I looked at the mirror. Kailangan kong maghanda. Kailangan pormal. Pero medyo classic. Ah, bahala na nga. Suit nalang.
Naghahanda na ako para sa aming Alumni Night. Di na nga ako sumali sa parade at pag-asikaso ng float ng aming batch. Well, busy eh. Kaya kailangan kong makapunta ngayon. Kung hindi eh magagalit mga tropapits ko nung high school.
Nagmaneho na ako papunta sa venue. Yung dati naming school. I looked at my watch.
7:30 pm
Sakto, mga alas-otso pasado eh makakarating na ako. Medyo kinakabahan ako kasi ang tagal ko na silang hindi nakita. Lalo na siya. Hindi ako sigurado kung aattend siya. Pero magsisinungaling ako kung sasabihin kong di ako hopeful.
Jessa Prancia.
That name still brings back a lot of memories.
Happiness. Joy. Sadness. Pain.
What a typical high school life I had.
8:30 pm
Nakarating na ako sa tapat ng school namin. Late na ako ng kaunti kaya't sigurado na nagsisimula na ang programa. Naririnig ko na mula sa labas ang mga tugtog roon. Papasok na sana ako nang bigla akong hinarang ng guard.
"Sir, pasensya na pero for safety purposes lang po, maaari ko bang makuha ang pangalan ninyo at batch?" sabi nito.
Napangisi ako. Di pa rin talaga nagbabago yung school namin, strict pa rin.
"Nick. Nick Campbell. Batch '17." sagot ko.
Kinuha nito ang kaniyang listahan ng mga dadalo, at hinanap ang aking pangalan sa mga ito.
"Mukhang andito nga kayo. Pasensya na po sir, have a nice evening." bulalas niya.
Dumiretso na ako papunta sa covered court kung saan ginaganap ang program.
Habang ako'y papalapit, tila lumakas bigla ang pagkabog ng dibdib ko. Kinakabahan sa mga sasalubong sakin.
Nakarating na ako sa covered court. Ang ganda ng disenyo nito. Talagang ginastusan ng bongga.
Kaagad kong hinanap ang batch namin at pumunta na roon.
Marami-rami na rin ang nauna kesa sakin. Baka nga ako nalang yata ang kulang. Tumungo ako sa mesa ng mga tropa ko. Habang papunta rito, nakita ko siya at nagkatitigan kami saglit.
Si Jessa. Ang ganda niya pa rin. Parang mas gumanda pa nga yata siya lalo eh. Umiwas ako agad ng tingin at nagpatuloy sa mesa namin.
Nagkamustahan ang tropa at nagkaroon ng tawanan habang nagpapalitan ng kani-kaniyang mga kwento. Mabilis na lumipas ang oras dahil sa kasiyahan.
Maya-maya'y nagsalit ang emcee.
"Magkakaroon tayo ng slideshow para sa ating sponsor na batch ngayong Alumni. Ang batch '17!"
Nagpalakpakan ang nga tao at may lumabas na projection sa malaking screen sa harap. At ipinakita ang mga litrato ng aming batch. Mayroong mga solo, duo, trio, by section, by tropa, etc.
Nagulat ako nang biglang may bumato sa akin ng nakalukot na tissue paper. Kinuha ko ito at tiningnan kung saan ito galing, at nakita ko si Jessa. She gestured me to come kaya pumunta ako. Di namalayan ng mga kasama ko kasi tutok sila sa katatawa sa mga pictures namin noong kabataan namin.
Umupo ako sa tabi niya. Kinakabahan na may halong saya at takot.
"Hi," bati ko.
"Hello, Nicko," sagot niya habang nakangiti.
Nicko. Yun yung tawag niya sakin noong naging kami. Keso Nick + ko raw yun kaya Nicko, para Nick niya ako. Ewan. Pero kinilig ako dun. Haha.
Inayos ko ang sarili ko. "Bakit? May kailangan ka?" tanong ko.
"Bawal? C'mon! Miss lang kita. Ako ba, hindi mo man lang namiss?" sabi nito habang naka-pout pa. Ang cute niya.
Misa na miss. Sobra. Gusto kong sabihin ito sa kaniya. Pero di ko magawa.
"Miss naman, miss ko kayong lahat eh," pag-iwas ko.
"Palusot ka pa. Hahaha! Kumusta?"
"Okay lang, medyo successful na," pero wala pang jowa—gusto ko sanang sabihin. "Ikaw?"
"Ah, okay lang rin. Nood muna tayo nung pictures. Baka meron tayo," aya niya.
As if on cue, ipinakita sa screen yung picture naming dalawa na kami lang. Noong kami pa at kung saan halata naman na napaka-saya ko noon. Abot tenga yung ngiti ko. Ganoon din siya habang nakasandal ang ulo niya sa balikat ko.
Bigla-biglang nagflash-back lahat sa akin. Paano kami nagkakilala, yung first date namin, first kiss, tsaka yung mga holding-hands while walking moments. I was so happy, back then.
Tumingin ako sa kanya. Nakatitig rin siya sa picture namin. Hindi ko alam kung parehas kami ng iniisip. Ayokong umasa.
Tumayo na ako at akmang babalik na sa mesa namin nang may bigla siyang sinabi.
"Basahin mo yung nakasulat sa tissue paper," pahabol nito.
Nagpatuloy na ako sa aming mesa at saka palang binuksan yung tissue paper.
"Samahan mo ako sa park, usap tayo.
-Jessa"
Deep inside, I went nuts. Sana ito na...
Tumingin ako sa kanya at tumango siya.
Nagpa-alam muna ako sa mga tropapits ko at pumunta na sa park kasama siya.
Naka-upo kami ngayon sa paborito naming bench dati habang magkaharap. Kung saan mga street lights at ang buwan lamang ang nagsisilbing ilaw. Tumatama sa mukha niya yung liwanag ng buwan. Lighting up her face na nagmumukha pang mas anghel lalo.
Habang pinagmamasdan ko siya ay nagsalita na siya.
"Yung totoo, ang laki na ng pinagbago mo ah," puna niya habang tumatawa ng mahina. "Mas gwapo ka na ngayon at medyo hunky na rin."
Nagblush na yata ako dun. Mabuti nalang at gabi. Di yata halata. Yata.
"Ikaw nga eh, mas lalo kang gumanda. Sexy pa rin saka pang wife-material na." I said honestly and seriously.
"Hahaha! Bolero! Shunga!" tawa niya na nagpangiti sakin. "Saglit lang, kunan kita ng picture."
Kinuha niya yung cellphone niya sa bag niya ngunit nahulog ito. Dinampot niya ito gamit ang kanyang kanang kamay at naiwan na yung kaliwa kung saan nakita ko ang bagay na sumira ng lahat. Nakita ko ang pilit niyang tinatago kanina pa.
Nakita ko ang sing-sing.
Natahimik ako at tila hindi na makapag-isip ng maayos.
"Oh ehto na, Smile!" sabi niya.
Sinubukan ko ngunit hindi ko makayang ngumiti. Naramdaman kong nawasak ulit ang puso ko. At ito na nga ang pinaka-kinakatakutan ko.
"Ang pangit naman. Gaya pa rin ng dati!" tawa niya pa rin. Mukhang di pa niya nahahalata ang pagbabago ng mood ko.
"Kelan nga tayo huling nagkita?" tanong pa nito.
Nung iniwan mo ako. Gusto kong isigaw ang mga salitang ito sa kanya. Pero I kept my cool.
"So, kasal ka na pala," pag-iiba ko ng topic.
Natameme siya. Nawala na yung ngiti sa mga labi niya. Napalitan ng pagkabalisa.
"Oo. Medyo matagal na. May dalawa na kaming anak." sagot niya.
And then I felt something shattered.
Tumayo ako at tumalikod sa kanya. Tumingin ako sa mga tala.
"Naalala mo pa ba yung pangako natin bago mo ako iniwan?" tanong ko habang nakatingin pa rin sa langit.
"Ang alin?" tanong nito kahit alam ko, alam na niya ang sagot.
Tumingin ako sa kanya ng bahagya. At napabuntong-hininga saka ngumiti bago magsalita.
"Sabi ko, kapag sucessful na ako at okay na lahat, I'll find you. Pakakasalan kita, I'd stay loyal to you. Ikaw lamang at wala nang iba."
Nakita ko siyang humikbi. At nagpipigil ng luha.
"Alam mo yung sabi mo?" tuloy ko. "Sinabi mo maghihintay ka. Hihintayin mo ako kasi you trust me. And I trusted you also. Pero ano to?"
"I-I... I'm so sorry." bulalas niya habang umiiyak. "I tried. I tried so bad. Pero di ko kinaya."
Tumalikod ako ulit at nagsimulang maglakad papalayo. Hindi ko namalayan ang pagtulo ng aking mga luha. I was, again, broken. And I don't think it can be healed anymore. Not even by time.
"Paalam sayo. My one and only love." I muttered to myself.
###