下載應用程式

章節 7: 7

"SAAN KAYO nagkakilala ni Yasser? Ilang buwan na kayo? Sino'ng nanligaw? Wait, may kapatid ba siya?" sunod-sunod na tanong ng mga kaklase ni Twynsta sa kanya, na sinundan pa talaga siya sa bench na pinuntahan niya. Ngayon nga ay napapaligiran siya ng mga ito sa bench para sa interview portion ng mga ito, na tatlong araw nang nangyayari.

Nang hindi siya kaagad nakasagot ay biglang may sumingit na isa pang nagtanong. "Sorry sa tanong kong ito, pero ginayuma mo ba siya? Kinulam? Dinasalan? Ano'ng ginawa mo para mabihag ang isang katulad ni Yasser?"

Gusto tuloy niyang mag-reklamo nang... 'Kung mataba ba ang isang tao, hindi na pwedeng magka-boyfriend ng guwapo?' Napailing na lang siya ng lihim. Hindi rin niya alam ang mga isasagot niya dahil hindi pa naman niya nakikilala si Yasser nang mabuti, ni hindi nga niya alam ang apelido nito, e.

"Nagkakilala kami ni Twynie sa gadget shop nila sa Mall," Nagulat siya at sabay-sabay silang lumingon nang biglang may nagsalita sa kanilang likuran. Twynie? Close na ba sila nito at may tawag na ito sa kanya? Mga family members lang ang tumatawag sa kanya niyon! "We've been together... since forever, of course ako ang nanligaw because I fell in love with her—you just don't know how beautiful she is; inside and out." Anito, kaya muling bumaling ang lahat sa kanya para tingnan siya. Kumabog ang puso niya sa sinabi nito—nahiling tuloy niyang sana ay totoo na lang ang nangyayari. Nahihiyang ngumiti siya sa mga kaklase niya bago binalingan si Yasser na tipid na nakangiti sa kanya, gusto niyang sawayin ito sa mga sinasabi nito, pero madami kasing taong nakapalibot sa kanya. Binigyan daan ng mga kaklase niya si Yasser para makalapit sa kanya. "And sorry guys, solo akong anak." Dagdag pa nito, na ikinalungkot ng mga kaklase niyang babae.

Umupo ang lalaki sa kanyang harapan. "Baka mas lalong dumami ang bashers ko mula sa mga admirers mo." Nakangiting bulong niya sa lalaki.

Hinawakan nito ang kamay niya at pinisil 'yon. "Don't worry, nandito naman ako." anito.

Sabay-sabay na napa-haay... ang mga tao sa paligid nila dahil sa sweetness ng lalaki sa harapan ng mga ito, hanggang sa sabihan ni Yasser na gusto na daw nitong mapag-isa silang dalawa, kaya nagsi-alisan na ang mga kaklase niya, meryenda break, kaya naroon siya sa isang bench para magmeryenda.

Mabilis niyang inilabas ang egg sandwich at hotdog sandwich. Inabot niya ang egg sandwich sa binata.

"'Uy, meron ako ulit?" nakangiting sabi nito, saka mabilis inabot ang sandwich nito. "Mukhang masarap."

"Egg sandwich 'yang sa 'yo, hotdog sandwich sa akin." Nakangiting imporma niya.

"Naabala ba kita sa pagpe-prapare nito?" tanong nito.

Mabilis naman siyang umiling. "Actually, dalawa talaga ang binabaon ko." Aniya.

Mabilis naman nitong ibinalik sa kanya ang sandwich na hawak nito. "Baka kulang mo pa." anito.

Hindi tuloy niya napigilang matawa. "It's okay. Saka hindi ako kumakain ng may mayonnaise dahil may allergy ako dyan."

"So, ginawa mo talaga ito para sa akin?"

Mabilis naman siyang tumango. "Ngapala, parang hindi ko nakikita 'yong kasama mo sa shop dati, si Brain?" pag-iiba niya ng usapan.

"Kilala mo si Brain?" nagtatakang tanong nito.

Mabilis siyang umiling. "Ni-resibuhan ko kasi, kaya naaalala ko 'yong name niya." nakangiting sabi niya. Ayaw niya ngang sabihin dito na s-in-earch din niya ang FB account nito—para mahanap ito. "Naalala ko no'ng first time na makita kita, hindi ka no'n namamansin."

"I'm not really a friendly guy." Anito.

"Really?" nagtataka naman niyang tanong, mukha naman kasi itong friendly—lalo na sa kanya. Tumango-tango ito bago nito binuksan ang sandwich nito at kumagat doon, nasiyahan ito sa masarap na sandwich na ginawa niya.

Siguro nga ay friendly lang ito sa kanya dahil gusto nito ng someone na magtataboy sa mga clingy girls na lumalapit dito. Pero bakit sa dinami-dami ng babae—siya pa ang napili? O baka dahil no choice na ito dahil kumalat na sa school ang chismis na boyfriend niya ito—kaya imbes na maghanap pa ito ng iba, pinatos na lang ang ilusyon niya.

"Bakit nga pala ako ang pinakilala mo sa iba na boyfriend mo?" mayamaya ay tanong nito na halos ikaubo niya, mabuti na lang at may dala siyang tubig sa bag niya. Tinulungan din siya ni Yasser na hagurin ang likuran niya at mabilis nitong binuksan ang tubig niya. "Are you okay?" tanong pa nito.

Kinalma na muna niya ang sarili bago nag-isip nang isasagot sa lalaki. Hindi kasi niya pwedeng sabihin dito na dahil nagkaroon siya ng crush at first sight, dahil nahihiya siya.

"I-Ikaw lang kasi 'yong lalaking meron sa phone ko, kaya ikaw na 'yong pinakilala ko. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin sa kanila na si Justin Bieber ang boyfriend ko dahil baka mas lalo akong pagkatuwaan." Paliwanag niya.

Tumango-tango naman ito. "So, 'yong pictures natin ay nanggaling sa selfie natin sa shop n'yo last time?" anito, na mabilis niyang tinanguan. "And you like JB?"

Mabilis siyang tumango at ngumiti. "I love him so much."

"Why JB of all artists in the world?" parang may kalakip na disgusto sa gawi ng pagsasalita nito.

"Why not? He's a very good singer, dancer, composer and a person."

Natawa ito at umiling. "Really?"

"Oo naman, mabait pa siyang anak." Aniya. Basta talaga kay Justin Bieber, ipagtatanggol niya ito kahit sa husgado pa. Naalala niya one time may kinaaway siya sa FB dahil hater ito ni JB at panay ang paninira nito sa idol niya. "Are you a JB hater?" mayamaya ay tanong niya.

"I'm not a hater, I just don't like him." Pagtatapat nito.

"Kung gano'n, sino'ng singer ang gusto mo?"

"Bryan Mcknight."

"Ah, okay." Sabi na lang niya. Magaling nga namang singer ang sinabi nito, pero JB loyalist lang siya. "So, nasaan na nga si Brain?"

"You like Brain?"

"Ha?"

"Nag-aaral sa ibang school si Brain."

"Ibang school? Bakit hindi ka na lang sumama sa kanya sa school niya? O siya sa 'yo? Are you friends?"

"Why are you so curious about him?" nakita niya ang pagkunot ng noo nito.


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C7
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄