"Gian?!" Gulat na ani ni Yna nang buksan ang pinto ng tinutuluyang apartment ng makita si Gian na lasing at my hawak pa na bote ng alak. Walang tigil ang pagkatok nito sa pinto kaya madaling pinagbuksan ito ng babae.
"I thought you like me too." Panimula nito saka ito gumaralgal ng iyak na parang bata.
Inis ang bumakas sa mukha ni Yna. Nagpalinga-linga siya sa labas upang matiyak na walang nagagambalang tao dahil mag-aalas nuebe na ng gabi.
"Of course, I like you!" Pampalubag niya na sagot dito.
Napahinto naman ito sa pagsinghot at napatitig sa kanya.
"Talaga?!" Paniniyak nito sabay ang kakaibang kislap sa mga mata.
"Talaga dahil kaibigan kita." Matatag niyang sabi. "Halika nga!" Sabay hila niya sa braso nito papasok sa loob ng bahay. Bahagya pa itong nawalan ng balanse kaya napaakbay ito kay Yna. Inis na inalalayan naman ito ng babae paupo sa sofa.
"Yna.." Tila nagmamakaawa na naman nitong pagpukaw sa atensyon niya.
"Shine! Shine! Tawagan mo naman si Jerry o! Pkisabi sunduin na dito si Gian!" Tawag niya sa kaibigan na nasa kabilang kwarto lang. Simula kasi ng pareho silang magtrabaho sa ABM News ay umupa na sila ng apartment na magkasama para makatipid.
Agad itong nagbukas ng pinto at natatawang sumilipwat pinagmasdan si Gian na lasing na lasing.
"Oh my God! Si Gian pala 'yan? Bakit andito siya at nagkakaganyan yan?" Tila natatawang tumunghay din ito sa lalakeng nakatulog na sa sofa.
"Di ko rin alam kung anong problema nya. Tinatawagan mo na ba si Jerry?" Tanong niya sa babae.
"Oo kaso mahina signal. Sandali, labas lang ako." Dali-dali itong lumabas.
Naiwan si Yna na nakatunghay sa mahimbing na natutulog na si Gian.
"Yna..Yna..mahal na mahal kita..." Tila nanaginip na mahinang sabi nito.
Napabuntong-hininga na lamang siya. Mula first year college pa kasi ng aminin nito sa kanya ng lalake ngunit hindi niya sineseryoso ito dahil may pagkapabiro ito at pagka-happy-go-lucky. Ngunit ngayon ay tila nakaramdam ng pagka-guilty si Yna sa matagal ng panahong hindi niya pagpansin dito at pagbabalewala sa damdamin nito.
"Papunta na dito si Jerry." Ani ni Shine pagpasok.
"Haay, ano kasi nangyari? Hindi ba niya alam na si Daniel talaga ang sadya mo sa set at hindi siya?" Tanong nito.
Napailing na lamang si Yna at piniling humalukipkip hanggang sa pagdating ni Jerry. Dahil sa malaking lalake ito ay sandali lamang nitong naipasok sa kotse si Gian.
"Pasensya na kayo Yna dito sa kaibigan natin. Alam mo naman, masyadong malakas ang tama sayo ever since. Pagbigyan mo na kasi." Pabirong sabi ni Jerry habang nakaupo sa driver seat at hindi pa pinapaandar ang kotse.
"Why not? Basta tigilan na niya ang pagiging isip bata." Nakangiti niyang sabi sabay kindat dito. Napatawa naman ito saka ito nagpaalam at pinaandar ang kotse.
Habang umaandar ang sasakyan, unti-unti ng nagising si Gian. Nasapo nito ang ulo.
"Ok ka lang, pre?" Tanong ni Jerry.
Napabuga sa hangin si Gian. Imbis na sagutin ang tanong ni Jerry ay itinuon ang pansin sa mga ilaw ng mga gusaling kanilang dinaraanan.
"I've told you- Yna is not that easy to get. I've heard about Daniel Dhanes' issue at mukhang si Yna ang gumagawa noon. That's her style!" Tumatawang ani ni Jerry.
Nanatili lamang na tahimik si Gian na tila naaasar.
"Naalala mo pa nung binigyan siya nung isang Prof ng mababang grade, di ba nagpatulong pa siya sa tin nun na kalkalin ang buhay ni Mrs. Carlos at humanap ng maipanglalaban niya? Ng malaman nating may kabit siya, agad niyang sinabi sa admin. Ayun, napaalis siya sa college natin. That woman is very dangerous sometimes! Ha! Ha!" Pagpapatuloy nito.
"But I love her! Don't you see?!!!" Angil ni Gian.
Lalong lumakas ang tawa ni Jerry.
"I know. At pinapasabi niya, tigilan mo na daw ang pagiging isip bata at pagbibigyan ka na daw nya!" Natatawang sabi nito.
"Isip-bata ba ako?" Tanong ni Gian na tila kinakausap ang sarili.
"Ang ibig niyang sabihin ay magseryoso ka na." Sagot ni Jerry na tila naiinip na magbago ang kulay ng stop light.
"I am serious! I mean, ngayon alam ko iba na ako. I am ready na to take things seriously." Paliwanag niya.
"Then prove it to her, pare." Payo ni Jerry.