下載應用程式
93.33% Protégée / Chapter 14: Chapter Fourteen

章節 14: Chapter Fourteen

Patuloy ang pagsasaya ng mg pulis at ng mga newscaster, hanggang sa dumami pa ang media people sa labas ng bahay, pati mga kapitbahay ni Paige ay nakisali na din.

"No..." sambit ni June na naiiyak lalo sa nangyayari. "Yes..." sambit ni Ricky, "and sis, don't cry, umiinit lang lalo ang ulo ko kapag nakikita kitang umiiyak eh." Sabi pa ni Ricky kay June na may seryosong mukha. Pinigilan bigla ni June ang pag-iyak nito. "Nagustuhan mo ba June, ang artistic masterpiece ko? Ginaya ko lahat ng 'to mula sa pelikula mo. Ginawa ko pang mga suspek ang mga gagang mga bestfriend mo at pina-copy ko lahat ng mga tapes mula sa mga pelikula mo." Sabi ni Ricky. Kinuha ni Ricky ang mg CD tapes na nasa sahig at tinapakan. Hindi mapigilan ni June na umiyak. "Anong iniiyak-iyak mo?" tanong ni Ricky sa kapatid, "Huwag ka ng umiyak, di mo ba naririnig ang sinabi ko? Lahat ng mga tinatapakan ko, lahat ng 'to, pirated." Sabi pa ni Ricky. "Kuya... bakit?" tanong ni June sa kapatid. Humihingi si June ng rason kung bakit ginagawa ng kuya niya lahat ng mga karahasang ito. 'Bakit mo 'to ginagawa?" tanong pa ni Sparkle. "Humihingi ka ba ng rason kung bakit ko ginaya lahat ng mga killing style ko, mula sa pelikula mo?" napangiting tanong ni Ricky sa kapatid. Napasigaw sa galit si June. "Bakit ka pumapaytay ng tao?!!?' malungkot na sigaw ni June sa kuya niya. "Ayaw mo ba nito? Sumisikat ka pa lalo dahil sa pagpatay ko ng tao! Nagpapasalamat nga ako sa presscon mo, binaril ako ng partner-cop ko, at sumikat din ako, kahit sa isang raw lang... at pasalamat ka't nakaligtas ka sa parking lot, oh yes my dear sister, ako ang taong gusto kang patayin sa araw na 'yon, at nanginignig ang mga ugat ko na mapatay ka ngayon." Sabi pa ni Ricky. Nananahimik at napapaluha lang si Warren at nakikinig lang sa magkapatid. Alam ng sheriff na nagkamali siya ng pinuntahang panig. Nakita nga ng pulis na nanginginig nga si Ricky habang nakatitig kay June. Nagsimula ng magtanong si Warren sa manager ng dating nobya nito. "Ba't nagsinungaling ka sa 'kin?" tanong ni Warren kay Ricky. Humarap si Ricky kay Warren, ngumiti, sinagot ang tanong ng pulis sabay hawak sa mga braso at mga kamay ng sheriff. "Eh, anong magagawa ko. Kailangan ko ng partner sa pagpatay ng mga sikat na tao, eh ikaw lang naman ang may potential na maging partner ko, dahil ikaw lang ang may kakayahang mauto. Don't tell me, peke din ang pagsabi mo sa 'kin ng 'I love you'?" sagot ni Ricky sa pulis. Napaubo si June ng madalian dahil sa gulat sa sinabi ni Ricky. "Warren, ako lang ang may karapatang magsinungaling, pag nag-lie ka sa akin, ewan ko na lang kung anong mangyayari sa'yo." Natawang pagsabi ni Ricky sa sheriff. Natakot bigla si Warren sa sinabi ng manager ni June sa kanya. Humarap ulit si Ricky sa kapatid. "Baby, akin na'ng ice pick, patayin na natin ang gagang 'to." Sabi ni Ricky kay Warren ng nakatalikod at nakaharap kay Sparkle. Binuksan ni Ricky ang kanang palad nito sa pulis ng nakatalikod at nakaharap kay June, inaantay na ibigay ni Warren ang ice pick. Natatakot na ang aktres. At may ibinigay ang pulis kay Ricky. Nagulat ang manager ni Sparkle. Eyeliner ni Paige ang ibinigay sa kanya ng pulis sa kanyang palad. Natawa si Ricky. "Baby, sabi ko ice pick hindi eyeliner--" tumalikod si Ricky kay Warren at nagulat ang bakla sa nakita. May nakatutok na baril sa noo nito. Dumudugo pa ang kanang tenga ng pulis, habang hawak ang baril. Sumabay ang putok ng baril at ang pag-sigaw ni June ng "No!!". At gumalaw ang kamay ng pulis ng binaril niya ang partner. Nabaril si Ricky sa ulo at tumilapon sa malayuan. Nagulat si June, hindi alam kung lalapitan ba ang nabaril na kapatid. Biglang hinawakan ni Warren ang kaliwang braso ng dating nobya nito at hinila papalapit sa kanya. "Umalis na tayo." Sabi ni Warren sabay hila kay June papunta sa pintuan. Ngunit inagaw ni June ang braso nito sa dating nobyo. "Anong ginagawa mo?" galit at gulat na tanong ni June kay Warren. "lalabas na tayo, ako ng bahala sa mga lasing, tara!!" sagot ni Warren sa dalaga. "Parang wala lang nanagyari 'no?" tanong ni June, "sa tingin mo may gana pa 'kong ipahawak ang balat ko sa palad mo? Angas mo pa rin tol! Kung iniisip mo na mahal pa kita, puwes! Gumising ka!!" dugtong pa ni June sa binata. Tumalikod si June at lumakad papalayo sa pulis. Lumakad ito papunta sa lalagyan ng mga sapatos kung saan tumilapon si Dazzle, ngunit napatigil ito sa paglakad dahil wala na si Paige sa lugar kung saan ito itinapon ng pulis. Hindi alam ni June na nagalit si Warren sa sinabi nito. Humigpit ang hawak ni Warren sa baril. Itinuon niya ang pistol nito sa ulo ng napatigil sa paglakad na si June. Nakita ni Sparkle ang anino ni Warren sa sahig. Nagkaroon ng isa pang anino sa likod ng binata. Ipuputok na sana ng sheriff ang baril sa ulo ni June ngunit isang malaking electric fan ang humampas sa ulo ni Warren mula sa kanyang likuran. Si Paige pala ang humampas sa binata. Napatalikod si June at nakita niya si Dazzle. Napatumba si Warren at nahilo sa hampas ni Paige ng electric fan. Kahit natumba na ang pulis, hinamapas pa ni Paige si Warren ng tatlong beses at nahimatay ito. Hahampsin pa sana ni Paige ang pulis nang bigla siyang pinigilan na siya ni June. "Tama na," sabi ni June kay Dazzle, inagaw ang electric fan at nagsabi ng, "ako naman." Hinamapas bigla ni June si Warren ng tatlong beses din sa mukha, sa tiyan at dibdib. Nagulat si Paige sa ginawa ni Sparkle. "Okay ka lang?" tanong ni June kay Dazzzle. "Okay? Hinagis ako ng gagong 'to sa pader!" sabi ni Paige sabay sipa sa mukha ng pulis, "humagalpak ang katawan ko sa sapatusan, at nauntog ang ulo ko sa sahig, anong okay do'n?" tanong din ni Paige kay Sparkle. "Sorry..." sambit ni June kay Dazzle, "Tama ka nga--" naputol ang pagsabi ni June ng magsalita si Paige. "Oo, dinig na dinig ko lahat. Na ang baklang kapatid mo ay killer din? Nahimatay ako sa tapon pero, nang inamin ng kapatid mo na siya ang pinuno ng lahat ng karahasang ito, napagising agad ako at gumapang papunta dito sa likod ng pulis na 'to..." Sabi pa ni Paige sabay sipa ulit sa mukha ng chief officer. "Sorry talaga... si kuya nga ang killer." Nahihiiyang pagsabi ni June kay Dazzle. At biglang tumayo si Ricky sa likuran ni Sparkle, nadaplisan ang kanang parte ng ulo nito ng bala at dumudugo pa, "Bes!!!" sigaw bigla ni Paige sa bestfriend nito dahil nakita niya si Ricky na biglang umulhot sa likuran ni June. Tinulak bigla ni Paige si June sa gilid, napatumba at nauntog pa ang ulo sa braso ng sofa. Halos mawalan ng malay at halos di makagalaw ng normal si June dahil sa pagka-untog nito. Nakikita pa ni Sparkle na nag-aaway sina Dazzle at ang manager nito. Gustong saksakin ng eyeliner ni Ricky si Paige ngunit pinipigilan ng may-ari ng nasabing eyeliner na masaksak siya ng killer gamit ang pagdakip ng mga braso ni Starkiller. Nanggigil na si Ricky na masaksak si Paige ngunit hinahawakan ni Paige ang mga braso nito. "Gaga ka!! Ikaw nga ang killer!!!" galit na sigaw ni Paige kay Ricky habang hawak ang mga braso ng bakla. "Oo!! Ako nga!!" sigaw din ng bading, sabay na inatake ang tiyan ni Dazzle gamit ang tuhod nito. Napasigaw sa sakit si Paige, at nabitawan niya ang mga braso ni Ricky. At biglang sinaksak ng bakla ang mahimulmol at kulot na buhok ni Paige at ang ulo nito. "No!!'" sigaw pa ni June na nakita pa ang pagsaksak ng kapatid sa bestfriend nito. "Sa'yo na 'yang eyeliner mo!!" sigaw ni Ricky kay Dazzle at sinipa pa ang panga ng dalaga at umalsa pataas si Paige at tumilapon. Nauntog pa ang ulo ni Dazzle sa gilid ng maliit na metal na jewel at perfume cabinet. Todo sa iyak si June. Iyak ng iyak si Sparkle dahil di ito makapaniwala sa ginawa ng kapatid sa bestfriend nito. Nahihilo pa si June mula sa pagkauntog. Gumapang si June papalayo sa kapatid. Nakita ni Ricky ang halos di na makagalaw ng maayos na kapatid habang gumagapang ito papalayo sa kanya ng umiiyak. "Saan ka pupunta, mag-uusap pa tayo eh..." sabi ni Ricky kay June, na nilapitan ang dalaga, dinakip ang ulo at buhok nito, at hinila papalapit sa kanya. Patuloy ang pag-iyak ni June habang hinihila siya ng kuya nito. Kinuha ni Ricky ang isang upuan at inilagay sa gitna sa may basag na center table. Pinaupo ni Ricky ang kapatid nito sa nasabing upuan, itinali ang baywang gamit ang mahabang sinturon nito. Hindi makaalis ang dalaga sa higpit ng sinturon na nakatali sa kanyang braso at baywang. "Kuya, please..." sabi ni June na panay ang iyak, "kuya, anong gingawa mo?" tanong pa ni June kay Ricky. Biglang sinampal ng manager ang alaga nito. "Buwiset!! Hindi ba halata?!!" sigaw pa ni Ricky kay June.

Sa labas naman ay patuloy pa rin ang party. Halos isang daan na ang mga tao, may sikad, motorcycle, at jeepney drivers ng sumasali sa inuman at sayawan. Lasing na din ang mga media personnels. "Itodo niyo pa'ng music!!" sigaw ng isang lalaking newscaster. Itinodo pa lalo ng mga pulis ang music mula sa audio system. "Sigurado kayang okay lang sina June at Paige sa loob?!" tanong ng babaeng reporter sa lalaking pulis na kasayaw nito. "Oo! Okay lang ang mga 'yon!" sagot ng pulis. "Sa bagay, baka nagkakaayusan na ang dalawang 'yon! Nagko-cope-up ba!" sabi din ng dalagang journalist. At pinagpatuloy nila ang paglalasig at pagpa-party.

Lumalakad ng pabalik-balik si Ricky habang nagsasalita. "Kuya bakit?" tanong ni Ricky na inuulit ang mga sinabi kanina ni June, "Kuya bakit? Kuya anong ginagawa mo?! 'Wag na 'wag mo 'kong matawag tawag na kuya dahil hindi mo 'ko kapatid!! At alam mo 'yan!" dugtong pa ni Ricky na napatigil na sa kakalakad. Nagulat si June sa isinigaw ng kinikikilala niyang kuya. "At nanggigigil ang mga kamay ko na patayin ka tuwing tinatawag mo 'ko na kuya, dahil babae ako!! Babae ako!!!" sigaw pa ni Ricky sa kapatid. "Iyan na? is that what it is? Naiinggit ka dahil naging babae ako at naging lalaki ka?" tanong ni June na panay ang luha. Biglang sinampal ulit ni Ricky si June. "Babae nga ako sabi eh! Mahirap ba'ng intindihin 'yon?!! Sabi ni Ricky, "Oh sige, kung ayaw mo ng babae for now, bakla na lang muna. Yes! My dear 'sister'! this is one of my motives whay I turned out to be a Starkiller. Wanna know my deepest reason why I'm doing this shit?" dugtong pa ng kapatid ni June sabay lakad papalapit sa dalaga. Idiniin ni Ricky ang bibig nito sa kanang tenga ni June at nagsabi ng, "Ikaw ang rason kung bakit napatay ko ang nanay ko. Mas binigyan ka ng importansiya na ikaw mismo ay ampon lang." sabi ni Ricky at nagulat si June sa narinig sa kapatid. Lumuluha ang mga mata ni June habang habang nakikinig sa sinasabi ng kuya nito. "Pinasasali ka sa beauty contest, ako hindi puwede. Pinasasali ka sa bikini open, ako hindi puwede. Pero okay lang... eh... lalaki daw kasi ako eh! Pero nang sinabi ko na, sasali ako sa Lit-Mus, para i-represent ang 4th year high school students, 'wag raw ako sasali, dahil makakalaban kita! Tapos sasabihin niya na, ''wag ka ng sumali dahil, panalo ka na anak'? Anong gusto niyang ipahiwatig sa 'kin? Na tanga ako? gan'on? Pagbigigyan ko na lang siya all the way? Ay! Di na tama 'yon!" sabi pa ni Ricky. Napaiyak si June. "Kaya pinatay mo si nanay?" tanong ni June sabay luha. "Not so fast," sagot ni Ricky, "Kaya naisipan ko na, pagbigyan na lang siya, at pagbigyan ka. Umibig ako sa isang katulad ko, si R.J., hindi pala... si J.R., pero, nahuli kami ng nanay ko, na naglalambingan sa Luneta. Kaya hayon! Nasabi ko ang tunay kung kasarian. Akalain mo, sinabi ko lang na bakla ako, nahilo lang, agad-agad natumba, hinimatay, patay!!... Si nanay..." dugtong pa ni Ricky. Lumuluha ang mga mata ni June sa pakikinig sa kapatid. Biglang sumeryoso ang mukha ni Ricky. "Nilayasan tayo ng tatay mo! Hindi dahil sa pagiging ampon mo! Lumayas 'yon dahil sa pagkamatay ng asawa niya, dahil sa kasarian ko!!!" iyak na sigaw ni Ricky kay June. Luha lang ng luha si June. "Eh sino ba'ng dapat sisihin dito? Eh silang mag-asawa lang din naman eh! Ipinangalan nila sa 'kin 'Ricky'?! Eh lahat ng Ricky na kilala ko, puro bading eh!! Ricky Reyes? Ricky Lo? Eh kahit crush ko na si Ricky Martin, bakla rin pala eh!!" dugtong pa ni Ricky na todo sa iyak. "Buwiset na pangalan 'to, ano pang magagawa ko? Nadali na! Hindi mo ba napapansin, mas boyish ka pa sa 'kin? Lahat ginawa ko para maging tomboy ka lang! pinalalaro kita ng robot, at pinasusuot ng basketball t-shirts? Pero wala rin eh... ginawa mo pa 'atang bestida ang t-shirt," sabi ni Ricky na ang tinutukoy na bestida ay ang suot-suot ni June na gown ngayon, "at ayaw mong maging robot dahil mas ginusto mong ma-in-love, sa robot." Sabi pa ng kapatid ni June na ang tinutukoy na robot ay ang nakahandusay at wala ng malay na si Warren. "Gusto ko sana na magkaroon ng kapatid na, katulad ko. Pero ayaw niya 'ata. Halata naman sa galaw ko, kinukuya niya pa rin ako. Kaya naisipan kong, maghiganti. I made her most famous horror movie, 'Protégée', into a real motion picture. Total, galit naman talaga ako sa mga famous, lalo na sa mga ampon... so, inisa-isa ko na lang lahat ng mga kaibigan ng sister ko na mga sikat. Pinatay ko lahat ng mga nominated na actresses sa kakatapos lang na Ricci Lux awards," sagot pa ni Ricky sa kapatid, "Kahit make-up artist mo nga mas sikat pa nga sakit eh! Sinong hindi magagalit niyan aber!?!" dugtong pa ni Ricky sabay hagis ng isang picture kay June. Pumatong ang litratong hinagis ni Ricky sa mga binti ni Sparkle. Nakita ni June sa picture, na pinatay na nina Ricky at Warren ang make-up artist nito. Sa litrato ay kasama ni Kitty sina James at Sam na nakahiga sa sahig sa bahay nito, duguan, tadtad ng saksak at tama ng baril. Umiyak lalo si Sparkle. Napangiti si Ricky. "If you are concerned sis, na baka magiging suspek ako sa kamatayan mo... mamaya... at sa mga kaibigan mo, dahil sa pelikula mong 'Protégée' ay pinatay ni Dominique ang kapatid niyang si Lexus, don't worry, I'll do everything to make your ex-boyfriend, be the suspect in this crime, and after that, gagawin ko din ang lahat, na ako,... ang magiging hero, or shall I say, heroine?... sa krimeng ito... sasabihin ko sa media na, 'I did everything to save my sister, but I guess... my saving was not enough...?'" sabi pa ni Ricky sabay tawa, habang lumuluha lang sa lungkot ang kapatid nitong si Sparkle, " So!" biglaang sigaw ng bakla, "any comments? Suggestions? Recommendations? Violent reactions?" dugtong pa ng bakla. Nagulat si June sa narinig na tinig mula sa bunganga ng kapatid. Umiba ang boses ni Ricky at alam ni June na ang boses na iyon ay ang tinig ng babaeng tumawag noon sa kanya at nagpakilala na nobya raw siya ni Warren. "Gulat ka 'no?" tanong ni Ricky sa kapatid na bumalik ang totoo nitong boses. Nagalit na si June. Napataas ng noo, at sumeryoso ang mga mata nito. "So you want my comments right?" tanong din ni June na boses lalaki. Nagulat si Ricky sa boses na lumabas sa bibig ng kapatid, "Ito ang masasabi ko, Ricky, tungkol sa buhay mo," Sabi ni June na bumalik ang tunay na tinig, "magsimula tayo sa pagiging ampon ko... Kung iniisip mo na mas pansinin ako sa mga magulang natin, nagkakamali ka. Kung iniisip mo na mas napapansin ako nina nanay at tatay kaysa sa'yo, hindi 'yan totoo. Misunderstood lang ang salitang umiral diyan sa utak mo, tungkol sa kanila. Dahil kung hindi ka napapansin, 'iyon ay dahil, you are perfectly okay and totally... fine..." sabi ni June sa kapatid. Nagulat ang manager sa narinig nito mula sa alaga nito. "Hindi mo ba napapansin sina nanay at tatay noon? Ikaw ang unang pinapaliguan? Ikaw parati ang unang binibihisan? Ikaw lamang parati ang dinadala sa paaralan gamit ang tricycle na ang driver ay si Tatay at ako ay sumasakay lang mag-isa gamit ang sira-sira kong bike? At ikaw lang parati ang may baong hotdog sandwich at orange juice sa bag, na kahit nga ako ay di manlang mabaunan ng tinapay ni nanay? ... ako itong may kulang sa pansin at nangangailangan ng atensiyon dahil ako ang ampon, at sana, nakita at naintindihan mo 'yon... Buong buhay ko hindi pa ko nasasabihan nina nanay at tatay ng... 'Panalo ka na anak'..." sabi pa ni Sparkle sa manager nito. Naluluha lang si Ricky sa pakikinig sa kapatid. "Kung tungkol naman sa pangalan mo. Ipinangalan sa'yo ang pangalang 'yan, ay dahil ang ibig sabihin ng 'Ricky' ay 'powerful' and 'brave'. Nagkamali 'ata sina nanay at tatay sa pagpangalan ng 'Ricky' sa'yo." Napaluha lalo si Ricky nang marinig ang sinabi ng kapatid. "At tungkol naman sa pagiging bakla mo. Wala namang mali sa pagiging bakla, basta... wala ka lang inaapakan na tao... pero Ricky, sobra pa sa pag-apak ang ginawa mo..." sabi pa ni June na labis pang napaiyak, at kahit si Ricky ay napaiyak na din. "At tungkol naman sa kamatayan ng ating ina, namatay si nanay hindi dahil sa kasarian mo. Namatay 'yon dahil ginulat mo 'yong tao... alam nating dalawa na may sakit sa puso si nanay, at araw-araw sinusumpong 'yon. Tatanggapin ka ni nanay kahit sino o ano ka... kung sana sinabi mo na noon pa... Mahal ka no'n eh!..." dugtong pa ni June na iyak ng iyak. Nababaliw na si Ricky, nagagalit, napayuko ito at panay ang kamot ng ulo. "Shut up!!!" sigaw ni Ricky sabay na itnuon ang mukha sa kapatid. "Huwag mong bilugin ang ulo ko! Hindi ako bakla, babae ako!!" sigaw pa ng kapatid ni sabay sampal kay June. Nainis na at nagalit na din si Sparkle. Sa galit ni June, naputol ang sinturong nakatali sa kanyang braso at baywang. Hindi alam ni Ricky na nabali na ang sinturon nakatali kay June sa upuan. Pinulot ng manager ni Sparkle ang ice pick mula sa bulsa ng nakahandusay na si Warren at itinutok ang ice pick sa alaga. "Babae ako! Babae... Ako!!!" sigaw pa ni Ricky na ginaya pa ang tono at galaw ni Nora Aunor. "Marahil, ang kasikatan mo ang nagdala sa'yo sa mundo ng magagandang salita at kaakit-akit na mga linya, ngunit hinding hindi mo mabibilog ang utak ko! At hinding hindi mo ko mauuto! Dahil babae ako, tulad mo!!" sabi ni Ricky na umiiyak na ng malakasan, sabay sampal ulit kay June. Nainis at nagalit pa lalo si Sprakle. "Ricky, gusto mong malaman ang violent reations ko, di ba? Hinding hindi ka magiging babae." Sabi ni June sa kinikilala nitong kuya. Lumakad pa ng papalapit si Ricky kay June. "At paano mu naman nasabi 'yan, Juno?" tanong ni Ricky. Biglang ngumiti si June at sumagot ng, "Dahil dito." At biglang sinipa ni Sparkle ang pantog ng manager nito. Napasigaw sa sakit si Ricky. Napasigaw sa sakit ang kapatid ni June, napaluhod sa sahig, napayuko, at tinakpan ang pantog nito gamit ang mga kamay. Nagulat ang manager dahil nakita niya ang alaga nito na nakatayo na, at nakawala na sa tali. Hinampas bigla ni June ng upuan ang kapatid sa likod. Napatumba si Ricky sa sahig at halos mawalan ng malay. Hindi magalaw ni Ricky ang katawan nito dahil sa sakit ng hampas ng upuan ni June sa likod nito. Nahihilo pa ang manager at di makagalaw ng maayos. Habang ang alaga ng manager ay may sinasaksak na mga wirings. Tinern-on ni Sparkle ang DVD player. Nang maigalaw na ng maayos ni Ricky ang katawan nito, napatayo ito at napasigaw ng, "Juno!!!" Hindi mahanap ni Ricky ang ampon na kapatid sa paligid. "Huwag ka ng magtago!! Mahahanap pa rin kita!!" sigaw pa ng bakla. Ilang segundo lang, bumukas bigla ang TV. Nagulat si Ricky. Umandar lang ito bigla. Mas nagulat pa lalo si Ricky sa kung ano ang lumabas bigla sa basag na TV screen. Nakita niya ang sarili sa TV na kumakanta ng 'Killing Me Softly.' Alam ni Ricky na kinanta niya ang nasabing awitin kanina sa bahay ng ampon nitong kapatid at alam niyang kinukunan siya ni June ng video. Nasisiyahan pa sa ang bakla habang kinakanta ang nasabing awitin. Nagalit si Ricky. Nainis ito sa video na lumalabas sa TV screen. Humigpit ang hawak niya sa ice pick at bigla niyang sinaksak ang basag na screen ng TV. "Anong killing me sofly??!!! Hindi ako mamamatay!!" sigaw ni Ricky sabay saksak sa screen ng TV.

Sa labas naman ay patuloy ang kasiyahan. "WooooH!!! This is so entertaining!!!" sigaw ng isang babaeng newscaster na panay ang sayaw kasama ang mga pulis.

Sinasaksak na rin ni Ricky ang DVD player para magiba ito at matigil na ang lumalabas sa TV. Ngunit patuloy ang awit ni Ricky sa ng 'Killing Me Softly' sa video mula sa audio ng telebisiyon. Nabuksan na ng bakla ang laman ng DVD player ngunit walang laman na CD tape. Lalo pang nagulat si Ricky kung papaano mangyayari na may lumalabas na video sa TV screen kung wala namang CD tape sa loob ng DVD player. Hinay-hinay na napatitig si Ricky sa likod ng nasabing player, at nagulat ito sa nakasaksak na USB device. Nagulat ang bakla at alam niyang kay June ang nasabing aparato. Nagalit si Ricky at hinulbot ang nasabing USB mula sa DVD player. Hinulog niya sa sahig ang nasabing instrumento at inapakan hanggang sa magiba. Hinulbot din ni Ricky ang wiring ng DVD player na nakasaksak sa socket. Huhulbutin din sana ni Ricky ng wiring ng TV ngunit may napansin ang bakla. Napansin niya na hindi aandar ang TV kung hindi pipindotin ang "power" button mula sa remote control o sa TV mismo. Hinanap ni Ricky ang remote control ng TV sa paligid ngunit hindi niya ito makita at nagkaroon ng ideya ang bakla na malamang nasa kay June ang remote control. Tinuturo ni Ricky ang TV at ang aparador na malapit sa kusina. Nagtitinginan ang nasabing aparador na nasa kusina at ang TV na nasa salas ng direkta sa isa't isa. Naisip ni Ricky na hindi aandar ang TV, kung gagamitin at kung hindi itututok ang remote control, ng hindi diretso sa screen nito, at ang nasabing aparador lamang ang natatanging estante na puwedeng pagtaguan ni June na puwede niyang pindotin ang remote control na diretso sa screen ng telebisiyon. Ngumiti ang bakla at lumakad papunta sa kusina. Nang siya ay nasa pintuan na ang kusina, lumiko ito sa nasabing aparador. "June, 'wag ka ng magtago pa, alam kong nandiyan ka... remote control na sa'yo!.." sabi ni Ricky sabay hawak sa knob ng nasabing estante. Ilang segundo lang ay biglaang binuksan ni Ricky ang pintuan ng aparador. Napanganga bigla at nanlaki ang mga mata ng bakla sa gulat dahil wala sa loob ng aparador ang hinhanap nitong celebrity. Puro kurtina at cover ng sofa ang laman ng aparador. Isasara na sana ni Ricky ang pintuan ng aparador ngunit nakita niya ang isang pinunit na papel mula sa isang notebook. Nakasulat sa nasabing papel ang salitang, "Surprise!" at handwritten lamang, gamit ang ballpen na pula. Gulat na gulat ang manager dahil alam niyang galing ang nasabing papel sa alaga nito. Biglang narinig ng bakla ang sigaw ni June, na para bang ang tono ng sigaw ay parang may tinutulak ito na bagay. Napatitig si Ricky sa kaliwa at kanan ngunit wala si June sa paligid. Ngunit ng humarap ito ulit sa aparador, hinay-hinay na natumba ang nasabing estante at natakpan si Ricky. Panay ang nginig ni June sa takot, gulat, at lungkot habang ito ay nakatayo sa likod ng nasabing aparador at hindi sa loob nito. Napaalis agad si Sparkle sa kinatatayuan niya at umatras papalayo sa natumbang aparador. May kutob pa rin ang dalaga na buhay pa ang kapatid sa loob ng tinumba nitong estante. Parang gusto pa ni June na tulungan ang natakpang kapatid. Nang biglang napasigaw si June sa gulat, nang sumigaw din si Ricky at lumabas ang braso nito sa nakakulob na estante. Sinuntok pala ng bakla ang tumatakip sa kanyang aparador gamit ang sariling kamao, hawak-hawak ang ice pick. Dahil sa lakas na dinidimdim na galit, agad-agad na winasak ni Ricky ang aparador na tumatakip sa kanya at lumabas. Napatakbo ang dalaga ngunit nadulas pa si Juno dahil sa nararamdamang taķot. Hinabol naman siya ng kanyang kuya. Tumalon si Ricky para maabot ang kapatid nito. Dinakip ni Ricky si June, sinakal, at inihampas sa dingding. Humagalpak ang katawan at ulo ng dalaga sa sahig. Hindi makaalis ni June dahil pinapatungan siya ng kapatid at sinasakal pa siya nito ng sobrang higpit. Pinipindot ni June ang sugat ni Ricky sa ulo. Sumisigaw ang binata sa sakit. Sinuntok pa ni June si Ricky sa kanang pisngi gamit ang kaliwang kamao at nakaalis din ito sa manager nito na nakapatong sa kanya. Gumapang si Sparkle papalayo, tumayo at tumakbo papunta sa dining room. "Gaga ka!!! Mapapatay rin kita!!!" sigaw ni Ricky sabay tayo at habol sa kapatid. Humigpit ang hawak ni Ricky sa ice pick. Nakapasok na si June sa dining room, ngunit nadakip siya ulit ng kapatid at hinagkan siya ng mahigpit. Sigaw lang ng sigaw Sparkle sa higpit ng yakap at panay ito sa pagpupumiglas. Sinipa ni June ang pader sabay tulak ng kanyang sarili kay Ricky, at napatumba ang bakla sa mesa ngunit sa higpit ng yakap ng kuya nito sa kanya, napasama rin siya. Mula sa itaas ng mesa ay gumulong ang dalawa pababa ng sahig. Humagalpak na naman si June sa sahig dahil siya ang unang bumagsak. Napasigaw ang dalaga sa sakit. Pinatungan siya ulit ni Ricky. Pumapalag si June para makatakas lang sa sa mga braso ng kuya niya. Sinakal ni Ricky ang leeg ng kapatid gamit ang kanang kamay. Nagulat si June, dahil di ito makapaniwalang papatayin na siya ng kapatid. Itinaas at inangat ni Ricky ang ice pick na hawak ng kaliwang kamay nito sa kahanginan. Natatakot na si June ngunit handa na siya sa kung ano man ang mangyari sa kanya. Ngunit may nakita si Sparkle na anino ng tao na pumasok sa loob ng dining room, alam ng dalagang artista kung sino iyon. Napatigil si June sa pagpupumiglas. Hindi na makahinga si June sa sakal ng kapatid sa kanya. "any last few words, bitch?" tanong pa ni Ricky kay June. Napaiyak bigla si Sparkle at napatingin ng diretso sa kapatid. "You are invited," sabi ni Sparkle na todo sa luha, "to die... tonight..." dugtong pa ng dalagang artista. Napatawa si Ricky. "'Yon lang?!" tanong pa ng bakla na panay ang tawa, "That's your last few words?" dugtong pa ni Ricky. Umiyak lalo si Sparkle. "Sursprise!" sambit ni June na todo sa pag-iyak. "Hahaha!!! Surprise?" gulat na tanong ni Ricky kay June, sabay tawa. At biglang may narinig si Ricky na tunog ng kumakasang baril sa kanyang likuran. Napatalikod itong bakla at nagulat sa nakita, may nakatutok na baril sa noo niya at si Paige ang may hawak nito. "Surprise..." sabi ng lumuluhang si Paige sa bakla. Pumutok ang baril na hawak ni Dazzle at tinamaan si Ricky sa noo at ito sa kanyang ampon na kapatid. Bumuhos ang luha ni June ng bumagsak sa kanyang mukha ang kanang pisngi ng kanyang kuya Ricky. Dumaloy pa ang dugo sa ulo ni Ricky papunta sa mukha ni June. Todo sa iyak si June habang niyayakap ang wala ng buhay na kapatid. Kahit ang bumaril kay Ricky na si Paige ay napapaiyak din. "Mahal pa rin kita kuya... ate... o kahit ano ka pa..." sabi ni June sa kuya nito na todo ang iyak at pagyakap sa manager nito. "Sana mapatawad mo pa 'ko... Ricky..." dugtong pa ni June sa kapatid. "I love you..." sabi pa ni June sa kayakap nito. Umalis si June sa pumapatong sa kanyang kapatid at napatayo. Kinuha ni Sparkle ang unan na nasa upuan at inilagay sa pisngi ng wala ng buhay na kuya nito, upang makatulog raw ito ng mahimbing. "Sleep tight Ricky..." sabi ni June sa kapatid, "You may have a lot of sweet dreams..." dugtong pa ni sparkle, "from your beautiful nightmares..." sabi pa ng dalaga sa kuya nito. Napatitig si June kay Paige. Natakot si Dazzle sa titig ni Sparkle, dahil baka pagalitan siya ng dating bestfriend nito dahil binaril niya si Ricky. "I'm sorry," sabi ni Paige kay June, "I had to..." dugtong ni Dazzle. Nagulat si Paige nang biglang niyakap siya ng dati nitong kaibigan, at tumodo sa pag-iyak. "Akala ko patay ka na!... bes..." sabi ni Sparkle sa kayakap na si Dazzle. Nagulat si Paige sa sinabi ni June, lalo na nang tinawag siya ni Sparkle sa salitang 'Bes'. Alam niyang bumalik ulit ang friedship nilang dalawa. Napaluha itong morenang dalaga, "Okay lang ako... bes..." sagot ni Paige sa kayakap nito, "don't worry girl, yari ako sa bakal. Hinding hindi ako mamamatay..." dugtong pa ni Paige. Naalala ni June na nasaksak si Paige ni Ricky sa ulo nito gamit ang metal na eyeliner niya. Napatigil si June sa pag-yakap sa kaibigan at napatitig ito sa ulo ni Paige. Naiwan pa ang nakasaksak na eyeliner ni Dazzle sa kanyang ulo. Nagulat at natakot pa si June sa kaibigan. "Bes...?" gulat tanong ni kay Paige. "What?" tanong din ni Paige sa kaibigan. Tinuro ni June ang nakasaksak na metal na eyeliner na ulo ng bestfriend. Napangiti si Paige sa kaibigan dahil natatakot ang mukha nito habang tinuturo ang nakasaksak na eyeliner sa ulo niya. "Ito ba?" sabi ni Paige sabay turo din sa eyeliner. Hinulbot bigla ni Paige ang nakasaksak na eyeliner sa ulo nito. "Hindi tumagos, dahil sa bouncy-curly hair ko..." sabi ni paige sa kaibigan. Napahinga ng malalim si June at napatawa ang dalawang dalaga. "Diyos ko! Aatakihin ako sa puso sa'yo niyan eh!" sabi ni June na panay ang hinga dahil sa kaba. "Sabi ko naman sa'yo noon pa, maaasahan ko 'tong buhok na 'to. Nauntog lang talaga ako, kaya akala mo, 'dead-bull' na ko. Nahimatay lang ako ulit, kaya medyo natagalan lang..." dugtong pa ni Paige. Napangiti si Sparkle sa sagot n ni Dazzle. Napangiti na din ang morenang dalaga. "Bes, nanalo na naman ako ng award for 'best supporting actress..." sabi pa ni Paige sa bestfriend nito, na ang tinutukoy na 'best supporting actress' award ay nang iniligtas niya si June sa kamatayan mula sa kapatid nito. Nasiyahan si June sa sinabi ni Dazzle sa kanya. "Salamat... 'Bes'... supporting actress?..." Sabi din ni Saprkle kay Dazzle. At nagtawanan ang dalawang matalik na magkaibigan.

Lumabas ng dining room ang mag-bestfriend. Napatingin ang dalawang artista sa kanilang sa paligid. Puro kalat at gulo mula sa karahasang nangyari. "Sorry sa house mo bes..." sabi ni Sparkle kay Dazzle. "'Wag muna natin isipin 'yan, unahin muna natin kung ano ang sasabihin natin sa sa mga tao sa labas tungkol dito..." sagot ni Dazzle sa kasama. Dinig na dinig ng dalawang artista ang tunog ng music mula sa audio system sa labas. Nakita ng dalawang artista na nakadapa si Van sa sahig malapit sa TV, at si Garry ay nakahandusay sa isang korner ng bahay malapit sa may front door. Natatakot ang dalawa na lumabas ng bahay, dahil baka silang dalawa ang pagbibintangan sa karahasang nangyari. "Hindi tayo dapat matakot kung alam natin na wala tayong kasalanan. Lahat-lahat ng katotohanan, lahat nang nangyari, iyon din ang sasabihin natin." Sabi ni June. Napatitig si Paige sa nakahandusay ding si Warren malapit sa kanilang kinatatayuan. "Ito kasi!" sambit ni Paige sabay sipa sa mukha ng pulis, "dahil sa kanya, nakapatay tuloy ako ng tao! Hayan! Sa'yo na 'yang baril mo!" dugtong pa ni Dazzle sabay hagis ng baril na hawak nito sa mukha ng chief officer. Nang biglang sumigaw sheriff! Akala ng dalawang dalaga ay patay na ang pulis! Napasigaw din agad sa gulat sina Sparkle at Dazzle sa biglaang pagtili ng pulis. Pumalag si Warren at hinagis sa gilid ang nakapatong na electric fan sa kanyang katawan. Napaatras sina June at Paige sa takot ngunit lumakad papalapit sa kanila ang pulis. "Masakit ba'ng pag-hagis ko ng baril?" tanong ni Dazzle kay Warren na nagpa-panic sabay atras sa binata kasama si Sparkle, "sorry, di ko sinasadya--" dugtong pa ni Paige ngunit bigla siyang sinuntok ni Warren gamit ang hawak nitong baril at tumilapon si Paige sa gilid at nauntog ulit ang dalaga sa braso ng sofa. Gulat na gulat si June dahil akala niya ay patay na si Warren. Tatakbo na naman sana si June ngunit nadakip ng dating nobyo niya ang kaliwang braso nito. Hinila ni Warren ang braso ni June at agad niyang sinakal ang leeg ng dalaga gamit ang kanang kamay nito. Napasigaw si Sparkle. Agad ding hinampas ni Warren ang dating nobya sa pader at nauntog ang ulo ni June. "Anong sabi mo? Hindi mo na 'ko mahal?!" tanong ni Warren kay June. Hindi naman makasagot ang dalaga dahil sa higpit ng sakal ng dating nobyo. "Ba't di ka makasagot!?!" sigaw ng sheriff sa ex nito. "Oh my God..." sambit ni Paige habang dumudugo ang noo sa pagkauntog, at gulat na gulat sa ginagawa ni Warren dahil kaya niyang sakalin at ialsa si June sa ere gamit ang isang kamay lamang. Nang biglang may nagsalitang babae mula sa isang lugar. "Pinatay mo... ang cameraman ko..." sabi ng misteryosang dalaga. Nagulat ang lahat kung sino ang nagsalita. "Pinatay mo siya..." dugtong pa ng misteryosang babae. Panay ang hanap ni Paige sa taong nagsasalita pero di niya ito makita. Ngunit ang iba, ay biglang kinabahan at nabitawan ang sinasakal nitong dilag dahil sa takot. Napaubo si June dahil sa sakit ng sakal mula sa dating kasintahan at napahinga ito ng malalim. Nagtataka si Sparkle kung bakit napatigil sa pagsakal ang ex nito sa kanya at bigla siya nitong binitawan dahil lang sa isang babaeng nagsasalita. Natakot bigla si Warren dahil alam ng binatang sheriff kung sino ang nagsasalitang dalaga. Napatalikod ito at nakita niya ang newscaster na si Van na nakadapa na sahig, humihinga at handa ng gumapang papalapit sa kanya. Nanlaki ang mga mata ng pulis at bumilis ang tibok ng puso nito dahil sa gulat. Napaatras si Warren sa takot dahil alam niyang nabaril na niya ang journalist sa ulo. Kahit sina Paige at June ay napanganga din sa gulat dahil nakikita nilang, nakadapa malapit sa TV at nakatitig ng masakit kay Warren ang akala nila ay patay na mamahayag. Wala ng pakialam ang sheriff sa dati nitong nobya dahil panay na ang atras nito ng malayuan sa nakatingin sa kanyang newscaster. Alam nina June at Paige na takot na takot pa naman si Warren kay Sadaku, ang dalagang hinulog sa balon, at si Van ay kahawig pa naman ng nasabing multo dahil sa mahabang buhok nito. "'Wag kang lalapit!!!" sigaw ni Warren sa newscaster. Nang biglang gumapang na itong si Van papalapit sa pulis. Nanlaki lalo ang mga mata ng sheriff sa takot at napaatras pa ito. "Pinatay mo ang mahal ko..." sabi ni Van na patuloy sa pag-gapang papunta sa pulis. Itinutok ni Warren ang hawak na baril sa reporter. "Sabi ko, 'wag kang lalapit! Babarilin talaga kita! Sige ka!" sigaw pa ni Warren sabay tutok ng baril sa newscaster na nanginginig sa takot. Ngunit itong si Van ay hindi takot sa nakatutok na baril sa kanya at patuloy pa rin ito sa paggapang papunta sa chief officer. "Babarilin talaga kita, sige ka!!" kanina pa sinisigaw ni Warren ang nasabing pangungusap ngunit di niya magawa dahil sa takot. Alam niyang hindi mo na mapapatay ang patay na. "You can't kill ghost... can you?" tanong ni Van sa pulis na gumagapang pa rin papunta sa pulis. Ngunit naisip ni Warren na malamang buhay pa nga si Van at tinatakot lang siya nito. "You can't scare me." Sabi ni Warren sa journalist. Tumindig itong pulis ng matapang, kinakas ang baril at itinutok ito ng diretso sa ulo ng gumagapang na reporter. Natakot sina Paige at June dahil babarilin na ng sheriff ang bestfriend nilang newscaster. Pumutok ang baril na hawak ni Warren at tinamaan ng direkta sa ulo ang dalagang journalist. Napatigil si Van sa pag-gapang. Napangiti ni Warren dahil nabaril na naman niya ulit si Van sa ulo. Nadismaya naman sina Paige at June dahil nabaril ulit ang bestfriend nila, at sa ulo na naman. Hinarap ulit ng chief officer ang ex-girlfriend nito, "Hinding hindi ka matutulungan ng 'Sadaku' mong kaibigan..." sabi ni Warren kay June. Natakot ulit si Sparkle at gumapang paatras papalayo sa dating nobyo. Napapaluha lang si Paige habang nakatitig sa bestfriend nitong artista dahil kailangan na naman ni Sparkle ng tulong niya ngunit malayo ang destansiya niya sa sa kaibigan at masakit pa ang ulo nito mula sa pagkauntog sa braso ng sofa. Nang biglang nagsalita ulit si Van! "Hirap mong kausapin..." sabi ng reporter. Agad nagulat ang lahat at napatingin sila sa newscaster. Napanganga sina Paige at June sa gulat, at nanlaki ulit ang mga mata ni Warren sa takot nang makita nilang tatlo, na nakatayo na si Van at nakatitig ng masakit sa sheriff. "Sabi ko... hindi mo na mapapatay... ang patay na..." sabi ni Van na nakatayo at nakatitig sa pulis. Nadagdagan ang takot ni Warren ng magsimula ng lumakad papalapit sa kanya ang reporter. Lumakad ng paatras ang chief officer sa takot, nagpa-panic at hindi alam kung saan pupunta. Tinututok na ni Warren ang armas nito kay Van ngunit di niya ito mabaril dahil sa nginig. Patuloy sa lakad si Van papalapit sa sheriff hanggang sa mawalan na ng maaatrasan si Warren dahil pader na lang ang nasa likuran nito. Binaril ni Warren ang kaliwang dibdib ng reporter ngunit napagalaw lang si Van, tiningnan ang tinamaang dibdib nito mula sa tama ng bala at pinagpatuloy at paglakad. Nagulat lalo sina June at Paige dahil binaril na ng sheriff ang dibdib ni Van ngunit patuloy pa rin ito sa paglakad. Dahil binaril ni Warren ang dibdib ng dalagang newscaster, nagalit lalo si Van sa pulis. Bumilis ang paglakad ng reporter kay papunta kay Warren. Napasigaw na si Warren sa takot at pinagbabaril na niya si Van sa ulo, kahit di tumatama at pati rin sa dibdib pero patuloy pa rin ang reporter sa paglakad papunta sa kanya. Nang nasa harap na ng sheriff ang newscaster, inuntog bigla ni Van ang sariling noo nito sa mukha ni Warren at inagaw ang baril na hawak ng binatang pulis at agad na binaril ang noo ng chief officer. Sa lakas ng puwersa ng pagbaril ni Van, tumilapon si Warren sa pader. Patay ang sherrif at dumudugo ang noo mula sa tama ng baril. Walang magawa sina June at Paige. Gulat na gulat ang dalawang artista. Hindi nila alam kung magpapasalamat ba sila sa reporter na tumulong sa kanila. Tumatayo lang si Van hawak-hawak ang baril. Panay ang titig nina Sparkle at Dazzle sa kaibigan nilang newscaster. Nang biglang tumitig si Van kay Paige. Napasigaw ang morenang dilag sa gulat nang tumingin bigla sa kanya ang mamahayag at agad na gumapang itong si Dazzle papunta kay Sparkle. Nagyakapan sina June at Paige sa takot. Tinititigan lang sina ni Van. Biglang lumakad ng hinay-hinay ang reporter sa kanilang dalawa at tumigil sa kanilang harapan. "Mga gaga kayo!" galit na sigaw ng newscaster sa mga kaibigan nitong panay ang pikit ng mga mata dahil sa takot sa kanya. "Please Van, hindi ko sinasadyang hampasin ka ng kaldero kanina... sorry na..." nagmamakaawa si Dazzle na huwag siyang saktan ng reporter. "Van, joke lang namin 'yon..." sabi pa ni Sparkle sa newscaster na dumudugo ang noo mula sa pagkauntog at may mga daplis pa ng mga dugo ang grayish-white niyang gown. Panay ang yakapan nina Paige at June at pag-pikit ng mga mata nila. Nang lumapit lalo ang hitsura ni Van sa mga mukha ng kanyang mga kaibigan, nagulat ang dalawang dalagang artista nang biglang sinampal ni Van ang kanilang mga pisngi. "Gising!! Hindi pa 'ko patay!!" sigaw ng journalist sa kanilang dalawa. Napabukas ang mga mata nina June at Paige. Nakita nilang dalawa na buhay nga at gumagalaw ng normal si Van. Ngunit may konting takot pa rin ang dalawang artista sa reporter. Nagtataka si Van sa galaw ng mga kaibigan niya. "What?" tanong ng newscaster. "Van, 'wag mo kaming takutin, nabaril, kana sa ulo... twice!" takot na sabi ni June kay Van. Ngumiti lang ang reporter at hinubad ang mahaba nitong buhok at ibinigay kina June at Paige, na akalain mo ay wig lamang pala. Hanggang baywang lamang pala ang tunay na buhok ng reporter at hindi sa puwetan at wala siyang bangs na abot sa mata. "Kaya wala akong planong magpagupit ay dahil bullet proof ang hair ko..." sabi pa ng journalist sabay ngiti. Nakita nina June at Paige na may nakadikit nga na mga bala sa makapal na wig mula sa pamamaril kanina ni Warren kay Van. "Eh, paano naman ang nabaril mong dibdib? Don't tell me, naka-bullet proof gown ka!?" tanong ulit ni June kay Van. Ipinakita ng reporter ang suot-suot nitong bra sa kanyang mga kaibigan. Nakadikit pa ang mga bala sa bra ng newscaster mula sa pamamaril kanina sa kanya ng chief officer. Nagulat ang dalawang aktres sa bra ng journalist. "Bullet proof...bra...?" gulat na tanong ni Paige sa mamahayag. Ngumiti si Van, "I know right!" sagot ng reporter. Napatawa ang tatlong mag-bestfriend. "Lupet mo girl!!" sabi ni Paige kay Van sabay na pinalo nito ang kanang hita ng mamahayag. Nagtawanan lalo ang tatlo. "Masakit lang talaga ang pagkauntog ko sa pader. Nagtataka nga ako pag-gising ko andon na 'ko sa may TV... ang layo ha! Front door at TV? Ano bang nangyari?" tanong ni Van sa dalawang kaibigan na panay ang turo ng kalayuan ng TV at ng lugar kung saan siya nahimatay. Nagtitigan sina Paige at June, at sa galaw ng dalawang artista, nalaman agad ng reporter kung bakit siya napaabot sa TV. "Ako ba ang dahilan kung bakit basag ang TV screen?" tanong ni Van sa dalawang artista. Tumango sina Paige at June. Napatiig si Van sa nakahandusay at patay na si Warren. Lalapitan naman sana ng reporter ang chief officer para saktan ngunit pinigilan siya ng dalawang kaibigan dahil inuntog siya pala ng pulis sa TV screen ng hindi niya alam. "Gagong 'yan! Inuntog pala ako sa TV... 'akala ko panaginip lan 'yon, totoo na pala. Nanaginip rin nga ako na nauntog ka Paige... totoo rin ba 'yon?" tanong ni Van kay Dazzle. Napahawak si Paige sa noo nitong may bukol at sugat. "'Wag mo ng sabihin sumasakit lang lalo ang ulo ko." Sagot ni Paige. Napatawa ang tatlong dilag. "Humingi kasi kayo sa 'kin ng bullet proof na bra at wig. Marami ako do'n sa bahay ko, bigay ni--" Napatigil bigla si Van sa pagsasalita ng nakangiti. Bigla itong sumimangot at nalungkot. Napatakbo ito agad kay Garry. Nakalimutan ni Van na nandito pala ang cameraman niya at nakhandusay sa gilid malapit sa front door. Nagtitigan at nalungkot din sina June at Paige sa kaibigang reporter. Sinundan nilang dalawa si Van. Lumuhod ang newscaster sa tabi ng kanyang cameraman. Kinarga ng dalagang mamahayag ang binatang cameraman sa kanyang mga braso. Lumuha ng todo si Van kay Garry. Sumama sina Paige at June sa pagluhod sa tabi ng cameraman. "Si Garry ba ang nagbigay sa'yo ng mga bullet proof na wig at bra?" tanong ni June kay Van. Tumango lang si Van at pinagpatuloy ang pag-iyak. "Siya rin ang nagbigay sa 'kin ng bagong buhay simula nang maging mamahayag ako. Ayoko na sanang mabuhay pa dahil di ako sumikat tulad niyo. Pero nang dumating siya sa buhay ko, napaikot niya ang mundo ko. Kaya nang makatanggap ako ng mga ivitation letters, naisipan kong, huwag na siyang isama pa sa problema ko, pero, iba 'atang nangyari. Namatay lang siya, na hindi ko nasabi na, mahal ko rin siya." Sabi pa ni Van at lumalim pa lalo ang iyak ng journalist. Nang biglang gumalaw ang kanang braso ng cameraman at nakita iyon ni Dazzle. "Van... buhay si Garry..." sabi ni Paige na panay ang titig sa kanang braso ng cameraman. Nagulat sina June at Van sa sinabi ni Dazzle. "Paige... ayoko ng laro..." sabi ni Van sa kaibigan. "Totoo! Buhay si Garry!" sabi ni Paige. Nang biglang umubo ang cameraman at napasigaw sa gulat ang tatlong dalaga. Nabitawan pa ng journalist ang nakapatong na binata sa kanyang mga braso nang umubo si Garry. Nauntog ang ulo ng cameraman sa sahig. 'Aray..." sambit ng binata. Agad-agad na niyakap ulit ni Van ng cameraman ito at humingi ng tawad nang mabitawan niya ito dahil sa gulat. "Naku!! Sorry... di ko sinsadya!!" sabi ni Van sa cameraman at agad niyang kinarga ulit si Garry sa mga braso nito. "Ayaw mo 'ata akong mabuhay eh!" sabi ni Garry kay Van. "Ay! Hindi totoo 'yan!" sagot naman ng reporter. Nagtawanan sina June at Paige. "Van, sasabihin mo lang pala ang mahiwagang phrase, gigising agad ang irog mo!" sabi ni Paige sa newscaster, na ang tinutukoy na mahiwagang phrase ay ang linyang, 'Mahal Kita' o, 'I Love You'. "Diyos ko Garry... okay ka lang?" tanong ni June sa cameraman. "Nasaksak ako ineng, siyempre hindi." Sagot ng binata. Napangiti sina June at Paige sa sagot ng cameraman. "Masakit ba?" tanong ni Van kay Garry. "Wala 'to, basta, sinabi mo lang na mahal mo rin ako, okay na 'ko..." sagot ng cameraman sabay ngiti. Kinilig naman sina June at Paige. Hinay-hinay na hinalikan ng mamahayag ang cameraman nito sa labi. Napatagal ang halikan ng walong segundo. Ngumiti si Van sa saya at niyakap si Garry. Napasigaw naman bigla ang cameraman. "Sorry..." sambit ni Van sa irog nito dahil nakalimutan ni Van na nasaksak pala itong si Garry sa balikat. "Makakalakad ka pa ba?" tanong ni Van. "Oo naman," sagot ni Garry, "medyo masakit lang ang leeg at ulo ko mula sa sakal at pagka-untog ko." Dugtong ng binata. Inangat bigla ni Paige ang kanang palad nito at nagsabi ng, "Word of the day... 'Untog'..." at nagtawanan ang lahat.


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C14
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄