WILL YOU BE ABLE TO SAY?
NASH KLEIN
"Mukhang matagal ng walang mga tao sa lugar na 'to, Kuya Nash." I heard Nile, we're at the 8th angel's orphanage kung saan huling namataan si Wendy. The whole place is a mess at humingi kami ng permission na makapasok dito sa loob.
Alikabok kahit saan, ang mga pintura sa pader ay parang nalalagas, ang mga kahoy ay inuubos na ng mga anay. They totally abandoned this place for good. I wonder kung bakit nila nilisan ang lugar na ito.
Naisipan namin ni Nile na silipin ang lugar na ito para tignan kung ano ba ang nasa loob at para makakuha na rin ng idea kung bakit ito ang lugar na naisipan na puntahan ni Wendy. Maliban sa dati siyang nandito.. ano pa ang ibang dahilan niya para bisitahin ang abandonadong orphanage?
"Mukhang kailangan na natin bumalik Kuya Nash, wala naman tayong makukuha sa lugar na 'to." Nile said, nasa living room kami ngayon. Malaki-laki rin ang lugar kung tutuusin dahil may living room ito at may nakita pa akong maliit na chapel sa bandang likod.
"No. Hindi tayo babalik hangga't wala tayong nakikita." wika ko habang ginagala ang paningin sa paligid.
"Kuya Nash, sa tingin mo pumasok dito si Wendy?" Nile asked. No I don't think so because first of all...
"Walang footprints sa entrance kanina ng tignan ko. Hindi nagulo ang dust pattern kaya sa tingin ko hindi siya pumasok dito. One more thing, may susi na binigay sa atin kanina para mabuksan ang pinto. Hindi makakapasok si Wendy hangga't wala siya 'non. I don't also think na dadaan siya sa bintana or may other entrance pa siyang alam. As you can see, all the windows are shut bago pa man tayo pumasok." I explained. He let out a low chuckle para mapatingin ako sa kaniya.
Nakatayo ito sa tabi ng bintana habang nakatingin sa labas. Ano naman kaya ang tinitignan niya mula dito?
"As I expected, wala talagang makakatakas sa observation skills mo." he praised looking over at me, smiling.
"Don't flutter me, Nile. Ngayong dalawa lang tayong nandito sa lugar na ito, I can finally ask you about some things..." I leaned my back on the wall, crossing my arms as I look at him deep in the eyes. Nasa magkabilang side lang kami ng kwartong ito.
"What do you mean?" taka niyang tanong habang mapaglarong nakatingin sa'kin.
"Why do you want to be a reaper?"
He held a normal face after hearing my question. So he know that I'll ask him about it.
"Simply because I want to protect Raychel. I want to become strong para naman maprotektahan ko siya. Wala na akong ibang ginagawa kundi ang maging cause ng problema at maging pabigat sa inyo."
"That's not true—"
"It is. Kuya Nash, kahit na anong sabihin mo hindi magbabago ang isip ko. Totoo naman kasi, don't lie about it dahil alam ko. Pabigat lang ako, that's it. Kaya naman gusto ko maging malakas. Just look at all those reapers, I want to be stronger just like them. Para magawa kong protektahan ang mga taong nasa paligid ko." ano naman kaya ang iniisip ng kapatid ko? hindi niya ba alam na suicide ang ginagawa niya.
"Do you not understand what reapers do? They mercilessly kill tons of people because that's what they do. Because it's their job to take lives. And you're going to say you wanted to be like them because you want to protect Raychel? are you out of your mind again Nile?
Walang mangyayaring maganda kung itutuloy mo ang binabalak mo. Kung hindi mo titigilan 'yan, then I will stop your nonsense ngayon pa lang. Pwede mo naman palakasin ang sarili mo sa iba't-ibang paraan basta't huwag lang ang paraan na yan." I felt like exploding right now because of my stupid brother and his stupid idea of being a reaper.
"I already got your point Kuya Nash. But you don't understand.. and no one will. Alam ko kung ano ang gawain ng isang reaper. Yes they kill, yes they take lives but other than that. I'm jealous because they can rest assured that nothing will happen to their loved ones. But me? maliban na lang sa pabigat ako at walang naitutulong, wala pa akong magawa para maprotektahan kayo. It's making me hard to sleep just by thinking kung ano na ba ang nangyayari sa'yo, kung ano na ba ang nangyayari 'kay Ray, kung nasaan na ba si Lili."
My eyes widened and a suddent pang of pain ran through my chest. Kung ganoon 'yan pala ang nangyayari sa kaniya. He wants to be stronger because he's worried about us. He wants to assure everyones safety.
"Nile, just tell me you're worried about us. You don't need to be strong. Infact, you are way more stronger than I am, you are stronger that those reapers. Believe me." I gave him a reassuring smile as I spread my arms infront of him. Alam ko na kanina pa nagiipon ang luha sa mga mata niya pero nakayanan niyang hindi iyon umagos. That's why I know he's strong.
He's strong because he always thinks about us first before his self.
He slowly walk towards me, nakakatuwa dahil pasimple pa niyang pinupunasan ang mga luha na nagbabalak palang na tumulo. I got patient kaya naman nilapitan ko na ito para mahigpit na yakapin. I want him to feel protected with my embrace, I want him to know that he's not alone and I'm always here for him. Why? because I'm his one and only Kuya Nash.
Once we settled down, ipinagpatuloy na namin ang paglilibot sa lugar. Hindi ko man napigilan ang kapatid ko sa binabalak niyang gawin, I know I hit some things through his mind.
"Kuya Nash, anong gagawin mo kapag nakita mo ang Hecate na 'yon?" Nile asks out of nowhere.
Napaisip ako, ano nga ba? if ever na makita ko ang lalaki na 'yon.. that guy who introduced his self as Aircon. What should I do to him?
"Maybe having a conversation with him sounds good. After all, I'm no good at violence." hindi ako sigurado. Makikita na lang natin kapag nakita ko na talaga siya.
"But he did something to Raychel right?" he added.
"Yep. Pero mas nauna ko naman na gawin iyon." nakangising sagot ko, recalling my kiss with Raychel inside the store nang magpakita noon si Moon at noong naka-recover na ako sa ospital.
"Eh? what do you mean?"
"You'll know in the future. Baka nga siguro ginawa mo na rin 'yon sa kaniya.." I teased him. I saw how his face reddened making me giggle. Napakapula ng mukha niya.
"W-wala akong ginagawa 'no!" he stuttered, how cute.
"What about you? anong gagawin mo kapag nakita ang Hecate Ross na 'yon?"
"I'll gave him a piece of my mind at ipapamukha ko sa kaniya na hindi siya ang totoong Aircon." aniya with matching hand movements.
"I see, that's just like you." I chuckled.
"Of course Kuya Nash! hindi pwedeng tumagal ang pagpapanggap niya after all nasa tabi lang ni Ray ang tunay na Aircon which is non-other than you!"
"Okay okay, no need to remind me." I waved my hands at him para tumigil na ito.
Nilibot namin ang buong lugar pero wala kaming nakitang kahit ano. Siguro dinala ng mga dating nandito ang mga ala-ala nila dahilan para hindi nila maiwanan. And I understand them. Para manatiling masaya kailangan mo dalhin ang dahilan kung bakit ito ang nararamdaman mo.
"Kuya Nash, matanong ko lang.. bakit hindi mo pa sinasabi 'kay Raychel na ikaw si Aircon?" Nile asked beside me. I patted his head while slightly smiling at the thought.
"Because I know that there's always a right time and right place. Alam ko na hindi pa 'yon ngayon, malalaman ko na lang kung tama na kapag maayos na ang lahat. At isa pa, nangako ako sa kaniya na magpapakita lang ako once kapag nahanap niya na ang taong para sa kaniya."
"But you like her.." I hear him mumble dahilan para guluhin ko ang buhok niya.
"Nope. I don't like her."
"E—!"
"Because I love her already. I love Raychel Olenyeva." I cut him off. He smiled after hearing what I said.
"Oh.. haha, I see. But Kuya Nash.."
"Hm?"
"Anong gagawin mo if the feelings is not the same?"
I bitterly smiled. "Then I'll be happy for her, 'yun na lang naman ang makakaya ko. Hindi ko pwede ipagpilitan ang sarili ko sa taong hindi naman ako mahal kaya ang mas mabuti pa ay maging masaya na lang ako para sa kaniya kahit papaano."
"In the end, parehas lang pala tayo ng gagawin. But don't worry Kuya Nash, I know she likes you. I can feel it. Kaya nga pilit ko na kinakalimutan ang feelings ko sa kaniya dahil tanggap ko na para kayo sa isa't-isa."
"Let's not talk about it now shall we?"
"Okay.."
Habang naglalakad I noticed na may isang kwarto ang nakabukas ang pinto. Hindi pa kami dumadaan sa parte na 'to ng orphanage pero bakit may bukas na pinto? very suspicious. High chance na hindi lang kaming dalawa ni Nile ang nandito.
"Kuya Nash," he called. Napansin niya 'rin ito siguro. I looked at him, we both nodded saka dahan-dahan na nilakad ang kwartong iyon.
As I got closer, medyo kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung ano ba ang naghihintay sa amin sa likod ng bukas na pintong ito. Either wala naman or paranoid lang ako or mayroon talaga.
Finally I took a peek inside only to see a empty room. I sighed in relief. I look behind me para makita ang kinakabahang mukha ni Glenn, I patted his shoulder meaning okay na ang lahat. He also sighed in relief at napahawak pa sa dibdib.
"Let's go inside."
We got inside, isa lang iyong malawak na kwarto na maraming nakapilang kama. Madumi na ang mga ito at mga hindi pa nakaayos.
"Is this a bedroom?" Nile asked.
"Probably, mukhang ito ang kwarto ng mga batang nakatira dito noon." I thought, siguro ay marami pang ganitong kwarto ang naririto.
"Sampung kama.. "
"Kuya Nash, look. Ano sa tingin mo ang ibig sabihin ng number na 'to na nasa pinto?" he pointed out a number na naka-carved sa may wooden door ng kwartong ito. There's a number 9 na maayos pa ang pagkakalikok sa may pinto.
"May naiisip akong dahilan pero pwede mo ba tignan ang mga iba pang pinto kung may mga numbers din na nakalilok 'don?" I asked him. He hesitated for a second bago gawin ang pinapagawa ko. He came back after a minute or so.
"May limang pinto pa akong nakita, ang lima sa kanila ay may numbers 6,7,8 and 10. May sampung kama din sa loob." aniya. Then..
"Kung tama ang nasa isip ko, ang ibig sabihin ng numbers na iyon ay ang edad ng mga batang nasa loob ng kwarto. It means na nandito tayo ngayon sa loob ng kwarto kung saan natutulog ang mga 9 years old na mga bata noon." I explained to him.
His mouth made an "O" shape. So ganito pala ang way nila dito sa loob. Ngayon lang ako nakakita ng ganito. Minsan kasi magkakasama ang mga bata sa iisang kwarto. Pretty disciplined.
Naupo muna ako sa isa sa mga kama saka minasahe ang sintido. I wonder where is Wendy.. I'm also wondering who's that Hecate guy whom introduced his self as Aircon. Sinigurado ko naman na walang makakaalam sa pagkatao ko na 'yon maliban lang sa'kin, 'kay Nile at Raychel.
Up until now, siguro ay nai-kwento niya ito sa ibang mga tao gaya na lang ni Wendy at Loraine. Hindi naman mukhang madaldal si Loraine para sabihin ito sa iba but Wendy.. I'm not so sure. After all, hindi ko pa ito gaano kakilala.
"Hey Kuya Nash," Nile called causing me to look at him, destroying my train of thoughts.
I hummed para iparating na nakikinig ako sa kahit anong sasabihin niya.
"It's our birthday today, right? Do you have any special plans today maliban sa paghahanap 'kay Wendy? I thought we should celebrate it pagbalik natin sa mansion ni Lloyd together with Ray. After all, this is our first birthday with her. What do you think?"
I gently smiled at the thought. I stood up and patted his head bago lumabas sa kwarto.
"Not a bad idea."
° ° °
"We've been inside this orphanage for about two hours already. Hindi pa ba tayo uuwi? nagugutom na ako." pag-iinarte ng kapatid ko.
"Hindi ba't sabi ko na hindi tayo babalik hangga't wala tayong nakikita. I can't believe na naubos mo na agad ang lahat ng dala mong pagkain."
"And I can't believe na hanggang ngayon hindi mo pa rin kinakain ang mga dala mong pagkain kaya pahingi ako Kuya Nash."
I gave him my bag, "Huwag mo lang ubusin."
Ngiting-ngiti niya ito kinuha saka nagsimulang kumain. Kahit na sabihin 'kong huwag niyang ubusin, alam ko na uubusin niya pa rin 'yan. He's a big glutton after all.
° ° °
"Hulaan ko, ang isa sa mga dahilan kung bakit mo gusto maging reaper." I started habang naglalakad kaming dalawa sa isang malaking hallway. Ang maingay niyang pagkain ang tanging nagbibigay ingay sa paligid.
"Hmm?"
I stopped walking and so is he. Hinarap ko ito saka magkabilang hinawakan ang kaniyang balikat. Puno ang bibig, madumi ang gilid ng labi at nanlalaki ang mata niya na tumingin sa'kin.
"One another reason is because sa letter N nagsisimula ang pangalan mo. And also, the letter N is the 14th letter on the alphabet. There are 13 reapers existing and their names are alphabetically in order. Arthur, B-2, Ceb, Dawn, Eri, Freya, Guido, Hyacinth, Ishtar, Jack the Ripper, Kriegmeser, Lawliet and Mordred. Kapag sumali ka sa kanila making it 14 makakatabi ng pangalan mo ang pang-13th member nila na si Mordred. Arthur—— Mordred and Nile. Am I right?"
There's a long pause between us bago siya magsalita. Nanliit ang mga mata niya saka hinarang ang dalawang palad sa harapan ko.
"No. I don't really care about that. Ni hindi ko nga alam na alphabetically in order ang pangalan nila. Tanging si Dawn lang ang kilala ko sa kanila dahil minsan na kaming nag-coop sa favorite niyang laro. Kahit kailan talaga napaka-galing mo talaga Kuya Nash," He looked at me in amazement.
Now I feel very embarrassed dahil sa mga pinagsasasabi ko. Akala ko talaga naisip niya 'rin 'yun kaya gusto niya sumali sa grupo nila.
"So it's just a mere coincedence huh... so embarrassing! napakadami ko pa namang sinabi tapos hindi naman pala totoo! AAAAAAAAA—"
"Oo nga 'no, ang cool din pakinggan hehehe.." he grinned habang ini-imagine siguro ang mga sinabi ko kanina.
"Welp, mukhang hindi naman napansin ni Nile ang katangahang nagawa ko which is good."
"Let's continue our search." wika ko saka nagsimulang maglakad muli.
Pumasok kaming dalawa sa isang kwarto, kumpara sa mga kwarto na pinasok namin kanina. Mas malaki ito at apat na kama lang ang nasa loob. Sa tingin ko ay ito ang kwarto ng mga madre na nag-aalaga sa mga bata.
Mga litrato na nakasabit sa pader ang nakakuha ng aking pansin. Marami ito at inaalikabok na sa sobrang tagal ng pagkakaiwan.
"Hindi kaya..." Nile started.
I look throughly to the pictures. Agaw pansin ang isang group picture na kinuha ko at pinunasan para matanggal ang makapal na alikabok na nakadikit dito.
"Indeed, ito ang picture ng mga nakatira dito noon." I confirmed. Parang class picture ang pagkakakuha sa hawak kong litrato. Maayos na nakaupo ang mga batang babae habang nasa gitna ang mga apat na madre. Nasa likod nila ang mga matatangkad habang nakaupo naman sa harapan ang mga mas bata.
"They looked... happy." Nile commented beside me.
I nodded in agreement, mukha ngang masaya ang mga bata dahil kita naman sa mga ngiti nila ang kasiyahan. Siguro ay maganda ang pagpapalaki sa kanila dito.
"Is this Lili?" Tanong ni Nile pointing to a girl who looks really young. The girl has a short length hair at masayang nakangiti sa may camera habang naka-peace sign at ka-akbay ang isa pang batang babae na maiksi din ang buhok.
"Maybe, they look pretty similar."
And the girl beside her, she looks pretty similar to Raychel. She's simply smiling to the camera and also holding out a peace sign.
"Hey, it's just me or kahawig ni Ray ang batang ito?"
"Yeah, iniisip ko rin 'yan."
Wala naman nababanggit si Raychel na may binibisita siyang orphanage noon. Then, sino kaya ang batang ito?
Ilalagay ko na sana sa loob ng dala kong bag ang picture nang bigla ko 'yong mabitawan dahilan para mabasag ang salamin nito at matanggal ang frame. What makes my eye widened ay ang mga pangalan na nakalagay sa likod.
"What?" Nile mumbled beside me saka dahan-dahan itong pinulot.
"Haumea Sy and... Raychel Arellano?"
Our mouth fell agape. Anong ibig sabihin nito?
Hindi pwedeng nagkamali ang mga nagsulat ng mga pangalan dito. Ilang taon na ang nakakalipas simula noong kuhain ang litrato na 'to kaya naman mababa ang tyansa na coincedence ang lahat.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Nile sa isa't-isa. We both held a good confused expression. Parehas na nagugulo na ang mga utak namin. Ano naman kaya ang ibig sabihin nito?
Nang makarinig kami ng mahinang footsteps galing sa ibaba. In quick instinct, Nile folded the picture at inalagay 'yon sa bulsa niya. We quickly made our escape to get outside without getting caught. Successfully, nagawa namin. Tahimik kaming umalis sa lugar, taking a last glance tuluyan na kaming umalis para bumalik sa mansion ni Lloyd.
With our minds full of unanswered questions:
"Who in the world is Raychel Arellano
and Why is she one of the children of
8th angel's orphanage together with
Haumea Sy?"
???
Silently walking inside the abandoned place. Her eyes that is full of unwavering emotions looked around the place with awe. Reminiscing the memories she held kept inside her slowly coming back.
Images of the children happily running around the area. She saw her young past self gleefully playing with the other children whom she is found of.
Once she heard the familiar voice of her dearest friend running after her. Her chest tightened at the memory of losing her one and only friend.
"I promise... I'll take my revenge and give you justice. Just you wait, Ray. I'll make sure to kill that impostor Sofia."
Swiftly, wiping the single tear that escaped her eye. She leaved the place with a murderous look plastered to her face. The will to take revenge is the only thing running through her head. Non-other than Haumea the Wrath.
II To be continued >