下載應用程式
25.31% My Beast Boss / Chapter 20: 19. The Unexpected

章節 20: 19. The Unexpected

Ilang oras na rin akong nag-hihintay dito sa lounge area at mukhang hindi pa rin sila tapos.

Ewan ko ba pero parang display lang ako dito at akala ko pa naman ay marami akong gagawin dito sa conference pero parang aso ako dito na basta nalang iniwan ni Logan.

Kanina pa ako pabalik-balik sa kakalakad, napapagod na rin ako no. Paano ba naman kasi, hindi maalis sa isip ko yung pag-mumukha nung Logan na 'yon.

Ewan ko ba, pero hindi lang eto yung unang beses na basta-basta nalang siya nanghihimasok sa isip ko. Walang permiso. Nababahala rin ako sa sinabi niya kanina. Hindi ako mapakali. Pinag-lalaruan ko yung mga kamay ko, para akong nadudumi na ewan. Jusko! ano-ano na bang sakit ang dumapo sakin? Kasalanan 'to ni Logan eh!

Tumingin ako sa maliit na orasan na naka-patong sa ibabaw ng maliit na table sa gilid.

Mag-tetwelve na rin ng hapon. Buti nalang at busog na ako, kundi baka maabutan ako dito ni Logan na naka-bulagta na sa sahig. Binalikan ko kasi yung pagkain ko kanina dito nung umalis na si Logan. Sayang naman kung hindi ko kakainin saka baka sitahin pa ako dito na nag-kakalat. Ang ganda at linis pa naman nitong lounge area. Puro tinted ng glass at naaninag mo sa labas yung view, at napaka-linis tingnan.

Umayos ako ng upo ng makita ko ang presensiya ni Logan na naglalakad na papalapit sakin. Bale, nasa loob kasi ako at naaninag ko siya sa labas na naglalakad dahil sa made of glass din ang mga pader at dingding. Kasunod ay, bumukas na yung pinto.

Humugot ako ng malalim ng namataan ko na siyang nasa harap ko at naka-pamulsa. Habang bahagyang akong naka-yuko.

"Follow me. We should not talk about it here." pag-uutos niyang sabi. Hindi ko nalang siya tinignan at kusa na akong tumayo.

Hindi ba niya alam na kinakabahan ako sa kanya? Baka sa panginginig ng tuhod ko ay mata-pilok pa ako dito lalo na't may heels yung suot ko.

Nag-bukas yung pinto at siya namang paglabas namin mula sa lounge area. Hindi pa man kami nakaka-layo ng makasalubong namin yung mga iilang taong nakasama ata ni Logan sa meeting kanina.

Medyo may katandaan na rin yung ilan sa kanila at yung iba ay parang kasing-edad lang ni Logan.

Nabigla ako ng bigla akong hawakan ni Logan sa kamay ng lumapit sa kanya yung isang matandang lalaki at kina-usap siya nito.

"Oh, Mr. Logan. By the way, I forgot it tell to you awhile ago, about what we have discussed. Would you like to proceed it or not?" masaya niyang sabi kay Logan.

Tumikhim muna si Logan bago nagsalita. "I'll think of it first Mr. Lim. I just have something to fix so that it would be better if it is.." aniya at pagkuwa'y ngumisi siya dun sa kausap niya.

Bago pa tumugon yung kausap niya ay napadapo naman ang tingin nito sakin, hindi niya maalis ang tingin niya sakin sabay kay Logan.

"Oh, is this your secretary Mr. Figueroa? Why did you brought here there a while ago?" napansin kong sumilay ang bahagya niyang pag-ngisi.

Bakit ang usisa niya? Parang may gusto ata 'tong sabihin si tatang ha? O may gusto ata sakin. Nako. Huwag naman sana, hinihintay na siya ng lupa na tabunan siya.

Gusto kong bumitaw sa pagkaka-hawak niya pero mas hinigpitan pa niya iyon.

"She's not just my secretary, she's my girlfriend rather." matapang niyang sabi.

Parang nag-iinit yung buo katawan. Napa-yuko nalang ako at hindi ako umimik.

"Well, please excuse us sir. We'll have to go." Sabay humakbang na paalis si Logan habang hawak-hawak pa rin yung kamay ko. Hindi ko na rin nakita kong anong naging reaksyon nung Mr. Lim.

Hays. Bakit ba ako ginaganto ni Logan?

Dun ko namalayan nang inangat ko ang ulo ko ay nasa loob na pala kami ng elevator at may iilan ring kaming naka-sabay. Masyado nang nilulumot yung utak ko. Hindi ko na napapansin yung mga baga-bagay.

Hanggang sa marating na namin yung first floor at pagdaka'y lumabas na kami sa loob ng elevator. At hindi pa rin ako mapakali sa sarili ko. Parang gusto ko pang magka-hawak kami ni Logan ng kamay at parang kinikiliti ako. Abnormal na ata ako.

Dahil sa masyadong lutang ang isip ko, hindi ko napansin na may naka-bunggo ako.

"I-im sorr--"

Hindi ko pa tapos sasabihin ko ng makita ko kung sino yung naka-bunggo ko. Parang natigilan ako sandali, napahinto naman si Logan sa paglalakad at mukhang napa-tingin siya sakin.

"Oh, Marsha right? It was just a minutes when we met.." pagkasabi niya nito ay lumapit siya unti sakin.

No Steve! Patay talaga ako nito kapag mas lalo ka pang lumapit. Jusme! doble-doble na babayaran ko kay Logan!

Sa halip na kausapin at pansinin siya ay tumalikod nalang ako at nagsimulang yayain si Logan na umalis. Nakita ko sa mukha ni Logan na parang nag-hahalimaw na naman yung mukha.

"Oh, Mr. Figueroa. Nice seeing you again." Nakita ko ang pag-baling ng tingin ni Logan kay Steven. Napansin kong naging kalmado ang kanyang aura.

"Oh, you're here Mr. Montefalco." mapang-asar niyang sabi sa halip na batiin rin ito pabalik.

Napataas ang kanang kilay ko. Magka-kilala sila? Pero paano?

Umayos sa pagkaka-tayo si Steven at puma-mulsa ito ng humarap samin ng diretso.

"Well, I'll just wanted to see someone. But now I see it." naka-ngisi nitong sabi. Nakita ko ang pag-baling niya ng tingin sakin.

Biglang kumabog ang dibdib ko. Jusko. Patay talaga ako nito kay Logan. Tumakbo na kaya ako? Or ibaon ko nalang sarili ko ngayon?

Sinubukan kong magsalita kahit na kabado na ako. "A-ahh..hehe. Pasensiya na pero may pupuntahan pa kasi kami, k-kaya excuse me..." utal kong sabi. Sana naman tumalab yung mga magic words ko.

Bago ko pa talikuran si Steven ay nakita ko ang pagkunot-noo nito. Sinulyapan ko si Logan na halata sa mukhang nagtataka. Sinubukan kong ngitian siya at sabay niyaya ko siya na umalis na. Pero bago ko pa siya mahatak, may boses na nagsalita sa likuran ko.

"Don't you want me to see, Marsha? Oh, well I'm sorry if I immediately left you there. I--" pinutol ni Logan ang sasabihin sana ni Steven ng nagsalita ito.

"Oh, I see there's something happened that I didn't know. Am I?" sabay tingin niya sakin at halata sa mga mata niya na nag-aalab na ito sa galit pagkasabi niya niyon. Sabay tumingin siya kay Steven.

Patay ka talaga Marsha! Ihanda mo na yung ari-arian mo pambayad kay Logan! Ganito ba kapag maganda? pinag-aagawan ka ng dalawang guwapong nilalang? Joke. Okay pa si Steven eh, pero si Logan. Hmm, Sige i-konsidera na natin na guwapo sa paningin ng mga bulag. Joke. Oo na aaminin ko, guwapo talaga siya. Pero halimaw.

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Kailangan ko na atang i-impake yung mga ari-arian ko.


創作者的想法
Maiden_pinkish Maiden_pinkish

hello guys!!!

I hope you like this chapter!!!

rate

send gifts

comments!!

thank you guys!!

happy 10k!!!! love lotss!!!

Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C20
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄