下載應用程式
68.62% Online It Is / Chapter 69: Chapter 34.5

章節 69: Chapter 34.5

Chapter 34.5:

Abby's POV:

"Naaamoy niyo ba mga bakla yung naaamoy ko?" Ani Jackie habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain.

"Huh? Hindi naman, wala akong naaamoy. Ikaw ba girl, may naaamoy ka ba?" Tanong ko kay Joyce.

Suminghot si Joyce wari'y inaamoy ang paligid.

"Wala eh, ano ba yung naaamoy mo bakla?"

"I smell something fishy." 

"Fishy ba kamo? Baka sariling amoy!" Sabay kaming humagalpak ni Joyce dahil sa sinabi niya pero agad din naming tinakpan ang bunganga namin dahil may laman pang kanin ang mga bunganga namin. 

"Ha ha ha! Nakakatawa, mga shunga! Ang ibig kong sabihin ay may naaamoy akong kakaiba. Sariwang-sariwa galing Hawaii." Napalunok ako nang makahulugang tumingin sa akin si Jackie.

"Ahh I see. Oo bakla, naaamoy ko rin 'yon kanina pa." Maging si Joyce ay pinaningkitan ako.

"Oh bakit kayo ganiyan makatingin? Haynako, huwag nga kayong maissue. Walang ganap sa amin ni Rigel during our stay in Hawaii. Casual naman ang turingan namin sa isa't-isa kaya 'wag kayong ano." Baka kung anu-ano nanaman ang iniisip ng dalawang 'to. Kahit kailan talaga maissue sila.

Lumipas na ang ilang segundo ngunit hindi pa rin sila umiimik.

"Oh ano, speechless kayo noh? Sabi ko sa inyo eh, naka-move on na talaga ako sa kaniya." 

Pero hindi pa rin sila nagsasalita.

"Ganiyan ba kayo ka-schock--"

"Girl, ilang taon na tayong magkakasama. Ang dami na nating pinagdaanang tatlo kaya alam mo naman sigurong wala kang maitatago sa amin 'diba?"

"Oo nga bakla, pati amoy ng utot mo ay kabisadong-kabisado na namin. Kaya kung ako sa'yo, titigil na ako sa pagkukunwari. 'Wag kang trying hard maging masaya."

That's it.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napahagulgol na lang ako sa harapan nilang dalawa.

"Nakakainis kayo, I'm trying my best here para hindi niyo mahalata. Pero nahalata niyo pa rin." Wala na akong pake kung magmukha akong baliw sa harapan nila dahil humahagulgol ako habang natatawa. Ayos lang magmukhang baliw dahil alam ko namang mas baliw sila.

"Shunga girl, masyadong plastic 'yang ngiti mo. Pati mga kinikilos mo ang weird."

"Tsaka lagi kang bumubuntong hininga bakla. Kaya pa'nong hindi namin mahahalata. Pagkapasok na pagkapasok mo pa lang dito sa opisna mo bakla, naramdaman ko na yung bigat ng pasan mo." Tumabi sila sa akin saka hinaplos ang likod ko. 

"Oo nga, pasa'n mo ang mundo girl?" Mataray na sabi ni Joyce habang inaabot sa akin ang tissue. "Oh heto, inom ka muna ng tubig para kumalma ka girl." Wow, ito talaga minsan ang gusto ko kapag umiiyak ako, may libreng haplos sa likod at patubig. Charot!

Sandali lang ang naging pag-iyak ko dahil siguro ay nai-iyak ko na noong nasa Hawaii pa ako.

Of course, pagkatapos ng iyak session ko ay kinwento ko sa kanila ang lahat ng nangyari between me and Nich. Bukod doon ay hindi na ako nagkwento ng iba, lalo na ang ganap sa amin ni Rigel dahil hindi naman na 'yon connected sa issue.

As expected ay nagulat sila. Halos maubos ni Joyce ang isang pitsel ng tubig habang si Jackie naman ay todo paypay sa sarili kahit malakas ang aircon dito sa opisina.

"Wow girl, just wow! Teka lang, hindi mo naman kami chinacharot 'diba?"

"Oo nga bakla, hindi ko rin kinakaya ang mga sinasabi mo to the highest level!" 

"Mga loka. Gulat kayo noh?" Idinaan ko na lang sa pekeng tawa ang nararamdaman ko nang matapos akong mag-kwento.

"Of course girl! Sino'ng hindi magugulat? Pero girl, kahit gusto kong sapukin ang ulo ni Nich ay hindi naman 'yon makatarungan. Kasi wala din siyang alam sa nangyari matapos ang break up nila nung ex niya."

"Iyan din ang nasa isip ko Joyce. Gusto ko rin siyang saktan that time, pero mas nanguna yung kagustuhan kong intindihin yung sitwasyon."

"Syempre naman bakla, mahal mo yung tao. Talagang masasaktan ka. Sa totoo lang ay madali lang lutasin ang problema KUNG wala silang anak. Pero bakla, may anak sila at hindi mo maiaalis ang katotohanan na 'yon." Jackie has a point. Alam ko naman, kasi ako, kaya ko namang magpatawad eh. Napatawad ko na nga actually si Nich, pero kada naiisip ko ang sitwasyon ay napapaisip ako kung ipaglalaban ko pa ba siya? 

Kaya ko namang lumaban, kaya kong ipaglaban ang pagmamahal ko. Pero wala akong laban sa katotohanang may anak sila. It hurts me a lot, pero ano'ng magagawa ko? Nangyari na ang nangyari.

"So ano ng plano mo girl?" 

"Wala pa. Hindi ko alam. Buong araw kong pinag-isipan ang magiging hakbang na gagawin ko pero hindi pa ako nakakabuo ng kongkretong plano para sa sitwasyon na 'to."

"Eh 'diba bakla magkikita kayo ni Nich mamaya? Pa'no na 'yan?" Bakas sa mukha nilang dalawa ang pag-aalala but I assured them that I'll will be okay.

Yes, tumawag kanina sa akin si Nich bago ako pumasok sa trabaho. Nagkamustahan lang kami as usual, but unlike before, our conversation ended up quickly. Ayo'ko munang makipag-usap sa kaniya ng matagal. Pero bago matapos ang tawag ay napag-kasunduan naming magkita mamayang hapon pagkatapos ng trabaho. I insisted the meet up kahit wala pa akong kongkretong plano. Bahala na si batman.

~

Nang makarating ako sa napagkasunduang meeting place namin ni Nich ay agad ko siyang nakita na nakaupo sa may bandang sulok ng restaurant.

Tumikhim ako para maagaw ang kaniyang atensyon.

Agad naman siyang napatayo nang makita ako saka niya ako ipinaghila ng upuan.

Kung dati ay hahalikan niya ako sa pisngi kada magkikita kami, pero iba ngayon dahil nang aakma na siyang hawakan ako ay agad kong iniwas ang sarili ko. 

I just, can't do it now.

"Babe..."

"Umorder ka na ba Nich?" Casual na tanong ko.

Umiling siya bilang sagot.

"Well then, mag-order muna tayo. Medyo nagugutom na kasi ako. Maraming inasikaso sa opisina kanina kaya drained na ang energy ko." I tried my best to lighten up the mood. "Ano ka ba Nich, huwag ka ngang masyadong seryoso. Mas lalo ba akong gumanda sa paningin mo at hindi ka makapag-salita ng maayos sa harapan ko? Come on babe, ako lang 'to, si Abby." I laughed. Diniinan ko ang pagsabi ng salitang babe na siyang nagpabalik sa kaniya sa ulirat.

Kahit sa huling pagkakataon, gusto ko siyang tawagin sa endearment namin. Gusto kong maramdaman sa huling pagkakataon ang sayang nararamdaman ko sa tuwing tinatawag ko siya.

Mag-aalas sais pa lang, too early for dinner, but I don't care. Gutom ako eh, tsaka ayos lang din naman daw kay Nich na kumain ng maaga.

While eating, we talked about a lot of stuffs. Nag-uusap kami na parang normal na araw lang, parang wala kaming problema. Medyo hesitant si Nich noong una na makipag-usap sa akin sa paraang gusto ko, pero nang naglaon ay nadala na rin siya sa usapan.

Nagkamustahan kami at nagkwento tungkol sa naging araw namin. Ang sabi ni Nich ay pumasok naman siya sa trabaho ngayong araw kaso distracted siya dahil sa pag-aaya ko sa kaniya na makipagkita sa akin, kaya sa huli ay pinauwi siya ng manager niya at pinag-pahinga. 

Tinawanan ko siya, "Well, iba talaga ang epekto ng isang Abby Dizon. Kaya pala napagod ako ngayong araw kasi buong araw ba namn akong tumatakbo diyan sa isip mo, haynako Nich." Pang-aasar ko, kaya napatawa na rin siya.

"Pero sa lahat ng pagod matapos tumakbo, ikaw lang yung nakita kong ang fresh at ang ganda pa rin tignan." 

"Sus, bola! Nag-uumpisa ka nanaman Nich." Binato ko siya ng tissue na agad naman niyang nasalo.

Pansin kong maitim ang eyebags niya ngayon, at... at... Pft!

"Oh bakit ka natatawa?" Takang tanong niya. 

"First time kasi kita nakitang ganiyan ang hitsura babe. Lubog ang eyebags, namumugtong mata, at may malaking pimple sa baba." Saka ulit ako mahinang tumawa. Palaayos kasi siya sa sarili, syempre model eh. Kotang-kota ng skincare ang balat niya. Kaya nakakapanibago ang hitsura niya ngayon. "Kaya ka siguro pinauwi ng manager mo ay hindi dahil distracted ka. Kundi dahil ang panget mo!" Napailing nalang si Nich dahil sa pang-aasar ko.

"Ganiyan kita kamahal babe, ayos lang magkaroon ng pimples basta ikaw ang dahilan." Saka ito kumindat. But this time ay hindi na ako masyadong natawa. Ayan nanaman yung sakit, nararamdaman ko nanaman. Ningitian ko na lang siya saka ipinagpatuloy ang pagkain.

Habang kumakain ay hindi ko maiwasang pagmasdan si Nich. A year of relationship with him wasn't a bad idea at all. Ang dami kong natutunan at naranasang masasayang pangyayari sa buhay mula nang dumating siya buhay ko.

But sadly, I have to let this man go.


創作者的想法
kylnxxx kylnxxx

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C69
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄