下載應用程式
28.43% Online It Is / Chapter 28: Chapter 14.5

章節 28: Chapter 14.5

Chapter 14.5:

"Rigel pwedeng pasuyo ako ng pliers?" Malakas na sabi ko habang hawak ang kawayan na gagamitin sa pagdedesign ng mini stage. Bukas na ang re-opening ng Mar Vista kaya nagdidisenyo kami sa buong resort. Nililinisan ang dapat linisan, inaayos ang mga dapat ayusin, at syempre ay inihahanda ang dapat ihanda.

Actually, since last week pa kami naghahanda para sa re-opening, it's just that kaming dalawa lang ni Rigel ang gumagalaw these past few days kaya pahirapan ang paggawa ng mga gawain.

Mabuti na lang at dumating dito kahapon ang mga kagawad sa barangay kasama ang mga tanod at nag boluntaryo silang tulungan kami ni Rigel dahil may isang taga-barangay daw ang nakakita sa amin na nagbubuhat ng mga kawayan kaya naisip nilang sabihin ito sa barangay hall.

Nakiusap daw si kapitana sa mga tanod kung pwede silang tumulong sa amin dahil wala naman daw masyadong gawain nitong mga nakaraan sa barangay. Agad naman daw pumayag ang mga tanod at nadagdagan pa nang magboluntaryo pati na rin ang mga kagawad.

Nang malaman nila mula sa amin ni Rigel kung para saan ang paghahandang ginagawa namin sa resort ay mas ginanahan silang kumilos kaya napadali ang trabaho sa buong resort at natapos namin ang mga gawain sa loob lamang ng isang araw kung kaya'y masasabi kong handang-handa na kami para sa gaganaping event bukas.

Ang sabi ay maliit na bagay lamang ang pagtulong nila kumpara sa naitulong namin sa barangay during the COVID 19 pandemic outbreak. Bukod kasi sa face masks at relief goods na naipamahagi namin ni Rigel ay nasundan pa ito ng ilang rounds ng relief goods galing kila tita Liza. Kami ang nag-repack ng mga ito at ang mga tanod ang nag-distribute.

Labis ang pasasalamat ng buong Asuete kaya lagi kaming nakakatanggap ng kung anu-ano galing sa kanila, dalasan ay mga tanim na gulay o 'di naman kaya'y mga huling sariwang lamang dagat.

Sa loob ng ilang buwan ay masasabi kong napamahal na rin sa akin ang Asuete, mula sa hirap na dulot ng COVID 19 at hanggang ngayong lumipas na ito ay heto kami, nagtutulungan at nagmamalasakit pa rin sa isa't-isa. Ang pagmamahal ko sa buong Asuete isang bagay na hindi kailan man matutumbasan ng kahit anong halaga ng salapi.

"Rigel, yung pliers pasuyo please." Pag-uulit ko ng sinabi ko nang hindi niya marinig ang sinasabi ko. Hindi ko naman kasi pwedeng bitawan itong bamboo dahil baka madislocate at masira pa. Hindi kasi masyadong mahigpit ang pagkakatali ko kahapon, mabuti na lang ang dinouble check ko ngayon kaya nireremedyuhan ko. Dinodoble ko ng alambre ang taling ginamit ko nang sa gayon ay mas maging matibay ito.

"Why would I do that? Nagtatampo ba yung plais para suyuin ko?" Sa isip ko ay gusto ko siyang sabunutan dahil sa sinabi. Oo nga pala, nakakaintindi at marunong siyang magsalita ng tagalog pero naalala ko na isa pa rin pala siyang amerikanong taga Texas at inosente pa rin sa mga gan'tong choice of words.

"Aish, I mean, yung pliers po pakikuha." Napatingin sa sa akin at bakas sa kaniyang mukha ang kuryosidad pero tinaasan ko lang siya ng kilay kaya tumayo na lang siya at kinuha ang pliers saka ito inabot sa'kin.

"Thanks." Agad din siyang bumalik sa pagtitipa sa kaniyang laptop nang maiabot sa akin ang pliers. "Oh, ba't ang seryoso mo naman diyan sa ginagawa mo?" Tanong ko sa kaniya habang nasa alambre pa rin ang tingin ko. 

Kung hindi ako nagkakamali ay ginagawa niya ang programme para bukas. Ang alam ko ay medyo madali lang ang ginagawa niya pero ba't parang nahihirapan siya. Ilang oras na siyang nakaupo sa harapan ng laptop niya.

"This is an event for the whole Asuete so I want it to be perfect. I want it to be amazing. Gusto kong magustuhan ng buong Asuete ang event especially sa part ng ginawa kong animation. Your relatives will also be here, I want to earn some pogi points." Oh I see, Rigel and his "Oh so Perfect" doings. Napaka-perfectionist talaga nitong tao pagdating sa mga gan'tong bagay. At ano raw? Pogi points? Haynako Rigel, ang sabihin mo ay gusto mo lang umeksena bukas.

"Sus. Eh tutal magaling ka naman, pwede mo ba akong gawa'n ng animation? Gusto ko sana yung animated version ng mukha ko mula pagkabata hanggang ngayon."

"And why do you want that?"

"Wala lang, I'm just curious how I look like mula pagkabata hanggang ngayon but in animated version. Nagustuhan ko kasi yung ginawa mo nung naki-contest tayo sa first Peak-A couple event."

"Oh I see. Well then, let's see."

"Gagawa ka?"

"Sure, why not? But It will take time."

"Sus, ano ka ba. Hindi naman ako nagmamadali kaya take your time lang. Magsesend na lang ako sa'yo ng childhood pics ko para may reference ka."

"Okay, I'll do what I can." Pagkasabi niya ng mga katagang iyan ay ang pagsara niya ng kaniyang laptop saka siya nag-inat ng katawan, rinig ko pa nga ang pagtunog ng mga buto niya sa batok. He must be so exhausted.

"Promise? Gagawa'n mo ako?" Paninigurado ko, syempre iba na ang sigurado sa panahon ngayon.

"Oo naman, so don't worry. Matatanggap at matatanggap mo ang request mo. I'll do anything for you, anything aking girlfriend" 

~

Good morning mahal kong Asuete! Damn, ang ganda ng tulog ko kaya matic na maganda rin ang gising ko. 

Maaga akong nakatulog kagabi dahil na rin siguro sa sobrang pagod sa buong linggong paghahanda ngayon. Maaga akong pinatulog ni Rigel para daw fresh ako sa event, at siya na raw ang mag-aasikaso sa lahat ng mga mga natitirang gawain para smooth ang maging flow ng event and I thank him for that.

Mamayang hapon tanghali pa magsisimula ang event dahil magpapa-free lunch ang Mar Vista sa buong Asuete bago ang event.

Pinayagan na kaming magdaos ng gan'tong klase ng event dahil covid free na ang buong Pangasinan pero ipinapanukala pa rin ang safety measures lalo na sa mga pampublikong lugar. 

It's already 6 am but haring araw is not yet risen. Medyo madilim pa sa labas at medyo maginaw rin kahit dito sa loob ng rest house.

Mukhang gising na ata si Rigel dahil mula dito sa kwarto ay amoy ko ang halimuyak ng isang mukhang masarap na almusal ngayong umaga.

Bago bumaba ay nagpunta muna ako sa banyo para maghilamos. Mabuti naman at wala na ang pangigitim ng eyebags ko ngayon unlike nung mga nakaraang araw na mukha akong adik. Well, thanks to Rigel. Nadagdagan nanaman ang pogi points niya.

Nang makalabas ako banyo ay siya namang pagkagulat ko nang makita kung sino ang nasa loob ng kwarto ko sa mga oras na 'to.

"SURPRISEEE!"


創作者的想法
kylnxxx kylnxxx

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

*The change is comingggggg!*

Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C28
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄