did miss me?" pagdududa ni Uno. "Alam ba ng boyfriend mo na narito ka?"

"Wala na kami..." mahina nitong tugon. "Hindi mo ba ako papapasukin? I tried going in pero iniba mo na ang lock combination. Why?"

"Iba na ngayon, Zeta."

Sa tono ng pananalita nito ay naramdaman ni Alfa na mukhang isang babae mula sa nakaraan ang kaharap niya ngayon at hindi naging maayos ang paghihiwalay ng dalawa. Papasok na sana siya ng bahay ngunit laking-gulat niya nang maingat siyang hinawakan ni Uno sa kamay at tinitigan sa mga mata na tila ba nagsusumamo na huwag siyang iwanan.

"Please naman..." pagmamakaawa ni Zeta. "Don't turn me away. Mag-uusap lang naman tayo."

"OK lang kaya na pagbigyan ko na?" binulong ni Uno kay Alfa. "Ex-fiancee ko 'yan..."

Napaawang ang bibig ng dalaga dahil sa nalaman. Nais man niya na ilayo na sana ito at itakbo palayo dahil sa takot na magkabalikan sila muli, pinili pa rin niya na huwag maging maramot.

"Mas maganda, mag-usap nga kayo. Kung may hindi pagkakaunawaan, magka-closure."

Ilang saglit din itong nag-isip at sinulyapan ang babaeng nagpaguho sa mundo niya mga isang taon na ang nakalilipas.

Tumango siya bilang pagsang-ayon sa panukala ni Alfa. Mainam nga na magka-closure silang dalawa ni Zeta. Lumapit na siya at pinagbuksan ng gate ang ex.

Pagkapasok pa lang ng babae ay niyapos na siya nito. Napaurong mula sa kinatatayuan si Alfa nang biglang siniil ni Zeta ng halik sa labi si Uno. Maging ang binata ay nagulat at hindi kaagad nakapag-react. Nang mapansin ang mataimtim at malungkot na titig nito sa kanya ay kusa na niyang nilayo ang mukha upang hindi na mahagkan pa.

"Bakit? Ayaw mo ba?" hindi makapaniwalang nasambit ni Zeta. Dati-rati ay isang halik lang mula sa kanya ay napapaamo na niya ang dating nobyo. Ngayon ay para na lamang siyang humalik sa isang lalaking hindi niya kilala.

"Alfa, pakituloy 'yun pag-vacuum ko sa sala." pakikiusap niya rito upang hindi na nito makita o marinig pa ang pag-uusapan ng nakalipas na relasyon. "Please...saglit lang ito..."

"S-Sige..." nauutal na sinagot ni Alfa dahil kaunti na lang ay tutulo na ang kanyang mga luha. Ayaw man niyang aminin ay nagseselos siya at naiinis dahil kailangan pang iparamdam ng babae sa kanya na kahit papaano ay may pinanghahawakan pa siya kay Uno. "Sandali lang...excuse me..."

Pinagmasdan siya ni Uno habang pabalik sa loob ng bahay. Hindi siya mapakali dahil sa napakalungkot na reaksyon nito kanina lamang nang makita na dumampi ang mga labi nito sa ex.

"Sana, hindi niya masamain..." pag-aalala niya. "Baka akalain niya, playboy ako..."

"So, sa garden ba tayo magpapalipas ng oras?" pag-antala ni Zeta sa mga iniisip niya. Hinigpitan niya ang pagkakayap sa ex-boyfriend at akmang hahalikan sana muli ngunit umiwas na ito.

"Zeta...hindi na "tayo". Pakibitiwan na ako." pakikiusap ni Uno.

Labis siyang nasaktan dahil sa pagtataboy sa kanya nito. Nang kumalas na siya ay tila ba walang emosyon na iniwan lamang siya ng ex-fiance at nagtungo sa garden. Sumunod siya at umupo sa tabi nito.

"Wala na ba tayong pag-asa?" Pumatak na ang sunud-sunod na luha sa kanyang mga pingi dahil sa malamig na pakikitungo ng lalaking dati ay mapag-aruga sa kanya. Hinawakan niya ang kamay nito at pinaalala ang mga panahong masaya pa sila. "Pinangako mo sa akin dati, na palagi mo akong aalagaan at gagabayan kasi alam mo naman na hindi maganda at mahirap ang naging kabataan ko, kaya magulo talaga akong mag-isip. Aminado naman ako na naging padalos-dalos ang mga desisyon ko pero hindi mo na ba ako mabibigyan ng second chance? Ayusin natin ito. Fix me. Katulad ng dati..."

Nakaramdam siya ng awa dahil sa pagsusumamo ni Zeta. Alam niya kasi ang mga kahinaan nito kaya noong magkasama pa sila, pinagtiyagaan niya itong maalalayan. Pero dumating ang punto na naisip na niyang pakawalan na ito upang isalba na ang natitirang respeto niya sa sarili.

"I tried so hard to fix you. Hindi lang second chance ang binigay ko sa iyo. I always knew that you were being unfaithful to me." mabigat sa loob na pinagtapat niya sa babaeng minahal. Nanlaki ang mga mata ni Zeta dahil lingid pala sa kaalaman niya ay matagal ng bistado ang kanyang sikreto.

Galing sa mahirap na pamilya, naging ugali na niya ang maghanap ng mga mayayaman at maimpluwensiyang lalaki na masasandalan. Nagkakilala sila ni Uno sa isang car exhibit na siya ang modelo ng mamahaling sports car. Kaagad siyang natuwa rito dahil hindi lang ito gwapo, gentleman at mayaman pa. Hindi nagtagal ay lumabas sila upang mag-date. Pagkatapos ng ilang linggo na panliligaw sa kanya nito ay naging sila na.

Masaya naman ang kanilang pagsasama ngunit malaking pagkakamali ang kanyang nagawa nang lihim niya itong pinagtaksilan. Sa ika-tatlong taon nila, sikreto siyang nakikipagkita sa isang baguhang race car driver.

'Yun kasi ang mga panahong medyo alanganin si Uno sa kanyang career at namahinga muna. Naging malakas ang mga balitang malalaos na ito at matatalo na sa mga susunod na laban. Sa pagkawala sa spotlight ng nobyo ay lumitaw sa eksena ang Filipino-American na si Jarvis Shadow Knight. Dahil sa husay rin nito sa pagmamaneho at charm sa mga babae ay hinahanda na siya upang ipalit kay Uno. Umulan ang baguhang manlalaro ng mga advertisements sa TV at naging sensation pa worldwide dahil sa mga pinauunlakan nito na mga interviews at charity events.

Kumpara kay Uno, mas malakas ang appeal ni Jarvis sa masa.

May pagka-snob kasi ang nobyo at umiiwas sa publicity. Alam naman niya na tunay na mabuting tao ito sa personal at patago na tumutulong sa mga charity na walang camera na nakaharap upang kuhanan siya. Mabait, maalaga at kwela rin ito sa mga taong malapit sa kanya.

Ideal man na sana ang mayroon siya ngunit mas nanaig ang ambisyon niya upang iangat ang sarili sa showbiz.

Nababahala na kasi siya na palaos na ang boyfriend at hindi na kakayaning ibigay ang mga luho nito kung magkatuluyan man sila. Nang magpakita ng interes sa kanya si Jarvis, sinunggaban niya ang pagkakataon. Tinapon niya ang mahigit tatlong taon na relasyon nila dahil para sa kanya, nararapat na mas paiiralin ang utak kaysa sa puso.

Ngunit, malakas gumanti ang karma.

Naging "great comeback" ng ex-boyfriend ang pagtalo niya sa namamayagpag na si Jarvis. Paulit-ulit nitong inunahan siya sa mga karera hanggang nalugmok ito sa desperasyon at ginawang libangan ang alak upang makalimot.

Titiisin pa sana niyang pakisamahan si Jarvis ngunit wala pa silang isang buwan ay nahuli niya ito na may kasamang babae sa kwarto. Ilang beses niya rin pinagbigyan ang pagbabalewala nito sa kanya. Ang laging dahilan nito ay busy siya sa pag-eensayo, isang bagay na kailanman ay hindi ginawa ni Uno. Kahit pagod na ay gumagawa pa rin ito ng paraan upang magkasama sila.

Ang kakatwa ay kapag may publicity event, doon lamang siya naaalala ni Jarvis. Isinasama siya nito para makuhanan sila ng litrato na kunwari ay "ideal couple" sila.

Lahat ng pinapakita nito sa media na kabutihan ay pakitang-tao lamang.

Durog na durog ang kanyang puso nang malaman na pinagpalit niya si Uno sa isang walang kwentang lalaki!

"Alam ko na matagal mo na akong pinagtataksilan pero nanahimik ako dahil sa pangako ko at umasa ako na magbabago ka pa." pagpapatuloy ni Uno. "Pinagsasabihan na ako ng mga taong malapit sa akin na layuan ka na pero nagbulag-bulagan ako. Ngunit, nang mahuli na kita sa akto, kasama ang katunggali ko sa karera, natauhan na ako."

"I'm sorry...I'm so sorry..." napahagulgol na siya ng iyak dahil sa labis na pagsisisi. Niyakap niya si Uno at nagmakaawa na tanggapin siyang muli. Matagal na niyang hinahanap-hanap ang aruga nito sa kanya na hindi niya nakuha mula sa mga lalaking nakarelasyon. "Hindi mo na ba talaga ako mahal?"

"Zeta, hindi mawawala ang pagmamahal ko sa iyo." Dahan-dahan niyang nilayo ang dating nobya mula sa kanya. Marahan niya itong hinawakan sa mga balikat at tinitigan sa mga mata. "Ngunit pareho na natin tanggapin na hindi na maaaring maging "tayo". Unti-unti ko ng nabubuo ang aking sarili simula noong nagkahiwalay tayo. Kahilingan ko rin na maayos mo na rin ang iyong buhay at makahanap ng lalaki na mamahalin ka ng totoo."

"Hindi ko matanggap na hindi na tayo pwede...huwag mo akong iwan..."

"Ganyan din ang pakiramdam ko noong naghiwalay na tayo. I felt so alone. Honestly, I was so angry. Napakadilim ng isip ko noon. Pero habang lumipas ang panahon ay mas naging "accepting" at matured akong mag-isip. You will feel a lot better if you try doing that. It may take some days, months or even years but I'm sure you can. Pinapayo ko na mag-move-on ka na rin upang makalaya ka na. Hindi na rin healthy para sa iyo to dwell on the past."

Tila ba may liwanag na pumasok sa napakagulong mundo ni Zeta. Napagtanto niya na sa pananalita ni Uno ay wala na itong bahid ng galit sa kanya. Sa katunayan ay hinihiling pa nito na maayos din niya ang kanyang sarili at maging maayos ang kanyang kalagayan.

"Uno, hanggang ngayon, kahit hindi na tayo, tinutupad mo pa rin ang pangako mo na aalagaan at gagabayan ako..." mabigat sa loob na tinanggap na niya na hindi na sila magkakabalikan pa. "Maaari pa rin ba tayong maging magkaibigan?"

"Oo. Bilang kaibigan, maaari ko pa rin naman gawin ang mga 'yan." Tinapik niya ang mga balikat nito upang tumahan na sa pag-iyak.

"Friends...with benefits?" panunudyo ni Zeta kahit na patuloy pa rin ang pag-agos ng luha mula sa kanyang mga mata.

"Hindi pwede." pagsusuplado niya. "Magseryoso ka nga."

"Ang bango mo kasi, Fafa! Pa-touch naman sa abs..." paghirit pa rin niya sabay haplos sa tiyan ng binata. Napasimangot ang tinutukso at niyakap ang sarili na tila ba diring-diri sa ginawa sa kanya.

"Isa kang "lalakera". Layuan mo ako."

Tuluyan na siyang napatawa dahil sa tinawag sa kanya ng dating nobyo. Isa sa mga nagustuhan niya kasing ugali nito ay ang kakatwang pagsusungit nito kaya imbis na kainisan ay naaaliw pa siya. Pinunasan na niya ang mga luha gamit ang kamay at pinilit na magmukhang maayos na ang pakiramdam.

"Lalakera pala ha!" Pinalo niya ang braso ni Uno ng paulit-ulit na may halong panggigigil.

"Aray. Ano na naman ba ang kasalanan ko sa iyo?" pagrereklamo niya.

"Wala lang. Kinukumbinsi ko lang ang sarili ko na magkabarkada na lamang tayo."

Biglang sumagi sa isipan niya ang babaeng sumalubong sa kanyang pagdating. Alam niya na may pagtingin si Uno rito pero tila ba natotorpe dahil mukhang prinsesa ang natitipuhan. Ito na marahil ang isang pabor na magagawa niya upang makabawi sa mga naging kasalanan niya.

Tutulungan niyang manligaw ito.

Naisip niya na sa dami ng pinagdaanan na kasawian sa pag-ibig ni Uno, tama lamang na mapunta na siya sa karapat-dapat na babae.

"Ano nga bang pangalan ng babaeng sumalubong sa akin kanina?"

"Si Alfa..."

"Maganda siya at mabait. Siya na ba ang bagong nagmamay-ari sa puso mo?"

"Hindi." Napangiti si Uno dahil ilang beses na silang napagkakamalan na mag-asawa o mag-syota ng mga taong nakikita silang magkasama. Kahapon lamang ay tinawag na Mrs. Semira si Alfa ng cashier. Um-order kasi siya ng milktea para sa kanilang dalawa pagkatapos siyang samahan nito na magpa-car wash. Nang tawagin ang kanyang pangalan upang iabot ang binili, ang dalaga ang kumuha noon. Natawa na lamang siya nang mapakamot ito sa ulo sa sa tinuran ng kahera. "Hindi pa..."

"Ang bagal mo!" pinagalitan pa siya ng ex. "Ikaw ba talaga 'yan? Ang kilala kong "Uno" ay malakas ang dating sa mga babae." Tumayo ito at nagbalak na upang matulungan siyang mag-damoves kay Alfa. "Dahil magkaibigan na tayo, ilalakad kita!"

"Sandali!" pagpigil na niya rito. Hinawakan pa niya ito sa braso upang huminto. "Nakakahiya sa kanya!"

"Torpe ka na pala? Kailan pa?" Kumalas siya mula sa kamay nito at tumakbo ng mabilis papasok sa bahay at pinagsarhan ng pintuan ang humahabol sa kanya.

"Zeta, buksan mo na!"

"Mamaya. Chill ka lang diyan! Sasabihin ko lang sa kanya kung gaano ka-firm ang abs mo at kung ilang inches ka! For sure, laglag-panty siya! Hahaha!"

"Huwag!" natatarantang kumatok muli si Uno. "Zeta! Napakasama mo! Ibubulgar mo pa talaga ako!"

"'Yan ang ganti ko sa pagtanggi mo sa akin!"

Napahagikgik ang dating nobya dahil ang totoo ay pina-prank lang niya ito. Nagmamadali niyang hinanap ang kinaroroonan ni Alfa upang ma-girl talk at kumbinsihin na kapag nanligaw si Uno ay tanggapin nito kaagad.

"Hi!" pagbati niya upang makuha ang atensyon ni Alfa na abala sa paglilinis.

"Yes po, Ma'am!" tugon niya. Lumingon siya at sinikap na magkunwaring hindi affected sa nakitang paghalik nito kay Uno kanina lamang.

"Pasensya na sa masamang pakikitungo ko sa iyo kanina, ha." Nilahad nito ang kamay upang makipagbati. "Peace?"

"Wala na 'yun!" masayang nilapat niya ang palad sa kamay ng kausap upang makipag-handshake. "Baka gusto mo munang magkape? Juice? Ipagtitimpla kita!"

"Huwag na. Uuwi na rin ako maya-maya. May ibibilin lang ako saglit." Inaya niya itong umupo muna sa sofa. Tinitigan niya ang maamo at inosenteng mukha ng babaeng nakahuli na sa mailap na puso ng dating kasintahan. "Pinauubaya ko na ang ex ko sa iyo. Huwag mo ng pakakawalan 'yan."

"Ay! Ano po bang sinasabi niyo? Hindi naman "kami" e. Kasambahay niya ako rito!" napabulalas siya bigla dahil Intensity Ten at Signal Number Five ang pagkakayanig niya sa sinabi nito sa kanya.

"Weh? Kung titigan at kausapin ka ni Uno, parang jowa ka niya! Hindi mo ba napapansin?"

"H-Ha?"

"Ay, ang manhid mo! O in denial ka lang? Alam ko naman e..."

"Alam ang alin..." napakagat na sa mga kuko si Alfa dahil sa magkahalong hiya at nerbiyos.

"Destiny niyo ang isa't-isa..."

Author's Note:

Alfa at Zeta- ang kahulugan ng mga pangalang ito ay nagmula sa wikang griyego. Ang "Alfa" ay "beginning" samantalang ang "Zeta" ay "end".


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C11
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄