下載應用程式
90% (FILIPINO) Belle Feliz's Lollipop Boys / Chapter 63: Chapter Fourteen

章節 63: Chapter Fourteen

NILAPITAN ni Vann Allen si Janis na nakaupo sa isang bench sa hallway ng ospital. Nababanaag ang matinding lungkot sa anyo nito. She was staring blankly at the wall.

Umupo siya sa tabi nito. Tumungo siya upang walang makakilala sa kanya. Nakasuot siya ng baseball cap at dark glasses.

"Kumusta na si Iya?" tanong nito sa kanya.

"Nakatulog na sa pagod sa pag-iyak," sagot niya bago napabuntong-hininga. Awang-awa na siya rito. Hindi na niya alam kung paano ito aaluin.

"Gusto ko ring umiyak nang umiyak, Vann," daing nito. "Awang-awa na `ko sa kapatid ko. Kung ako nga, hirap na hirap na, siya pa kaya? Gusto ko nang puntahan ang ama ni Daniel at hingin ang contact number ng walanghiyang lalaking `yon. Hindi fair na kapatid ko lang ang naghihirap. Hindi lang naman siya ang mag-isang gumawa ng bata, eh."

Napatiim-bagang siya. "Gawin mo `yan kung gusto mong habang-buhay na tayong magkaaway. Ilang ulit ko bang sasabihin sa `yo? Akin si Enzo."

Napailing ito. "Minsan, hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sa `yo. Tanga ka ba o martir? Minsan, nakakalula `yang nararamdaman mo para sa kapatid ko. Minsan, naaawa na rin ako sa `yo. Inaangkin mo ang hindi sa `yo. Minsan, gusto na kitang kutusan. Minsan, natatakot akong mawala ka sa buhay ng kapatid ko. Kailangan niya ang isang tulad mo, eh. Ang laki na rin ng utang namin sa `yo. Hindi ko alam kung paano pa kami makakabayad."

"Hindi kita sinisingil. Hindi ko kayo sinisingil." Sapol na sapol siya sa mga sinabi nito. Ganoon na ba ang tingin ng lahat sa kanya? Tanga? Pilit na inaangkin niya si Enzo kahit halatang-halata naman na namana nito ang hitsura ng walanghiyang ama nito.

Kahit ganoon, hindi pa rin niya napigilang kagiliwan ang bata. Nag-umpisa nang sumibol sa kanyang puso ang pagmamahal para sa batang hindi galing sa kanya ngunit inaangkin niya. Alam niyang patuloy na lalago ang pagmamahal na iyon.

"Hindi pa," sabi ni Janis. May halong pait sa tinig nito. "Kakayanin kayang magbayad ng kapatid ko kapag dumating ang araw na maniningil ka na? Nagpapasalamat ako sa lahat ng tulong mo, Vann. Hindi ko nga alam ang gagawin ko kung wala kayo ni Peigh ngayon."

"Tutulong ako hanggang kaya ko, Jan. Magsisi-nungaling ako kung sasabihin kong hindi ako umaasa ng anumang kapalit. Pero normal namang umasa ako, `di ba? Alam mong hindi ako mamimilit. Handa akong maghintay."

Siguro nga ay tanga siya. Siguro, abnormal din ang puso niya. Pero hindi talaga niya mapigilang umasa nang umasa. Nabubuhay naman ang mga tao dahil sa pag-asa.

Yumakap ito sa kanya. "Salamat, Vann. Salamat sa lahat-lahat."

Hinagod niya ang likod nito nang maramdaman niyang umiiyak na ito. Kanina pa siguro ito nagpipigil na maluha. Janis had always been a strong woman. Hanggang maaari, ayaw nitong nagpapakita ng kahinaan sa mga kapamilya nito.

"Everything will be okay," he assured her.

KAHIT ano ang pigil ni Iarah, nalaglag pa rin ang mga luha niya habang nakatingin sa anak niya. Ngumingiti na uli ito sa kanya.

Nasa ospital sila. Pangalawang beses na itong naisusugod sa ospital sa buwang iyon dahil sa kondisyon nito. Minsan, ayaw na niyang matulog para bantayan na lang ang paghinga nito. Baka kasi mawala ito sa kanya nang hindi niya namamalayan. Takot na takot siyang mawala ang kanyang anak.

Nawala ang ngiti nito habang nakatingin sa kanya. Tila itinatanong ng mga mata nitong kulay-abo kung bakit siya umiiyak. Hinagkan niya ang maliit na kamay nito.

"Huwag mo munang iiwan ang nanay, anak, ha," aniya habang umiiyak. "Hindi kakayanin ni Nanay."

"Kakausapin daw tayo ng doktor, Iya," anang nanay niya pagpasok nito sa kuwarto. Lumabas ito sandali upang bumili ng gamot.

Tumango siya. Inayos niya ang kanyang sarili. Hindi nagtagal ay pumasok ang doktor ng kanyang anak. "He's almost three months old, hija. Puwede na nating gawin ang operasyon. Mas mataas ang chance of survival kung maisasagawa natin kaagad ang operasyon. Kailangan na ninyong magdesisyon."

Napatingin siya sa nanay niya. "Wala pa po kaming nalilikom na pera, Doc," nalulungkot na sabi niya.

Nanghihina na siya sa dami ng gastos. Ang plano ng mga magulang niya ay ibenta ang maliit na lupain nila sa probinsiya para sa operasyon ng anak niya. Ayaw niyang mawala ang lupang pinaghirapan ng mga magulang niya, ngunit wala rin naman siyang magagawa. Plano niyang lumapit sa mga government at nongovernment organizations upang humingi ng tulong.

Nagbilin na lamang ang doktor ng mga dapat niyang gawin kung sakaling maulit uli ang pangyayari. Muli nitong ipinaalala sa kanya na kailangan nang maoperahan ang puso ng kanyang anak.

Nagtungo siya sa chapel ng ospital at nagdasal. Sana ay kayanin niya ang lahat. Sana ay makagawa siya ng paraan upang mabuhay ang kanyang anak. Sana ay maging malusog na ito.

"ANG HINDI ko maintindihan, napakadali namang tumawag sa telepono pero hindi mo man lang ginawa! Naisugod pala sa ospital ang anak ko, hindi mo pa ipinaalam sa `kin!"

Nagulat si Iarah kay Vann Allen. Galit na galit na pumasok ito sa loob ng apartment. Wala itong suot na kahit anong pantakip sa mukha nito. Kahit baseball cap ay hindi ito nagsuot. May nakakita kaya rito sa labas?

Sila lamang ni Enzo ang nasa apartment. Kaaalis lamang ng Ate Janis niya at ni Peighton. Ang nanay niya ay umuwi sa probinsiya upang iayos ang pagbebenta ng lupa nila.

"Huwag kang sumigaw," saway niya rito. "Baka magising mo ang bata."

Marahas na hinawakan nito ang braso niya. "Wala ba talaga akong halaga sa `yo, Iya?" Nabawasan ang taas ng tinig nito ngunit hindi ang galit nito. Mapulang-mapula ang mukha nito.

Bahagya siyang natakot sa anyo nito. "Vann..."

"Kung hindi pa nadulas sa `kin si Peigh, hindi ko pa malalaman! Ganoon ba kahirap na ipaalam sa akin ang kalagayan ng bata? Ang simple-simple lang ng gagawin mo. Tatawagan mo lang ako!"

"Nataranta ako," pangangatwiran niya. "Tulirung-tuliro ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. At saka, alam kong abala ka sa trabaho. Aabalahin pa ba kita?"

"Bullshit!" Tumaas na naman ang tinig nito. "Ang sabihin mo, gustung-gusto mong itulak ako palabas ng buhay mo, sa buhay ni Enzo. Ano ba ang problema mo sa akin?"

"Ang problema, masyado kang nakikialam!"

Gumuhit ang sakit sa mga mata nito. Agad na pinagsisihan niya ang kanyang sinabi. Sa lahat ng mga naitulong nito sa kanya, hindi niya dapat ito ginaganoon.

Babawiin na sana niya ang kanyang nasabi nang biglang umiyak si Enzo. Agad na pinuntahan niya ito. Kinarga niya ito. Iniiwasan niyang umiyak ang anak niya dahil baka lalo itong mahirapang huminga.

Nilapitan siya ni Vann Allen at kinuha sa kanya ang bata. Hindi na siya nagprotesta. Gustung-gusto ng anak niya si Vann Allen. Tila ito ang pinakapaborito nitong tao sa buong mundo.

Tumahan ang anak niya nang nasa bisig na ito ni Vann Allen. Humagikgik ito at tila masayang-masayang naroon na ang "tatay" nito. Nawala na rin ang galit sa mukha ni Vann Allen.

Nginitian nito ang baby niya bago ito hinagkan-hagkan. "Thank God you are okay," usal nito habang niyayakap ang kanyang anak.

Tumalikod siya upang itago ang namumuong mga luha sa mga mata niya. Ang anak niya ay tila tatay talaga ang turing dito. Umiiyak si Enzo kapag umuulan at kumukulog. Halos hindi niya ito napapatahan. Tatahan lamang ito kapag naririnig nito ang tinig ni Vann Allen. Kung kailangan niyang magtrabaho sa bahay ay patutugtugin lamang niya ang mga kanta ng Lollipop Boys, matatahimik na ang kanyang anak at pakikinggan ang magandang tinig ng tatay-tatayan nito.

Minsan, nais niyang magsisi. Sana, tinanggap na lang niya ang alok nitong panagutan siya nito noon. Napakahirap maging single parent. Ngunit ayaw rin niyang maging makasarili. Pakinang nang pakinang ang bituin nito. Lalo itong sumisikat. Iniidolo ito ng lahat. Napakaraming taong nagmamahal dito. Ayaw niyang masira ito sa mga tao. Ayaw niyang hilahin ito pababa.

Nagluto siya ng almusal habang naglalaro ang "mag-ama." Napatulog uli ni Vann Allen ang baby niya. Inihanda niya ang pagkain sa mesa habang inilalapag nito ang bata sa crib na ito mismo ang pumili at bumili.

"Kain na," sabi niya rito.

Nilapitan siya nito at hinawakan ang kanyang kamay. "Bati na tayo," anito habang sinasalubong ang mga mata niya. Wala nang kahit katiting na galit sa anyo nito.

"Hindi ka pa nagso-sorry," tugon niya.

"Ikaw muna."

Nakaawang ang bibig na napatingin siya rito. Talagang siya ang mauunang humingi ng tawad?

"Kasalanan mo kung bakit ako nagagalit. Ang hinihingi ko lang naman, ipaalam mo sa `kin ang nangyayari sa bata."

"O, siya, sorry na!" napipilitang sabi niya.

Kinabig siya nito at masuyong niyakap. "Say it like you mean it."

"I'm sorry," aniya. Masarap makulong sa mga bisig nito. Pakiramdam niya ay walang mangyayaring masama sa kanya, sa kanilang mag-ina.

"I'm sorry, too," anito sa napakasuyong tinig. "Sorry kung napagtaasan kita ng boses. Ikaw kasi, eh."

Ibinaon niya ang kanyang mukha sa dibdib nito. Nilanghap niya ang mabangong amoy nito. "Oo na, ako kasi."

Itinaas nito ang mukha niya at dinampi-dampian ng halik ang mga labi niya. Napapikit siya. She missed him. Mas madalang na silang magkita ngayon dahil sa kaabalahan nito sa trabaho. Kinalimutan niyang hindi sila dapat naghahalikan. Wala silang relasyon upang gawin iyon. Hinayaan na lamang niya ang kanyang sariling namnamin ang sarap ng pakiramdam na mahagkan nito.

Ang dampi-damping halik nito ay lumalim. Ipinaikot niya ang mga braso sa leeg nito at tumugon sa halik nito. Isinandal siya nito sa dingding. Naging mas mainit at mas mapusok ang halik. Nagsisimula na siyang madarang. Ayaw nang gumana ng isip niya. Parang mas masarap magpatangay na lang.

Bumaba ang mga labi nito sa leeg niya. Pumaloob ang mga daliri niya sa may-kahabaang buhok nito. May naramdaman siyang matigas na bagay sa hita niya.

Iyon ang nagpabalik sa katinuan niya. Ano ba iyong ginagawa niya? Hindi na siya natuto. May sakit sa puso ang konsekwensiya ng nagawa niya nang hinayaan niyang tangayin siya ng nararamdaman niya.

"Ito ba ang bayad sa lahat ng tulong mo?" tanong niya kay Vann Allen sa malamig na tinig.

Natigilan ito. Lumipas muna ang ilang sandali bago ito tumingin sa kanya. "Huwag na tayong mag-away," anito sa nakikiusap na tinig. "I'm so tired. Tatlong araw na `kong halos walang tulog. Nalaman ko pa kay Peigh na isinugod sa ospital si Enzo. I was worried sick. I want to kiss you, to hold you in my arms. I want to make sure you're all right. Huwag mo na `kong pag-isipan ng ganyan."

Kaagad naman siyang na-guilty. "I'm sorry."

"Kiss me again," hiling nito habang pumipikit.

Marahan niyang hinagkan ang mga labi nito. May kalakip na pasasalamat iyon. "Kumain ka na, `tapos magpahinga ka," aniya pagkatapos niya itong hagkan.

Tumalima ito.

Pagkatapos kumain ay hinayaan niyang makapag-pahinga ito sa silid niya. Naglaba siya habang natutulog ito at ang baby niya. Halos sabay na nagising ang mga ito pagkalipas ng dalawang oras. Kaagad na kinarga ni Vann Allen ang baby niya at nilaru-laro. Hindi nawala ang ngiti sa mga labi ni Enzo.

"Ipinahanda ko na kay Ate Jhoy ang kakailanganing pera sa operasyon niya," ani Vann Allen habang karga nito ang anak niya.

Natigilan siya. "Vann..." Matagal na itong nag-aalok ng tulong. Natutukso na siyang tanggapin iyon ngunit napakalaking pera ang kailangan nila. Parang hindi niya maaatim na basta na lang kunin ang perang pinaghirapan nitong kitain. Oo, malaki ang kinikita nito bilang singer, artista, at modelo ngunit hindi naman ito nagpapakahirap para sa kanya. Para iyon sa pamilya nito. Masyadong malaki na ang naitulong nito noong manganak siya. Ito ang sumagot ng lahat ng gastos niya sa ospital.

"Napag-usapan na natin `to, Vann."

"Ang pride mo ang papatay kay Enzo."

"Akala ko ba ayaw mong mag-away tayo? Nakaharap pa ang bata, o."

Napabuntong-hininga ito. "All right. Ibigay mo ang titulo ng lupa ninyo kay Ate Jhoy."

Napatingin siya rito. Sandali siyang nag-isip. Maganda nga kung dito na mapupunta ang lupa nila. Masakit pa rin sa kalooban niya ang pagkawala ng lupa nila ngunit ipinangako niya sa sariling babawiin niya iyon dito. Pagdating ng araw, babawiin niya ang lupang iyon.

Tumango siya. "Deal."

NAPAYUKO si Vann nang ibagsak ni Tita Angie sa coffee table ang apat na tabloids isang umaga. Kahit hindi niya buklatin ang mga iyon, parang nahuhulaan na niya ang laman.

"Hindi kita pinagbabawalang magpunta sa anak-anakan mo, Vann. Pero napagkasunduan nating magiging maingat ka sa lahat ng kilos mo."

"I'm sorry po," aniya. Aminado naman siyang kasalanan niya. Nagtungo siya sa apartment nina Iarah nang walang disguise. Alalang-alala kasi siya kay Enzo nang araw na iyon. Ang akala niya ay kung napaano na ito.

Nang nagdaang buwan pa lumalabas ang isang blind item tungkol sa isang sikat na sikat na singer at aktor. Ayon sa blind item, may anak na ang singer-actor. Nasabi ring bago pa man pumasok sa entertainment industry ang nasabing singer-actor ay may nabuntis na itong dalagita. Hindi siya tanga upang hindi malamang siya ang tinutukoy ng blind item.

Ngayong linggo, tuluyan na siyang pinangalanan. Kaya nagagalit ang manager niya. Hindi naman niya ito masisisi. Kung siya ang nasa kalagayan nito ay magagalit din siya.

"Aminin mo man o hindi, alam mo sa sarili mong medyo nakakaangat ka sa mga kasama mo. Mas marami kang fans kompara sa kanila. Mas marami ang paborito ka. Sana isipin mo ang mga fans na masasaktan habang binabasa nila ang mga nasa tabloids. What they don't know won't hurt them. Vann, naman..."

"I'm really sorry, Tita. I'm just too worried about my son. You know his condition."

"I understand. I really do. Kung naiba-ibang manager lang ako, hindi ko hahayaang pumunta-punta ka pa kay Iarah. Sasabihin ko sa `yong napakatanga mo dahil hindi mo naman talaga anak ang anak niya. Pero hinahangaan ko nang husto `yang katangahan mo. I sometimes wish all men were like you. But you also have to understand me. Lollipop Boys is not just about you. It's about Enteng, Maken, Rob, and Nick, too. You belong in a group. Kung maiintriga ka, damay sila."

"What do you want me to do? Babawalan n'yo po ba akong puntahan si Enzo?" Ayaw niyang humantong sa ganoon. Malapit na ang operasyon ni Enzo. Ang nais niya ay nasa malapit lang siya rito habang isinasagawa iyon.

Minsan, tinatanong niya ang kanyang sarili kung bakit mahal na mahal niya ang bata gayong kamukhang-kamukha nito ang ama nito. Pati ang mga mata nito ay nakuha nito sa ama nito. Isang pagpapatunay iyon na hindi sa kanya ang bata. Katulad ng ina nito, hindi niya napigilang mahalin si Enzo.

"Sa ngayon, huwag ka munang magpunta kay Iya. Kaunting tiis lang, Vann. Palipasin natin nang kaunti ang issue. Ayaw mo rin namang matunton sila ng mga reporters, hindi ba? May naka-schedule kang interview bukas ng hapon. I want you to tell them the truth."

"Sasabihin ko pong may anak ako?" manghang tanong niya.

Umiling ito. "Sasabihin mong wala kang anak. Na anak lang ng kaibigan mo ang tinutukoy sa mga balita. Iyon ang totoo, Vann."

Matinding lungkot ang umalipin sa buong pagkatao niya. Tama si Tita Angie, iyon ang buong katotohanan. He wanted to laugh at the irony of it.


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C63
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄