下載應用程式
23.52% Online It Is / Chapter 23: Chapter 12.0

章節 23: Chapter 12.0

Chapter 12:

Abby's POV:

"W-what's this?"

"Gold Play Button made of cake. Gulat ka noh? Ayan, sa sobrang busy mo ay hindi mo namalayan na naka isang milyon mahigit na subscribers ka na." Nakatitig lang siya sa cake na nasa harapan niya, tila ba ay gulat na gulat siya.

Bigla siyang tumayo at pumuntang sala, binuksan ang laptop niya at may pinindot siya doon. Nanlaki ang mga mata niya habang tinitignan ito. 

Bumalik siya sa kusina suot pa rin ang hindi makapaniwalang hitsura.

"How did you know it? I myself, hindi ko alam. It was just 800k the last time I checked it but now, how did it happened?"

"Masyado kang busy sa projects mo kaya hindi mo namamalayang dumami na ang subscribers mo. The day na nanalo tayo sa Peak-A event, you already have reached a million. Also, the day na nagbigay tayo ng relief goods, may nagpost na netizen na taga dito sa barangay tungkol dito. 'Yon siguro ang dahilan kung bakit nadoble ang subscribers mo in just a short period of time."

Syempre, hindi kumpleto ang personalized dedication cake kapag walang kandila. Sinindihan ko ito at tinawag si Rigel para siya ang mag-blow. 

Nung una ang nag-aalangan pa siya pero syempre, ako si Abby kaya wala siya nagawa kundi sundin ang pamimilit ko.

"Thank you Abby." Nakangiting sabi niya matapos hipan ang candle sa ibabaw ng cake.

"Ano ka ba, wala 'to. Tsaka for sure, maraming nagpapadala sa'yo ng cake do'n sa Texas." Normal na siguro para sa mga kagaya niya ang padalhan ng mga regalo ng mga fans niya. Itong cake na pinagawa ko ay walang-wala kumpara sa mga binibigay ng mga tagahanga niya. 

Anyways, ba't ko ba pinagkukumpara? Nahihibang na ata ako.

"No, I mean, thank you... For being here."

"Duh, malamang ako lang naman ang kasama mo dito edi matic na nandito ako." 

"Basta, thank you. I appreciate it, galing sa'yo eh." Binatukan ko siya. "Hey! What was that for?" 

"Ayan, diyan ka magaling Rigel. Sa pambobola mo, nakuuu! 'Wag mo akong eeksenahan at baka magbago ang isip ko, baka kainin kong mag-isa 'yang cake."

"Why would you do that? Para sa'kin 'to 'diba it means, ako ang kakain." Dinilatan niya ako atsaka nag-slice ng malaking part ng cake. 'Yon na lang ang pagkagulat ko nang isubo niya ito sa kaniyang bunganga! What the ef!

"Jusko Rigel, maghunusdili ka nga! Dahan-dahan--"

*Cough* *Cough* *Cough*

Agad akong kumuha ng tubig at ipinainom ito sa kaniya. Tinapik ko rin ang likod niya habang patuloy siya sa pag-ubo.

"Ang shunga mo nanaman Rigel! Ba't mo kasi isinubo yung malaking slice ng cake, adik ka ba?" At dahil sa maputi niyang balat ay kitang-kita ko kung gaano kapula ang kaniyang mukha at tainga.

"Ayan, lamon pa. Gusto mo pa ba ng cake? Baka gusto mong isubo ko sa'yo 'tong buong natitirang cake nang matuluyan ka na." Note the sarcasm.

"Thanks and sorry, I just couldn't wait to know how does it taste." Aniya nang mahimasmasan siya. Eh? "Ang sarap pala ng gold play button cake, but I think the one who gave it to me is much more delicious than this-OUCH!"

"Ikaw Rigel, kanina ka pa ha. 'Wag mo akong subukan at baka hindi kita matansya, gupitin ko na 'yang makasalanan mong dila." Banta ko sa kaniya matapos ko ulit siya batukan. Pakiramdam ko ay umakyat nanaman ang lahat ng dugo ko sa katawan sa aking mukha.

Eksena ka talaga Rigel kahit kailan...

~

This day is the start of Enhanced Community Quarantine Part three. How did I say so? 

Today is the first day of May and Pangasinan is one of the Provinces na under pa rin ng ECQ so we don't have other choice but to stay here.

Hindi pa rin kami makalabas, pero ayos lang dahil sapat naman ang supplies na nandito sa rest house para sa aming dalawa ni Rigel. At kung idadagdag pa ang mga nasa resort ay aabutin pa ang supplies namin hanggang sa mga susunod pa na buwan. 

Of course, hindi pa rin makakabalik si Rigel ng Texas dahil strictly prohibited pa rin ang local and and overseas travel. *Sighs*

Wala pa ring kasiguraduhan kung kailan magaganap ang graduation ceremony namin, kung mayroon pa nga bang magaganap. Ang sabi ng school ay mag-antay na lang kami ng further announcement.

Actually, marami akong nababasang comment regarding this matter. Ang sabi ng iba ay hindi nila matatanggap kung walang magaganap na graduation ceremony dahil once in a lifetime lang 'to mararanasan ng mga college students, at sana naman daw ay hindi ito ipagkait sa kanila dahil kaya naman daw nila maghintay hanggang sa kung kailan pwede nang magconduct ng program. And sabi rin nama ng iba ay ayos lang kahit walang graduation ceremony dahil ang mahalaga ay ang safety ng bawat isa at ang mahalaga ay makuha nila ang diploma at iba pang mga dokumento.

Pero kung ako naman ang tatanungin ay syempre gusto ko na magkaroon ng graduation ceremony dahil gaya ng sabi nila ay once in a lifetime lang 'to para sa mga katulad namin, ang umakyat ng stage with our diploma. Pero kung wala ay ayos lang naman, mas mahalaga ang safety ng lahat.

Patuloy pa rin ang pagbibigay ng mga relief goods nila papa at mama, pati na rin ang aking mga tito at tita. Gaya nila ay nakakausap ko rin paminsan-minsan sila Joyce at Jackie, ang balita ko ay may kaniya-kaniya silang mga "papabol" kung tawagin ngayong naka-quarantine. Kaya pala ay hindi ko sila makausap ng maayos kapag ka-video call ko sila, nakita ko pa ngang nagpost si Joyce ng Romeo save me meme niya sa twitter with Jherwin. Mukhang nagkakamabutihan ang dalawa ahihihi 

"Sure ka ba na hindi tayo mahuhuli?" Paninigurado ko habang binabagtas namin ay buhanginan papunta sa dagat. 

Nag-aya kasi si Rigel na mag-night swimming dahil kalmado ang dagat at wala ng tanod na rumoronda sa mga oras na 'to.

"Yes, Mang Luis told me earlier that hindi na sila masyadong rumoronda dito sa tabing dagat after 10 pm." Hinubad niya ang kaniyang t-shirt at itinira lamang kaniyang short shorts na nakasuot sa kaniya. Habang ako naman ay nakasuot ng plain black shirt at short shorts gaya niya, hindi na ako naghubad dahil gabi na.

"Eh pa'no kung biglang umalon tapos tangayin tayo? Dagat pa naman 'to, delikado lalo na't gabi." Tsaka ang lamig kaya. Brrr... Ewan ko ba at biglang nag-aya 'tong si Rigel Magbabad sa dagat ngayong dis oras ng gabi.

"That's why I brought this rope." Itinali niya ang dala niyang tali sa pinakamalapit na bangka sa dagat. I wonder where did he get those. "Raise your hand." Aniya at wala akong nagawa kundi sumunod na lang. Itinaas ko ang dalawang kamay ko at itinali niya ito sa aking baywang, hindi masyadong masikip at hindi rin masyadong maluwag, sakto lang ang higpit kaya nakakahinga pa ako ng mabuti.

Oh, gets ko na. "Napaka-resourceful mo naman po koya." I said in amusement. He brought those ropes para hindi kami mapalayo ng langoy dahil nakatali ang mga ito sa aming mga baywang.

"So, shall we?" Aniya at hinawakan ang kaliwang kamay ko. Napapadalas na ang paghawak nito sa akin lately ah. Pero hindi ko na 'yon pinansin at sinabayan ko na siyang salubungin ang lamig na dala ng tubig sa dagat.


創作者的想法
kylnxxx kylnxxx

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C23
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄