下載應用程式
76.92% TJOCAM 2: The Authentic Love / Chapter 50: Harvey’s Darkest Secrets

章節 50: Harvey’s Darkest Secrets

Chapter 48: Harvey's Darkest Secrets

Kinuha ng binatang police ang kanyang telepono nang makalabas siya sa mansion ng Villanueva para tawagan ang nakatataas sa kanya. Hinintay niya ang ilang pag ring nito bago may sumagot.

"Ano'ng balita?" Boses ng lalaki ang sumagot nito.

Tumango naman ang police na tumawag. "Yes, sir. Hindi na sila kailangan pang bantayan. Mukhang hindi sila ang totoong pakay ni Ray Gonzales kaya parang naglalaro laro na lang ang mga batang ito." Lumingon siya sa mansiyon ng Villanueva. "Parang gusto lang nila 'yung idea na mayro'ng nagbabantay sa kanila. Mga lintek talaga na anak ng mayaman."

Narinig ng binatang police ang pagbuntong-hininga nung kausap niya. "Sige, bumalik na kayo rito sa opisina, sabihan mo na 'yung iba mong mga kasamahan diyan. Marami pa kayong trabaho na kailangang asikasuhin, hindi n'yo pwedeng sayangin oras n'yo kakabantay sa mga batang 'yan."

Harvey's Point of View

"Kasama ba sa sa organisasyon kung saan kabilang si Ray?" Bakas sa mukha ko 'yung takot at gulat. She found out. Alam na niya na isa ako sa dahilan kaya nangyayari 'yung mga ganitong bagay sa amin.

Unti-unti akong tumungo. "Pwede ba tayong mag-usap?" Paanas kong tanong pero sapat lang upang marinig niya 'yung sinasabi ko. Maliban sa wala na talaga akong lakas magsalita, kulang din talaga ako sa tulog.

 

Nakita ko ang kanyang pagtango. "Okay, pero kumain ka na muna." Pag-abot pa niya nung pagkain ko. Tiningnan ko naman iyon 'tapos walang nagawa kundi ang kunin.  

***

SA BALCONY pa rin kami pumunta ni Haley para mag-usap. Hindi ganoon kainit, sa halip ay napakahangin pa nga rito ngayon kumpara dati pero siguro kasi uulan mamaya.

Makulimlim nanaman kasi 'yung ulap.

"Will you believe me if I told you that I joined the fraternity because of my stupidity?" Tanong ko sa kanya nang hindi siya tinitingnan sa kanyang mga mata. Nakababa lang 'yung tingin ko sa mga police na nasa labas ng mansion at nagbabantay.

Kahapon ko lang din talaga nalaman 'yung nangyari kina Haley, nakikinig ako sa mga usapan nila nang hindi ako nagpapakita sa kanila.

"Nakwento mo nga sa akin, and I believe you. Recently ko lang din talaga na-realize at naalala 'yung sinabi mo sa pagsali mo sa infamous fraternity na iyon. At pinag connect ko 'yun sa intentions ni Ray noong malaman namin na may galit siya sa 'yo." Litanya niya at humarap sa akin. "Ano ba'ng mayro'n sa organisasyon nila? Talaga bang nagagawa nilang pumatay?"  

Kumuyom ang kamao ko sa naging tanong ni Haley 'tapos pumikit para ikalma ang sarili. "Hindi ko alam kung pumapatay sila, pero nagawa nilang pahirapan ang isang tao ng mga ilang araw."

Flash Back

Umalingawngaw ang maingay na sigaw ng lalaki habang nakagapos siya ro'n sa inuupuan niya. May duct tape ang kanyang bibig at pinaglalaruan ng tatlong kasamahan namin sa pamamagitan ng pananampal nito ng paulit-ulit sa kanyang pisngi.

Halos mangiyak din siya lalo noong maglabas ng malaking centipede ang isang lalaki.

Nanginginig ang mga mata kong nakatingin doon, hindi makapaniwala sa aking pinasukan.  

"M-Maawa kayo sa 'kin!" Humahagulgol na pagmamakaawa nung lalaki. Hindi ko 'yun nakayanan kaya habang busy sa katuwaan ang mga tao sa organisasyon na iyon ay lumabas ako. Sumuka ako nang sumuka lalo na kapag naaalala ko 'yung mukha ng lalaking iyon kapag pinapahirapan.  

Pinunasan ko ang labi ko kasabay ang pag-akbay ng kung sino. "Masasanay ka rin sa ganito, bro. Pero buti naman at nagawa mong pumayag na mapabilang dito?" Nilingon ko ang lalaking iyon.

"Ray." Tawag ko sa pangalan niya. Matanda siya sa akin ng limang taon. College pa yata siya.

Ngumisi si Ray. "Matutuwa ka talaga rito. Ilang babae ang makukuha mo maliban sa milyon milyong pera. Mayaman ka naman na, kaya siguro babae na lang ang kulang sa buhay mo. Matitikman mo na 'yung totoong langit, kaya hintayin mo lang. May racket tayo mamayang gabi."

Hindi ako nakapagsalita at nakatingin lang sa kanya. Ngunit kinagabihan, pumunta kami sa isang lugar na hindi talaga ako pamilyar. 'Di masyadong matao sa lugar pero napakaingay talaga ng paligid.

Maririnig mo kaagad 'yung ingay ng tugtog sa hindi kalayuan.  

Pumasok kami sa isang inaakala kong salon. Laking gulat nang makita ko ang nangyayari sa loob nito. Iba't ibang babae ang mga nakapatong sa lalaki, 'yung iba naman ay mga nakaluhod sa harapan ng mga lalaki para isubo ang gusto nilang isubo.

Hindi kaagad ako nakagalaw sa kinatatayuan ko at napatingin kaagad kay Ray. "A-Ano 'to? Nasa'n tayo?" Nauutal kong tanong.

Nauuna na siyang maglakad sa akin nang lumingon ito. Gumuhit ng ngisi ang labi niya 'tapos inabutan ako ng isang business card pagkalapit niya sa akin.

Binasa ko iyon. "Pink Prostitution?" Basa ko ro'n sa card 'tapos inangat ang tingin kay Ray.

"B-Bro. Pass na 'ko rito." Nag-aalanganin kong sabi pero inakbayan lang niya ako.

"Ngayon ka pa aatras? Nandito na tayo, oh? At isa pa, virgin ka pa, 'di ba?" Nguso niya sa thing na iyon kaya tinakpan ko 'yon. "Hindi ka ba curious kung ano ang pakiramdam? Ayaw mo ba? May advantage ka na kaagad ngayon pa lang na mabata bata ka pa?" Tanong niya sa akin, hindi ko napapansin na nama-manipulate na niya ako sa salitang binibitawan niya. "Okay lang 'yan, wala namang ibang makakaalam dahil tago rin itong lugar na 'to. Kapag nalaman 'to ng mga police, lagot din tayo." Paliwanag niya at tinapik-tapik ang balikat ko. "Kaya tara." Yaya na niya sa akin 'tapos dinala ako sa isang kwarto.

Ipinasok ako sa Red Room kung tatawagin. Ang totoo, gusto ko na talagang umuwi at umalis sa lugar na ito, sa organisasyon na 'to. Tutal, wala namang nakakaalam kung saan ako nakatira, kaya safe ako.

Sadyang 'di ko lang talaga inaasahan na mapapasok ako sa ganitong sitwasyon.  

Pumasok na ang isang babae na walang suot-suot na kahit na anong damit maliban sa kanyang underwear. Lumapad ang ngiti niya nang makita ako. "Ang swerte ko naman yata na bata ang matitikman ko ngayon." Dinilaan pa niya ang labi niya para akitin ako.

Umatras ako ng dahan-dahan. "M-Miss. Hindi, dinala lang nila ako rito. Pero ayoko 'to."

"Binayaran ka na nung kasama mo, hindi naman pwedeng wala akong gawin sa 'yo dahil trabaho ko iyon." Pag-akyat niya sa kama para gumapang palapit sa akin. Napansandal na ako sa pader, wala na akong pwedeng pag-atrasan. "Isa pa, minsan lang ako makakita ng batang katulad mo. Baka gusto mo namang pagbigyan ako?" Malandi itong humagikhik. "Huwag kang mag-alala. Hindi ka magsisisi na ako ang makakasama mo sa gabing ito." Patuloy niya sa pang-aakit sa akin.

Sinimulan na niya akong hubaran. Hindi na ako nakapalag dahil maliban sa takot na nararamdaman, huli na ang lahat. Bago ko pa man nalaman, nagawa na niya ang dapat na gawin sa akin.  

Maraming dugo ang tumulo sa akin nung araw na iyon dahil sa abnormalities ko-- 'yung Gynophoia dahilan para mahilo ako.

At kinabukasan noong makauwi ako sa bahay. Wala akong kinausap na kahit na sino, hindi rin ako kumain o lumabas sa kwarto ko. Pakiramdam ko kasi ay napakarumi kong tao. Hindi ko deserve mabuhay at gusto ko na lang din talagang mamatay na lang.

Gusto kong magwala, gusto kong sumigaw para mawala 'tong bigat sa dibdib ko. Ngunit hindi ko magawa, hindi ko alam kung paano. Pinapalibutan na ako ng dilim, kaya kahit na ano ang gawin ko para hanapin ang liwanag ay hindi ko magawa.  

Ngunit isang araw, nagulat ako dahil malakas na hampas ang narinig ko mula sa pinto. Mukhang pinupokpok iyon ng kung sino. "Harvey!" Tawag ni Kei sa akin. Paulit-ulit iyon pero hindi ko pa rin siya pinansin.  

But Kei is the only person who can make me leave an impression. Umakyat siya sa pamamagitan ng ladder para makapasok sa bintana ko na palaging bukas.

'Di kasi ako makahinga kung masyado akong kulong.  

Nakaupo ako sa kama ko at namimilog ang mata na nakatingin kay Kei na galit na galit na nakatingin sa akin. "What are you doi--"

"Why do you have to carry all your burdens by yourself?! When time gets rough, it's fine to depend on others, isn't?!" Iyan kaagad 'yung isinigaw niya sa mukha ko pagkakita niya sa akin matapos ang ilang araw na 'di ako nagpakita sa kanila. "I want to be help to you however I can! Pero kung ayaw mo talagang sabihin kung ano ang nangyayari sa 'yo, sasamahan kitang sumigaw sa isang lugar para mawala 'yang bigat sa dibdib mo." Pumikit siya nang mariin. "Huwag mo namang pinapabayaan sarili mo!"

Iniisip ko dati, para lang siyang matanda na mahilig mangielam sa ibang tao.

Pero nang bigla siyang pabagsak na lumuhod para hawakan ang kamay ko kasabay ang pagtulo ng luha niya, may init at lungkot na naramdaman ang puso ko.

Bigla ring pumasok sa isip ko na, ayoko na siyang makitang umiyak ulit ng dahil sa akin.

Ipinatong ko pa ang isa kong kamay sa mga kamay niyang nakahawak sa kamay ko. "I'm sorry."

Tama lang pala talaga 'yung desisyon kong umalis sa fraternity na iyon. Hindi na dapat ako magpapa-impluwensiya

End of Flash Back  

Nangako ako sa araw na iyon na gagawin ko ang lahat para lang baguhin ang sarili ko, basta hindi lang 'to malalaman ni Kei dahil pwedeng magbago ang tingin niya sa akin. Kung pwede nga lang ay kalimutan ko na lang ang pangit na nakaraan, ginagawa ko na.

Subalit mukhang hindi sang-ayon ang tadhana dahil binabalikan pa rin ako ng madilim na alaalang iyon. Ngayon ay nagiging realidad na, mga kaibigan ko naman ang hinahabol ng mga walang kwenta kong desisyon noon.  

Kei's Point of View

"Teka, sir. Ano po'ng ibig n'yong sabihin?" Naguguluhan kong tanong dahil katatawag lang daw nung nakatataas sa kanila at sinabing pinapabalik na raw sila sa area nila. 'Tapos na raw ang pagbabantay nila sa amin, ni hindi pa nga umaabot ng dalawang araw!

"Iyon lang ang sinabi sa amin. kaya mauuna na po kami." Pagpapaalam ng police bago siya tumalikod sa amin. May sinasabi pa kami pero hindi na nila kami nagawang lingunin o pansinin.

"Tsk! Parang ngayon lang ako naniniwala kay Reed na wala talagang maitutulong ang mga police." Naiiritang sabi ni Mirriam. "Kampante sila na walang mangyayari sa 'tin? Saka pa'no nila nasabing alam na nila 'yung lokasyon ni Ray, eh, hindi pa nga nila napupuntahan 'yung lugar na 'yun!?"

Narinig kasi namin ang usapan. Hindi raw sila pamilyar sa nabanggit na lugar pero hindi raw ito lalayo mula sa siyudad na ito.

Napatingin naman kay Jin noong magsalita ito. "Sa ngayon, huwag na lang muna siguro kayo maglalalabas kung hindi kinakailangan. Hangga't maaari ay ro'n din kayo sa lugar na maraming tao." Dumikit ang kilay niya. "Hindi natin alam, baka na sa tabi-tabi lang din 'yung taong 'yon." Tukoy ni Jin kay Ray na tinanguan namin.

Hinilot-hilot ni ate Yiah 'yung noo niya bago pumunta sa kusina para siguro uminum ng tubig. "Iniisip kong umalis na muna sa lugar na 'to habang hindi pa natatagpuan ng mga police si Ray, pero ano ang gagawin natin? Paano kung hanapin nanaman niya tayo kahit na lumayo pa tayo sa lugar na 'to?" Parang natataranta na tanong ni Jasper.

Bumaling ang tingin ko. "Hindi pwedeng siya ang makahanap sa 'tin." Panimula ko kaya pare-pareho silang napatingin sa akin. "Tayo ang hahanap sa kanya."


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C50
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄