-Athena Brix Alexandro-
Mabilis na lumipas ang mga araw, ngayon ang huling araw ng training ko dahil bukas na ang beauty contest. Mabilis naman akong natuto, at kahit papa'no ay nawala sa isip ko ang totoong misyon ko. Pwede ko pa namang ipagpatuloy 'yon sa mga susunod na araw eh.
"Okay, Brix, you can now take your lunch. Mamaya ay ipagpapatuloy natin 'to. " sabi ni Jerix. Sa loob ng isang linggo na pagti-training na kasama ko sya ay napansin kong may puso rin naman pala ang Koreano'ng 'to. Akala ko kasi forever suplado na s'ya eh.
"Ah, Brix, tara! " tiningnan ko si Funky ng masama nang hilahin nya ako.
"Alam mo bang ang sakit ng paa ko ta's hihilahin mo lang ako?! " galit na bulyaw ko dito.
"Hey, take it easy, okay? Sorry na. Tsaka, kamay mo naman ang hinila ko at hindi ang paa mo. " he said innocently. Argh! I hate him!
"Bwiset ka talaga! " sabi ko sakanya.
"Bwiset pa rin ba ako kung ililibre kita ng softdrinks tsaka kanin at tuna sisig? " shocks! My favorites! Sa maikling panahon ay nakilala na talaga ako ni Funky. Sya ang matuturing ko na bestfriend sa grupo.
"Ahm, medyo. Hahahaha! "
"Okay, hindi na kita ililibre. " sabi nya saka nag-cross arms.
"Letse ka talaga! Oo na! Hindi ka na bwiset! Tangina ka lang. " sabi ko pa.
"Pwede na 'yon. " o, diba? Ang abnormal lang? Mas prefer nya ang 'tangina ka' kesa sa 'bwiset ka' galing!
Nag-lakad na kami papuntang cafeteria. Excited na ako kasi you know? My favorite hehehe.
"So, how's your training? " tanong ni Funky nang makarating na kami sa cafeteria.
"Wow, ha? Makapagtanong akala mo naman talaga hindi nakita kung pa'no ako nahirapan kakasuot ng sandal na may mataas na heels. " sagot ko saka sya inirapan.
"Being a beauty queen suits you. Na-try mo na bang sumali sa mga beauty pageant? " umiling ako sa tanong nya.
"Nope! 'Yong bestfriend kong si Ereya, pinipilit nya ako kaso ayoko talaga eh. Make-ups, and girly stuffs aren't my thing. Mas gusto ko pang mag-taekwando kesa sumali sa mga contest. "
"Hmmm.. I see. " um-order na kami, or should I say, sya ng pagkain namin.
"'Yon oh! Si Fafa Funky, hindi nag-aaya! " napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Kean, kasama ang iba pa naming kagrupo.
"Oo nga eh, si Brix lang ang nililibre. Hmp! Break ba tayo, fafa! " sabi pa ni Zef.
"Kayo 'yong nag-training, ha? Kayo? " pambabara ni Funky sa kanilang dalawa.
"Sabi nga namin eh, hindi. Si Gray kasi eh! " sabi muli ni Zef.
"Anong ako? Si Khal kaya! " sabi naman ni Gray at nagpasahan na sila. Hahahahaha!
Nang makuha na namin ang order namin ay nag-hanap na kami ng mauupuan.
"Does your feet hurt? "
"Medyo. Hehe. " sagot ko saka sumubo ng kanin.
"Anyway, what talent will you present for tomorrow? " nanlaki naman ang mga mata ko.
"What?! Kailangan pa bang may talent?! " shit!
"Uh-ha. " tungunu naman this.
"Hey. " napatingin kami sa nag-salita. Oh, it's our koreano'ng-masungit na boss.
"Hey, dude. " bati ni Funky.
"So, what are you talking about? "
"Ah, it's just about her-- I mean, his talent for tomorrow night. " sinamaan ko ng tingin si Funky dahil nadulas sya. Letse talaga eh!
"Ah, yeah. So, Brix, what talent will you present? "
"Ah, honestly, I-I can sing. " nauutal kong sagot.
"Really? That's nice! Looking forward to your upcoming presentation tomorrow night. " nakangiting sabi ni Jerix.
'Ang gwapo' wait, anong sabi mo self? Sinong gwapo? Walang gwapo, okay? OKAY!
Matapos naming kumain ay nagpahinga at nagkwentuhan kami saglit saka nagkayayaang magtraining ulit.