Chapter 36: Terminate
Harvey's Point of View
Kausap ni Kei ngayon 'yung mga tao sa registrar samantalang inaayos ko naman ang attendance ng bawat guro. Nang matapos kong gawin ang pag-aayos ay tumayo na ako dahil nakakaramdam na ako ng uhaw, kailangan kong bumili ng inumin.
"Thank you." Rinig kong magalang na pagpapasalamat ni Kei ro'n sa kausap niya.
"Kei, bibili lang ako ng maiinum natin, ano'ng gusto mo?" Tanong ko nang umalis na ang kausap niya. Lumingon ito sa akin habang yakap yakap iyong libro niya na binigay lang kanina nung secretary dito.
Ngumiti siya. "Water." Tinanguan ko siya bago ako lumabas para pumunta sa Vending Machine.
Dalawang tubig na 'yung kinuha ko dahil gusto ko ring uminum ng kape dahil inaantok na rin talaga ako. Maliban sa puyat ako, kaninang umaga pa kami sa loob ng office.
Kasama kasi ito sa practices ni Kei kung sakaling siya ang maghahawak ang E.U sa hinaharap. Sinamahan ko lang siya dahil wala rin naman akong gagawin.
Ipinasok ko sa bulsa ang kaliwa kong kamay kasabay ang pagyuko ko para kunin 'yung inumin.
Nag vibrate bigla 'yung cellphone na nandoon sa kanan kaya kinuha ko iyon at tiningan 'yung tumatawag. Naka silent lang ako dahil na sa office nga ako.
"Bakit bigla 'tong napatawag?" Taka kong sabi habang tinitingnan ang caller sa screen. Si Irish kasi ito. Nagbuga ako ng hininga bago sinagot ang tawag. "Ano'ng problema mo?" Tanong ko.
"Talagang ito ang bungad mo sa 'kin, eh 'no?" Sagot niya. Tumayo na nga lang ako at tumingin sa hindi kalayuan. Hinihintay 'yung sasabihin niya. "Tanong ko lang. Hindi ba't nasabi mo nga sa akin na nagkaroon ng amnesia 'yung kaibigan mo?" Tukoy niya kay Haley. "What was she like before? Ano ang pinagkaiba nila sa kilala n'yong Haley ngayon?"
"Bakit mo tinatanong?" Taas-kilay kong tanong.
"Gunggong ka ba? Pa'no ko malalaman kung may progress iyong ginagawa ko kung hindi ko alam kung ano iyong siya sa ngayon?" Pamimilosopo niya sa akin. Napaka ingay na babae.
Pumikit ako sandali. "Malalaman mo rin 'yon. Huwag ka ng tumawag."
"Wai--" Binabaan ko na siya ng tawag 'tapos bumalik na nga lang sa office.
Irish Deserie Ocampo. 3rd year high school ngayong school year.
Napagtanto kong naging kaklase niya iyong kambal kong pinsan na si Trisha at Trixia sa dati niyang school sa labas ng city na 'to.
Kung tatanungin n'yo ako, iyong dalawang pinsan ko na iyon ang naging dahilan kaya ako nagkaroon ng Gynophobia. Mabuti nga ngayon medyo um-okay na 'yung abnormal disease ko dahil kung nagkataon, baka hindi na talaga ako makakalapit kay Kei.
Nalaman ko rin pala na kasalukuyang nagta-taekwondo ang babaeng iyon ngayon sa Taekwondo Training Center. Nandoon din ang dalawa kong pinsan dahil nabanggit nga ni Irish sa akin ang pangalan nila, kaya nga hangga't maaari ay sinabi kong huwag niyang sabihin na kilala niya ako dahil siguradong pupuntahan nila ako kaagad-agad para torture-in ako.
Bigla namang tumaas ang mga balahibo ko. "Dammit."
Binuksan ko na 'yung pinto kung saan si Kei kaagad ang nakita ko. Nakaupo lang siya sa isang tabi at mukhang natapos na rin sa ginagawa. Pumasok na ako at inabot sa kanya 'yung tubig niya.
Inangat niya ang tingin sa akin at nginitian ako. "Thank you, Harvey."
Umupo na nga lang ako sa upuan kaharap niya.
Wala siyang alam sa ginagawa ko kasama si Irish. I bet, kapag sinabi ko sa kanya magagalit lang siya sa akin dahil tutol din siya sa gustong mangyari ni Reed noon.
Ayaw niyang ini-stress 'yung kapatid niya-- pero hindi ko sinasabing gusto kong stress-in si Haley.
Ito lang iyong tanging alam kong paraan para hindi ko nakikitang mag suffer si Haley.
Binuksan ko ang takip ng mineral water ko nang mapansin kong matamlay si Kei.
Ibinaba ko iyong iniinum ko at tinitigan siya. "Napagod ka ba?" Tanong at tukoy ko sa ginawa namin dito sa office.
Marahan siyang tumango. "Maybe. Wala rin akong tulog kagabi, eh."
Halata nga rin, maitim kasi 'yung ilalim ng mata niya.
Sumanda ako sa pader na nasa side ko't nagbuga ng hininga. "Magpalipas muna tayo ng ilang minuto tapos uwi na tayo nang makapagpahinga ka na. Wala ka naman na sigurong ginagawa, 'di ba?" Tanong ko sa kanya na tinanguan niya.
"Right. Ibabalik ko lang din 'yung mga papers sa loob, baka mawala pa." Pag-angat ko sa mga hawak kong attendance ng mga teachers at maglalakad na sana noong hawakan niya ang kamay ko.
Ibinaba ko ang tingin ko, kung saan nakikita ko iyong mapang-akit na mukha ni Kei dahilan manliit ang tingin ko.
"You're becoming pretty dangerous lately." Sambit ko.
"Eh?" Takang reaksiyon niya.
"Are you trying to seduce me?" I asked her with a blank expression on my face.
Namula naman siya at mabilis akong binitawan. "Now you're teasing me."
Nginisihan ko siya. "Babalik ako, sandali lang." Paalam ko at pumunta sa principal's office. Gagawa rin kasi siya ng report tungkol dito.
Kumatok ako sa pinto saka binuksan ito para pumasok. "Excuse me. Ito na po iyong mga attendance na pinagawa n'yo. Pinagsunod-sunod ko na rin po iyan." Pag-abot ko ng mga papers at brown envelope na formal din niyang kinuha sa akin. Nagpa-salamat siya na tinanguan ko lang, pagkatapos ay nagpaalam na rin akong umalis para puntahan si Kei bagama't tinawag niya ang pangalan ko kaya bago ko pa man pihitin ang door knob ay napatigil na ako't lumingon sa kanya.
Humarap din ako pagkatapos. "Bakit, Ma'am?"
"What are your plans after you graduate college? Magpapakasal ka na ba 'agad kay Montilla?" Tukoy niya kay Kei. "Pa'no kung hindi kayo para sa isa't isa?" Tanong niya sa akin. Llanes ang apilyedo ng principal namin na ito at mayro'n akong pakiramdam na 'di talaga niya ako gusto para kay Kei, malamang sa pamangkin niyang si Christian iyong gusto niya para sa girlfriend ko.
Humph. Talk about money.
Binigyan ko siya ng inosenteng ngiti. "Edi gagawa ako ng dahilan para maging kami sa huli." Simpleng sagot ko at tinalikuran siya. "Gano'n lang ka-simple, Ma'am." Dagdag ko at kumaway nang hindi siya tinitingnan upang lumabas sa room niya.
Pumunta na ako sa harapan ni Kei. "Uwi na tayo."
Tumingala siya at dahan-dahang tumayo. "Y-yeah." Sagot niya at inilayo ang tingin.
Sinilip ko ang mukha niya, ang weird na ng babaeng ito.
"May problema ba? Kanina ka pa wala sa sarili. Baka naman may lagnat ka?" Tanong ko at hinawakan ang noo niya. Hindi naman din siya mainit, sakto lang 'yung temperature niya.
Inalis niya ang kamay ko sa noo niya at tumungo. "Harvey." Tawag niya sa pangalan ko. "I have something to tell you."
"Hmm?"
***
NAKALABAS NA KAMI sa office at sa ngayon ay na sa loob kami ng kotse ko. Nakaupo lang din siya sa tabi ko't hinihintay ang sasabihin niya.
"Kei. Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo na." Pagbabasag ko sa katahimikan.
Wala pa ring bumubuka sa bibig niya at tahimik pa ring nakatitig sa kanyang kandungan.
Lumingon ako sa kanya at muling tinawag ang pangalan niya. "I think..." Panimula niya at mas lalong yumuko kaysa kanina. Hirap na hirap siyang sabihin dahil napapakuyom ang kamao niya't nanginginig.
Hinawakan ko ang kamay niya. "It's alright. Kung ayaw mo pang sabihin, huwag na muna. Makakapaghintay 'yan."
Humarap siya sa akin pero hindi pa rin niya inaalis iyong pagkakatungo niya. Hinawakan niya rin ang mga kamay ko't sandali itong hinawakan ng mahigpit.
Ngunit binitawan din niya ako pagkatapos at inangat ang kanyang ulo na may desididong tingin sa kanyang mata. "We have to end our relationship"
Miles' Point of View
Napatingin ako sa study table ko nang bumagsak ang picture frame dahil sa alaga kong pusa. "Hala. Ano ba 'yan, Chummy. Ang likot mo." Umalis ako sa kama ko at kinuha iyong nabasag na photo frame namin ni Kei. "Geez..."
Harvey's Point of View
Hindi ako makagalaw sa inuupuan ko't nakatitig lamang kay Kei na ngayon ay muling nakayuko.
Gusto kong magsalita, pero hindi ko magawa. Para akong nangelo lalo na't mabilis na tumitibok ang puso ko.
Lumabas siya sa sasakyan ko ng walang paalam, nanlaki ang mata ko't dali-daling inalis ang seatbelt ko para habulin siya. "Kei, sandali." Pagpapatigil ko sa kanya. Wala talaga akong maintindihan sa sinasabi niya kaya parang pakiramdam ko ay ang bilis niya kung lumakad dahil hinang hina rin ang mga tuhod ko sa narinig ko. "Kei!" Mabilis kong paghawak sa mga braso niya.
"Bakit ka nakikipag break sa akin? At kailangan? Bakit? May ginawa ba akong mali?" Sunod-sunod kong tanong. Ngunit malayo pa rin ang tingin niya, hindi niya ako magawang tingnan diretsyo sa mata kaya nainis ako. "If you're just teasing me, stop it. You're already hurting me."
Bumaling na siya sa akin kung saan nakikita ko ang galit sa mata nito pero makikita mo ang nangingilid niyang luha. "Do you think I'm joking? I'm serious, Harvey."
Bumuka ang bibig ko't mas lumuluwag ang pagkakahawak ko sa braso niya. "I don't understand. Bakit? Ano ba'ng ginawa ko? Bakit ka nga nakikipag break sa akin?" Naguguluhan kong taong. "Bakit, Kei? BAKIT?!" Malakas na sigaw ko. Hindi ako makaiyak pero hindi ako makahinga sa nangyayari. "May ginawa ba akong masama?" Paanas kong tanong na sapat lang para marinig niya.
Tumulo na iyong luha na kanina pa niya pinipigilan saka niya inalis ang hawak ko sa kanya. "Wala, wala kang ginagawang masama, Harvey. Wala..." Pag-iling niya.
"Then why?" Ulit ko pang tanong dahil hindi niya sinasagot iyong tanong ko. Gusto kong malaman kung bakit niya ito ginagawa sa akin. Bakit kailangan niya akong saktan ng ganito, hindi naman yata pwede iyong ginagawa niya sa akin. Ayoko ng ganito.
"I'm sorry, I'm sorry." Paulit-ulit din na paghingi niya ng tawad bago siya mabilis na umalis sa harapan ko.
Hindi ko na nagawang habulin siya dahil hinang-hina ako. Hindi ma-sink in sa utak ko iyong pangyayari.
Sawa na ba siya sa akin kaya niya ito ginagawa? O baka may hindi ako alam na ginawa ko na hindi niya nagustuhan? May kulan ba sa akin? May iba na ba siyang mahal?
Ano ba 'yong mga hindi niya sinasabi sa akin?
Maraming katanungan sa isip ko pero ni isa ro'n, wala akong mahanap na sagot.
Napatingala na lang ako dahil pakiramdam ko ay babagsak na ang mga luhang namumuo sa aking mata. "F*cksh*t, bakit?"
Sorry. Sa mga nakabasa na nung last chapter. Pwede n'yo bang balikan iyon para basahin ang point of view ni Kei sa last part? Hindi kasi siya na-save kaya wala noong nai-update ko siya last time. Thank you!