下載應用程式
19.75% THIS NERD IS MY DREAM GIRL (Completed Novel) / Chapter 16: CHAPTER FIFTEEN

章節 16: CHAPTER FIFTEEN

(Kensington High School, next day)

(Kath Rence's POV)

PAGPASOK ko sa classroom ay napansin kong walang tao. Nilagay ko na kaagad ang mga gamit ko sa upuan at lumabas ako ng room. Saktong nakita ko si Mikki na naglalakad sa corridor kung kaya naman agad ko siyang nilapitan.

"Hi Mikki!" bati ko sa kanya.

"Hi Kit-kat! Bakit nandito ka pa? May assembly kaya sa auditorium! Halika na!" at hinila na ako ni Mikki papuntang auditorium.

May assembly sa auditorium? Bakit naman kaya? Tsaka sino naman ang nagpatawag ng assembly? Kaya siguro walang tao sa classroom kasi nasa auditorium sila.

(School Auditorium)

(Kath Rence's POV)

PAGDATING namin sa auditorium ay halos hindi na kami makapasok sa dami ng mga estudyanteng naroroon. At tila hindi yata magkamayaw ang lahat sa sobrang excitement.

Teka, anong meron talaga?

"Mikki, ba't napaka-excited naman yata ng mga schoolmates natin? Ano ba talagang meron?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Anong meron? Grabe ka naman, hindi mo ba alam? May announcement ang The Campus Heartthrobs!" sabi naman ni Mikki.

"Ganun pala." ang sabi ko. Kaya naman pala excited ang buong academe kasi may announcement pala ang mga beloved Princes nila.

Pero ano naman kaya yun?

Nung makita kami ni Yogo mula sa bandang gitna ng auditorium ay hinila ako ni Mikki palapit sa kanya. Agad kaming nakaupo sa upuang pinareserba ni Yogo para sa amin.

"Uy mga bebe girl, ba't ang tagal ninyo?" tanong sa amin ni Yogo.

"Pasensya na Yanna, kasi hindi kami makasingit ni Kit-kat kasi maladagat sa dami ang mga estudyante dito." sabi naman ni Mikki.

"Haist, mabuti na lang at nakita ko kayo, dahil kung hindi, naku baka iniluwa na kayo ng auditorium sa dami ng mga students dito." biro ni Yogo sa amin.

Habang napapamasid ako sa paligid ng auditorium ay sumasabay ang malalakas na tilian ng mga babae't mga bakla sa sobrang excitement.

"Kyaaaaa! The Campus Heartthrobs pala ang mag-a-announce! Oh my veggies! Ang guwapo talaga nila!" - Usisera 1.

"Omigosh! Super cute nila like...OMG! Prince Leonard, marry me please!" - Usisera 2.

Narinig kaya ni Kuya yun?

"Prince Jack, buntis ako at ikaw ang ama! Kyaaa! I love you!" - Usisera 3.

Ha?! Ano daw?!

"Forevermore lang ang kakantahin ko para sayo Prince Zeric, sarangheo!"- Usisera 4.

Talaga lang huh.

"Prince Jhake, ako na lang ang mahalin mo!!!" - Usisera 5.

Asa pa more! xD.

"Prince Joshua and Prince Yusof, itanan nyo na ako! Waaah!" - Usisera 6.

Eh di wow.

"I love you Prince Satchel! Gusto kitang sapakin sa lips mo gamit ang lips ko! Waaaah!" - Usisera .

HUWAT DA PAK?!

Sapakin ko kaya 'tong babaing 'to, ang landi masyado! Pati si Sachi ko, pinagnanasaan ba naman!

Haay naku, daig pa ang sinapian ng masamang espiritu ang mga babaing ito! Ang sarap tuloy balatan ang mga mukha nila gamit ang can opener!

xD.

"Haay naku Kit-kat, wag kang padadala sa sinasabi ng mga palakang yan." sabi ni Yogo sa akin.

"Oo nga, hanggang ambisyon lang naman yang mga yan eh. Kung tutuusin ay napakaswerte mo dahil kuya mo na nga ang Prince Leonard nila, boyfriend mo pa ang Prince Satchel nila." sabi naman ni Mikki.

"Okay lang naman ako eh. Tsaka hindi ko na iniisip pa yang mga yan. Napakababaw ko naman para patulan ko pa sila." sabi ko naman sa kanila.

Nung maayos na ang lahat ay umakyat na sa stage sina Kuya Leonard, Kuya Jhake, Yusof, Joshua, Zeric, Jack at si Sachi. Tilian ng lahat pagkakita sa kanila. Agad lumapit si Kuya Leonard sa mic at nagsalita.

"Hi guys." sabi ni Kuya Leonard with his matching killer smile pa.

Nagtilian sa sobrang kilig ang lahat, may hinimatay pa ngang babae sa bandang likuran namin eh. Ang OA lang ha.

"Minsan lang naman kaming mag-announce dito, pero sana naman ay makinig kayo at nang mapagkasunduan natin ito ng maayos." at nakita kong kumindat si Kuya Leonard kina Yogo at Mikki.

Teka, ano kayang balak ng mga 'to?

"Spotlight please." ani Kuya Jhake.

Nakita kong umilaw yung spotlight at laking gulat ko nang matapat sa akin ang spotlight. Nakangiti sa akin sina Mikki at Yogo habang shocked pa rin ako at hindi makapaniwala.

"Do you see that girl on the spotlight? She's Kath Rence Villas, my one and only twin sister." sabi ni Kuya Leonard.

Mula sa pagkagulat ay napalitan ng tuwa ang nararamdaman ko at sa sobrang saya ko na marahil ay hindi ko na napigilan pang mapaiyak.

"Napaka-special sa amin ni Kit-kat hindi lang dahil bestfriend siya nina Rhian, kundi dahil kakaiba siya sa lahat ng mga estudyante dito. Marunong siyang pahalagahan ang pag-aaral niya at ang pamilya niya, maging ang mga taong nasa paligid niya. Kaya hindi na ako magtataka pa kung bakit siya ang minahal ni Sachi, kasi napakabuti ng kalooban niya." seryosong sabi ni Zeric.

"Right Zeric. Hindi siya katulad ng iba dyan na walang ibang ginawa kundi ang magpa-cute at magpapansin sa atin." sabi naman ni Kuya Jhake.

Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko sina Riri na inis na inis sa akin. Hindi ko na lang sila pinansin.

"So when you're hurting her, it means you're hurting us. When you're bullying her, it means you're bullying us. My sister means a lot for us, so stop treating her like nothing or else..." at napatingin si Kuya Leonard kay Satchel.

"AKO ANG MAKAKALABAN NINYO." mariin na pagkakasabi ni Satchel.

Natakot ang lahat sa sinabi ni Satchel, halata naman sa mga mukha nila eh.

"May I call on Kath Rence Villas together with Mikki Ann Pineda and Yogo Singh here on stage." anyaya ni Kuya Jhake sa amin.

Agad naman kaming umakyat sa stage. Inalalayan pa nga nila kami hanggang sa makaakyat kami sa stage. Paglapit ko kay Kuya ay emosyonal ko siyang niyakap. He hugged me back. Niyakap din ako isa-isa nina Kuya Jhake,Yusof, Joshua, Zeric at ni Jack. Huling yumakap sa akin si Sachi. Yakap-yakap na niya ako nung nagsalita ulit siya sa stage.

"Kath Rence Villas is my girlfriend. Kung sinuman ang magtatangkang i-bully siya, ako, si Leonard, at ang The Campus Sweethearts ang makakalaban ninyo. Kaya kung ayaw ninyong maging impyerno ang buhay ninyo dito sa Kensington, umayos kayo. Understand?" Satchel said very seriously.

Napatango ang lahat sa takot.

"Okay, so that's all. Dismissed." sabay-sabay nilang sabi sabay baba namin sa stage.

Unti-unti nang nag-alisan ang mga estudyante. Nakita ko sina Riri na ang sama kung makatingin sa akin. Umalis na rin sila. Nung wala nang matirang tao ay nagyakapan ulit kami ni Kuya Leonard.

"Kit-kat, kamusta ang speech namin? Pang-Oscars na ba?" pabirong tanong sa akin ni Kuya Leonard.

"Oo na Kuya. Papasa na sa Oscars." at tumawa ako. Nagtawanan din silang lahat.

"Katy, mahal na mahal kita. At salamat dahil dumating ka sa buhay ko. Sa buhay namin. You really make us happy. Especially me." ang nakangiting sabi ni Sachi.

"Ano ka ba naman Sachi, ako ang dapat magsabi sayo nyan. Salamat dahil palagi kayong nandyan sa akin sa kabila ng lahat. Salamat dahil tinanggap at minahal nyo pa rin ako bilang si Kath Rence." naiiyak kong sabi sa kanya.

Niyakap ako ni Satchel habang nagpalakpakan naman sina Mikki, Yogo, Kuya Leonard, Kuya Jhake, Yusof, Joshua at Zeric. Si Jack naman ay nakangiti sa amin.

"Group hug tayo mga beks!" sabi ni Yogo at naki-join na sa amin ang buong tropa. Nagyakapan kaming lahat habang hindi mabura-bura ang ngiti sa mga labi namin.

Salamat talaga kay Lord at ibinigay niya sa akin ang mga taong ito na lubos na nagpapasaya sa buhay ko...mostly my Kuya, si Jack and my dear Sachi. At sila ang mga taong lubos kong aalagaan at iingatan sa buong buhay ko.


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C16
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄