下載應用程式
16.12% Crowned Assassins / Chapter 5: Chapter 4

章節 5: Chapter 4

Paglagpas na paglagpas ko sa door frame ng hall, ang excited na si Ara ang sumalubong saakin. Hindi ko na agad ito nakwentuhan dahil imbes na sagutin ko ang mga sunod-sunod na namang tanong nito ay mabilis ko itong hinila palayo sa gusaling iyon. Nalukot ang mukha ng kaibigan ko habang nagmamadali kaming lumayo sa hall. Walang nagawa si Ara kundi magpatangay sa malakas kong paghila sa kanya, alam nitong may kailangan na naman kaming iwasan gaya ng dating nakagawian namin –ang umiwas at lumayo sa gulo, sa atensyon ng karamihan.

Nang makalayo na kami at nasiguro kong hindi na kami nasundan ng mga alagad ni Phelan Vargas, hinayaan ko nang magpumiglas si Ara at gumiyang sasagutin ko na lahat ng tanong na nakalista sa utak niya. Gaya ng dati, nakakunot na naman ang noo nito habang nakataas ang kanang kilay na sinabayan ng paghalukipkip ng kanyang mga bisig at paglusong ng makapal niyang labi. Sa oras na ganoon ang naging reaksyon ng babae, alam ko nang humihingi na ito ng detalye ng mga pangyayari.

"He did not like my piece," I voluntarily spilled the issue. 'Yon lang ang nagawa kong sabihin sa kaibigan nang makahanap kami ng malaking sasakyang mapagtataguan sa may parking area ng university.

Knowing Ara, she would dig deeper. It's like, looking for diamonds after a bar of gold has been dug out. Kaya hindi na ako nagtaka nang nagtanong pa ito tungkol sa nangyari sa aking audition. "He did not like your piece? That's it? He did not like the song that you rehearsed for a month that's why were running like we're hunted? Really sis?"

"He...he," hindi ko maituloy ang sasabihin dahil tila nahagilap ko ang anino ng antipatikong si Phelan sa kabilang dulo ng parking area.

"He what?" Ara asked out loud. Parang ilang kilometro ang inabot no'n.

Nagsi-unahang mag-panic ang mga lamang loob ko nang mapagtanto kong sinundan nga kami ni Phelan Vargas na tila ako talaga ang pakay. Napahawak uli ako sa braso ng kaibigan kong si Tala saka histerikal na sinabing, "He's right there! Palapit na siya saatin kaya umalis na tayo dito! Takbo!"

"What the-" hindi na natapos pa si Ara ang sasabihin nang mabilis ko itong hilain palayo sa parking area. Nagsitunugan pa ang mga suot nitong burloloy sa katawan habang tinutungo namin ang Gate 1 palabas ng campus.

Good bye for now muna ang mga susunod kong klase dahil mas mahalaga ang buhay ko kaysa sa mga naghihintay na subjects ko. Ano ba 'tong pinasok ko? Bakit sinagot ko pa ng ganoon si Phelan gayong alam ko namang daig pa no'n ang balat sibuyas sa sobrang pagiging sensitive. Palibhasa hindi sanay na binabara ng mga kakilala nito kaya nagulat siyang isang estrangherong katulad ko ang tatalo sa kanya ng ganun-ganon na lang. Ano ba 'tong pinasok mo Kiera? Bulong ko sa sarili habang mabilis na binabaybay ang corridor patungo sa gate.

Kailangang makaiwas ako sa gulong napasok ko kundi madadagdagan na naman ang nakalistang atraso ko sa anak ni Dr. Roberts at ang panglimang pilar na si Astrid o kilala bilang si Friedan. Sa oras na malaman ng niyang may pinasok na naman akong gulo, tiyak na babalandra na naman sa harapan ko ang hawak niyang blank pocket journal kung saan nakalista lahat ng kapalpakan ko sa buhay simula nang kupkupin ako ng kanyang mabuting ama. Hahaba na naman ang oras na magkakasama kami sa iisang bubong. Bawat isang pagkakamali o kapalpakan, isang linggong extention ng pananatili niya bilang guardian ko.

Maraming dahilan kung bakit gusto ko nang humiwalay kay Friedan. Maraming mabibigat na dahilan na kailangan ko nang tugunan bago pa sumabog ang dibdib ko. Masakit man ang humiwalay sa kanya, sa mga bagay na nakasanayan ko, mas masakit parin ang paulit-ulit na umasa sa isang bagay na alam kong hinding-hindi mangyayari. Kaya sana dumating na ang panahon na makapagsimula akong muli bilang ako lang. Ako lang.

"Run! Do'n tayo sa kabilang lane!" Hinihingal kong sabi kay Ara na nanlalaki ang mga singkit nitong mata sa gulat at pagod. "Bilis!"

Sa loob ng napakabilis na pagkakataon ay natawid namin ang kabilang lane ng kalsada. Sasakay na lang kami ng dumadaang mga jeep o taxi papuntang kahit saan. Kahit saan basta malayo sa campus.

"Kiera pumara ka na! Nasa bungad na ng gate si Phelan at ang mga ulupong niya!" malakas uling sabi ni Ara na kahit dikit na dikit na saakin. Niyugyog pa nito ang kaliwang braso ko dahil sa papalapit nang si Phelan Vargas.

"Crap Ara, huwag mong baliin yang braso ko!"

"N-na-nan-nandiyan na-nan-na siya!" hindi magkaugagang usal ng babae na namumutla na sa sobrang kaba.

Pinasadahan ko ng lingon ang lalaki at ang mga kasamahan nito, palabas na sila ng gate at mukhang nakita na nila kami. Itinaas ko ang aking kamay para parahin ang paparating na taxi. Nagririgodon ang dibdib ko habang palipat-lipat ng lingon sa taxi at sa grupo ni Phelan. Manong paliparin mo yang sasakyan! Bilis! Lihim akong napakuyom ng palad habang tinatantya ang takbo ng cab at ng lalaki. Mauuna ang taxi ng tatlong segundo.

"Hayan na sila!" paulit-ulit na sabi ni Ara na parang isang dasal sa aking pandinig.

Nalipat ang tingin ko sa grupo ng mga kalalakihang palabas na ng gate. Shit!

Nang ibalik ko ang tingin sa parating na cab, nagulantang ako sa mabilis na pag-overtake ng isang Silver Audi A6 mula sa likuran ng taxi na pinara ko. Napakabilis at napakaswabe ng pagtakbo ng sasakyang kilala ko kung sino ang nagmamay-ari. "F-Friedan!"

Nagmistulan kaming mga estatwa sa harapan ng tumigil na sasakyan.

Biglang bumukas ang rear door ng kotse at bumaba ang side window nito. "Kiera! Get in!"

Ang boses na 'yon ang gumising sa paralisado kong sarili. Hindi ako nagkakamaling si Friedan nga ang biglang sumulpot para isakay kami. Holly shit! Ang malas! Nanggigil ang utak ko habang papasok sa sasakyan kasunod ni Ara. Pagkadikit na pagkadikit ng likod ko sa back seat ng sasakyan ay mabilis na niyang napaharurot ang kotse. Kaagad kong naisara ang back door ng auto at kinapa sa tagiliran ang seatbelt. Pagsundot na pagsundot ng end ng belt sa buckle, naramdaman ko ang tahimik na pagkalabit ni Ara sa nanlalamig kong tagiliran. Tahimik sa loob ng kotse at walang naririnig kundi ang matulin na pagtakbo ng sasakyan at buntong hininga ni Friedan. Maingat kong nilingon si Ara at iniiwas ang tingin sa tiyak na naghihimutok na lalaki. Nang magsalubong ang tingin namin ng kaibigan ko ay napansin ko ang pagnguso nito sa bandang front passenger seat ng kotse.

Kaagad kong nilingon kung sino ang tinuturo ni Ara. Bumungad saakin ang makinis na braso ng babaeng tahimik na nakaupo habang nakahawak ang kamay sa abalang braso ni Friedan. Nagkatinginan kami ni Ara na halatang naiintriga sa babeng kasama ni Friedan.

Sino siya? Ara mouthed sabay turo sa babae. Naroon na naman ang naiintrigang reaksyon niya na gustong alamin ang bawat detalyeng namamagitan kina Friedan at Astrid.

Nagkibit-balikat lamang ako saka pasimpleng sinusulyapan ang dalawa. Parang wala namang taong nakamasid sa kanila dahil mas lalo pang lumapit ang babae kay Friedan at hinimas-himas ang braso nito saka pinatong ang palad sa binti ng lalaki. Malandi. Lantarang malandi. Naisaloob ko kasabay ng pagtiim ng aking mga bagang.

Sopistikada ang babae na halatang galing sa isang may kayang pamilya dahil sa kasuotan nito at sa mamahaling hikaw na kumakaway pa habang tumatakbo ang sasakyan. Maiksi ang buhok nito at makinis ang nakalantad na likuran at mukhang isang model sa pangangatawan pa lang. Bahagya itong napalingon saamin ni Ara saka bumaling kay Friedan.

"Where are we gonna drop them?" Narinig kong usal nito sa maarteng tinig. May westernized accent ang babae na napagtanto kong may lahi nang makita ko ang mukha nito sa mabilisan niyang paglingon. Mukha siyang masungit at mukhang hindi niya gusto ang presensya namin ni Ara.

Nagitla ako at bumalik sa katinuan nang magsalita si Fridan, "Ihahatid na kita."

"Who? What!?" gulat na sabi ng babae na parang hindi makapaniwala sa narinig. Muli itong sumulyap saakin at sa puntong iyon ay isang masakit na irap na ang natanggap ko.

"I said, I'll drop you off your condo."

"Danny? Seriously?" malakas na tugon ng babae. "I thought were going to sp-"

"I already told you Becca, I'm dropping you off."

"Shit!" malutong na mura ng babae sa nagmamanehong lalaki. "Bullshit!"

Nagkatinginan kami ni Ara. Nakaawang pa ang bibig ng huli habang nanlalaki ang mga mata sa gulat. Para kaming nanonoong ng isang eksena sa pelikulankung saan nag-aaway ang magnobyo sa kotse. Umiwas ako ng tingin at kunwaring abala sa tanawing nilalagpasan ng kotse. We're such a love story blocker.

"Stop the car!" sigaw uli ng maarteng babae.

"Becca, not here. Ihahatid na kita."

"No! I said stop the car! Now!" basag na ang tinig ng babae na sa tingin ko'y nagpipigil ng iyak.

Wala na akong narinig mula kay Friedan. Kasunod ng nakakabinging katahimikan ay ang pagtigil ng sasakyan sa isang fast food chain. Pinigil kong lingunin ang eksena sa harapan. Narinig ko ang pagbukas ng front door ng kotse at ang pabalibag na pagsara no'n pagkatapos. Nang sumandal ako sa backseat ng upuan ay saka ko napagtantong nakababa na nga si Becca. Pigil ang buntong hiningang pinakawalan ko bago tinangkang magsalita pero naunahan ako ng pagkalabit ni Ara.

"Kiera, bababa na rin ako," bulong nito na parang nagdadalawang isip na magsabi kay Friedan.

"Kung bababa ka, bumaba ka na Ara," seryosong sabi ng lalaki na halatang nagpipigil. Nakita ko pa ang paghigpit ng hawak nito sa manibela ng kotse.

"Ah eh, oo, sir Friedan. Actually lagpas na ako." Sinundan 'yon ng mahinang paghagikgik ng babae bago humawak sa bukasan ng car door. "Kiera, see you tomorrow. Sir Friedan, thank you po sa ride kahit nilagpas mo ko."

'Yon lang at iniluwa na ng kotse ang nagmamadaling si Ara. Nakita ko pa itong sumakay ng taxi pabalik sa kanto kung saan siya umuuwi kasama ang kanyang tiyahin.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko narinig ang pag-apak ng gas ni Friedan. Nakailang metro na ang tinatakbo ng sasakyan nang bahagyang bumagal ang takbo nito. Pinakiramdaman ko ang lalaki at ang takbo ng sasakyan. Napakapit ako sa dalang bag nang tuluyan nang tumigil ang kotse.

"Lilipat ka ba sa harap o gagawin mo akong driver mo haggang makauwi tayo?" kalmado ngunit may tono ng pagbabanta ang boses nito. Nagpakawala pa ito ng isang malakas na buga ng hangin saka sumandal at hinitay ang paglipat ko sa front seat.

Torture. The most serene but deadliest torture is to sit beside a man like Friedan Roberts.

Isa sa pinakamahabang biyahe ng buhay ko. Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Wakang kibuan at tila mas lumalala ang tensyon sa pagitan namin dahil sa katahimikan. Hindi ko alam kung anong iniisip niya pero tinitiyak kong hindi siya natutuwa. Never naman siyang natuwa saakin. Never niyang naapprecite ang mga bagay na pinagsusumikapan kong mapagtagumpayan. Just to impress him.

Tiyak na uulan ng sermon sa bahay dahil sa gulong ginawa ko sa campus pati na rin sa kanilang dalawa ni Becca. Madadagdagan na naman ang listahan niya ng mga pagkakamali ko at hahaba na naman ang mga araw na mananatili ako sa poder niya.

Awtomatiko niyang hinubad ang suot na jacket na kaagad sinalo ng butler niyang si Jab. Nginitian ko ang huli bago tumalikod at nagtungo sa kusina. Kukuha ito ng alak na pampakalma ni Friedan gaya ng dati.

Narinig ko ang magaan niyang hakbang patungo sa may hangdanan. Nang tanawinnko ito ay tumambad na naman ang matipuno nitong katawan na bakat sa suot niyang white t-shirt. Matagal na akong namangha sa pangangatawan niyang parang inukit ng isang magaling na manlililok. Bagong tabas ang buhok nito kaya lutang na lutang ang makinis niyang kutis na ilang beses na ring nasugatan sa kanyang mga nagdaang misyon. Tahimik na humakbang paakyat ng hagdanan ang lalaki. Halos hindi marinig ang paglapat ng sapatos nito sa staircase. I always wonder how he always manage to walk so pleasingly attractive with his sexy legs and back maintaining his manly aura. He's an epitome of perfection. The man I always look up to despite of all the hurt he had caused me. "Today is listed Kiera. I don't wanna argue or even discuss the issue with you. I am damn tired so cut the crying scene."

Sinakop ng boses niya ang buong sala ng mansion. Nanatili naman akong nakatayo sa pintuan na tila hindi makapaniwalang pinalagpas niya ang mga nangyari ngayong araw. Lucky me. Nagdiriwang ang mga ugat ko sa katawan.

Nang masiguro kong nakapasok na ito sa kwarto at narinig ang pagbangga ng pintuan sa door frame ay saka ko pinakawalan ang hanging naging bikig sa aking lalamunan ng ilang minuto. Napasuntok ako sa ere at napa-head bang na parang rakistang sinasaliwan ng tugtugin ng banda saka tuluyang umakyat sa ikalawang palapag ng bahay. Naka-tip toe pa ang mga paa ko papasok ng kwarto. Mahirap nang marinig ako ng lalaki at magbago ang isip nito't sermonan ako dahil na naman sa ingay lalo na't magkatabi lang ang kwarto namin.

Hindi naman siya doon natutulog dati. Dati siyang nasa master's bedroom pero simula nang may umatake saakin noong nagdaang taon ay nagpasya siyang doon na lang muna mamalagi. Sabi niya pansamantala lang naman daw hanggang sa inabot na siya ng higit isang taon sa kwartong 'yon.

Mabait siya kung tutuusin. Istrikto lang at laging naninita pero maalaga siya bilang isang guardian. Sa loob ng higit isang dekadang magkasama kami, nakilala ko siya at nakita ko ang tunay niyang pagkatao na madalas hindi makita ng marami –matapang, disiplinado, may paninindigan at tapat sa tungkulin bilang isang anak ng liwanag.

Gaya ng dati, laman parin siya ng utak ko hanggang sa tuluyan na akong mahimbing. Sigurado akong maging sa panagunip ko, sinisermonan na naman ako ni Friedan o ni Astrid, ang ikalimang pillar.

***

Mukha akong kriminal na tinutugis ng mga alagad ng batas habang papasok sa gate ng Diamond Hills University. Gaya ng dati, nag-commute na naman ako papasok dahil hindi naman talaga ako hinahatid ng masungit na si Friedan. Nakatakip sa kalahati ng mukha ko ang hawak kong folder na naglalaman ng mga sinulat kong piyesa at dalawang libro na sinadya kong dalhin para may maipantakip sa mukha. Kanina ko pa hinihiling na sana nakalimutan na ng campus criminal na si Phelan Vargas ang pambabara ko sa kanya kahapon.

Nagulantang ako at halos manginig nang mag-ring ang phone ko. Nagsisi ako bigla kung bakit napakalakas ang na-set kong volume para sa tone ng incoming calls. Kaagad kong hinablot ang gasgas kong android phone sa aking bag. Si Ara ang tumatawag na matiwasay daw na nakapasok ng campus at ngayo'y nasa classroom na. Lucky her!

"He's not here sis! Tinanong ko na ang mga die hard fans ni Phelan, wala pa daw siya. Eh alam mo naman 'tong mga 'to diba? Daig pa ang CCTV sa sobang alerto ng mga mata."

"Okay Ara. Papunta na ako diyan. Salamat!" Halos magdiwang ako nang sabihin iyon sa kaibigan. Nawala ang lahat ng kaba sa aking dibdib at sumilay ang isang ngiti ng tagumpas sa aking mga labi.

Freedom! Yes! Peace, freedom and happiness! Sigaw ng utak ko habang mabilis na binabaybay ang shaded pathway patungo sa building ng college namin. Nalagpasan ko pa ang College of Engineering building saka ninamnam ang kalayaan ko. "Yes!"

"Yes what?"

Natigil ako sa paglalakad. Bumangga ako sa isang mainit na katawan na siya ring nagtanong ng 'yes what?'. Tumigil ang mundo ko at nagsimulang magkarera ang mga ugat sa dibdib ko. Dahan-dahan, napatingala ako sa lalaking nakatayo sa aking harapan. Isang gwapong lalaking may sungay. Nanginig ang aking mga labi pero nagawa kong sabihin ang pangalan niya, "P-PHELAN!?"

###


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C5
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄