下載應用程式
72.54% Online It Is / Chapter 73: Chapter 36.5

章節 73: Chapter 36.5

Chapter 36.5:

Abby's POV:

"Ang oa niyo naman ata. Ilang oras lang akong nakatulog, kung makapag-alala naman kayo para akong nakatulog ng isang buwan."

"Jackie and Joyce didn't tell you?" Nagtatakang tanong niya.

"Didn't tell me what?" Hindi ko nga nakausap nang maayos ang dalawa kanina dahil biglang umeksena 'tong si Rigel.

"You were asleep for almost two months." Napataas ang kaliwang kilay ko.

"Ikaw Rigel, kakagising ko lang. Kaya puwede ba, huwag mo akong pinagtitripan baka makatikim ka nanaman ng batok mula sa akin." Pero walang nagbago sa ekspresyon niya na siyang nagpakabog ng aking dibdib.

"I-Is that true?" Garalgal ang boses na tanong ko. 

"Yes Abby." Then a tear fell from his left eye. "You were in coma for that long. The doctor said last month that there's a 70% chance that you will wake up, pero walang kasiguraduhan kung kailan ka magigising. We are glad kasi alam naming malaki ang tsansang babalik ka, at the same time worried kasi ang tagal mong bumalik." Medyo natawa siya, at unti-unti ay parang nawala ang pagod at lungkot sa kaniyang mga mata. Napalitan ito ng kagalakan na siya namang nagbigay din sa akin ng kagaanan ng loob. 

"Kaya pala pakiramdam ko ay ang dugyot ko na kasi halos dalawang buwan na akong walang ligo." Umakto akong inaamoy ang sarili, mabango naman, pero medyo nakakadiri pa rin kung iisipin. Hindi nga ako makatiis na walang ligo kahit isang araw, dalawang buwan pa kaya. Jusko, buong araw talaga akong maliligo 'pag nakalabas ako dito. Charot!

"Silly, you still smell like heaven to me kahit isang taon ka pang hindi maligo." He pat my head.

"Adik! Para naman na akong panis na bulok no'n, daig ko pa ang patay na daga kung sakali." Sabay kaming tumawa pero mahina lamang. Saka na lang ulit ako tatawa ng bongga kapag naka-recover na ako.

"But seriously, thank you." Ani niya matapos kaming tumawa.

"Para saan nanaman?"

"Thank you for coming back. Pero kailan ka naman kaya babalik sa akin?" Hindi ko na masyadong narinig ang huli niyang sinabi dahil sa pagbukas ng pinto.

Bumungad dito si mama at papa habang maluha-luha. Niyakap ni papa si mama nang muntikan na itong matumba.

Binati ni Rigel ang mga magulang ko saka nagpaalam sa amin. Nang makalabas si Rigel ay nilapitan ako nila mama at papa.

Hinawakan ni mama ang kaliwang kamay ko at saka ito hinalikan.

"Salamat anak at nagising ka na. Pinag-alala mo kaming lahat." Pumiyok ang boses ni mama nang sabihin ito.

"Namiss ka namin anak, lalo na si Pau. Laging umiiyak ang kapatid mo sa gabi dahil namimiss ka na raw niya. Ang tagal mo raw kasi magising." Medyo natawa ako sa sinabi ni papa. Maasar nga ang kapatid ko minsan. Wala kasi siyang masungitan kaya siguro umiiyak haha.

"Sorry mama. Sorry papa kung ang tagal kong gumising. Masyado ata kayong naistress dahil sa akin, lalo na kayo mama. 'Diba sabi ko ayaw ko kayong maistress sa trabaho, pero ako pa tuloy ang dahilan kung bakit kayo naiistress."

Umiling si mama.

"It's okay anak, ang mahalaga ay gising ka na ngayon. Tsaka marami naman kaming nagbabantay sa'yo habang natutulog ka dito kaya natututukan ko pa rin ang kumpanya. And besides, ang laking tulong ni Rigel. Siya halos ang nagbabantay sa'yo, uuwi lang siya para gawin ang personal hygiene niya, saka ulit siya babalik dito. Ayaw man namin sana dahil nakakahiya, pero mapilit siya kaya hinayaan na lang namin. Gaya na lang kanina ay sandali siyang umuwi para maligo dahil si Jackie at Joyce muna ang magbabantay sa'yo. Pero agad siyang bumalik nang mabalitaang nagising ka na. Naku, kawawang bata ni hindi man lang nakaligo." Medyo natawa si mama habang umiiling. "But don't worry, pinauwi muna namin siya habang nandito kami ng papa mo."

"Oo nga anak, gusto talagang bumawi ni Rigel--" Napatigil si papa nang kurutin siya ni mama.

"Is there something wrong?" Takang tanong ko.

"Ahh, wala naman anak. Sabi lang ng mama mo na 'wag na akong masyadong magchismis sa'yo dahil kailangan mo pang magpahinga para magkaroon ka ng lakas." Tumango si mama bilang pagsang-ayon, weird.

Nang matapos ang maiksing kamustahan sa pagitan ko at nila mama at papa ay parehas nila akong hinalikan sa pisngi bago sila lumabas ng kwarto.

Ang sabi ng doktor ay pwede na akong makalabas ng ospital pagkatapos ng dalawang linggo kapag naging maganda ang resulta ng aking mga test sa susunod na mga araw. Pero sa kabila no'n ay kailangan ko pa ulit magpahinga sa bahay bsa loob ng dalawang linggo ulit bago ako makapasok sa trabaho to make sure na hindi ako mabibinat dahil hindi biro ang tagal ng pagtulog ko.

Grabe naman, daig ko pa si sleeping beauty kung gano'n. Ang pinagkaiba nga lang ay walang hahalik sa akin na prince charming para gisingin ako kasi nga 'diba broken nanaman ang lola niyo.

Gabi na ulit nang magising ako matapos ang ilang oras na tulog. Pero parang gusto ko na lang ulit matulog dahil sa mga magagaling kong kaibigan.

Jusko, ito ba ang epekto ng halos dalawang buwan na hindi ko sila nakausap? Hindi magkamayaw ang chismisan ng dalawa kahit na sinabi ng doktor na bawal akong maistress. Aba, sinong hindi maiistress kung tuloy-tuloy ang ginagawa nilang chismisan tapos dalawa pa silang sabay na nagkukwento.

"Oo nga bakla, nakuuuuu! Kung nakita mo lang ang fight scene ni fafa Rigel at fafa Nich, haynako maiistress ka talaga!" Sabay kagat ni Jackie sa mansanas na dala-dala nila ni Joyce para daw sa akin. Paubos na nga yung dala nila eh, ano pa kayang kakainin ko mamaya.

"Oo nga girl, ayaw papigil ng dalawang lover mo nang malaman nilang na-coma ka. Ang lalaki ba naman ng katawan ng dalawa, tapos galit na galit pa sila lalo na si Rigel. Nung una ay hindi siya pinapatulan ni Nich pero natrigger siya ni Rigel kaya ayon, nagbasagan ng ulo ang dalawa." May pasuntok sa hangin na kwento ni Joyce. 

"Pero infairness bakla, ang popogi pa rin ng dalawa kahit parehas silang may black eye. Kung hindi sila pinigilan ni tito ay baka naconfine na rin sila gaya mo." Nanggigigil na sabi naman ni bakla habang nasa pisngi ang mga palad na wari'y nagpapantasya.

"Eh kayo, wala kayong ginawa?" Tanong ko. Don't tell me ay pinanuod lang nilang magbasagan ng ulo ang dalawa?

"Wala girl. Kung gusto nilang magbasagan ng ulo edi magbasagan lang sila! Muntik pa nga kami bumili ng popcorn ni bakla that time eh, ang saya kaya makitang magpatayan ang dalawang lalaking nanakit sa kaibigan namin. Charot! Syempre, ang lalaki ng katawan ng dalawa, baka kami pa ang masuntok nila kapag umawat kami."

"Pero 'wag ka, kahit pinabayaan namin sila ay nagcheer naman ako. Chineer ko silang dalawa para hindi bias. Kaso yun nga, dumating papa mo kaya natigil ang dalawa. Magsuntukan ba naman sa labas nitong kwarto, idagdag pa na perehas silang sikat na personalidad. Mabuti na lang ay gabi na no'n at walang nakaaligid na paparazzi dito sa hospital kaya hindi na kumalat sa public ang eskandalo nila."

"Mga adik talaga kayo." Saka ako umiling.

"Siya nga pala girl, nandiyan pala sa labas si Nich. Ano, ayos lang ba?" Nag-aalangang tanong ni Joyce. "Pero kung hindi ka komportable, pwede namang--"

"It's okay Joyce. Let him in." Ningitian ko sila.

"Sure ka bakla ah, baka mamaya pagkatapos niyong mag-usap ay mabalitaan ko na lang na nagkabalikan kayo. Huwag marupok bakla." Bakas sa boses ni Jackie ang pagbabanta at pag-aalala. "Naku, ako mismo ang kakalbo sa kilay mo if that happens."

"Ako? Marupok? Sus! Alisin ko pa 'tong dextrose ko sa harapan niyo eh." Parehas na nanlaki ang kanilang mga mata. "Charot! Sige na, makakalabas na kayo. It will be okay. Shoo!" Mahinang pagtataboy ko sa kanila.

Nang makalabas sila ay dahan-dahang pumasok si Nich sa loob.

"A-Abby..." Maluha-luhang anas nito.


創作者的想法
kylnxxx kylnxxx

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C73
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄