下載應用程式
86.15% TJOCAM 2: The Authentic Love / Chapter 56: Track

章節 56: Track

Chapter 53: Track 

Kei's Point of View  

Pumasok na nga si Reed sa sasakyan ganoon din si Harvey na nagsusuot na ng seatbelt sa pwesto niya. Si Reed ulit 'yung magda-drive para sa oras na ito, 'tapos mamaya si Harvey ulit.  

"Okay na lahat?" Tanong ni Harvey nang hindi lumilingon sa amin dahil inaayos niya 'yung pagkakakabit nung seatbelt niya.

Tumingin ako sa pwesto ng kapatid ko. "Pero wala pa si Haley." Sagot ko kaya bigla namang lumingon si Reed at Harvey.

"Wala pa?" Takang sabi ni Reed.

Tumaas ang kilay ni Harvey. "Eh, nauna na 'yun bumalik, ah?"  

Umismid naman si Mirriam. "Baka naman kasi inasar nanaman nung isa diyan kaya ngayon, ayaw niya pang bumalik?" Duda ni Mirriam habang nakatingin kay Reed na may panghihinala sa kanyang mukha.

Tinuro ni Reed 'yung sarili niya. "B-Bakit ako?" Hindi makapaniwalang tanong nito kaya hinampas ni Harvey 'yung likod niya.

"Dali, hanapin mo." Maangas na udyok ni Harvey.   

Nagsalubong ang kilay ni Reed. "Hindi naman maaasar 'yun ng dahil lang sinabi ko kanina."

"Ano ba sinabi mo?" Tanong ni Jasper.

Humawak si Reed sa batok niya't namula rin ang kanyang mukha. Dahil sa ginagawa niyang itsura, 'di ko na mapigilang mapahagikhik. "I told her that she's cute. Pero binawi ko rin pagkatapos." Pagkibit-balikat ni Reed kaya binato siya ni Mirriam ng rolled tissue.

"Napaka torpe mo, Reed! Huwag kang mag-iiiyak diyan kapag naunahan ka ni kuya Jin, ah!" Inis na sambit ni Mirriam kaya inis din siyang tiningnan ni Reed at tinuro siya.

"B-Biased ka lang, eh!"

Malalim na nagbuga ng hininga si Mirriam. "Kung hindi lang talaga kita kaibigan, matagal pa lang, tinulungan ko na 'yung kuya ko para madalas ko ring nakikita si Haley." Rinig kong sabi ni Mirriam sa likod, pero mukhang 'di nagawang marinig 'yun ni Reed.

Binuksan ko ang pinto ng kotse. "Ako na lang ang maghahanap sa kanya." pagkusa ko.  

"Sama na ako." Lalabas din sana si Harvey dahil tinatanggal na niya 'yung seat belt pero pinigilan ko siya.

"Dito ka na lang." Wika ko kaya napatigil siya. "Nandiyan diyan lang naman si Haley, babalik din kami. Saka may bibilhin na rin ako sa convenience store. Naubusan kasi ako ng wet wipes." Ngiti kong sabi at lumabas na nga ng sasakyan.  

Nagsimula na nga akong maglakad para hanapin siya. Hindi naman ako lumayo-layo dahil wala rin namang pwedeng puntahan si Haley rito. Kung aalis ka sa lugar na ito, high way na.

Kumunot-noo ako dahil wala talaga akong mahagip na Haley kahit saan ako magpunta. Pumasok na rin ako ng convenience store pero wala rin siya ro'n kaya bumalik ako sa banyo't sinilip ang bawat stall. "What?" Paanas kong reaksiyon dahil kahit sa kahuli-hulihang stall ay wala ring tao. Muli akong lumabas sa banyo ng girls at tiningnan 'yung banyo ng boys.

Ngumiti ako ng pilit. Sigurado naman akong wala siya riyan.

Naglakad na nga lang ako pabalik sa sasakyan. Baka nandoon na rin si Haley.

Habang naglalakad ako, bumaba ang tingin ko sa lapag nang may mapansin akong isang bagay.

Nilapitan ko iyon at yumuko para damputin. "This is…?"

Reed's Point of View  

"Subukan mo ngang tawagan 'yung phone ni Haley. Wala akong load, eh." Sabi ko kay Jasper kaya kinuha naman niya 'yung cellphone niya't tinawagan nga si Haley. Wala kasi kaming mga load dito, eh. Si Mirriam naman, kauubos lang daw.

Naghintay pa kami ng ilang segundo nang mapanguso si Jasper.

Inilayo niya 'yung phone sa tainga niya. "Wala rin pala akong load."

"You're hopeless." Parang napapagod na sabi ni Mirriam kasabay ang kanyang paghawak sa kanyang noo.

 

"Hindi ko naman kasi kailangang mag load. Mayro'n namang wifi." Sagot ni Jasper.

Bigla naman kaming nakarinig ng ringtone kaya sinundan namin 'yung tunog at huminto ang tingin namin sa bag ni Haley. "Galing sa bag ni Haley." Sambit ni Harvey.

"Hindi niya dinala phone niya?" Tanong ni Jasper habang namimilog ang mga mata.

"Nakikita mo naman, 'di ba? Gunggong ka talaga." Pamimilosopo ni Mirriam.

"Eh, malay mo cellphone ni Kei? Pinatago niya kay Haley?" Hindi siguradong teorya ni Jasper kasabay ang pagbukas ng pinto kung sa'n bumungad sa amin si Kei. Hawak-hawak niya ang cellphone niya na nakadikit sa kanyang tainga, mukhang siya 'yung nagpapa-ring sa cellphone ni Haley.

Bakas sa mukha niya 'yung pag-aalala niya nang ibaba niya 'yung phone niya't inilabas ang wallet. Kung hindi ako nagkakamali, galing yan kay Haley.

Lalo pa't may pusa pang disenyo iyon.

Binuksan pa ni Kei 'yung laman nung wallet para ilabas ang I.D ni Haley sa Enchanted University. "Wala siya rito."

Haley's Point of View  

Takip takip ko ang mukha ko habang 'di makapaniwala na naiwan ko 'yung phone ko sa bag. 'Yung wallet ko, mukhang nahulog ko yata sa kung saan.

Wala namang problema sa akin na hindi ko 'yun dala dahil hindi rin naman ako makakabili pero nandoon iyong I.D ko!

Maganda pa naman ako ro'n. Ayoko ng mag retake kung hindi rin naman magiging maayos ang kuha ko sa I.D ko.

Narinig ko ang pagbungisngis nung lalaking na sa passenger seat. "Ano? Natatakot ka na ba ngayon, ha? Tama 'yan, matakot ka dahil 'di mo alam kung ano ang pwede naming gawin sa 'yo kapag may kahina-hinala kang gagawi--" Sinipa ko 'yung upuan na nasa harapan kaya nagulat 'yung tatlong lalaking ito samantalang napasigaw sa gulat 'yung pangit na lalaking na sa harapan ko.

"Sino ka ba para katakutan ko, ha?" Nanggigigil kong tanong.

"M-Manahimik ka diyan, babae! H-Hindi ba't gusto mong dalhin ka namin kay boss?" Nauutal na tanong nung katabi ko na mahahalata mo ring natatakot sa akin. Sa kanya ko naman itinuon ang atensiyon ko, binigyan ko siya ng nakamamatay na tingin.

"Huh?" Tanging naging reaksiyon ko kaya umurong siya palayo sa akin.

"K-Kami 'yung dapat na manakot sa 'yo, eh." Paanas pero sapat lang para marinig ko ang sinasabi nung katabi kong ito.

Umayos na nga lang ako ng upo 'tapos ibinaba ang tingin sa aking mga kamay.

Kailangan ko pa bang matakot sa mga ganitong sitwasyon? Ilang beses na akong napupunta sa panganib. Ngayon pa ba ako matatakot?  

Muli kong inangat ang tingin para tingnan 'yung mga punong nadadaanan namin. Hanggang sa tingnan ko na nga lang din ang sarili ko sa repleksiyon ng salaming ito.

Iniisip ko lang kung bakit may mga bagay sa buhay natin 'yung dumarating tulad nito. Kumbaga, ito lang 'yung mga nababasa ko sa isang libro o napapanood sa TV pero hindi ko rin inaasahan na mangyayari sa akin 'to.

Kung magiging isang character ako sa isang libro, ano kaya ako? Main protagonist? Supporting?  

Humalukipkip ako 'tapos nagbuga ng hininga. 'Di ko muna siguro dapat iniisip 'yung mga gano'ng bagay.

Kahit naman sabihin nating mukhang loser 'tong mga kasama ko ngayon, wala pa rin akong ideya, kung kailan 'yung next wave. Kaya mas maigi kung matutulog na muna ako hanggang sa marating namin kung nasa'n si Ray.

Sana nga lang, maisip ni Reed 'yung tracking device. Kasi kung hindi, pare-pareho nanaman kaming mapupunta sa panganib.

Kinuha ko ang panyong puti na may disenyo ng pusa sa bulsa ko't tinitigan iyon. Ito 'yung panyo na galing kay Reed, dinala ko 'to as lucky charm.

Higpit kong hinawakan ang panyo at pumikit. "Mabuti na lang, at 'di kita naiwan sa kung saan."   

Kei's Point of View

Hindi pa rin kami umaalis sa pwesto namin at nandito pa rin kami sa gasolinahan at nakatayo sa labas ng sasakyan. Nag-iisip kung saan namin maaaring makita si Haley.

"Paano natin masisigurong kinuha nga siya?" Kunot-noong tanong ni Reed. Gusto lang talaga niyang isipin na nandito lang si Haley, kita ko 'yun sa mukha niya.

Nilingon siya ni Harvey. "Mayro'n ka pa bang naiisip kung nasa'n siya ngayon?" Tanong niya na nakasandal sa sasakyan. "Kanina pa siya wala, oh?" Dugtong niya.

Humalukipkip si Mirriam at tumingala para mag-isip. "Wala naman din akong napansin na may kotse kanina, mukha ngang tayo pa lang ang nakakarating dito ngayong araw." Sabi niya noong maibaba ang kanyang ulo

Hindi lang ako nagsalita. May ideya ako pero hindi ko alam kung ano iyon.  

"No, may nakita akong kotse kanina, dumaan pa 'yun kung nasa'n ang sasakyan natin." Saad ni Jasper na may seryoso sa kanyang mukha. "Baka nandoon si Haley."  

Nag marka na sa mukha namin 'yung takot at pag-aalala. Samantalang nanginginig naman si Mirriam na napatingin sa simento. "D-Dapat ba sinabi na lang natin 'to sa magulang natin?"

Umiling-iling si Reed, tila parang hindi rin alam kung ano 'yung iisipin. "Hindi ko alam. Hindi ko rin alam."

Nanahimik pa ako sandali. I don't wanna feel pathetic at this moment and let my gloominess affect me also ngayon pa man ding nag-iisip na ang mga kaibigan ko't nag-aalala. Kung pangungunahan ako ng negativity ngayon, we'll both get down together. Hindi kami makakaisip sa pwedeng gawin.  

Huminga ako ng malalim. Kung sakali mang si Ray ang kumuha kay Haley kaya wala ang kapatid ko ngayon, saan siya posibleng dalhin?

'Di kami pwedeng maghintay rito at walang gawin, mas lalo namang 'di namin pwedeng patagalin at dumating sa punto na si Ray pa ang tatawag sa cellphone ni Haley.

It's like, the past will repeat itself.

Nagsimula na akong manginig dahil sa gano'ng kaisipan. No, calm down, Kei.

Alam mong mayro'n pang pwedeng paraan para mahanap namin si Haley ngayon.

…pero paano? Ano iyong pwedeng maging paraan?  

Malalim akong nag-isip nang maalala ko 'yung sinabi ni Reed kagabi noong makatulog na si Haley.  

"Siya nga pala, may binanggit ba si Haley sa 'yo tungkol sa tracking device? Humingi kasi siya sa akin ng bagong model ng device ko pero wala naman siyang sinabi kung saan niya gagamitin, pero naisip ko na baka may kinalaman 'yun sa paghingi mo ng code sa akin." Naalala kong tanong ni Reed dahil pinag-usapan ulit namin 'yung tungkol sa gusto ko sanang mangyari.

Nanlaki ang mata ko 'tapos nilapitan kaagad si Reed para hilahin siya sa loob ng sasakyan. "O-Oy! Bakit--"

"Nasa'n iyong laptop mo? Dala mo, tama?" Sunod-sunod kong tanong na tinanguan naman niya bilang sagot.

"O-Oo, sabi kasi ni Haley. Dalhin ko ra--" Natigilan siya at mukhang mayro'ng na-realized. "Don't tell me…" He paused. Kinuha niya kaagad 'yung laptop niya mula sa bag at binuksan iyon.

Binuksan nila Jasper 'yung pinto para malaman 'yung ginagawa namin. "Ano'ng nangyayari?" Walang ideya na tanong ni Jasper.

Sinilip naman ni Mirriam 'yung laptop ni Reed na ngayo'y ino-open na rin ang Tracking System.

Hinihintay lang namin 'yung ginagawa ni Reed nang may pindutin siyang isang button sa gilid ng screen matapos buksan ang files ni Haley sa record nung system ni Reed.

Nag pop ang isa pang tab kung sa'n nakikita namin 'yung pulang bilog na mabagal kung gumalaw. Nakalagay rin do'n ang location.

Nagulat si Reed samantalang sumeryoso naman ang paraan ko ng pagtingin sa screen. "I knew it…"  


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C56
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄