下載應用程式

章節 19: 18

DAHAN-dahang iminulat ni Fabielle ang mga mata nang bahagyang maalimpungatan. Ramdam pa rin niya ang antok ngunit bahagya nang nangangalay ang likod niya marahil sa pagkakatulog ng nakaupo.

Ang huling naaalala niya ay ang pagsalampak niya sa sahig ng silid na inookupa niya at pagsandal sa dingding sanhi ng pagod sa paglalakad at paglangoy.

Bahagya pang nagulat si Fabielle nang sa pagbaling niya sq kanyang tabi ay mabungaran niya si Josh. Gaya ng posisyon niya nang magising ay nakaupo din ito at nakasandal ang lkod at ulo sa dingding ng silid.

What is this guy doing here? tanong niya sa isip habang pinagmamasdan ang mukha nito.

Nakapikit ito habang maaliwalas naman ang maamo nitong mukha. At sa halip na gisingin ang lalaki ay natagpuan niya ang sarili pinagbubuti pa ang pagsiyasat sa mukha nito.

He has a pointed nose and a perfect pair of lips. Nahiya din ng kaunti ang mga pilik-mata niya sa haba ng pilik-mata ng lalaki. His complexion was fair ngunit hindi nakabawas iyon sa masculinity nito. He was still very manly in her eyes.

"Mas guwapo ka pa sa mga hero ko sa nobela." naisatinig niya habang hindi mailayo man lamang ang paningin sa mukha nito. "How can a guy be this perfect?"

"Just sheer luck, I guess."

Muntik na siyang mapatalon sa gulat nang magsalita si Josh habang nakapikit pa rin.

"H-how long have you been---?"

"Awake?" iminulat nito ang mga mata at walang kaabog-abog na ibinaling ang tingin sa kanya. "I haven't even slept yet."

Napalunok siya. Kung ganoon alam ba nitong tinititigan niya ito kanina pa? At obvious naman nang narinig nito ang mga papuri niya rito. Nasaan ba ang lindol kung kailan niya kailangan? Bakit kaya hindi na lang siya kainin ng lupa ng mga oras na iyon?

"I... ahm..."

"How are you feeling?" tanong nito. He just disregarded the fact that he caught her ogling him. Nakahinga siya ng maluwag.

"I-I'm fine. Medyo pagod lang." sagot niya sa tanong nito.

Nang sumilay ang isang ngiti sa mga labi nito ay naramdaman niya ang pagtalon ng puso niya.

"Good." nasabi nito. "Gigisingin sana kita kanina dahil natuyuan ka na ng damit mo nang hindi pa nakakapagbanlaw. Baka magkasakit ka. Ang kaso hindi naman kita magawang gisingin dahil mukha kang pinagkaitan ng pahinga kaya hinayaan na lang kita. I'll just get you the best doctor if ever you get sick."

Iyon ang simpleng paliwanag nito na nagdala naman ng ibayong saya sa dibdib niya. Kailan kaya siya masasanay sa thoughtfulness ng lalaking ito?

"Ahm... Thanks." hindi niya alam kung tama bang tugon iyon sa sinabi nito ngunit hindi naman ito nagreklamo. Sa halip ay tumayo na ito habang nakasunod lamang ang tingin niya rito.

"You go wash yourself up. I'll be waiting for you outside. Let's have dinner." nakangiting sabi nito nang lingunin siyang muli.

Nang magsimula itong humakbang ay saka niya napansin ang sugat sa may bandang talampakan nito. Bagaman hindi na dumudugo ay kapansin-pansin pa rin ang pulang marka niyon.

Bago niya mapigilan ang sarili ay naiabot niya ang kamay sa kamay nito at napakapit roon dahilan upang mapatigil rin ito sa paghakbang. Nagtatakang nilingon siya nito.

"M-may sugat ka." sagot niya sa nagtatanong na tingin nito na sinabayan pa niya ng pagturo sa tinutukoy niya.

"I must have gotten it from the rocks at the plunge pool." balewalang sabi nito. "Anyway----"

Tumayo na siya at hinawakan ang mga balikat nito kahit pa kinailangan niyang bahagyang tumingkayad upang maabot iyon. At sa abot ng kanyang makakaya ay itinulak itong paupo sa kama niya. Marahil sa gulat ay hindi na rin ito nakapagreklamo pa at nagawa niya ang pinaplano.

"D'yan ka lang " utos niya rito saka ito iniwang nakaupo sa kama niya habang nagtatakang sinusundan lamang siya ng tingin.

Saglit siyang lumabas ng silid at sa pagbabalik ay bitbit na niya ang first aid kit na nakuha niya sa banyo nilang mga babae.

Pinigilan niya ang sariling mapangiti nang sa pagpasok niyang muli sa kanyang silid ay maabutan ang masunuring pasyente niyang hindi yata gumalaw mula sa kinauupuan nito.

Naglakad siyang palapit rito at walang kaabog-abog na nag-indian seat sa harapan nito.

"H-hey!" reklamo nito na nanlalaki pa ang mga mata.

"Ano?" inosenteng tanong niya.

"Ikaw dapt ang nakaupo sa kama mo. Bakit ako ang---?"

"Hindi pa ako nakakapagbanlaw kaya hindi ako pwedeng sumampa sa kama unlike you. Isa pa, mas maayos ang access ko sa sugat mo kung dito lang ako sa lapag." paliwanag niya.

"But---"

"No buts, okay?" agaw niya rito. Hindi niya alam kung saan siya nakahugot ng lakas ng loob na sagutin ito nang ganoon basta ang nasa isip lamang niya ay ang gamutin ang sugat nito. "You've done so much for me sa dadalawang araw na magkasama tayo. So just let me at least repay you through this."

Hindi na ito sumagot pa kaya naman ipinagpatuloy na lamang niya ang paggamot sa sugat nito. At sa buong panahong abala siya sa pagaasikaso sa sugat nito ay ramdam niya ang pagtitig nito. Hindi sa kamay niya gumagamot rito kung hindi sa mukha niya mismo. Ramdam niya iyon kahit pa bahagya siyang nakayuko.

"There!" sabi niya nang sa wakas ay matapos sa ginagawa. "Hindi ako doktor but I think I made a pretty decent job." Nakangiting sabi niya rito.

Nang iangat niya ang tingin rito ay nakita niyang nakatingin na ito sa kanya. Wala ang ngiti nitong halos laging nakapaskil sa mga labi nito. Ni hindi niya mabasa ang ekspresiyon ng mukha nito.

Hindi niya alam ngunit bigla na namang nagkagulo ang tibok ng puso niya. Wala pa naman itong ginagawa ngunit pakiramdam niya ay may kakaibang idinudulot na ang mga titig nito sa kanya.

"O-kay. I guess, I have to clean up myself now. Para makakain na tayo at medyo nagugutom na rin ako." Pilit pinakakalma ang boses na sabi na lamang niya at tumayo na. Hahakbang na lamang siyang papunta sa bag niya nang walang sabi-sabing hawakan nito ang palapulsuhan niya at higitin siya nito. Natagpuan na lamang niya ang sariling nakaupo na sa kandungan nito. At sa gulat niya rin kanina ay napahawak siya sa mga balikat nito. "J-josh!" nanlalaki ang mga matang bulalas niya bago pinilit na makatayo but he just held her in place.

At taliwas sa inaasahan niyang ngiti sa mga labing bubungad sa kanya dahil mukhang pinagti-trip-an siya nito, seryosong ekspresyon pa rin ang nasumpungan ng mga mata niya sa mukha nito.

"You are so much different from.." maya-maya ay sambit nito.

"F-from what?" hindi napigilang tanong niya.

Hindi na ito sumagot pa. Sa halip ay lumapat ang palad nito sa batok niya at hinila siyang palapit rito. Nang maglapat ang mga labi niya ay parang nakalimutan na niya ang mga katanungan sa isip niya. He was kissing her again and she was liking it. Bahala nang magunaw ang mundo sa paligid, ang tanging nagreregister lamang sa utak niya ay ang mga halik nito at ang damdaming dinudulot niyon sa kanya.

Maya-maya ay pinakawalan nito ang mga labi niya bagaman hindi siya tuluyang binitawan. Ang isang kamay nito ay nakasuporta sa likod niya habang ang kamay na kanina ay nasa batok niya ay dumako sa pisngi niya at marahang hinaplos iyon.

"Youre blushing... again." Sa mababang tinig ay sabi nito.

"I... ahm..."hindi makabuo ng tamang salita si Fabielle. Paano ba dapat mag-react pagkatapos mahalikan ng ganoon. Wala siyang magawa kung hindi ang habulin ang paghinga niya.

"Have you moved on with you ex-boyfriend yet?" walang anu-ano'y tanong nito.

"W-what?" naguguluhang tanong niya.

"No, nevermind." Bigla ay kabig nito. Kumilos ang mga daliri nito at iniipit ang kumawalang buhok sa pagkakatali sa likod ng tainga niya habang nakatingin pa rin sa mga mata niya. "I don't really care anymore. I'll just be promising you one thing."

"W-what is that?" nagawa niyang itanong rito.

"I'll make you fall in love with me, hard, that you'll forget you've been hurt before." Sabi nito at maingat siyang inilapag sa kama bago ito tuluyang tumayo. "I'll see you later." Saka naglakad na itong papunta sa pinto.

Naiwan naman siyang nakatanga sa pintong isinara ng lalaki paglabas nito. Umaalingawngaw pa din sa pandinig niya ang mga sinabi nito. Halos nakikita na niya ang puso niyang kumakaway habang sumusunod rito. As impossible as it may seem, she thinks she was already falling in love with him and just like he said, she was falling hard.


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C19
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄