"at sa hindi nga inaasahan ay sumangayon kay almiros ang mga taksik na entra at nasunod ang kanyang mga nais.
gumawa sila ng napakaraming tableta at ibinita ito sa buong mundo. doon ay pinakalat at sinabi ni almiros na kapag ininum nila ang tabletang iyon ay makakarating sila o makapaglalakbay sa ibang mundo bagay mabilis na nagyari.. walang kamalay malalay ang mga taga altaendra na labas pasok na pala ang mga mortal na tao sa dito sa aming mundo. at dahil doon agad na nakilala ang tableta ni almiros. sinabi nya na kapag uminum ka ng isang tableta ay kaya mong manatili dito sa atlaendra ng isa hanggang dalawang oras at pag katapos noon ay mawawala na ang bisa nito at makakatulog ka at sa pag gising mo.. muli ka nang makakabalik sa inyo mundo.. marami nang naakit at natuwa sa altaendra. kaya paulit ulit iyong ginawa ng mga tao. minsan ay hindi lamang isa o dalawang tableta ang kanilang iniinum. para raw mas tumagal pa raw ang pananatili nila dito sa aming mundo. gustong gusto ng mga tao ang manatili dito sa altaendra.. dahil dito daw ay nagagawa nila ang lahat ng kanilang nais.. ang lumipad. ang magsaya ang maging mahikera lahat ng iyon ay nararanasan nila dito sa aming mundo.. kaya sila bumabalik at bumabalik dito . kaya ganoon nalang kabilis na yumaman si almiros. dahil dinagsa ng maraming tao ang kanyang tableta" wika ni zandro. " anong ginawa ng mga tyardor na entra" wika ni anghel. " isang napakagandang katanungan... mula dito sa mundo namin karamihan sa mga umiinum ng tableta ay minamanipula o kinukuntrol ng mga taksil na entra ang kanilang mga isip.
mula doon ay inuutusan nila ang iba na gumawa ng masama kapalit ng isang kapangyarihan. inuutusan nila ito na magnakaw ng pera. magnakaw ng mga bagay na maaring ibinta para magkapera.. at kung minsan ay pumatay para magkapera. at ang lahat ng pera iyon ay sa kanila at kay lamiros napupunta" wika ni zandro. " eh anong nangyayari sa mga taong inuutusan nila na pumatay o magnakaw matapos mawala ang bisa ng tableta" tanong ni anghel. " nakukulong sila o minsan napapahamak pa..wala naman kaseng naniniwala sa kanila kapag sinasabi nila na nasa ibang mundo sila at di nila alam kung anu man ang kanilang nagagawa.. kaya magmula noon...mula ng nalaman ng pinuno ng altaendra ang mga kasamang nagaganap dito saaminng mundo at sa inyong mundo ay pinarusahan nya ang mga taksil na entra at pinatay ito kasama si almiros. at mag mula noon ay mahigpit ng ipinagbabawal ang kahit sino man ang pumasok dito sa aming mundo" wika ni zandro. " kung matagal nang ipinagbabawal bakit may mga tao mortal parin dito sa inyong mundo" wika ni anghel. " dahil kumalat na sa buong mundo ang mga tableta. marami ring naging tauhan si almiros dahilan kung bakit patuloy parin silang gumagawa ng tableta ng palihim at patago. kaya may mga tao parin na nakakapasok dito sa aming mundo. at kaya ako naririto. upang bantayan o pangasiwaan ang mga taong nakakapasok dito. mula noon ay naging tahimik muli ang altaendra. kung may nakakapasok mang mga tao dito ay agad kong binabantayan upang hindi sila makagawa ng masama hanggang mawala ang bisa ng tableta at makabalik sila sa inyong mundo ng ligtas. mag mula rin noon ay ipinakalat at ibinalita na sa inyong mundo na ipinagbabawal na ang pag gamit ng tableta o paggamit ng ipinagbabawal na gamot na kung tawagin namin ay capsule.
maraming tao ang naniwala at sumangayon sa batas na iyon. naniniwala sila hindi dapat gamitin ang tabletang iyon dahil maaari kang masiraan ng ulo o mawala sa sarili o mabaliw kapag uminum ka ng capsule na iyon
bagay na pinapasalamat namin.
at sa wakas ay naging batas na nga iyon sa inyong mundo at kung sino man ang mahuling gagamit ng tableta ay maaring makulong at magmulta. kaya mula noon ay mas maraming tao na ang hindi na gumagamit ng tableta o kung tawagin niyo ngayon ay droga.