下載應用程式
58.82% TJOCAM 3: Secluded Feelings / Chapter 50: Vague

章節 50: Vague

Chapter 48: Vague 

Reed's Point of View 

 

Asul na mata pero mukha ni Haley ang aking nakikita. Na sa harapan ko na ang sagot pero pilit kong iniiwas ang katotohanan na pwede kong malaman. 

 

 Inalis ng babaeng nakatapak sa likod ko ang suot kong hoodie saka niya hinawakan ang kwelyo ko upang maiangat ako. "Ate!" Tawag ng babaeng na sa kama, si Haley 'to. 

 Napapikit ako dahil para akong nasasakal, hindi ako makahinga. Iminulat ko ang kaliwa kong mata upang makita ang babaeng na sa harapan ko. Walang emosyon ang mata niya, pero nando'n ang dilim ng aura niya. Mararamdaman mo kahit hindi mo nakikita. "Krr… Lara?" Banggit ko sa pangalan niya. 

 Wala siyang kibo pero nandoon na mismo ang sagot. "Pa'no-- Ackk" Humigpit ang hawak niya sa kwelyo ko kaya mas lalo akong nasasakal. 

 "Ano ang balak mong gawin at nandito ka?" Malumanay pero may diin na tanong. 

 "B-Bitawan mo muna ako, hindi ako makahing--" Napahawak ako sa mga kamay niya na mas humigpit ang hawak sa damit ko. Inaalis ko ito pero hindi ko magawang matanong. Ang lakas niya! 

 

 "Tigilan mo 'yan, Ate!" Pagpipigil ni Haley pero hindi siya pinagtuunan ng pansin ng babaeng na sa harapan ko. Gulong gulo ako ngayon, hindi ako makapag-isip ng tama. Wala akong ideya kung ano ang dapat na unahin. 

 Naramdaman ko ang pagtulo ng pawis sa aking pisngi kasabay ang patulak niyang pagbitaw sa akin. Napaupo ako sa sahig at sandaling napaubo. 

 Nang tumingala ako, nanlamig ang katawan ko noong tumambad sa aking ang baril. Suminghap si Haley na nasa kama at hindi nagawang makapagsalita, pero marka sa mukha niya ang gulat at takot. 

 Narinig ko ang pagkalas niya ng baril kaya mas imbes na makapagsalita ako, mas lalo akong hindi nakasagot. Mas nablanko ang utak ko kaya ang nangyari, sumugod na lang ako sa kanya ng basta't basta na hindi nag-iisip. 

 Itinulak at dinala ko siya sa pader habang akap ko ang kanyang beywang pero nagawa niyang makawala't sinipa ako sa pwet-an kaya tumama ako sa cabinet at bumagsak. Nahulog din ang iilan sa mga cabinet doon. 

 "Reed!" Tawag ni Haley. "Ate! Ano ba'ng ginagawa mo?!" Singhal ni Haley, samantalang dahan-dahan akong napahawak sa aking tuhuran upang makatayo pero inapakan na lang niya ako na siyang nagpabagsak nanaman sa akin. 

 "I won't hesitate to pull the trigger if you don't talk." Malamig niyang sambit habang nanatiling nakatutok ang baril sa akin na siyang nagpanginig sa mata ko. 

I'm not dying yet all my memories from the past suddenly flow right back to me, flash before my eyes. Is this what you called near death experience? 

 Napalunok ako ng sariling laway at napapikit nang mariin. 

"I-I-I heard someone's m-moaning!" I confessed. 

 Natahimik sandali ang paligid, naririnig ang kuliglig sa labas gayun din ang kung anong ibon na maririnig mo. Nararamdaman ko ang paunti-unting panlalamig ng tingin ng babaeng nakaapak sa akin kaya marahan akong napamulat upang tingnan siya. "Moaning?" Ulit niya sa sinabi ko. Marka sa kanya ang pagtataka. 

"Ah." Pareho kaming napatingin kay Haley noong mag react siya. Inilipat niya ang tingin sa pulso niya na namumula na dahil siguro sa kanyang pagkakagapos. "But it doesn't mean I'm moaning!" Pulang pula na wika ni Haley. Ibinalik ko ulit ang tingin sa babae na sa tapat ko. "Na-Nakita ko 'yung motor ng k-kaibigan ko. Nagkaroon lang ako ng suspetsiya na… may ginagawa sila ni Haley na hindi ko alam, kaya--" Naputol ang sinasabi ko. 

 "HUH?! ANO'NG GINAGAWA PINAGSASASABI MO?!" Malakas na singhal ni Haley na siyang nagpapikit sa akin. Nawala 'yung takot na nakita ko sa kanya kanina at pulang pula na nakatingin sa akin. "Siraulo ka talaga para talaga isipin 'yan, ano?! Ano ba kasing ginagawa mo, Lara?!" Paglingon ni Haley kay Lara kaya lumingon din pabalik sa kanya ang kanyang kapatid. 

 "I didn't do anything nonsense. Ewan ko sa taong 'to" Tukoy niya sa akin. "…ba't naisip niyang may ginagawa ako o ikaw sa kaibigan mo." 

 Naguguluhan talaga ako kung ano ang nangyayari. Ibig bang sabihin nito, hindi si Haley 'yung madalas naming kasama? 

 "P-Palagi mo kasing kasama si Jasper, kaya ano…" 

 Ibinabang muli ni Lara ang tingin sa akin 'tapos ay tumingala rin pagkatapos na animo'y nag-iisip. "Ah, 'yon ba?" 

 "Anong 'yon ba?!" Hindi makapaniwalang reaksiyon ni Haley. 

 

 Nakarinig kami ng malakas na yabag ng mga paa at ilang sandali noong magbukas ang pinto. "Ano 'yung ingay--" Bumagsak si Jasper nang ibato ni Lara sa mukha niya ang librong nakuha lang niya sa book shelves ni Haley. 

 Muli akong kinilabutan pero kaagad-agad din akong pumunta kay Jasper nang maialis na ni Lara 'yung paa niya sa likod ko. 

"Bro!" Tawag ko sa kanya at binuhat ang balikat niya. 

 Ibinaba na ni Lara ang kamay niyang nakataas kanina mula sa pagkakabato. "Ah, it's just you." Tukoy niya kay Jasper. 

 "Pa'no kung si Kei 'yung pumasok?" Natatarantang wika ni Haley. 

 Umupo naman si Jasper para ituro si Lara. "Sinungaling! Sinadya mo 'yon!" 

 Namilog ang mata ko. Bakit umaarte si Jasper ng ganito kahit nakikita niya kung ano ang nangyayari? "Alam mo?" Paninigurado ko kaya napatingin siya sa akin bago tumungo. Pero humawak din siya sa tuhod bilang suporta sa pagtayo. 

 "Mabuti at wala namang nangyari. Pero Lara. Naririnig na 'yung ingay n'yo sa labas. Baka may makarinig pa sa inyo." Pagbibigay alam ni Jasper at lumingon sa akin. Ipinatong niya ang kanyang kamay sa balikat ko bago niya muling ibinalik ang tingin kay Lara. "Ikaw na ang magpaliwanag. Na sa labas si Mirriam. Kailangan ko pang ihatid." Paalam niya at tinapik ako bago siya lumagpas at lumabas sa kwarto ni Haley. 

 Tiningnan lang niya kami?

 Tumungo ako. Sandali, sandali. K-Kung alam ni Jasper 'to, ibig sabihin… Ang rason kaya sila madalas magkasama dahil… 

 Tumingala ako para makita si Lara na walang gana na nakatingin sa akin. 

Pumasok lahat sa isip ko 'yung mga alaala na nangyari ng mga nakaraang araw. 'Yung pagbabago ng iilan sa personalidad ni Haley at ang mga inaakto niya na hindi ko maipaliwanag.

Iyong araw na nasa madilim kaming kwarto at ang ginawa niyang pang-aakit. 

Hindi maaaring si Haley ang gumawa ng mga 'yon, 'di ba? Kaya...

"Ikaw 'yung… nakakasama namin, simula nung makauwi ng retreat? At hindi si Haley?" 

 Sandaling hindi umimik ang babae na nakatayo bago humarap sa akin. "White lies can act as a lubricant sometimes, they say." aniya at gumuhit ng ngisi ang labi. "Yes, it's me. Laraley." 

***** 


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C50
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄