下載應用程式
8.47% A Bride's Revenge / Chapter 5: Untitled

章節 5: Untitled

"Right now, she's probably up singing some

White-trash version of Shania karaoke

Right now, she's probably saying "I'm drunk"

And he's a-thinking that he's gonna get lucky"

- Before He Cheats by Carrie Underwood

NARRATOR

Nakangising nagmaneho si Ally papunta sa isang Private Village.

"Bwisit kung hindi lang dahil sa traffic kanina gawa ng mga bwisit na kaibigan ni Elle edi sana kanina pa ako nakarating dito!" Bulong niya sa sarili niya nang makapasok na siya sa loob ng isang Private Village.. Pagkapark niya ng kotse niya sa may garahe ng isang bahay, ay bumaba na siya at tumingin sa paligid ng isang bahay.

Huminga siya ng malalim at ngumiti. Isang ngiting tagumpay.

"Atlast nakarating din ako!" Sabi niya sa sarili niya. Nadatnan niya ang caretaker ng bahay na ito na abala sa pagdidilig ng mga halaman.

"Magandang araw ho, Ma'am Ally. Mabuti naman po at nakabalik na kayo." Muntikan nang irapan ni Ally ang sinabi ng matanda. Ngunit pilit na ngumiti si Ally sa sinabi ng matanda.

"Oo naman, mabuti nga at maaga natapos ang meeting." Sabi ni Ally at tumingin sa isang bintana mula sa taas ng bahay. 'Bakit nakabukas ito?' Tila nagtatanong siya sa kanyang isipan.

"Ganoon po ba. Sige ho. Pasok na ho kayo at itutuloy ko na itong pagdidilig ko ng mga halaman." Hindi na sumagot si Ally sa tinugon ng matanda at pumasok na nga ito sa loob ng bahay.

Pagkabukas niya ng pinto ng bahay at tumingin siya sa paligid nito. Mula sa sala, ay malinis. Tila walang tao. Dumiretso siya sa kusina at nakita niyang tila may isang butil ng kanin ang naiwan doon sa may lababo.

Napangiti siya.. Binuksan niya ang ref at nakita niyang tila nabawasan ang binili niyang nga tsokolate dahilan para tumaas ang kilay niya..

"It's not happening.... again." Tila naiinis niyang sabi.. Lumabas siya mula sa kusina at nagtungo na sa may hagdanan. Napansin niyang may mga litrato na dito sa side ng hadganan.

Tinignan niya isa-isa at napako ang tingin niya sa litrato ng isang batang nakangiti habang may hawak na isang lobo. Hinawakan niya ito at hinaplos.

"You're so adorable when you still a kid.." Nakangiting sabi niya saka isinabit ito ulit at pinagpatuloy na ang paglalakad.

Nasa harap na siya ng isang pinto ng kwarto at tila nagaatubiling buksan ito..

Napansin niyang nakabukas din ang pinto ng kwartong nasa side ng kwartong nasa harap niya. Hindi na muna niya binuksan ang pintong ito, at sa halip ay nagtungo siya sa pintong nakabukas.

Nursery room ito. Hindi niya alam kung bakit may ganito sa bahay na to.

Pumasok siya at tinignan ang paligid ng kwarto. Nakaayos naman ang lahat. Aalis na sana siya nang may napansin siyang bagay na nahulog mula sa sahig.

Isa itong papel.. Hindi na muna niya ito papansin ngunit may nagudyok sa kanya upang kunin ito at titignan.

Hindi lamang pala itong simpleng papel. Kundi isa itong ultrasound result.

"Bakit nandito pa to?! Anong gusto niyang mangyari ngayon?!" Tila naiinis siya sa nakita niya. Ginusot niya ng pinong-pino ang papel na hawak niya saka niya itinapon sa trash can na nakita niya sa loob ng kwarto.

Iniisip niyang hindi siya pwedeng mainis or hayaang masira ang mood niya dahil lang sa simpleng bagay.

Bago siya bumalik doon sa kwarto kanina ay napagdesisyunan niyang magluto muna ng makakain. Bumaba siya patungo sa kusina at nagsimulang magluto ng madaliang lutuin.

"Siguradong magugustuhan niya itong luto ko! Ang sarap!" Proud niyang sabi sa kanyang sarili. Makaraan ang ilan pang minuto ay isinain niya na ito sa isang bowl at nilagay ang mga ito sa isang tray at naglakad na papunta sa kwartong kanina niya pang gustong buksan.

--

To be continued...


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C5
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄