下載應用程式
95% Just Hold Onto Destiny's Grasp / Chapter 57: Decision

章節 57: Decision

Caelian

Patagilid na nakasandal ako sa pader kung saan malapit sa bintana ng kuwarto ko. Nakatingin lamang ako sa puno ng mangga na nakikisabay sa ihip ng hangin. Huminga ako ng malalim. Tatlong araw na ang nagdaan nang huli kong masilayan si Damien. Hindi man ako nakatanggap ng text o call mula sa kanya, at kapag ako naman ang nagte-text ay wala akong natatanggap ng reply at hindi niya rin sinasagot ang mga tawag ko.

"Mommy, where's daddy?"tanong ni Baby Abdiel sa akin. Ngayon ay buhat buhat ko siya dahil abala sila ate Caelyn na mag impake ng mga gamit nila. Babalik na kasi sa bahay nila.

"Y-You're daddy is busy in his work. Why? You missed your daddy?"untag ko sa kanya at mahinang kinurot ang pisngi niya.

"Yes, I missed my daddy"nakangusong sambit ni Baby Abdiel at namumula na ang mata dahil sa nagbabadyang luha. Sa nakalipas na dalawang taon ay naging close si baby Abdiel at Damien kaya naman ngayon na wala si Damien dito ay talaga naman ma-missed siya ng bata.

Dumating na si Ate Caelyn at si Kuya Gerwyn na dala dala ang mga bag nila. Kinuha na sa akin ni Ate Caelyn si baby Abdiel.

"Nasaan si Damien? Hindi siya darating?"tanong ni Ate Caelyn sa akin at umiling na lang ako. Hindi ko alam ang isasagot sa kanila.

"Ipakamusta mo na lang kami sa kanya, Caelian. Sabihin mo kamo na handa kaming magbigay ng maliit na tulong para sa treatment niya"sambit ni kuya Gerwyn at sumang ayon naman si Ate Caelyn. Maliit na napangiti ako. Nakuwento ko na sa pamilya ko ang nangyari sa Zambales at nalaman nila na may Acute angle-closure Glaucoma si Damien, lahat sila nag aalala sa kanya.

Lumapit sa akin si Ate Caelyn at mahigpit na niyakap ako, may parang humaplos sa puso ko at namasa ang mga mata ko.

"Alam kong nasasaktan at nahihirapan ka rin, pero dapat maging matatag ka. Naniniwala ako na malalagpasan niyo pareho ang problema na 'to"usal niya at tinapik tapik ang likod ko.

Ang tatlong araw na hindi naman pag uusap at pagkikita ay umabot na ng dalawang linggo. Hindi ko na natiis na maghintay ng reply at pagsagot ng tawag ko sa kanya kaya tumayo na ako upuan at kinuha ang jacket ko. Nakasuot ako ng manipis na shirt sa loob at black pants.

"Saan ka pupunta?"tanong ni Kyrine sa akin na kakapasok lang ng kuwarto ko. Dala dala niya ang tray na may laman na pagkain. Kanin, ulam na tinolang manok at juice. Ibinaba niya iyon sa study table ko.

"Sa bahay nila ni Damien"nagmamadaling sambit ko at kinuha ang maliit na back pack, maglalakad na sana ako palabas ng hinila ako ni Kyrine sa pulsuhan at hinarap sa kanya.Bakas ang galit at pagkainis sa mukha niya.

Huminga siya ng malalim at problemadong problemado na tumingin sa akin.

"Pupunta ka sa bahay niya? Na ganyan ang itsura mo?"tanong niya na tiningnan at tinuro ang kabuuan ko"Nakuha mo bang tingnan ang sarili mo sa salamin, ha, Caelian? Gusto ko lang ipaalam sayo na ang itim na ng ilalim ng mata mo. At tingnan mo ang katawan mo, nangangayat ka na dahil hindi ka kumakain ng maayos. Gusto mo ba talaga magpakita sa kanya ng ganyan, ha?!"madiin na sabi sa akin ni Kyrine. Napayuko ako.

"P-Pero, k-kailangan niya ako"mahinang sagot ko kay Kyrine.

"Kailangan mo rin alagaan ang sarili mo"sambit ni kyrine sa akin at umangat ang tingin ko sa kanya.

"G-Gusto ko lang malaman kung kamusta na siya, dalawang linggo na akong walang balita sa kanya, Kyrine"nanghihinang sabi ko.

"Kasama naman niya si Abram at magulang niya, magsasabi naman sila kung may nangyaring masama kay Damien"nagpintig ang tenga ko sa sagot niya kaya bago ko pa nalaman ay malakas na nasampal ko siya.Narindi ako, ayaw tanggapin ng tenga ko ang sinabi niya.

"Walang mangyayaring masama kay Damien!"sigaw ko sa kanya. Nanlalaki ang mata ni Kyrine sa akin habang hawak ang pisngi niya"Girlfriend niya ako! Kaya may karapatan ako na alamin ang kalagayan niya! Walang pwedeng dumikta sa gagawin ko, kahit sino at kahit pa ikaw!"galit na sigaw ko sa kanya ngunit isang malakas na sampal ang natanggap ko kay Kyrine.Tila malamig na tubig na iyon na nagpagising sa buong katauhan ko. Ramdam ko ang pagbaba at pagtaas ng dibdib ko.

"Girlfriend ka niya pero hindi ikaw ngayon ang kailangan niya! Kasi kung ikaw nga, hindi ka na mag aabalang mag text at tumawag sa kanya dahil siya na mismo ang gagawa no'n!"mas doble ang galit na sigaw niya sa akin at parang pana sa akin ang lumabas sa bibig niya.

Mabuti na lang ay wala si mama at papa rito, dahil ayaw kong masaksihan nila ang unang pag aaway at sigawan namin ni Kyrine.

"Alam mo, hindi ko alam kung gusto mo ba talagang tulungan si Damien o dagdagan lang ang problema niya. Sa totoo lang, naguguluhan na ako kung ikaw ba o si Damien ang mabubulag dahil kung makaasta ka, parang ikaw ang biktima. Ang gulo gulo mo. Sinasabi mo na gusto mo siyang tulungan pero ang kinikilos mo ay iba sa sinasabi mo"walang prenong sambit ni Kyrine sa akin at unti unti iyon iniintindi ng utak ko at ang patalim no'n ay dumiretso sa puso ko.

"Kung gusto mo talaga siyang tulungan, tigilan mo ang pagiging biktima mo at umpisahan mong tulungan ang sarili mo na bumalik sa dati. At kapag nangyari na iyon, wala ng pipigil sayo, kahit ako, bibigyan pa kita ng red carpet papunta sa bahay nila Damien"seryosong sambit niya at umalis na sa harapan ko.Naitakip ko ang dalawang palad ko sa mukha ko.

Katulad ng sinabi ni Kyrine ay kumakain na ako kahit hirap na hirap akong lunukin at pinipilit ko na rin matulog ng maaga. Pagkatapos ng isang linggo ay bumabalik na ang dating katawan ko kaya hinayaan na ako ni Kyrine na bumisita sa bahay nila Damien.

"I'm sorry, Kyrine"malungkot na sabi ko sa kanya. Nagsisisi talaga ako sa mga sinabi ko at pag sampal ko sa kanya.

"Ano ka ba! Normal lang naman sa magkaibigan ang mag-away minsan, magtaka ka kung hindi tayo mag-away dahil siguradong nagplaplastikan na tayo no'n"usal niya at niluwagan niya ang kamay niya"Halika ka nga dito, payakap nga sa maldita kong kaibigan"nakangiti niyang sabi at lumapit ako sa kanya saka siya niyakap.

Nasa harap ako ng bahay nina Damien ngayon at inaamin kong nanabik at medyo kinakabahan akong makita siya dahil halos tatlong linggo na kaming hindi nagkikita.

Kumatok ako sa mini gate nila at nakita kong bumukas ang pintuan nila sa loob saka niluwa non si Abram. Nakita ko ang pagkagulat niya nang makita ako. Lakad takbo siyang naglakad at binuksan ang mini gate.

"C-Caelian? Woah. Kumusta?!"sambit ni Abram at mabilis na niyakap ako. Nakangiti naman akong kumawala sa yakap niya.

"Si D-Damien? Nandiyan ba siya?"nauutal na tanong ko. Napawi ang ngiti ni Abram at nag-aalala naman ako.

"Hindi ko alam saan nagpupunta ang taong iyon, e"napakamot siya noo"Maaga siyang umaalis at hating gabi na siya umuuwi, simula nong may nangyari sa Zambales, h-hindi namin siya makausap nila tita at tito"sagot ni Abram at dumaan ang lungkot sa mata ng binata kahit nakangiti ito.

Ibig sabihin ako huling nakausap niya?

Pumunta ako sa lumang building kung saan paborito namin tambayan ni Damien at umaasa na makikita siya doon. Gumuhit ang ngiti sa labi ko nang makita ko siya. Nakatayo siya at nakatingin sa malayo subalit ng makita ko ang itsura niya ay nawala ang ngiti ko. Wala man luha sa mga mata niya ay kitang kita ko ang kalungkutan na bumabalot sa pagkatao niya. Miss na miss ko siya. Gusto ko siya yakapin ngunit pakiramdam ko ay wala akong karapatan. Hindi pa ito ang tamang pagkakataon. Kaya pinigilan ko ang sarili ko at pinakuntento ang sarili na pagmasdan lang siya mula sa malayo.

Araw araw ay pumupunta ako roon para samahan siya, simula alas sais ng umaga at alas onse ng gabi.Hindi niya man ako nahuhuli kaya malaya akong nakakapunta roon at natitigan siya.

Isang araw ay pumunta si Abram sa bahay. Nasa sala siya at binigyan ng meryenda ni mama.

"Abram, anong meron?"tanong ko sa kanya at umupo sa sofa na katabi niya.

"Gusto ka raw kausapin ni Damien. Magkita raw kayo sa paborito niyang lugar"sambit niya at nagulat ako.

"Totoo?! Mag uusap na kami?!"gulat na tanong ko at ramdam ko ang saya sa dibdib ko, tumango si Abram bilang sagot. Sa wakas! Magkikita na rin kami. Isang buwan na kasi hindi kaming nag uusap. Napatingin ako kay mama at nakangiti siya sa akin.

"Pagkatapos niyo mag-usap, papunta mo siya rito, anak. Sabihin mo na magluluto ako ng paborito niya"sambit ni mama sa akin at mas lumawak ang ngiti ko. Lumapit ako kay mama at mahigpit na niyakap siya.

Pinunasan ko ang bumagsak na luha sa pisngi ko at pumilit na ngumiti. Ayaw kong makita ako ni Damien na umiiyak. Umaakyat na ako sa hagdan ngayon papunta sa pinaka mataas ng palapag ng lumang na building.

Nasa harap kami ng bahay nila Damien ngayon at aalis na sana ako ngunit hindi ko gusto ang itsura na pinapakita sa akin ni Abram. Ang lungkot lungkot niyang nakatingin sa akin imbes na maging masaya siya kasi kakausapin na ako ng kaibigan niya.

"A-Abram, bakit? Pansin ko na wala ka sa usual na sarili mo.. ayos ka lang ba?"tanong ko sa kanya.

"C-Caelian, kahit anong sabihin ni Damien ngayon, gusto ko sanang intindihin mo siya. Mahal na mahal ka ng kaibigan ko, iyon ang bagay na sigurado at saksi ako"sambit ni Abram sa akin.

Nakita kong nakatagilid si Damien at nang maramdaman niya ang presensya ko ay lumingon siya sa akin. Sa wakas ay napagmasdan ko na rin siya ng buo, nangangayat si Damien, wala na rin ang ngiti sa mga labi niya at sa layo ko sa kanya ay ramdam ko ang bigat na dinadala niya.

Lumapit ako kay Damien at mahigpit na niyakap siya. Pumikit ako at pinakiramdam ang sarili ko sa bisig niya. Ito ang lugar na paborito ko dahil pakiramdam ko ay pag aari ko ito at ito ang munting mundo ko. Nang makuntento ay lumayo na ako sa kanya.

Tinitigan ko ang bawat parte ng mukha ni Damien. Mula sa kilay niyang makapal, mata niyang nakakahalina, matangos na ilong, malambot at namumulang labi. Kailanman ay hindi ako magsasawang titigan ang mukha niya.

"T-Today, Damien will break up with you"nauutal na sabi ni Abram sa akin.

Namuo ang luha sa gilid ng mga mata ko. Hindi ko akalain na darating kami sa punto na ito.Noon, kapag sumasagi sa isip ko na matatapos rin ang araw na masaya ako sa piling niya ay agad kong binubura dahil hindi ko gusto ang isipin na iyon. Ngunit, ngayon na mangyayari na ay hindi ko alam kung anong dapat maramdaman ko. Dapat ba akong masaktan o malungkot o magmakaawa o umiyak. Ngunit isa lang ang sigurado ako, kung ano man ang desisyon niya ay iintindihin ko siya.

"May gusto ka bang sabihin sa akin?"mahinahon na tanong ko. Gusto kong pasalamatan ang sarili ko dahil kahit na kumikirot ang dibdib ko ay nakuha kong magsalita ng hindi pumipiyok.

Hindi muna siya sumagot at pinakititigan ako sa mga mata. Halo halo ang nakikita kong emosyon sa mga mata niya. Nasasaktan, nahihirapan at nag dadalawang isip. Huminga siya ng malalim.

"Aalis na ako sa Pampanga"sambit niya sa akin at napatango tango ako.

"Saan ka pupunta?"tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam. Pero, alam kong malayo sayo"sagot niya sa akin at napansin kong namamasa na ang mga mata niya katulad sa akin. Konting tulak na lang ay sabay na kaming luluha pero pilit namin pinipigilan.

"Anong gagawin mo sa malayo?"untag ko ulit sa kanya.

"Doon ako magpapa-treatment at gusto ko rin magpakalayo layo"sagot ni Damien sa akin.

"Oh? Okay"simpleng sagot ko sa kanya. Hindi na ako masyado nagtanong dahil sapat na ang sinabi niya.

"May gusto ka bang sabihin sa akin?"tanong niya sa akin at ngumiti ako habang umiiling.

"Wala man. Ikaw ba, may gusto ka pa bang sabihin sa akin?"balik tanong ko naman sa kanya.

Umawang ang labi ni Damien at napalunok siya.Gumagalaw ang labi niya na parang may gustong sabihin ngunit walang lumalabas na salita. Pansin na pansin ko ang pagdadalawang isip niya. Ngunit sa dulo, nakuha niya pa rin ang magsalita.

"C-Caelian, I want to end this relationship"sabi ni Damien habang nakatingin ng diretso sa akin"I'm breaking up with you"sambit niya sa akin kasabay ng pagbagsak ng luha niya.

Lumanghap ako ng hangin nang maramdaman ko ang patalim na tumusok sa dibdib ko. Ang sakit. Ang hapdi. Ang kirot.

"O-Okay"maikling sagot ko na nakangiti at dumaloy ang luha sa pisngi ko.

"T-This will not be good to our relationship. Mas lalo lang kitang pahihirapan. You know how much this photography means so much to me. At pagtuluyan na itong mawala dahil sa sakit na 'to.... Baka pati ikaw ay mawala sa akin or mas worse ay ako ang... mawala ng tuluyan sayo. Kaya kahit mahal kita at mahal mo ako, this won't do anything lalo na't taksil ang sakit na 'to. Kaya mas mabuti pang pakawalan kita.. pakawalan natin ang isa't-isa kesa sa dalawa sa atin ang masaktan ng todo. It will definitely not good for the both of us. And this break up will be the best resort to save you atleast, Caelian"nasasaktan na paliwanag sa akin.

"N-Naiintindihan ko. M-Mahal kita, kaya iintindihin kita"tumatangong sagot ko at nakangiti ngunit may bumabagsak na luha sa mga mata ko.

Nasasaktan siya. Nasasaktan ako. Pareho kaming nasasaktan ngayon.

Akala ko noon, ang masakit na pakikipaghiwalay ay kapag 'yong taong mahal mo ay may minahal na iba o isang araw nagising na lang siyang hindi ka na niya mahal.Subalit ngayon, nalaman ko na ang pinaka masakit na pakikipaghiwalay ay ang paghihiwalay kahit na mahal na mahal niyo pa ang isa't isa.

Tumunog ang cellphone ni Damien at may binasa siyang text message doon. Pagkatapos basahin ay tinago niya iyon sa bulsa niya at muling tumingin sa akin.

Nanginginig na nilagay niya ang dalawang kamay niya sa magkabilang pisngi ko .

"Kailangan ko nang umalis" malungkot na anunsyo niya sa akin.

Ito na, aalis na siya pero...

"Babalik ka pa ba? Babalik ka diba?" Umaasa kong tanong sakanya habang hawak ang kamay niya na nakalagay sa pisngi ko.

"Walang kasiguraduhan ang pagbalik ko. I'm sorry." Sagot niya sa akin at kumirot ang dibdib ko ngunit ngumiti ako.

"Maghihintay ako" seryosong sambit ko sakanya.

"Hindi. Huwag. Masasaktan ka lang sa paghihintay na iyan. Hindi na ako babalik." muling sagot niya sa akin. Ramdam ko ang mas lalong paghapdi ng dibdib ko.

"Sshh. Maghihintay parin ako sayo. Hayaan mo kong hintayin ka, Damien." Determinadong sagot ko sakanya dahil ramdam kong babalikan niya ako kahit sinasabi niyang walang kasiguraduhan sa lahat. Muling tumulo ang luha ko at pinunasan muli ito ni Damien.

"Sige maghintay ka. Pero, sa oras na maramdaman mong hindi na ako babalik, tumigil kana sa paghihintay"sambit niya. At kahit masakit ay tumango ako bilang sagot.

Gumuhit ang maliit na ngiti ni Damien habang pinagmamasdan ang buong parte ng mukha ko. Ang mga mata niyang sumisigaw na mahal niya ako ay may halo ng kalungkutan ngayon.

"I love you so much, Damien" buong pusong sambit ko sa kanya kasunod non ang paghalik ko sa noo niya. Matagal at ramdam ang emosyon sa halik na iyon. Napapikit ako at napatulo ang luha. Ito ang huling halik na maibibigay ko sa mahal ko. Halik na tanda na maghihintay ako sa kanyang pagbabalik.

Sa pagdilat ng aking mga mata at pag alis mula sa paghalik, ay unti-unti ng naglakad paalis si Damien. Lumuluha kong pinanood na lumayo sa akin ang lalaking mahal na mahal ko. Wala man akong nakuhang sagot sakanya pero sapat na maiparamdam ko sa kanya ang lahat ng emosyon at pagmamahal ko.

Damien, hihintayin kita.


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C57
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄