下載應用程式
93.75% Lethal High: School for Sinners / Chapter 15: Kabanata 13

章節 15: Kabanata 13

"Kaano-ano ba talaga ni Dexter ang dean? Ano ang koneksyon niya sa kaniya? Paano siya nadamay sa gulong 'to?" sunod-sunod kong tanong kay Koji, nandito kami ngayon sa café na lagi naming pinupuntahan noon nina Dexter at Rhia. Napili kong dito na lang kami mag-usap para walang makakitang magkasama kaming dalawa.

Ayoko kasing pagchismisan kaming dalawa sa loob ng Lethal High. Lahat naman talaga kasi ng estudyante ay siguradong magtataka kapag ang class presidents ng Class C at Class D ay magkasama, lalo na't hindi naman kami magkaibigan noon ni Koji.

"Pamangkin ni Dean Basillia si Dexter, hindi mo ba alam?" Namilog ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. What the heck, hindi ko man lang napansin na magkadugo pala si Dean at si Dexter, kahit sa anong anggulo ko kasi tingnan, hindi ko talaga nakikita ang pagiging magkamukha nilang dalawa.

"Pero bakit gano'n? Alam kong may kinalaman si Dean Basillia sa pagkamatay ni Dexter, bakit niya naman 'yon gagawin sa sarili niyang pamangkin?" dagdag ko pang tanong kay Koji, sumipsip muna siya sa binili niyang mango shake bago tuluyang sinagot ang tanong ko.

"Magkaaway ang pamilya nina Dexter at ang pamilya nina Dean dahil hindi nagustuhan ng pamilya nila ang napangasawa ng ina ni Dexter. Hindi mo man lang ba napansin? Alam mo ba kung ano ang middle name ni Dexter?" nakangisi niyang tanong sa akin, agad naman akong umiling-iling. "Basillia ang middle name niya."

Napabuntong-hininga ako tsaka ininom ang order kong black coffee. The heck, hindi ko man lang alam ang middle name ni Dexter. What do I really know about him?

"Alam mo, nagulat akong hindi mo alam na pamangkin ni Dean Basillia si Dexter, hindi mo ba napapansin? Kahit na class president siya noon ng pinakamababang klase, may iilan pa ring nagre-respeto sa kaniya, katulad na lang ng ilang estudyante sa Class C. Marami-rami na rin kasi ang nakakaalam na kadugo niya si Dean Basillia. Almost 60% of the school's population, sad to say, kasali kayo r'on sa 40%."

Muli akong napabuntong-hininga dahil sa sinabi niya. Fudge, nadagdagan tuloy ang guilt na naramdaman ko. It all makes sense now. Alam ko na kung bakit mukhang mas pinagkakatiwalaan pa ako ng mga magulang ni Dexter sa pagbigay sa kaniya ng hustisya keysa sa mga pulis. At kaya pala mukhang tanggap na tanggap na ni Dexter ang mangyayari sa kaniya dahil simula nang pumasok siya sa Lethal High, alam niyang posibleng mangyari 'to.

"Hindi ko man lang napansin 'yon, palagi kong iniisip na hindi ko naman kailangang malaman ang lahat ng pangalan ng mga taong nakakasalamuha ko dahil hindi naman ako ang secretary," natatawa kong sabi, natawa na lang din siya. May mga bagay sa buhay ko na kailangan ko pang pagtuonan ng atensyon kaya bakit ko pa bibigyan ng pansin ang buhay ng ibang tao?

Kaya hindi ko maintindihan ang mga chismosa e.

"You have to pay attention to your surroundings, you know. I think, you will improve a lot that way," saad niya, tiningnan ko naman siya habang nakakunot ang aking noo. Paano naman ako mag-i-improve sa pamamagitan ng pangingialam ng buhay ng ibang tao?

"In what way?"

"Well, kapag may alam ka kasi tungkol sa mga tao na nasa paligid mo, may lamang ka na sa kanila. Ang ibig kong sabihin, hindi lang 'yung mga taong kilala mo ang kukunan mo ng impormasyon, literal na 'yung mga taong nasa paligid mo, kahit 'yung mga taong hindi mo pa nakausap kahit kailan," ani Koji.

Ang lame naman niyan, ayokong mas magkaroon ako ng interes sa buhay ng ibang tao keysa sa sarili kong buhay dahil marami akong mami-miss out sa buhay ko. I want to focus on myself more and I don't think that it's a selfish thing to do.

"Why would you do that? Hindi ka naman magkakaroon ng koneksyon sa lahat ng tao sa paligid mo."

"Baka sakali lang naman, lagi akong interesado sa buhay ng ibang tao. For some reasons, it excites me. Pwede kong gamitin ang mga bagay na nalaman ko tungkol sa kanila kung sakaling magkaroon kami ng hindi magandang koneksyon. O kaya naman, kapag alam ko na ang mga bagay na tungkol sa kanila, malalaman ko na kung paano ko sila i-a-approach, then everything will go well. Just like how I wanted it to be," paliwanag niya.

Nagkibit-balikat na lamang ako tsaka uminom uli ng kape.

"So, ikaw lagi ang mag-a-adjust para sa mga taong nasa paligid mo? Your life sucks, Koji," saad ko, natawa na lang siya tsaka dahan-dahang tumango.

"Maybe it is, Alhena, but at least, nagsalita ako pagkatapos akong halikan ng taong may gusto sa akin. Hindi tulad ng iba riyan na hindi man lang nagsasalita."

Namilog ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. What the heck?! Paano niya nalaman ang bagay na 'yon? That kiss should be private!

"How did you know that?!" Hindi ko mapigilan na taasan na siya ng boses, this is too embrassing. Dang it!

"Oh, Alhena. Dexter can't hide anything from me, we've been friends since 1st grade." Napasapo na lang ako sa aking noo at napailing-iling, hindi talaga matikom ang bunganga ng lalaking 'yon.

"That was embarassing. Wala pang umamin sa harapan ko kaya hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. And hey, that was my first kiss so don't judge me!"

"Meh, girls are like that so I understand, and don't worry, your secret is safe with me. Hindi ko 'yan gagamitin para ma-blackmail ka. But well, it will still depend on the situation, if—"

"Just shut up, Koji!"

Tumawa nang napakalakas ang lalaking nasa harapan ko tsaka inubos na 'yung ni-order niyang inumin. Huwag niya talagang susubukan na sabihin sa ibang tao 'yung nangyari sa amin ni Dexter dahil baka itapon ko siya sa kabilang galaxy.

Huminga ako nang malalim at ikinalma ang sarili ko para hindi ko na mapatulan pa si Koji. Kaming dalawa lang ang customer na nasa café kaya naman malaya kaming nakakapag-usap, naalala ko no'ng huli naming punta rito nina Dexter at Rhia.

Dito sa lugar na 'to sinabi sa akin ni Dexter ang tungkol sa 8 sinners, d'on ako nagkaroon ng interes na hanapin sila para malaman ko ang lahat-lahat. Dahil sa mga nalaman ko, mas naintindihan ko na ang mga bagay na ginagawa ng mga magulang ko.

Nang kumalma na rin si Koji, napagdesisyunan ko na ring ubusin na ang inumin ko at umalis na sa café. Malapit na rin kasing magsimula ang meeting naming mga class presidents kaya kailangan na naming magmadali.

Pagkarating namin sa gate, naghiwalay na kami ni Koji ng landas, tinanguan niya ako at gano'n na lang din ang ginawa ko. Kapag mas higit pa r'on ang ginawa namin, baka magtaka na ang mga tao sa paligid.

BInilisan ko na ang lakad ko para makarating na kaagad ako sa classroom namin, kailangan ko na raw kasing makapunta sa office ni Dean Basillia, ayon sa text sa akin ni Asmodeus, kaso kailangan ko pang kunin ang notebook at ballpen ko sa classroom namin para makapag-take down ako ng notes tungkol sa mga idi-idiscuss namin mamaya.

"Oh, Alhena! Malapit nang magsimula ang meeting niyo!" bulyaw sa akin ni Rhia nang makarating ako sa classroom, kinuha ko muna ang mga gamit ko bago ko hinarap si Rhia na hawak-hawak din ang maliit niyang notebook.

"Anong oras na ba?" tanong ko sa kaniya, tiningnan niya naman 'yung wrist watch niyang nasa kaliwa niyang pulsuhan.

"4:25 pm, your meeting will start at exactly 5 minutes."

"Fudge, I really need to hurry. Where's Clark?" Inilibot ko ang paningin ko sa buong classroom para hanapin si Clark, siya ang napili namin ni Rhia na maging vice president.

"Vice President Alhena?" Napatingin ako sa likuran ko nang marinig ko ang boses ng lalaking hinahanap ko.

"Kayo na muna ang bahala rito, ha? Aasahan ko kayong dalawa, Vice President Clark at Secretary Rhia," pagbibilin ko sa kanila, ngumiti naman sila nang napakalawak tsaka tumango.

"Ma'am, yes, ma'am!" Natawa na lang ako dahil sa inakto nila. Para silang timang.

Natutuwa ako dahil naging medyo maayos na rin naman ang kalagayan ni Rhia. She's slowly moving on and I think that's a good thing. Sana nga lang, manumbalik na nang tuluyan ang pagiging masayahin niya. She's a good person, she doesn't deserve to be in pain.

"Sige na, kailangan ko na talagang umalis, may tatlong minuto na lang ako para makahabol sa meeting. Ayokong mapagalitan ako ni Dean Basillia sa pagiging late ko," nagmamadali kong sabi at nagsimula na nga akong tumakbo papalayo sa kanila, nakita ko pa ang pagtango nilang dalawa sa akin bago ako tuluyang nakalayo sa kanila.

Mabuti nga at kaunti lang ang mga estudyanteng nasa labas kaya nakatakbo ako nang mabilis. Nang nakarating na ako sa office ni Dean Basillia, agad kong binuksan 'yung pintuan na naging dahilan kung bakit napatingin sa akin ang mga taong nasa loob ng office.

Fudge, pinagsisihan ko tuloy na ginawa ko 'yon, nakakahiya kasi dahil napunta tuloy sa akin ang atensyon ng mga tao.

"You're just on time, Class D President Alhena. Come in, sit down," narinig kong sabi ni Dean Basillia, ngumiti naman ako tsaka tumungo nang kaunti bilang pagpakita ng paggalang. Umupo ako sa katabing upuan ni Koji. Magkatabi ang mga Class A, B, C, D presidents na 1st year, at gano'n din naman sa 2nd year, 3rd year, at 4th year. "Now that we're all here, we're going to start the meeting."

Huminga ako nang malalim nang naramdaman ko ang mahinang pagsipa ni Koji sa paa ko na nasa ilalim ng mesa. Nagsimula nang magsalita si Dean Basillia kaya natuon na ang mga atensyon nila sa kaniya.

"Anong oras daw magsisimula ang plano?" mahina kong tanong pero sapat na ito para marinig niya, sinigurado kong siya lang ang makakarinig ng sinabi ko. Mukhang wala namang nakapansin sa akin dahil mas focused ngayon si Niana kay Asmodeus na focused naman sa pakikinig kay Dean Basillia.

"Maya-maya, i-a-activate na ni Zero ang lahat ng pasabog. Sisiguraduhin din ng iba pang miyembro na walang masasaktan sa gagawin natin," bulong niya pabalik. Tumango na lang ako bilang tugon. Kailangan lang naming sindakin si Dean Basillia, pati na rin ang mga taong kasabwat niya. We don't have to hurt people, and it's not our intention to do so. We will never be like them.

"Pinatawag ko kayong lahat dito para mapaghandaan natin ang nalalapit na foundation day ng Lethal High. Tatlong araw magaganap ang selebrasyon na ito, pupunta rin dito ang pamilya ng founder. Mas pinili nilang sa huling araw na lang pumunta kaya dapat paghandaan talaga natin nang sobra ang last day. Sa tatlong araw na 'yan, on-hold ang lahat ng kompetisyon na namamagitan sa lahat ng klase. Do you understand?" seryosong paliwanag sa amin ni Dean Basillia.

"Yes, Dean," sabay-sabay naming tugon. Nagtagpo pa ang mga paningin namin ni Asmodeus pero sandali lang 'yon, hindi dapat mapansin ng ibang tao na may koneksyon kaming dalawa lalo na't mukhang bantay sarado siya ng lintang si Niana.

"Then, we have to—"

Hindi na naituloy ni Dean Basillia ang sinasabi niya dahil nakarinig na nga kami ng napakalakas na pasabog, kasunod nito ang mga sigawan ng mga estudyante.

"What's happening?!" sigaw ni Dean Basillia tsaka dali-daling lumabas sa office, sumunod sa kaniya ang ibang class presidents. Hindi ko naman mapigilan na mapangisi na lang dahil sa nakikita ko ngayon.

The game starts now.

— — —

Philippians 4:7

"And the peace of God, which transcends all understanding, will guard your hearts and your minds in Christ Jesus."


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C15
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄