-Athena Brix Alexandro-
Dalawang oras na akong nandito sa silid-aralan na 'to at paulit-ulit lang ang nakikita kong eksena. May nag-aaway, nag-aasaran, at iba pa at eto pa! Wala pang teacher! Anong klaseng paaralan ba 'to ha?!
You shouldn't be surprise by that, Athena.
Sabagay, tama ang utak ko, hindi na dapat ako masorpresa. I already made a research about this school kaya ba't pa ba ako nabigla? Hays.
"Brix, do you want me to tour you here in DGA? " Kean asked.
"Ah.. wala bang darating na teacher? " nag-aalangang tanong ko.
"What do you think? Dalawang oras na tayong naka-stay lang dito, may guro ba na dumating? Barumbado ang mga teacher dito, same as the students like us. " sabi nya saka ngumiti.
"Okay, tara, ilibot mo 'ko sa buong school hehe. " sabi ko saka dinala ang bag ko at sinukbit ito sa aking likuran.
Nang makita kami ni Jerix na lalabas na ng silid-aralan na 'to ay tinanong nya kami.
"Sa'n kayo pupunta? "
"Igagala ko lang sya, boss. " sagot ni Kean saka ako hinawakan sa braso. Err. Bakla ba 'tong si Kean?
Hindi na nya hinayaan pang makapag-salita si Jerix at hinila na nya ako palabas ng room. Tulog 'yung lima kaya hindi nila alam na aalis kami ni Kean.
"Kean, malaki ba 'tong DGA? " tanong ko.
"Yup! Malaki 'to at malaki din ang sikretong nakatago dito. " napaarko ang kaliwang kilay ko, pero hindi naman nya nakita ang ginawa kong 'yun.
"Anong ibig mong sabihin? " tanong ko.
"Kase, una pa lang talaga maayos 'tong academy na 'to, actually, naligaw nga lang ako eh at napadpad dito. Nung mga panahon na 'yun, maayos pa 'to, payapa hanggang sa.. "
"Mr. Arevalo! " napalingon kami sa tumawag sa kanya.
"Takbo! " sabi ni Kean saka ako kinaladkad. Hindi man alam kung ano ang nangyayari ay tumakbo na lang din ako, kesa naman madapa ako dito diba?
Mahaba ang tinakbo namin at napatigil kami sa isang building na sobrang as in sobraaaaaang creepy.
"K-kean, nasan tayo? " tanong ko.
"Nasa haunted house.. " seryoso ang pagkakasabi nya kaya naman nag-simula ng mamayani ang takot sa buong katawan ko.
"Joke lang! Hahahaha! Ikaw, pre ha? Mukhang lalambot-lambot ka pa HAHAHA! " putek na 'yan!
"Gago! " sabi ko saka sya binatukan.
"Aray naman! Pero, seryoso, nakakatakot ang building na ito, kasi.. " lumapit sya sakin saka bumulong.
".. marami daw pinatay dito. " tumayo lahat ng balahibo sa katawan ko. H-hindi kaya isa ang kuya ko sa pinatay dito?
"S-sino daw ang pumatay sa kanila? " tanong ko.
"'Yun ang hindi ko alam. Sa ngayon, inaalam ko pa hehe. " aish! Nag-bago bigla ang mood nya, hindi ko tuloy alam kung maniniwala ako sa kanya o ano eh. Tsk.
"Oo nga pala, sino 'yung tumawag sa apelyido mo? " tanong ko ng maalala ko ang nangyari kanina.
"Ahh, 'yun 'yung pabibong epal na SSG President dito. " sagot nya at bakas sa tono ng kanyang pananalita na inis sya sa lalaking 'yun.
"Pabibo na nga, epal pa? Ba't parang inis ka ata dun sa SSG President na 'yun? " tanong ko.
"Kase.. " nakangusong wika nya. Ang cute nya hehe.
"Kase? " tanong ko, hinihintay ang kadugtong sa sinabi nya.
"Kase.. inagaw nya 'yung lollipop ko! Huhuhu. " pfft. Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang pag-tawa ko.
"Dahil lang dun? " tanong ko.
"'Wag mo ngang nila-lang 'yun! Lollipop ko 'yun! At ilang beses nyang inagawa ang mga lollipops ko! Huhuhu. " may pa-huhu pa sya eh hindi naman talaga sya naiyak hahahaha.
"Sorry na, nakakatawa ka kase eh hehe. " sabi ko saka nag-peace sign.
"Hays, oo na. " sabi nya habang nakanguso pa rin.
"Ahm.. so, san na tayo pupunta ngayon? "
"Sa cafeteria! " masayang sabi nya. Grabe, paiba-iba talaga mood nya.
*At Cafeteria*
Walang tao ang cafeteria ng makarating kami rito. Tanging ako, si Kean, at ang tindera lang ng cafeteriang ito ang tao. Actually, dalawa lang silang tao, alien ako eh HAHAHA joke lang!
Kasalukuyan kaming nakain ni Kean ng cheese cake tsaka chuckie na inumin hehe. Ako 'yung namili kasi ako 'yung pinapili nya eh.
"Anong meron sa inyo ni Funky? " bigla nyang tanong dahilan para mapaubo ako. Nakain kasi ako ng cheese cake eh tas ganon 'yung tanong nya.
"Ha? " nakakunot-noong tanong ko.
"Ano kako ang meron sa inyo ni Funky? Ba't bigla ata kayong naging close? " tanong nya, pero malayo ang tingin nya.
"Ewan ko rin hehe. Kinausap nya ako, lalaki sa lalaki daw. Winelcome nya lang naman ako sa grupo. " pagsisinungaling ko. Napatango-tango naman sya.
"Akala ko, may relasyon na kayong dalawa eh. " nanlaki naman ang mga mata ko at saka ako humagalpak ng tawa.
"HAHAHAHAHAHAHAHA! ANO KA BA NAMAN, KEAN? KILABUTAN KA NGA SA SINASABI MO! HAHAHAHAHA! " pucha! Laptrip kase eh.
"Tawang-tawa, dre? " sabi nya saka bahagyang tumawa.
"Kase naman pre, para mo namang sinabi na isa sa'min--- bakla! Pfft! "
"Hindi naman sa ganon hehe. Bilisan na natin at baka hinahanap na tayo ng mga 'yun, susungitan na naman tayo nung koryanong suplado. " sabi nya kaya dinalian ko na lang ang pag-kain ko, pero natatawa pa rin ako ng kaonti dahil sa sinabi nya kanina hahahaha!